Pag-unlad at Pagsulong
Pag-unlad at Pagsulong
Ayon kay FAJARDO (1994):
PAG-UNLAD: Progresibo at aktibong proseso.
PAGSULONG: Bunga ng proseso.
Aspekto ng pag-unlad na makikita o masusukat:
Bagong gusali at establisyemento.
Bagong kalsada at pampublikong transportasyon.
Makabagong makinarya at teknolohiya.
Pagtaas ng GDP/GNP ng bansa.
Pagdagsa ng dayuhang mamumuhunan (Foreign Direct Investment).
Pag-angat o pagbabago sa antas ng pamumuhay ng lahat.
Kalidad ng buhay ng mga tao.
Dapat na nararamdaman ng mamamayan ang mga pagbabago.
Mataas na serbisyong pangkalusugan.
Pagtanggap ng kalidad na edukasyon.
Pagkakapantay-pantay sa lipunan.
Pag-alis ng kahirapan.
Ayon kay Todaro at Smith (2012)
PAG-UNLAD:
TRADISYONAL na pananaw: Pagtaas ng ekonomiya.
MAKABAGONG pananaw: Pagbabago sa buong sistemang panlipunan.
Human Development Index (HDI)
HDI: Tumutukoy sa pinagsama-samang sukat ng tatlong dimensyon ng pag-unlad ng tao:
Kalusugan.
Edukasyon.
GNI per capita.
Gampanin ng Mamamayang Pilipino sa Pambansang Kaunlaran
MAPANAGUTAN:
Tamang pagbabayad ng buwis.
Makialam - paglaban sa anomalya at korapsyon.
MAABILIDAD:
Bumuo o sumali sa kooperatiba.
Pagsasagawa ng pagnenegosyo.
MAKABANSA:
Pakikilahok sa pamamahala ng bansa.
P paggamit sa mga produktong Pilipino.
MAALAM:
Tamang pagboto.
Pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa komunidad.
Sektor ng Agrikultura
AGRIKULTURA: Sining sa pagpaparami ng pagkain.
APAT NA SUB-SEKTOR:
Pagsasaka/Paghahalaman: Mga pangunahing pananim sa bansa at pinagkukunan ng malaking demand ng industriya.
Pangangahoy/Paggugubat: Iba’t ibang punongkahoy na nagbibigay ng malaking kita sa bansa.
Paghahayupan: Nag-aalaga ng hayop; malaking tulong ng livestock sa ekonomiya.
Livestock Industry: Karne ng baboy, baka at kambing.
Poultry Industry: Pagmamanukan.
Pangingisda: Pangunahing hanapbuhay ng mga naninirahan sa katubigan; malaking tagasuplay ng isda sa pandaigdigan.
Uri ng Pangingisda:
KOMERSYAL: Gamit ang malaking barko, kadalasang kinokontrol ng malaking negosyo.
MUNISIPAL: Gamit ang maliit na bangka, nangingisda sa dalampasigan.
AQUACULTURE: Nagpaparami ng isda, kadalasang may-ari ng mga palaisdaan.
Kahalagahan ng Agrikultura
Nagbibigay ng trabaho.
Nagsusuplay ng pagkain.
Nagbibigay ng kitang panlabas sa pag-export.
Pinanggalingan ng hilaw na materyales.
Dahilan at Epekto ng Suliranin
(PAGHAHALAMAN O PAGSASAKA)
Suliranin:
Pagliit ng lupang sakahan.
Epekto:
Pagbaba ng productivity ng natitirang lupa.
(PANGISDAAN)
Suliranin:
Polusyon sa pangisdaan.
Epekto:
Pagkamatay ng marine life.
Kahirapan sa hanay ng mangingisda.
Mapanirang operasyon:
TRAWL FISHING: Paggamit ng malaking lambat na may pabigat.
(PAGHAHAYUPAN)
Suliranin:
Pagkalat ng sakit.
Epekto:
Pagbabawas ng produksyon.
(PAGGUGUBAT)
Suliranin:
Pagkawala ng kagubatan.
Epekto:
Pagbaha.
DEFORESTATION: Pamaraan ng pagkasira sa kalikasan.
KAINGIN (SLASH AND BURN): Paraan ng pagpuputol ng puno at pagsusunog nito.