fil


FILIPINO

PHOTO ESSAY

-Noong 1930s nagsimula ang tinatawag na “photo essay” dahil sa “photographic essay.”

-Ang LIFE MAGAZINE ang bumuo ng terminong “Photographic Essay”

-Country Doctor ang pinakaunang “photographic essay” na nalathala at ito ay mula kay W. Eugene Smith.

-Ito ay isang dokumentaryo ng panggagamot ni Dr. Ceriani, isang doctor na naglalakbay sa mga lalawigan sa Estados Unidos.

Gertrude Buck (1901)

-Nagsulat ng “Recent Tendencies in the Teaching of English Composition”

-Matatagpuan sa Educational Review na mayroong 3 tagubilin sa pagsulat.

Ben Lauren at Rich Rice (2012)

-Artikulo na “Teaching Style in Basic Writing Through Remediating Photo Essay”

-Ang photo essay ay maaring makapagbigay ng isang imahe na kakatawan sa mga ideya na nahihirapan ang mga mag-aaral na isulat o ilapat sa papel.

Rudolf Arnheim (1969)

-“Ang mga imahe ay maaring ituring na isang ganap na larawan o maari rin namang isang simbolo lamang”

Sharon Pannen (2017)

-Isang sikat na litratista

-“Ang pagpaplano ng pagsulat ng photo essay o sanaysay larawan ay simple lang, para ka lang umiisip ng isang paksa na interesado ka o kaya naman gusto mong bigyan ng pagpapakahulugan”

Dr. Florante Garcia (2020)

Ang photo essay ay kalipunan ng mga larawan na isinaayos nang wasto at may layunin na maglahad ng isang konsepto.

Gaya ng isang sanaysay na naising magbigay ng kasiyahan o aliw, mahalagang impormasyon, at malinang ang pagiging malikhain.

PAMPAKAY (thematic)

- Nakatuon lamang sa isang paksa o tema kung saan iikot ang mga larawan at deskripsyon nito.

NARATIBO/SALAYSAY (narrative)

- Isinasalaysay ang mga pangyayari ayon sa wastong pagkakasunod-sunod ng larawan.

(Garcia, 2020)

Istraktura ng Photo Essay

Ang photo essay ay binubuo lamang ng dalawang sangkap.

  • MGA LARAWAN

  • TEKSTO/DESKRIPSYON

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGSULAT NG LARAWANG-SANAYSAY AYON KAY DR. FLORANTE GARCIA (2020)

1. Pumili ng paksa ayon sa iyong interes.

2. Magsagawa ng pananaliksik sa iyong paksang gagawin.

3. Isaalang-alang ang kawilihan at uri ng iyong mambabasa.

4. Tandaan na ang isang istoryang nakatuon sa mga pagpapahalaga o emosyon ay madaling nakapupukaw sa damdamin ng mambabasa.

5. Kung nahihirapan ka sa pagsusunod-sunod ng pangyayari gamit ang larawan, mabuting sumulat ka muna ng kuwento at ibatay rito ang mga larawan.

6. Planuhing mabuti ang gagawing sanaysay gamit ang mga larawan. Tandaan na higit na dapat mangibabaw ang larawan kaysa sa mga salita.

7. Palaging tandaan na ang larawang-sanaysay ay nagpapahayag ng kronolohikal na salaysay, isang ideya, at isang panig ng isyu.

8. Siguraduhin ang kaisahan ng mga larawan ayon sa framing, komposisyon, kulay, at pag-iilaw. Kung minsan, mas matingkad ang kulay at matindi ang contrast ng ilang larawan kompara sa iba dahil sa pagbabago ng damdamin na isinasaad nito.

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGSULAT NG LARAWANG-SANAYSAY AYON KAY FEDERICO ALEGRIA (2020)

1. Pumili ng Paksa

Sa pagpili ng paksa, maging bukas sa iba’t ibang aspeto.

2. Pumili ng tamang pokus/aktor

Sa pagsulat ng photo essay, napakahalaga na maging tiyak ang ating pokus o aktor upang malaman natin ang limitasyon ng mga larawan at deskripsyon na ating kukuhanan at isusulat.

3. Magdesisyon kung ilan ang bilang ng mga larawan o imahe

Kailangang maging tama lamang ang bilang ng mga larawan o imahe na gagamitin upang maipahayag ng maayos at mabigyang diin ang isyu o istorya na gusto mong ilahad sa pamamagitan ng mga larawan.

4. Gawin ang pagkuha ng larawan

Isaalang-alang ang consistency sa framing, komposisyon, anggulo, pag-iilaw, o kulay. Kailangang may kaisahan ang mga larawan.

