PSPL REVIEWER 1ST QUARTER
PSPL REVIEWER 1ST QUARTER
PAGSULAT ay isang anyo ng komunikasyon kung saan ang kaalaman o mga ideya ng tao ay isinasalin sa pamamagitan ng titik at simbolo. Daan upang maipahayag ang saloobin.
Ayon kay Mabilin (2012)
Maaring personal o ekspresibo— sariling pananaw, nadarama ng manunulat.
Maaring panlipunan o sosyal— layuning makipag-ugnayan sa ibang tao.
Kahalagahan o Benepisyo ng Pagsusulat
Kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan at maisulat sa obhetibong paraan.
Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos.
Mahuhubog ang isipan ng mag-aaral sa mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng pagiging obhetibo.
Mahihikayat at mapapaunlad ang kakayahan sa matalinong paggamit ng aklatan.
Magdudulot ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman— makakapag ambag sa kaalaman ng lipunan.
Mahuhubog ang pagpapahalaga sa paggalang at pagkilala sa may akda.
Malilining ang kasanayan sa pangangalap ng mga impormasyon
(6) Mga Pangangailangan sa Pagsulat
WIKA - Behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, karanasan. Tiyakin kung anong uri ng wika ang gagamitin upang maiakma sa mambabasa. Gamitin ang wika sa malinaw, masining, tiyak at payak.
PAKSA - Pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat mapaloob sa akda. Mahalagang ang magkaroon ng sapat na kaalaman.
LAYUNIN - Paghabi ng mga datos ng sulatin at kailangang matiyak ang motibo.
PAMAMARAAN NG PAGSULAT
Paraang Impormatibo - Magbigay ng inspirasyon
Paraang Ekspresibo - Nagbabahagi ng sariling opinyon.
KAALAMAN SA WASTONG PAMAMARAAN NG PAGSULAT - Pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika.
KASANAYAN SA PAGHABI NG BUONG SULATIN - Kakayahang maglatag ng mga kaisipan ng organisado.
(6) Mga Uri ng Pagsulat
Malikhaing Pagsulat
→Maghatid ng aliw, makapukaw ng damdamin, at imahinasyon ng mambabasa.
Teknikal na Pagsulat
→Layuning pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang pag-aaral.
Propesyonal na Pagsulat
→Sulating may tiyak na larangang natutuhan sa akademya. Propesyong napili.
Dyornalistik na Pagsulat
→Nagpapahayag ng mga balita, may obhetibo at totoo.
Reperensyal na Pagsulat
→Bigyang pagkilala ang mga pinakaunang kaalaman o impormasyon.
Akademikong Pagsulat
→Intelektwal na pagsulat. Pagpapataas ng kaalaman ng indibidwal sa iba’t ibang larang.
(6) PROSESO NG PAGSULAT
Bago Sumulat
→Tala na ihahanda na naroon ang ideya. Brainstorming.
Unang Draft
→Dito inilalapat ang produktong gagawin bago sumulat.
Pag-e-edit
→Kapag tapos na ang unang draft, iwinawasto ang mga kamalian.
Pagrerebisa
→Pagbabago at pag-aayos ng naunang sulatin.
Pinal na draft
→Pinal na sulatin na maayos at malinis, maari na itong ipasa sa guro.
Paglalathala
→Pagbabahagi sa iba ng sulatin, maaring idikit sa paskilan o ilathala.
AKADEMIKONG PAGSULAT
→Ang akademikong pagsulat ay isang intelektwal na pagsulat. Nakapagpapataas ng kaalaman.
→Ayon kay Carmelita Alejo, et al (2005), ang akademikong pagsulat at may sinusunod na kumbensyon na nagbibigay suporta sa mga ideyang nangangatuwiran.
→Maayos inihahanay ang mga pangungusap.
