AP Finals Q4 matapos ang digmaan

MGA LEARNING TARGETS

  • Ang mga mag-aaral sa ika-8 na Baitang ay inaasahang:

    • Nasusuri kung paano binago ng pagsisimula ng Atomic Age ang balance of power sa mundo.

    • Napaghahambing ang utopian vision ng demokrasya at ng komunismo.

    • Nabibigyang-kahulugan ang kapitalismo at sosyalismo bilang magkatunggaling sistemang pang-ekonomiya ng Free World at Communist Bloc.

MGA PAGBABAGO DULOT NG DIGMAAN

  • Ika-apat na Markahan

SA KATAPUSAN NG DIGMAAN

  • Ang mga Allied powers ay sinakop ang mga bansang Germany at Japan para sa rekonstruksyon.

  • Nailikha ang Inter-Allied War Tribunal upang panagutin ang mga pinuno ng Nazi Party.

  • Itinatag ang United Nations para sa kapayapaan.

PAGKATAPOS NG DIGMAAN

  • Ang mundo ay nahati sa dalawang panig:

    • FREE WORLD

    • COMMUNIST BLOC

COLD WAR

  • Ang pagtindi ng kompetisyon sa pagitan ng dalawang superpower at ang mga ideolohiyang kanilang pinaglaban ay nagbigay-daan sa Cold War.

IDEOLOGICAL DIVIDE PANAHON NG COLD WAR

TALASALITAAN

  • Utopian Vision: Pangarap o konsepto ng isang perpektong lipunan na tila mahirap marating.

  • Classless and Stateless: Lipunang walang antas at walang sentralisadong pamahalaan.

  • Ideology: Set ng mga prinsipyo na nagsisilbing gabay sa pag-iisip at pagkilos ng tao o grupo.

  • Subversion: Palihim na pagkilos o paninira para pabagsakin ang isang umiiral na sistema.

  • Assumptions: Mga bagay na ipinagpapalagay na totoo kahit wala pang sapat na patunay.

  • Antithetical: Direktang magkasalungat o hindi magkasundo ang dalawang ideya.

IDEOLOGICAL DIVIDE PANAHON NG COLD WAR

FREE WORLD

  • Layunin: Mundong may batas at kalayaan.

  • Sino ang mahalaga?: Ang Tao (Indibidwal).

    • Ang gobyerno ay tool lamang para tulungan ang tao.

  • Pananaw: Ang kapayapaan ay nakukuha sa pag-uusap at pagsunod sa batas.

COMMUNIST BLOC

  • Layunin: Lipunang pantay-pantay.

  • Sino ang mahalaga?: Ang Ideolohiya.

    • Dapat protektahan at ikalat ang komunismo sa kahit anong paraan.

  • Pananaw: Maaaring gumamit ng puwersa, paninira (subversion), o digmaan para makuha ang kanilang mithiin.

MAGKAIBANG LAYUNIN - THE BEGINNING

FREE WORLD

  • Layuning maitaguyod ang malayang kalakalan o free trade at ang malayang agos ng capital.

  • KAPITALISMO: Sistemang pang-ekonomiya kung saan ang mga negosyo at yaman ay pag-aari ng mga pribadong indibidwal o korporasyon.

COMMUNIST BLOC

  • Isang sistemang kontrolado ng estado ang lahat ng yaman at desisyon para sa lahat.

  • SOCIALISM: Sistemang pang-ekonomiya kung saan ang malalaking industriya at yaman ay pag-aari ng publiko o kontrolado ng estado.

PAGBUBUOD

  • Ang mundo ay nahati sa dalawang panig dahil sa magkasalungat na ideolohiya ng Free World na pinamunuan ng US, na nagtataguyod ng demokrasya at kapitalismo, at ng Communist Bloc na pinamunuan ng Soviet Union, na nagtataguyod ng komunismo.

  • Ang matinding kompetisyon na ito ang nagpasimula ng Cold War, na nagresulta sa pag-unlad ng teknolohiya tulad ng space exploration at nagbago sa balance of power sa pagsisimula ng Atomic Age.