filipino
Ano ang Teknikal na salita?
Ang teknikal na salita ay isang salita o termino na ginagamit sa isang partikular na larang, propesyon, industriya, o gawain at may tiyak na kahulugan na maaaring iba sa karaniwang gamit nito sa pang-araw araw na komunikasyon.
Halimbawa
Ang salitang “mouse” ay karaniwang tumutukoy sa isang maliit na hayop. Ngunit sa ICT, ang mouse ay isang input device na ginagamit upang makontrol ang cursor sa computer.
Sa makatuwid, nagbabago o nagiging mas espesipiko ang kahulugan ng isang salita depende sa larang kung saan saan ito use.
Aralin 7: Pagtatala ng mga Teknikal na Salita sa Piling Teknikal-Propesyonal na Larang
PANIMULA
Sa iba't ibang larang ng trabaho at propesyon, may mga salitang ginagamit na may tiyak at espesyalisadong kahulugan. Ang mga salitang ito ay tinatawag na teknikal na salita.
Halimbawa
→ Sa ICT, ginagamit ang salitang software, hardware, at database.
→ Sa Automotive, ginagamit ang engine, brake system, at transmission.
→ Sa Hospitality and Tourism ginagamit ang reservation, check in, at front office.
→ Sa Construction, ginagamit ang blueprint, foundation at concrete.
→ Sa Aesthetic and Wellness ginagamit ang facial, exfoliation, at massage therapy.
Mahalagang matutuhan ng isang mag-aaral ang mga teknikal na salita upang maging wasto, malinaw, at propesyonal ang kaniyang pakikipagkomunikasyon sa napiling larang.
IV. Katangian ng Teknikal na salita
Ang teknikal na salita ay:
1. Espesipiko
May tiyak na kahulugan sa isang larang.
Halimbawa:
Blueprint → teknikal na guhit o plano ng isang gusali
2. Propesyonal
Karaniwang ginagamit sa isang trabaho, industriya o propesyon.
Halimbawa:
Diagnosis → proseso ng pagtukoy sa isang kondisyon batay sa mga sintomas o pagsusuri.
3. Eksakto
Ginagamit upang maiwasan ang kalituhan o maling interpretasyon.
4. Nakabatay sa Larang
Ang kahulugan at gamit ay nakadepende sa espesipikong larang.
5. Ginagamit sa Teknikal na komunikasyon
Malimit sa mga manual, ulat instruksyon, dokumentasyon, report at iba pang tekstong teknikal propesyonal.
V. MGA DAPAT ITALA SA PAG-AARAL NG TEKNIKAL NA SALITA
Sa pagtatala ng mga teknikal na salita, mahalagang idalang-alang ang sumusunod.
Salita
Ang teknikal na termino na ginagamit sa isang partikular na larang
Kahulugan
Ang tiyak na ibig sabihin ng salita batay sa larang
Gamit
Kung paano ginagamit ang salita sa isang pangungusap o sitwasyon.
VI. MGA TEKNIKAL NA SALITA AYON SA PINILING LARANG
A. Aesthetic, Wellness, and Human Care
Ang larang na ito ay nakatuon sa personal na pangangalaga, kagandahan, wellness at serbisyong pangkalusugan.
Facial
Salita: Facial
Proseso ng paglilinis at pangangalaga sa balat ng mukha.
Gamit:
Isinasagawa ang facial upang mapanatiling malinis ang balat.
Exfoliation
Proseso pagtanggal ng mga patay na selula sa balat.
Gamit:
Ginagamit ang exfoliation bilang bahagi ng skin-care procedure.
Massage
Pamamaraan ng pagmamanipula upang makatuon sa pagpapahinga ng katawan.
Gamit:
Isinasagawa ang massage ayon sa pangangailangan ng kliyente.
B. Agri-Fishery Business and Food Innovation
Nauugnay ito sa agrikultura, pangisdaan, produksyon ng pagkain, at pagbabago sa mga produktong pagkain.
Irrigation
Pamamaraan ng pagbibigay ng tubig sa mga pananim.
Gamit:
Gumagamit ang magsasaka ng irrigation system sa bukid.
Harvest
Proseso ng pagkuha ng mga hinog na pananim.
Gamit:
Isinasagawa ang harvest ng palay sa susunod na linggo.
Processing
Proseso ng paghawak o paghahanda ng hilaw na materyales upang maging produkto.
Gamit:
Kinakailangan ang food processing upang mapahaba ang shelf life ng produkto.
Packaging
Paglalagay at pag-impake ng produkto para sa proteksiyon at pagpresenta.
Gamit:
Kailangang maayos ang packaging ng produktong pagkain.
C. Artisanry and Creative Enterprise
Ito ay may kinalaman sa paglikha ng mga produktong yari sa kamay, sining, disenyo at marketing ng mga ito.
Handcraft
Produksyong karaniwang ginagawa sa pamamagitan ng kamay.
Gumagamit ang mga artisan ng handcraft mula sa lokal na materyales.
Design
Plano o konsepto para sa isang produkto o likhang-sining.
Gumagawa ang mga artist ng bagong design para sa produkto.
Artisan
Taong bihasa sa paggawa ng mga produktong yari sa kamay.
Ipinagmamalaki ng artisan ang kaniyang mga likhang produkto.
Craftmanship
Kasanayan at kalidad sa paggawa ng isang likhang kamay.
Ipinapakita ang produkto dahil sa mahusay na craftsmanship.
🧠 STUDY GUIDE — MAS MADALING I-MEMORIZE
1. Ano ang teknikal na salita?
Remember:
Salita/termino + partikular na larang + tiyak na kahulugan
Technikal na salita = ginagamit sa partikular na larang, propesyon, industriya, o gawain.
Example:
Mouse
Karaniwang gamit → maliit na hayop
ICT → input device
⭐ 5 KATANGIAN — IMPORTANTENG MEMORIZE
# | Katangian | Tandaan |
|---|---|---|
1 | Espesipiko | May tiyak na kahulugan sa isang larang |
2 | Propesyonal | Ginagamit sa trabaho/industriya/propesyon |
3 | Eksakto | Maiwasan ang kalituhan o maling interpretasyon |
4 | Nakabatay sa Larang | Kahulugan at gamit depende sa larang |
5 | Ginagamit sa Teknikal na komunikasyon | Manual, ulat, instruksyon, dokumentasyon, report |
Easy memory:
E-P-E-N-G
Espesipiko
Propesyonal
Eksakto
Nakabatay sa Larang
Ginagamit sa Teknikal na komunikasyon
⭐ V. 3 DAPAT ITALA
Remember:
SALITA → KAHULUGAN → GAMIT
Salita
→ teknikal na termino
Kahulugan
→ tiyak na ibig sabihin
Gamit
→ paano ginagamit sa pangungusap/sitwasyon
⭐ VI. LARANG + TECHNICAL WORDS
💆 Aesthetic, Wellness, and Human Care
Facial → paglilinis/pangangalaga sa mukha
Exfoliation → pagtanggal ng patay na selula
Massage → pagpapahinga ng katawan
🌾 Agri-Fishery Business and Food Innovation
Irrigation → pagbibigay ng tubig sa pananim
Harvest → pagkuha ng hinog na pananim
Processing → paghahanda ng hilaw na materyales upang maging produkto
Packaging → paglalagay/pag-impake ng produkto
🎨 Artisanry and Creative Enterprise
Handcraft → produktong ginagawa sa kamay
Design → plano/konsepto ng produkto
Artisan → taong bihasa sa paggawa ng produktong yari sa kamay
Craftmanship → kasanayan at kalidad sa paggawa