Filipino

Komunikasyon

Nagmula sa salitang Latin na “Communicare“, na nangangahulugang ibahagi. Hindi lamang ito simpleng pagpapalitan ng impormasyon o pagpapadala ng salita. Ang tunay layunin nito ay ang pagbuo ng koneksyon at pagkakaunawaan (common ground) gamit ang isang nakasanayang sistema ng mga simbolo at senyales.


Mga elemento

Tagahatid (Enkoder) - Ang pinagmumulan, bumubuo, at nagpapasya sa layunin ng mensahe.

Mensahe - Ang binuong kaisipan o ipinadalang salita na naglalaman ng impormasyon.

Tsanel - Ang daluyan (pasalita, pasulat, o teknolohiya) kung saan dumadaan ang mensahe.

Tagatanggap (Dekoder) - Ang tumatanggap at nagbibiga-kuhulugan (interpretasyon) sa mensahe.

Sistema - Ang pangkalahatang relasyon na nalilikha ng buong proseso ng pakikipagtalastasan.

Konteksto/Sitwasyon - Ang kalagayan, lugar, o pinag-ugtan ng usaoan; itinuturing na pinakamahalagang elemento na nagbibigay-hugis sa kahulugan.

Hadlang (Barriers) - Mga sagabai o ingay na sumisira sa daloy ng pag-unawa.

Ganting mensahe (Feedback) - Ang patuloy na pagbabalik ng tugon, na napaptunay na natanggap at naunawaan ang mensahe.


Mga Uri

Berbal

Tumutukoy sa pasulat o pasalitang uri ng pakikipag-ugnayan.


Di berbal

Tumutukoy sa paggamit ng kilos ng katawan o iba pang bagay sa pagpapahayag ng mensahe.


Uri ng Di berbal

Kineksis - ay ang pag-aaral ng mga kilos, galaw, at tindig ng katawan upang maghatid ng mensahe nang walang ginagamit na salita.

Proksemika - ay ang pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo at distansya sa pakikipagtalastasan tumutukoy sa distansya o layo na pinipili ng mga tao habang nakikipag-usap, na nagpapakita ng antas ng ugnayan, pormalidad, o kultura.

Paralanguage - ay tumutukoy sa mga di berbal na tunog at paraan ng pagbigkas na kasama ng pagsasalita, tulad ng tono, lakas ng boses, at bilis ng pagbigkas.

Haptiks - ay tumutukoy sa komunikasyon sa pamamagitan ng paghipo o pagpindot. Ito ay isanguring di-berbal na komunikasyon kung saan ang mensahe, emosyon, o intensyon ay ipinapahiwatig gamit ang pisikal na kontak sa ibang tao.

Kronemika - ay ang pag-aaral kung paano ginagamit ng tao ang oras sa komunikasyon. Kung saan ang bilis ng pagkilos, o pagkaantala ay naghahatid ng mensahe nang hindi gumagamit ng salita

Iconics -gumagamit ng mga simbolo, larawan, o guhit upang maghatid ng mensahe nang hindi gumagamit ng mga salita

Objectics -gumagamit ng mga materyal na bagay o ari-arian upang maghatid ng mensahe tungkol sa pagkakakilanlan, katayuan, o personalidad ng isang tao.

Panlabas na Anyo -tumutukoy sa pisikal na katangian ng isang tao. Kasama rito anf natural na panganatawan, kulay ng balat, gupit ng buhok, pati na tin ang pustura at kalinisan sa katawan,


Mga Antas

Intrapersonal: Komunikasyon sa Sarili

Pakikipag-usap sa sarili: sumasaklaw sa repleksiyon,pagpaplano, at pagtatakda ng layunin. Ikaw ang nagpapadala at tumatanggap ng mensahe.


Interpersonal: Ugnayan sa Kapuwa

Palitan ng mensahe ng dlalawa o malit na grupo ng tao. Layunin nitong magpalalim ng relasyon at lumutas Cuyer-uinl ng problema.


Pampubliko

Mensahe para sa malaking grupo ng tagapakinig Paggamit ng media (TV, Radyo, Internet, sa iisang lugar (Hal. Talumpati, Debate, Pahayagan) upang maabot ang pinakamalawak Barangay Assembly).na madla. Layunin: Manghikayat at magbigay-kaalaman.


Pangmadla

Paggamit ng media (TV, Radyo, Internet, sa iisang lugar (Hal. Talumpati, Debate, Pahayagan) upang maabot ang pinakamalawak Barangay Assembly).na madla. Layunin: Magpakalat ng impormasyon nang mabilis.


Mga uri ng hadlang

Panloob na Hadlang

nagmumula sa loob ng sarili ng tagapgsalita o tagapakinig.


Halimbawa:

  1. Semantiko () - Hindi maayos na paggamit ng wika. Paggamit ng teknikal na mga salita (jargon) na hindi pamilyar sa tagatanggap, na nagdudulot ng kalituhan.

  2. Sikolohikal () - Nakasalalay sa kalagayan ng pag-iisip o emosyon. Kabilang dito ang kawalan ng atensyon, o kaya’y napaaga na panghuhusga sa mensahe bago man ito matapos (premature evaluation).

  3. Pisyolohika () - Mga limitasyon ng katawan gaya ng karamdaman, problema sa pandinig, paningin, o speech disorder (hal. dyslexia).


Panlabas na hadlang

nagmumula sa kapaligiran o sa pisikal na sitwasyon.


Halimbawa:

  1. Pisikal - Mga sagabal sa kapaligiran gaya ng ingay, sirang kagamitan o teknolohiya, at mga saradong pintuan na pumuputol sa linya ng mensahe.

  2. Kultural - Pagkakaiba ng paniniwala, kaugalian, at kahulugan ng mga simbolo mula sa iba’t ibang kultura (hal. ang isang harmless na salita sa isa ay maaaring nakakainsulto sa iba).

  3. Organisasyonal - Nagmumula s mismong istruktura, mga panuntunan, at hierrchy s isang kumpanya kung saan malimit ma-distort ang impormasyon bago makarating sa ibaba.

  4. Lingguwistiko (Language Barrier) - Ang kawalan ng kakayahang magkaunawaan dahil saa pagkakaiba ng wikang alam o gamit ng mga taong nag-uusap.