AP EXAM SECOND QUARTER

1. Ang salitang latin na ito ay nangangahulugang ipinagpalagay na ang presyo lamang ang salik na nakaaapekto sa pagbabago ng quantity demanded habang ang ibang salik ay hindi nagbabago.

B. Ceteris paribus

2. Isa sa mga elemento na sinusuri sa pag-aaral ng microeconomics ay ang konsepto ng demand na idinidikta o nagmumula sa mga konsyumer. Alin sa mga sumusunod ang tamang pagpapakahulugan sa konsepto ng demand?

C. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na handa at kayang bilhin ng mga mamimili sa iba’t ibang presyo.

3. Isinasaad ng Batas ng Demand na mayroong inverse o magkasalungat na ugnayan ang presyo sa quantity demanded ng isang produkto. Kapag tumaas ang presyo, ano ang mangyayari sa dami ng gusto at kayang bilhin?

A. Bumaba

4. Ang Substitution effect at Income effect ay dalawang konsepto ng demand na nagpapaliwanag kung bakit magkasalungat o inverse ang ugnayan sa pagitan ng presyo at quantity demanded. Alin sa mga konseptong ito ang nagpahayag na kapag tumaas ang presyo ng isang produkto, ang mga mamimili ay hahanap ng pamalit na mas mura.

D. Substitution effect

5. Mayroong tatlong pamamaraan sa pagpapakita ng konsepto ng demand. Ito ay Demand curve, Demand function at _____________.

D. Demand Schedule

6. May mga salik din na nakaaapekto sa demand maliban sa presyo, alin sa mga salik na ito ang nagpapahayag na nakapagpataas ng demand ng indibiduwal ang dami ng bumibili ng isang produkto dahil nahihikayat ka rin na bumili?

A. Dami ng Mamimili

7. Ito ang tawag sa mga produkto na tumataas ang demand kapag tumaas ang kita ng tao.

D. Normal goods

8. Masasabing magkaugnay ang mga produkto sa pagkonsumo kung ito ay sabay na ginagamit. Ano ang tawag dito?

B. Complementary goods

9. Ayon sa batas ng demand, alin sa sumusunod na pahayag ang malinaw na nagpapaliwanag ng graph tungkol sa ugnayan ng presyo at demand ng mga konsyumer?

D. Habang tumataas ang presyo, bumababa ang quantity demanded ng konsyumer.

10. Gamit ang demand function na Qd = 60 – 10P, magkano ang presyo kung ang quantity demanded ay 10?

1 C. 5

11. Ang graph ay nagpapakita ng paglipat ng kurba mula sa kanan patungong kaliwa. Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag ng paglipat ng kurbang ito?

D. Ang paglipat ng kurba sa kaliwa ang nagpapahiwatig ng pagtaas ng presyo ng mga produkto.

12. May iba pang salik ang maaaring makapagpabago sa demand maliban sa presyo, paano kaya tayo matalinong makatugon sa pagbabagong dulot ng mga salik na ito?

A. Kahit mahal ang bilihin ay pilit abutin ang presyo nito upang masunod ang nais ng panlasa.

13. Sa ekonomiks, pinag-aaralan kung paano matutugunan ang walang katapusang pangangailangan ng tao. Ang gawaing ito ay tungkulin ng prodyuser. Ano ang tawag sa dami ng produkto na handa at kayang ipagbili ng prodyuser?

D. Suplay

14. Isinasaad sa batas ng supply na may direktang ugayan ang presyo at quantity supplied ng isang produkto. Ano ang mangyayari sa quantity supplied kapag tumataas ang presyo?

C. Tumataas

15. Isa sa mga paraan ng pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity supplied ay sa pamamagitan ng supply function. Ano ang supply function?

C. Ito ay matematikong paglalarawan ng presyo at quantity supplied

16. Alin sa sumusunod ang pangunahing salik na nakakaimpluwensiya sa dami ng ipinagbibiling produkto at serbisyo?

B. Presyo

17. Alin sa mga konsepto ng suplay ang nagpapakita ng talaan ng ugnayan ng presyo at

D. Supply schedule

18. Maliban sa presyo bilang salik na nakaaapekto sa supply, anong salik ang nakaaapekto sa supply kung inaasahan ng mga prodyuser na tataas ang presyo ng kanilang produkto sa madaling panahon?

