Kasaysayan ng Pilipinas Notes
Kahulugan at Kahalagahan ng Kasaysayan
- Ang kasaysayan ay nagmula sa Griyegong salita na “ἱστορία, istoría” (historie/historia) na nangangahulugang pag-aaral, pag-uusisa, o pagsisiyasat.
- Kasaysayan (Filipino): Salaysay na may saysay sa isang partikular na pangkat ng mga tao sa isang lipunan na nagpapahalaga dito.
- Ayon kay Louis Gottschalk ang history ay "the past of mankind".
Kalikasan ng Kasaysayan
- Isa sa pinakamatandang sangay ng pag-aaral sa Agham Panlipunan.
- Kamalayang pang-kasaysayan na nakapaloob sa mga tradisyon ng Kanluraning Kabihasnan.
- Mahalagang pamana na iniwan ng mga Hudyo, Griyego at ng mga sinaunang Kristiyano.
- Binigyang diin ng mga Hudyo at kinalaunan ng mga Kristyano ang saysay, balangkas at proseso ng mga pangyayari sa nakaraan.
- Ayon kay Aristotle, ang kasaysayan ay isang sistematikong paglalahad ng mga pangyayaring natural, na walang pagsasaalang-alang kung ang paglalahad ay kronolohikal o hindi.
- Noong ika-19 na siglo, sa impluwensya ng kaisipang positibista at panahon ng empirisismo, itinaas sa antas ng pagiging agham o siyensya ang kasaysayan.
- Nagsimula ang paniniwala at pananaw na "WALANG DOKUMENTO, WALANG KASAYSAYAN."
- Ang kasaysayan bilang isang disiplina ng agham panlipunan ay isang sistematikong pag-aaral ng mga nakasulat at di-nakasulat na tala sa nakaraan.
- Zeus Salazar: Ang kasaysayan ay salaysay patungkol sa nakaraan na may saysay sa isang partikular na pangkat ng mga tao sa isang lipunan na nagpapahalaga dito.
Kasaysayan ng Kasaysayan
Sinaunang Kasaysayan
- Malinaw ang diwa ng “salaysay na may saysay,” “pag-uulat sa sarili” at “talastasan” (may malinaw na “pantayong pananaw” na pang-etnolinggwistikong grupo).
- Ito ang mga salaysay na may saysay sa bawat etnolinggwistikong grupo sapagkat ito ang naglalahad ng mga makahulugan, makabuluhan at makatuturan para sa bawat bayan.
- Mga halimbawa:
Biag Ti Lam-Ang (rehiyong Iloko)
Hudhud ng mga Ifugao
Ibalon (rehiyong Bikol)
Darangen ng mga Maranao
Tradisyong Historya
- Mula sa Griyegong historie ng sibilisasyong Europeo at nangangahulugang pagsisiyasat at pag-uulat.
- Historia ng mga Espanol: kronika, na ang pinakabuod ay ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari. Mga kaganapan sa kanilang lahi sa bansa, kaganapan sa kanilang pakikipag-ugnayan sa mga Pilipino, paglalarawan sa kanilang nakikita at naoobserbahan sa paligid.
- Historya at Positibismo (Amerikano): siyentipikong metodolohiya sa pananaliksik at pag-aaral hingil sa nakaraan na nakabatay sa mga dokumento.
- Historya bilang interpretasyon (Amerikano): nakabatay sa pagsusuri ayon sa mga balangkas, hulmahang pangkaisipan at wika ng mga banyaga.
Bagong Kasaysayan
- Pagbawi ng diwa ng SINAUNANG KASAYSAYAN (“salaysay na may saysay,” “pag-uulat sa sarili” at “talastasan”) at pagsasanib at pagtatagpo nito sa ideya ng HISTORYA (“pagsisiyasat,” “pag-uulat,” “Kronika,” “positibismo,” at “interpretasyon”).
- Halimbawa: Ang Katipunan at Himagsikang 1896, “Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog” ni Andres Bonifacio
Ika-19 na Siglo
- Magsisimula ang mga Pilipinong magsulat ng kanilang nakaraan bilang reaksyon sa mga kolonyalistang Espanyol.
