ARP lesson 2


ARP Lesson 2

Tunguhin ng Araling Pilipino

-          Ayon kay Georg Wilhelm Friedrich Hegel, hindi maituturing ng isang bayan na ganap na sa kaniya ang isang kahanga-hanga o dakilang bagay hangga't hindi nito nakikilala ang sariling wika.

-          Gayundin ang panawagan ni Dr. Jose Rizal, mula sa kanyang isinulat na nobelang El Filibusterismo. Nanawagan si Simoun na palaguin at palaganapin ang sariling wika dahil sa paniniwalang ito ang magbibigay laya sa bansa.

Pagpopook ng "Pilipinolohiya/Pilipinisasyon" sa Araling Pilipino

-          Mga ideolohiya ni Rizal bilang panimulang pagpopook sa Pilipinolohiya/Pilipinisasyon bilang pag-aaral at pagkilala ng/sa sarili.

-          1861 - Panahon ni Rizal - 1863 Nagkaroon ng Educational Reform Decree.

-          Naitatag ang edukasyong Primarya, sekundarya (Ateneo, San Juan De Letran) at Kolehiyong antas

-          Practice of teaching (Needle work, Home Economics, Music) para sa mga babae.

-          Binabanggit ito sa Urbana at Feliza - Manual pattern para sa mga kababaihan

o   Lagda – counter part ng Urbana at Feliza para sa mga bisaya

o   Las Doncellas - Sealed/ Virgin (Sikolohiya - Pagtitiis - Birhen)

o   Illustrado - pero walang Illustrada?

o   Illustrado - Mga nakapag-aaral sa ibang bansa gaya sa Europe at mga reserved na tao

-          Pilipinolohiya bilang kalipunan ng kaisipan, kilusan at programang akademikong nagpupunyaging bumalikwas o pumihit ng oryentasyon mula sa masyadong tuon sa kanluraning modelo, paradigma, kaisipan at metodolohiya ng noo'y umiiral ng Philippine Studies (Rodriguez-Tatel 20015, 2).

-          Pamamayagpag ng Araling Pilipino bilang kasangkapang "neo- kolonyal'sa akademya.

-          Kinilala/kinikilala ang Araling Pilipino bilang araling panlarangan o area studies - tinitignan ang bansang Pilipinas bilang isang larang lamang ng "unibersal".

-          Noong dekada 1970, ipinakita ng mga Pilipinong iskolar ang kakanyahang sumalungat sa agos ng umiiral na kanluraning oryentasyon sa akademya.


Mula Pagpopook tungong Pagdadalumat: Mga Muhon ng Pilipinisasyon

-          Ang "Triumvirate" (lupon ng 3 tao na may kapangyarihan) ng Pagsasakatutubo at Pilipinisasyon ng Agham Panlipunan

-          Virgilio Enriquez (Ama ng Sikolohiyang Pilipino)

Dalawang tunguhin ng pagdadalumat:

1.      Indihenisasyon mula sa loob (paggamit ng sariling kultura bilang bukal ng kaalaman at mga konseptong katutubo na matapat na naglalarawan ng pananaw-sa-daigdig ng mga Pilipino)

2.      Indihenisasyon mula sa labas (pag-aangkin ng mga konseptong mula sa banyaga sa pamamagitan ng pagsasalin, pag-aandukha at kultural na asimilasyon ng mga ito sa karanasan ng mga Pilipino)

-          Prospero Covar (Ama ng Pilipinolohiya)

Sistematikong pag-aaral ng Kapilipinuhan sa tatlong larangan:

1.      Kaisipan

2.      Kultura (kasama ang wika, iba't ibang larang ng sining, pilosopiya at relihiyon)

3.      Lipunang Pilipino

-          Zeus Salazar (Ama ng Pantayong Pananaw/Ama ng Bagong Histograpiyang Pilipino

Pangkayong Pananaw

-          Kapag nakikipag-usap mula sa labas tungo sa mga tagaloob ng isang partikular na kalinangan.

-          Halimbawa: "Kayo ay mga Indio lamang, at lahat ng nalalaman ninyo ay utang ninyo sa amin, sapagkat ang kasaysayan ng inyong bayan ay may dalawang bahagi lamang: una, ang panahon nang hindi pa kayo Kristiyano at sibilisado kung kailan lugmok pa kayo sa karimlan; pangalawa, nang dumating ang mga Espanyol, upang idulot sa inyo ang liwanag ng aming sibilisasyon at relihiyon Kristiyano." Dilim – Liwanag

Pangkaming Pananaw

-          Patungo sa labas o banyaga ang pagpapaliwanag. Ang pagpapaliwanag dito ay tungkol sa sariling kalinangan-at-lipunan.