A. ekspektasyon ng presyo

19. Sa supply function, ano ang tumatayong dependent variable?

D. Quantity supplied

20. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing salik na nakaiimpluwensiya sa supply?

D. Presyo at iba pang salik

21. Maaring magkaroon ng paggalaw ng kurba kapag nagbago ang mga salik na nakaaapekto sa supply, ano ang sanhi ng paglipat ng kurba kapag lumipat ito sa kaliwa?

B. Pagbabago sa mga negosyante ng isang kompanya.

22. Batay sa supply function na Qs = -100 + 20P, magkano ang quantity supplied kung ang presyo ay 15?

B. 200

23. Mahalagang matugunan ang pagbabago ng mga salik na nakaaapekto sa supply. Alin sa sumusunod ang tuwirang nagbibigay kahulugan sa salitang efficient sa konsepto ng supply?

B. Nakabubuo ng maraming produkto sa kakaunting salik na gagamitin.

24. Ang mga pagbabago sa salik ng supply ay may epekto sa kahihinatnan ng negosyo. Paano tutugon ang mga prodyuser sa pagbabago ng mga naturang salik?

D. Dapat maging matalino at mapanagutan na prodyuser sa bawat gagawin na desisyon lalo na kung maapektuhan ang maraming mamimili.

25. Ano ang tawag sa kalagayan sa pamilihan na ang dami ng handa at kayang bilhing produkto o serbisyo ng mga konsyumer at ang handa at kayang ipagbiling produkto at serbisyo ng mga prodyuser ng mga prodyuser ay pareho ayon sa presyong kanilang pinagkasunduan?

A. Ekwilibriyo

26. Ano ang ipinakita sa kalagayan ng pamilihan kapag hindi pareho ang quantity demand at quantity supplied?

A. Disekwilibriyo

27. Kailangan ni Chiello ng isang dosenang rosas para sa kaarawan ng kaniyang ina ngunit siyam na rosas lamang ang natitira sa flower shop. Anong kalagayan ng pamahalaan ang ipinakikita sa sitwasyon?

C. Shortage

28. Naitakda ang presyo at dami ng produkto o serbisyo sa isang pamilihan dulot ng ekwilibriyo. Ano ang posibleng mangyari kapag magkakaroon ng paglaki ng ng suplay samantalang hindi nagbago ang demand? A. Magkaroon ng pagbaba ng demand. B. Walang pagbabago na magaganap sa supply. C. Magkaroon ng surplus o kalabisan ng produkto o serbisyo. D. Magkaroon ng shortage o kakulangan ng produkto at serbisyo

29. Nagkakaroon ng labis ng suplay sa pamilihan, bakit ito nakapag-uudyok sa bahay kalakal na babaan ang presyo ng produkto?

A. hindi masira ang produkto.

30. Nagaganap ang ekwilibriyo sa pamilihan kapag sa iisang presyo ay pantay ang dami ng quantity demanded sa quantity supplied. Sa kalagayang ito, ano ang implikasyon ng pagkakaroon ng ekwilibriyo sa pamilihan?

D. Sa presyong ekwilibriyo, parehong masaya ang konsyumer at prodyuser sapagkat ang dami ng nais bilhin ng mga konsyumer ay kasindami ng nais ibenta ng mga prodyuser.

31. Alin sa sumusunod na larawan ang industriyang hindi kabilang sa oligopolyo?

D.

32. Lahat tayo ay kinikilala bilang mga konsyumer na may mga pangangailangan subalit hindi lahat ay may kakayahang maging prodyuser o gumawa ng mga produkto at serbisyo na tutugon sa ating mga pangangailangan. Ano ang tawag sa lugar kung saan ang mga konsyumer at prodyuser ay nagtatagpo at nagkakaroon ng palitan sa pamamagitan ng itinakdang presyo ng mga produkto?

B. Pamilihan

33. Ito ay tumutukoy sa balangkas na umiiral sa sistema ng merkado kung saan ipinapakita ang ugnayan ng konsyumer at prodyuser.

A. Estruktura ng pamilihan

34. Sa estruktura ng pamilihang ito ay nagaganap ang tinatawag na product differentiation sa pamamagitan ng packaging, advertisement, at flavor ng mga produkto.