5. I-edit o ayusin ang mga larawan

9Sa pag-eedit o pag-aayos, hanapin ang “tunay na kuwento.”

Ikonekta ang iyong sanaysay larawan sa madla upang matukoy ang damdaming nakapaloob sa kuwento.

POSISYONG PAPEL

-Ayon kay Jacson et al. (2015), sa kanilang aklat ng Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik, ang pangangatwitran ay tinatawag ding pakikipagtalo o argumentasyon na maaaring maiugnay sa sumusunod na paliwanag:

a. Ito ay isang sining ng paglalahad ng mga dahilan upang makabuo ng isang patunay na tinatanggap ng nakararami.

kamalian upang maipahayag ang katotohanan.

b. Ito ay isang uri ng paglalahad na nagtatakwil sa kamalian upang maipahayag ang katotohanan.

c. Ito ay isang paraang ginagamit upang mabigyang-katarungan ang mga opinyon at maipahayag ang mga opinyong ito sa iba.

Ayon kay Grace Feming,

-sumulat ng artikulong “How to Write an Argumentative Essay,” ang posisyong papel ay ang pagsalig o pagsuporta sa katotohanan ng isang kontrobersiyal na isyu sa pamamagitan ng pagbuo ng isang kaso o usapin para sa pananaw o posisyon.

-Kapag nailatag na ang kaso at ang posisyon hinggil sa isyu, mahalagang mapatunayang totoo at katanggap-tanggap ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga ebidensyang kinapapalooban ng mga katotohanan, opinyon ng mga taong may awtoridad hinggil sa paksa, karanasan, estadistika, at iba pang uri ng katibayang magpapatibay sa posisyong pinanghahawakan.

-Ayon sa kaniya, sa pagsulat ng posisyong papel ay mahalaga ang pagkakaroon ng isang mahusay at magandang paksa, ngunit higit na mas mahalaga ang kakayahang makabuo ng isang kaso o isyu.

Ayon naman kina Aserold and Cooper (1987)

-sa librong “St. Martin’s Guide to Writing” ang mga manunulat ng posisyong papel ay gumagamit ng pamukaw emosyon na panulat upang mahikayat ang mga mambabasa na maniwala sa kanilang argumento.

-Binibigyang diin din ni Aserold at Cooper na ang maayos na posisyong papel ay nangangailangan may malinaw na kahulugan ng isyu, may tiyak na posisyon sa issue, may lohikal at matatag na argumento at may mapanghikayat na tono.

-Tinutukoy din nina Aserold at Cooper (1987) na ang posisyong papel ay hindi lamang para malaman ng mambabasa ang posisyon ng manunulat tungkol sa isyu. Hindi lamang ito iikot sa opinyon at paniniwala ng manunulat bagkus dapat mayroon itong matibay na ebidensya upang panindigan ang posisyon.

Ayon kay FRASER (2016)

-tulad ng isang debate, ang posisyong papel ay naglalahad ng isang panig na may matibay na argumento tungkol sa isang isyu.

-Ang posisyong papel ay dapat mahikayat ang mga mambabasa na maniwala na ang iyong argumento ay totoo base sa mga ebidensya na iyong nailahad. Inilahad rin ni Fraser ang mga dapat tandaan sa pagsusuri ng isyu at pagbuo ng posisyong papel.

HAKBANG SA PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL

1. PAGBUO NG THESIS STATEMENT

- ito ay isang mahalagang sangkap ng isang posisyong papel dahil ito ay nagbibigay direksyon sa tutunguhin ng isang posisyong papel.

2. PAGSULAT NG INTRODUKSYON

- ang panimula o introduksyon ay siyang unang pupukaw sa interes at atensyon ng mambabasa.

3. PAGSULAT NG KATAWAN NG POSISYONG PAPEL

- dito nailalahad ang dalawang panig ng isyu. Ngunit dito rin dapat ilahad ang mga ebidensya o puntos sa panig na nais panigan ng manunulat.

4. PAGSULAT SA KONKLUSYON NG POSISYONG PAPEL

- dito papasok ang pagbubuod ng mga pangunahing ebidensya o puntos. Kailangan maging tiyak, malinaw at maayos ang pagkakalahad nito.

5.PAGBANGGITSA MGA SANGGUNIAN O REFERENCES

- ilista ang mga sangguniang iyong ginamit.

6. PROOFREADING

- I-proofread ang iyong ginawang posisyong papel. Ito ay para masigurado na tama ang iyong mga sinulat at maiwasan ang mga maling pagbaybay at gramatika.