-          Halimbawa: Lingua Franca

-          Ipinatutungkol ng mga Propagandista sa mga nang-aalipustang Espanyol ang pagpapawalang katuturan ng mga ito tungkol sa kawalan ng "sibilisasyon" ng Indio, kinailangan nilang sabihin at ikalat na rin ito sa wikang Espanyol. Hindi ang mga kasapi ng dati nilang mga kalinangang katutubo ang kanilang kinakausap kundi ang mga nagkolonista sa mga bayan at kalinangan sa kapuluan.

-          Samakatuwid, nasa pangkaming pananaw ang kanilang pagtingin sa sariling lipunan at kultura sapagkat ipinatutungkol ng mga propagandista sa mga nang-aalipustang Espanyol ang pagpapawalang-katuturan ng mga ito tungkol sa kawalan ng "sibilisasyon" ng Indio, kinailangan nilang sabihin at ikalat na rin ito sa wikang Espanyol.

-          Kaya ang nasimulan nilang tradisyon ng pagbubuo ng kabihasnang pambansa (at Pilipino) ay naligaw sa wikang banyaga, at sa mga konseptong banyaga na hindi lamang itinugma sa sariling tradisyon.

Pangkaming Pananaw sa Kasalukuyan

-          Nang dumating ang mga Amerikano inatupag naman ng mga Ilustrado ay ang ipakita sa bagong banyaga na ang Pilipino ay pwedeng-pwede maging doctor, abogado, inhinyero, at sa huli, pati na artista at beauty contest winner (hindi pala pangit!).

Kulturang Nasyonal

-          Umiinog ito sa konsepto ng "nasyong Pilipino" na sa simula'y binuo sa wikang Espanyol ng mga Propagandista at Rebolusyonista, pagkatapos ay isinulong ng mga inapo nito: Quezonà Osmenà Roxasà Laurelà Rectoà Magsaysayà, Marcosà, Aquino sa pakikipagtulungan sa mga Amerikano kung kaya't sa wikang Ingles ang pagkahulma ng estado sa ngayon.

-          "...para sa elite at upang madagdagan ang mga maninilbihan sa bagong sistemang kolonyal." Ang pangkalahatang pananaw ay "Pangkami"

-          Ang Kulturang Nasyonal na pinalalaganap ng elite, samakatuwid, ay instrumento ng dominasasyon sa taumbayan. Ito ay isang halimbawa ng representasyon ng Imperyalismo.

Pangsilang Pananaw

-          Patukoy sa iba at hindi sa kapwa

-          Halimbawa: "Ganito sila, ganito ang ugali nila, o ganito ang mga tagalabas o banyaga"

-          Stereotyping

Ang Pantayong Pananaw sa Kasaysayan

-          Bago makaugnay ang mga dayuhang Espanyol noong ika-16 na dantaon wala pang iisang Pantayong Pananaw sa buong arkipelago, wala pa ring nasyong Pilipino.

-          Zeus Salazar bilang isang Marxista

-          Superstructure/ Hegemonya

-          Ang nasyong Pilipino ay nabuo lamang sa bahagi ng Kapilipinuhan na nalantad nang husto sa Kanluran (nabahiran, kung hindi man talagang nabago ito). Nabuo ito sa pagsusumikap ng mga elite ng bahaging Kristiyano ng kolonyang Espanyol

-          Elite: Mga akultaradong grupo ng tao nagsimula: ladino (mga natuto ng Espanyol) -ginawang tagasalin at tagatulong ng mga prayle sa ebanghelisasyon.

-          Kanluranin sa proseso ng akulturasyon

-          Ika-18 na dantaon: Unti-unting pumasok nang mas maramihan ang mga akulturado o ladino sa sistemang kolonyal ng mga Espanyol: eskriba, abu- abugado, at sekular na pari.

-          Sekular na Pari vs Prayle. "Kayong mga Indio ay walang sibilisasyon, barbaro, pagaya-gaya, walang utang-na-loob, soberbio, angkop lamang sa pamamastol ng kalabaw...." -Fray Gaspar de San Agustin.

-          Ika-19 na dantaon: Ladino - Sekular na Pari - Ilustrado "mga ladinong pormal na nakapag-aral; mga namulat at nagkamit ng kaliwanagan o niliwanagan"

-          Sa kabilang banda, wala o napawalay man ang mga Ilustrado sa kanilang sariling mga kalinangan, subalit hindi naman sila matanggap-tanggap ng mga Espanyol sa matataas na baitang ng lipunang kolonyal.