A. Monopolistikong kompetisyon

35. Hindi pinahihintulutan ang pagkakaroon ng kartel sa ating bansa ayon sa itinakda ng Consumers Act of the Philippines o Republic Act 9374 na isinabatas noong Abril 23, 2011. Ano ang kahulugan ng kartel?

D. Pakikipagsabwatan ng mga negosyante.

36. Alin sa sumusunod na estruktura ang nagpapakita na ang industriya ay may iisa lamang ang produkto o serbisyo na walang malapit na kapalit kung kaya’t siya ay may kakayahang maimpluwensiyahan ang pagtatakda ng presyo sa pamilihan.

A. Monopolyo

37. Ang mga sumusunod ang mga dahilan kung bakit madaling pumasok sa pamilihang may ganap na kompetisyon, MALIBAN sa ISA.

B. Walang malapit na kapalit ang produkto.

38. Magkakatulad ang reaksiyon ng oligopolista upang _______.

C. ipakita ang pagkakaisa.

39. Tinatangkilik ang produkto ng monopolyo kahit mataas ang presyo nito sapagkat

C. kailangan ng tao ang produkto

40. Ang pamilihang may ganap na kompetisyon ang sinasabing pinakamodelong estruktura ng pamilihan dahil sa dami ng nagbebenta o dami ng konsyumer. Ano sa palagay mo ang katangian na mayroon ito?

B. malayang kalakalan sa bilihan

41. Ang pamilihan ay sinasabing may ganap na kompetisyon kapag ang sinumang prodyuser ay walang kapangyarihan na palitan o baguhin ang presyo sa pamilihan. Paano nakatutulong ang ganap na kompetisyon sa pamilihan?

D. Sumisigla ang kompetesiyon sa pamilihan dahil marami ang konsyumer at prodyuser.

42. Paano nakakaapekto ang mga estruktura ng pamilihan sa ugnayan ng presyo, demand, at suplay tungo sa pagtugon sa pangangailangan ng tao?

D. Ang presyo, suplay at demand ang nagtatakda ng estruktura ng pamilihan

43. Ano ang tawag sa pagkontrol ng pamahalaan sa presyo ng pamilihan na kilala rin bilang price support?

A. Floor price

44. Sa panahong nakararanas o katatapos pa lamang ng kalamidad ng bansa, ano ang ipinapatupad ng pamahalaan ang pagbaawal sa pagtaas ng presyo sa pamilihan, ano ang tawag dito?

D. Prize freeze

45. Paano gagawa ng desisyon ang pamahalaan kung nagkakaroon na anihan ng palay ngunit nag-alala ang mga magsasaka dahil bababa ang presyo ng mga palay at malulugi sila?

D. Kinakailangang bilhin ng pamahalaan ang labis na suplay upang matulungan ang magsasaka.

46. Ang paggalaw ng alinman sa supply at demand ay makaapekto sa natamong ekwilibriyo maliban sa.

B. Epekto ng paghahangad ng negosyante na lalong yumaman.

47. Ang minimum wage ay batas na ipinatupad ng ating pamahalaan na nagtatakda ng pinakamababang sweldo para sa mga manggagawa, bakit ito ipinatupad ng pamahalaan?

D. Upang makaiwas ang manggagawa na makatanggap ng mababang sweldo.

48. Malaki ang papel ng pamahalaan upang mapanatili ang katatagan ng presyo sa pamilihan. Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag nito?

C. Pagtatakda ng price ceiling at floor price upang magkaroon ng gabay sa presyo ng mga bilihin.

49. Lahat tayo ay kinikilala bilang mga konsyumer na may mga pangangailangan subalit hindi lahat ay may kakayahang maging prodyuser o gumawa ng mga produkto at serbisyo na tutugon sa ating mga pangangailangan. Ano ang tawag sa lugar kung saan ang mga konsyumer at prodyuser ay nagtatagpo at nagkakaroon ng palitan sa pamamagitan ng itinakdang presyo ng mga produkto?

B. Pamilihan

50. Ito ay tumutukoy sa balangkas na umiiral sa sistema ng merkado kung saan ipinapakita ang ugnayan ng konsyumer at prodyuser.

A. Estruktura ng pamilihan