Panahong Post-War
- Si Prop. Teodoro Agoncillo ang nagpasimula sa isang bagong pananaw sa disiplina ng kasaysayan sa Pilipinas: Kasaysayan bilang isang interpretasyon at Pagsulat ng kasaysayan ng Pilipinas mula sa Pananaw ng mga Pilipino
- Renato Constantino: History of the Inarticulate
- Reynaldo Ileto: History from Below, Pasyon and Revolution
Pantayong Pananaw
- Zeus Salazar: “Ang Kasaysayan ay salaysay ukol sa nakaraan/ nakalipas na may saysay para sa sariling grupo na iniuulat sa sarili sa pamamagitan ng sariling wika.”
- Sinasagot ng KASAYSAYAN ang mga tanong na:
- Ito ba ay may saysay?
- Kung may saysay, may saysay para kanino?
- Kanino isinasalaysay? Kung sa kapwa Pilipino isinasalaysay, saang wika?
Mga Modelo ng Kasaysayan
- Linear Model: Ang kasaysayan ay may tiyak na simula at katapusan. Isang halimbawa nito ay ang Bibliya.
- Cyclical Model: Ang kasaysayan ay bumabalik sa sinimulan o umuulit. Halimbawa nito ay ang pagkakaroon ng mga dinastiya at kaharian.
- Spiral Model: Hindi umuulit ang kasaysayan. Bagkus, ito ay may mga pagkakapareho lamang. Hindi nauulit ang aspeto ng panahon.
- Chaotic View: Walang pattern ang kasaysayan at wala naman talagang kasaysayan. Ito ay inspirado ng "postmodernist" na kaisipan.
Kaugnayan ng Kasaysayan sa Agham Panlipunan at iba pang Disiplina
- Interdisciplinary Approach: The use of methods and techniques of two or more other disciplines in historical research.
- Historians adopted themes, concepts, and techniques from sociology, economics, political science, and anthropology for new ideas and analysis.
- Historians began to use the techniques and methods of statistics and mathematics to a lesser degree.
- Historians have turned to "humanistic" disciplines such as language studies, poetics, literary criticism, and philosophy.
- Benefits:
- Interdisciplinary approach broadened and deepened the study of history.
- It opened the possibilities of using multiple theories, concepts and methods in historical research.
- It integrated the best elements of disciplinary insights in order to generate a more comprehensive perspective.
- Annales School of Historiography (Multi-disciplinary History: Local History) - Fernand Braudel, Marc Bloch, Lucien Febvre.
- It emphasized the necessity and benefits of adopting themes by breaking disciplinary boundaries.
- Iba’t-ibang uri ng kasaysayan ang maaaring mabuo sa paggamit ng mga konsepto, teorya at metodo ng Political history, Economic history, Cultural history, Social history, Environmental history
Kasaysayan Bilang Agham o Sining
- Bilang isang Agham, ang kasaysayan ay gumagamit ng pamamaraang siyentipiko (Scientific Method) upang masigurong tama ang mga isinusulat ng isang historyador tungkol sa nakaraan.
- Arguments against history as a science:
- History is not experimental and historical events could not be repeated.
- History is concerned with the experiences of human beings.
- Values, opinions, perspectives, and ideologies hold a significant place in history.
- ARTS (SINING): Ang historyador ay gumagawa ng kanyang sariling interpretasyon mula sa mga pinagkunan. Kapag sinulat na ang kasaysayan, kailangan ang sining dito dahil dapat maging organisado, maayos at kaaya-ayang basahin ang kanyang ginawang kasaysayan.
Kahalagahan ng Kasaysayan
- Pagkakaroon ng kaalaman ukol sa tunay na pangyayari sa nakalipas na panahon.
- Napapahalagahan ang kadakilaan, tagumpay at katangi-tanging nagawa ng nakaraang henerasyon.
- Nagbibigkis at nagpapatatag ito sa pagkakaisa ng isang lahi o bansa.
- Maaaring malaman ng kasalukuyang mamamayan ang kakulangan at kamalian ng mga nakaraang panahon.
- Nagbibigay gabay ito sa pagdedesisyon sa kasalukuyan at susunod pang henerasyon.
- Maaaring makabuo ng isang dibuho (pattern) sa ilang mga kaganapan sa bawat yugto ng kasaysayan at bunga nito maaari na sa bandang huli na makapagbigay payo sa nararapat o hindi dapat na gawin sa kasalukuyan. – Prescriptive function
- Nagbibigay ng mabubuting aral o leksyon ang kasaysayan sa kasalukuyan.