-          Tinanggap nila ang pagtatakwil sa kanila ng Espanyol. Tinawag nila ang kanilang mga sarili na "Pilipino." Ang punto-de-bista ng mga Pilipinong ito ay "Pangkami" kaya ang sinasabi nila ay ganito:

o   "Hindi totoo na bago dumating ang mga Espanyol ay walang kabihasnan kaming mga Pilipino. Sa katunayan, may kultura na kami, nakikipag-ugnayan na kami sa Tsina, Indotsina, sa India, at iba pa, "bago dumating ang mga Espanyol."

Pantayong Pananaw sa Kasalukuyan

-          Sa larangang pangkalinangan, ang pagkatatag ng nasyon ng mga elite ay nagbunga ng pagkakahati ng kapilipinuhan ang dambuhalang pagkakahating pangkalinangan:

o   (1) Ang kultura at lipunan ng akulturadong elite na ang wika ay Ingles at Espanyol (ladino=paring secular ilustrado=pensionado/Fullbrigh scholars=makabagong intelektuwal, na napapalooban ng lahat ng klase ng iskolar, kapwa manunulat, at iba pang padala o panauhin sa Estados Unidos, Hapon, at iba pa.)

o   (2) Ang kalinangan at lipunan ng bayan na ang pangkalahatang wika ng ugnayan ngayon ay Tagalog o Pilipino, at maging mga wikang rehiyonal.

-          Maiiugat ang paggamit ng "edukasyon" para magtagumpay ang "imperyalismong Amerikano".

-          Ang sistema ng edukasyon ang huhubog at huhulma sa diwa at kaisipan ng mga bagong akulturado na siya na ring aatang sa sarili (nang walang pahintulot mula kaninuman) na buuin ang "kulturang nasyonal."

Closed Circuit

-          Isang nakapanid na pag-uugnayan/pakikipag-ugnayan. Ito ay nangyayari lamang kung iisa ang code o pinagtutumbasan ng mga kahulugan. Bago pa man makaugnay ng Kapilipinuhan ang mga Espanyol, bawat isa sa mga pangkat etniko ay may sariling Pantayong Pananaw na.

-          Halimbawa:

o   Bathala-Diyos ng mga Espanyol

o   Awit-Pasyon

Pantayong Pananaw

-          Ang pinakabuod ng Pantayong Pananaw sa agos ng ating kasaysayan ay ang pangyayaring dahil sa kolonyalismo'y nawala o unti-unting nalilimutan ang mga kasanayan o kultura ng maraming mga grupong etnolingguwistiko sa ating bayan. Ang paimbabaw na naipalit ay ang kabuoang kolonyal na siyang magiging batayan na pagkatapos ay magiging "nasyong Pilipino".

Kalinangang Bayan

-          Kinalabasan ng proseso ng pagkabuo ng mga pamayanang Pilipino sa isang Bayang Pilipino, ang Inang Bayan ng Himagsikan 1896.

-          Mula ang lahat ng ito sa pakikiharap, pakikitunggali, at pakikipag-ugnay ng mga kalinangang Pilipino sa isa't isa. Hindi talaga alam ng mga elite ang kaniyang kalikasan, ang kaniyang mga katangian, kahit ang kaniyang anyo. Malalim ang kanilang kamangmangan hinggil sa kanilang tunay na pagkatao, hinggil sa pagka-Pilipino at kapilipinuhan. Napawalay sila rito at nahirati (o nahihirati pa) sa pagpapasa-Kanluran.

-          Halimbawa: Ang kinatawan ng Pilipinas sa "Many People, Many Places" project.

 

Pagkalito Ng Mga Elite

1.      Lagi na lamang suliraning ang identidad: "Sino ba ako?" "Ano ba tayo?" "Ano/Sino ba ang Pilipino?"

2.      Kinakailangan nilang gawing ibayong ideal ang mga Pilipino kapag inihahambing nila ang mga ito sa mga banyaga sa pamamagitan ng kategoryang intelektuwal at pangkultura ng mga dayuhan.

3.      Ang lagi nilang pamumuna at pamimintas sa inaakalang tunay na Pilipinong pag-uugali.

 

Mga Hamon sa Indibidwal na Iskolar sa Larangan ng Araling Pilipino

-          Pagsasanay ng Sarili sa Pagbabasa sa Wikang Filipino

-          Paghubog sa pagsusulat ng libro at artikulo sa Wikang Filipino

-          Paggamit ng Wikang Filipino sa Talakayan

-          Wikang Filipino - Hindi mababang uri ng Gawain