→Ayon kay Arrogante, et al (2007), ang pagbuo ng sulatin at nakasalalay sa kritikal na pagbasa. Kailangang mangalap ng mahahalagang datos, mag-organisa ng mga ideya, lokal na ideya, mahusay na pagsusuri, citation, atbp.
(5) Katangian ng Akademikong Pagsulat
PORMAL - Iniiwasan ang mga balbal at kolokyal na salita.
OBHETIBO - Credible ang mga datos at iwasang magbigay ng mga personal na opinyon.
MAY PANININDIGAN - Ang nilalaman ay pag-aaral o mahahalagang impormasyon.
MAY PANANAGUTAN - Ang mga kinukuhang datos ay binibigyang pagkilala (Citation).
MALIWANAG AT ORGANISADO - May pagkakasunod-sunod.
(7) LAYUNIN SA PAGSASANAY SA AKADEMIKONG PAGSULAT
Makapagsagawa ng wastong pangangalap ng mga impormasyon.
Nagagamit ang mga kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng iba’t ibang teksto.
Natatalakay ang paksa ng mga naisagawang pag-aaral ayon sa pananaw ng may-akda.
Nakapagsusuri ar nakabubuo ng wastong konsepto.
Malinang ang kasanayan.
Matukoy na ang akademikong sulatin ay isang kurso na lumilinang sa pagiging inobatibo.
Napahahalagahan ang mga nagawang sulatin sa paggawa ng portfolio.
ABSTRAK
Ang abstrak ay nagmula sa lating salita na “Abstracum” ay maikling buod ng artikulo o ulat na inilalagay sa instruduksyon.
Pinakabuod ng akdang akademiko at inilalagay bago ang intruduksyon.
Tinataglay nito ang mahahalagang elemento o bahagi ng sulating akademiko - Philip Koopman, 1997
Siksik na bersyon ng pananaliksik
Kahit maikli ay dapat makapagbigay ito ng sapat na deskripsyon o impormasyon tungkol sa laman ng papel.
(2) DALAWANG URI NG ABSTRAK
Deskriptibo
Impormatibo
(5) Mga dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak
Makikita ang kabuon ng papel.
Huwag maglalagay ng statistical figure.
Simple, malinaw at direkta ang pangungusap.
Obhetibong pagsulat.
Maikli ngunit komprehensibo.
(6) Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak
Basahin at pag-aralan ang papel.
Hanapin at sulatin ang unang kaisipan.
Isulat ng patalata ang magkasunod na bahagi.
Iwasang maglagay ng graph, table, at iba pa.
Basahin muli ang ginawang abstrak.
Isulat ang pinal na sipi.
(4) Katangian ng Mahusay na Abstrak
Binubuo ng 200-250 na salita.
Gumagamit ng mga simpleng pangungusap.
Walang impormasyong hindi nabanggit sa papel.
Nauunawaan ng target na mambabasa.
BIONOTE
Maikling impormatibong sulatin na naglalahad ng klasipikasyon ng isang indibidwal at kredibilidad bilang propesyunal.
Pinakamaikling buod ng mga tagumpay, pag-aaral at pagsanay ng mga akda
Maari ding makita sa likuran ng pabalat na may larawan ng awtor
Mayroon dalawa hanggang tatlong pangungusap lamang.
Binubuo ng 200 - 250 na salita
Katangian ng Bionote
Gumagamit ng ikatlong panauhan.
Kinikilala ang mga mambabasa.
Gumagamit ng pabaligtad na tatsulok kung saan inuuna ang pinakamahalagang impormasyon.
Naaangkop sa kasanayan o katangian ang mga nilalaman ng bionote.
Binabanggit ang Degree o tinapos ng paksa.
May makatotohanang paglalahad sa isang tao.
Laman ng Bionote
Personal na impormasyon gaya ng kapanganakan hanggang kasalukuyan.
Kaligirang pang edukasyon na sumasakop sa ngalan ng paaralan, digri at karangalan.
Ambag sa larangang kinabibilangan gaya ng kontribusyon at adbokasiya.