LINGGO 1 - ALAMAT
Alamat
Ang salitang alamat o legend sa Ingles ay mula sa salitang Latin na legendus, na nangangahulugang "upang mabasa".
Isang mahalagang bahagi ng kultura ng Pilipino ang mga alamat. Ang mga ito ay nagsasaad kung paano nagsimula ang mga bagay-bagay.
Karaniwang nagtataglay ito ng mga kababalaghan o mga hindi pangkaraniwang pangyayari.
Pagbubuod ng Alamat batay sa Elemento
Mga Elemento ng Alamat
Tauhan
Nagbibigay-buhay sa kuwento.
Maaaring mabuti o masama.
Tagpuan
Panahon at lugar kung saan naganap ang kuwento.
Banghay
Mga Bahagi ng Banghay
Simula o Panimula: Ipinakilala ang mga tauhan at ang tagpuang iikutang kuwento.
Tunggalian: Pakikipagtunggali ng mga tauhan sa mga suliraning kanilang kakaharapin.
Kasukdulan: Pinakamataas na pangyayari sa kuwento; ito ang pinakamaaksiyon na bahagi.
Kakalasan: Unti-unting nabibigyang-solusyon ang suliranin; dito malalaman kung magtatagumpay ba ang pangunahing tauhan.
Wakas: Kinahinatnan o resolusyon ng kuwento.
Uri ng Tunggalian
Tahanan ng Tunggalian
Tao laban sa Tao: Ang kalaban ng tauhan ay isa ring tauhan sa kuwentong binabasa.
Tao laban sa Sarili: Ang pakikipaglaban ng tauhan ay sa pagitan ng kaniyang sarili; kinapapalooban ito ng pagpili sa tama o mali, nararapat o ‘di nararapat, o ‘di kaya’y pagsupil sa sarili.
Halimbawa: Pagdating ng mga sakuna gaya ng baha, lindol, at bagyo bilang pagsubok sa tauhan sa isang kuwento.
Tao laban sa Kapaligiran: Upang ilarawan ang pakikisalamuha ng tauhan sa kanyang paligid.
5K na Dapat Mabatid ukol sa Alamat
Alalahanin ang mga:
Kuwento kung saan mababakas ang ating kasaysayan.
Mailalahad ang naging katangi-tanging karanasan ng ating mga ninuno.
Maitanampok ang mga kultura at paniniwalang taglay ng mga Pilipino na mapagkukuhanan ng aral na maaaring maging gabay sa ating paglalakbay sa buhay.
Mahalagang magkaroon ng alam sa mga alamat na umusbong at patuloy pang yumayabong upang makilala ang pira-pirasong bahagi ng ating mayamang kultura't kasaysayan.
Austronesian Bilang Tagapaglikha ng Panitikan
Ayon kay Dr. Salazar (2004), sa kanyang sanaysay na "Kasaysayan ng Kapilipinuhan", ang pamayanan ay binubuo ng limang kabanata at isa dito ang mga Austronesyano na dumating at namalagi sa bansa.
Pinaniniwalaang sila ay dumating sa panahon ng Neolitiko. Patunay nito ay ang pagkakaroon ng mga kasangkapang batong pinakinis.
Ang mga Austronesyano ay nagdala ng mga kagamitan, kaalaman, at kasanayan sa iba't ibang larangan ng pamumuhay.
Nagkaroon ng mga pakikipag-ugnayan at pakikipagpalitan ng mga kalakal, bagay, at ideya mula at patungong Tsina at Timog-Silangang Asya.
Paano Naapektuhan ng Pamumuhay ng mga Austronesian ang Uri ng mga Sinaunang Panitikang Tuluyan?
Ang mga Austronesian ay kilala bilang mahusay sa paglalayag. Kadalasan sa mga akda o kuwentong-bayan, ang pangingisda ang pangunahing hanapbuhay ng mga ninuno, gamit ang bangka o tinatawag na wangka.
Maliban sa pangingisda, ang mga Pilipino ay natutong magsaka at magtanim ng palay na hango sa mga Austronesyano, lalong-lalo na sa paggamit ng mga kagamitang pangsaka.