Mabigyan ang mga mag-aaral ng kakayahang umunawa at magmalasakit sa mga pangyayari sa lipunan, noon at ngayon.
Ang pagbabalik-tanaw sa kasaysayan ng daigdig ay magbibigay kaalaman at kasanayan upang bisitahin ang mga nakaraang pangyayari sa Pilipinas at sa buong daigdig.
Matututunan na ang pagbabago ay bahagi ng pamumuhay ng tao at dapat itong yakapin.
Ang daigdig ang lugar kung nasaan tayo ngayon.
Nagbibigay ito ng pananim para sa pagkain at inuming tubig.
Lahat ng tao, halaman, at hayop ay naninirahan at kumukuha ng kapakinabangan sa daigdig.
Ang sukat ng daigdig ay humigit-kumulang sa 12,700 kilometro paikot.
Ang daigdig pa lamang ang may kakayahang sumuporta ng buhay.
Pitumpung bahagdan (70%) ng mundo ay katubigan (hydrosphere).
Ang kalupaan ng mundo ay litosphere, binubuo ng lupa at bato.
Ang biosphere ay ang bahagi ng mundo kung saan naninirahan ang mga halaman, hayop, at tao, at kung saan nakukuha ang likas na yaman.
Napapalibutan ang lahat ng ito ng atmosphere, ang hangin na bumabalot sa mundo, na nagbibigay-daan sa paghinga.
Ang interaksyon ng kalupaan, katubigan, at hangin ay nagdudulot ng klima at panahon, kasama ang mga ipo-ipo at bagyo.
Malaki ang papel ng heograpiya sa paghubog ng sinaunang pamumuhay ng tao at pag-unlad ng kabihasnan.
Heograpiya: mula sa Greek na "geo" (daigdig) at "graphia" (paglalarawan); siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig.
Limang tema ng Heograpiya:
Lokasyon: kinaroroonan ng mga lugar.
Lugar: natatanging katangian ng isang pook.
Rehiyon: bahagi ng daigdig na pinagbubuklod ng magkakatulad na katangiang pisikal o kultural.
Interaksyon ng tao at kapaligiran: kaugnayan ng tao sa pisikal na katangian ng kinaroroonan.
Paggala: paglipat ng tao, bagay, at likas na pangyayari.
Punto kung nasaan ang isang tao o bagay.
Mahalaga dahil malaki ang daigdig.
Uri ng pagtukoy:
Nominal
Tiyak o Absolute
Relatibo
Tumutukoy sa pisikal o kultural na aspekto ng isang lokasyon.
Malaki ang impluwensiya sa pamumuhay ng mga tao.
Konsepto: toponym (pangalan ng lugar), site (pook), sitwasyon, at populasyon.
Bahagi ng mundo na pinangkat ayon sa pagkakapareho o pagkakaiba ng katangiang pisikal o kultura.
Batayan: ugnayan ng tao sa kapaligiran, anyong lupa, klima, kasaysayan, wika, paniniwala, o pamamahala.
Paglipat ng tao, kapakinabangan, at ideya.
Heograpiya ang nagsisilbing daanan ng mga ito.
Nakasalalay sa kalupaan o karagatan ang tagumpay ng pagpapalipat-lipat.
Paglaki ng populasyon at nasasakupan.
Tatlong paraan ng pakikipag-ugnayan:
Pagdepende sa kalikasan.
Pag-angkop sa kapaligiran.
Pagbabago ng kapaligiran.
Mahalaga ang pag-aaral ng heograpiya upang matukoy ang kinaroroonan at patutunguhan, masuri ang pagbabago ng anyong lupa at tubig, klima, at mataya ang likas na yaman.
Mahalaga ito lalo na sa pag-aaral ng kasaysayan.
Mahalaga ang ugnayan ng heograpiya at kasaysayan.
Hindi maaaring talakayin ang kasaysayan nang hindi tinutukoy ang lugar.
Heograpiya bilang kasangkapan sa pag-aaral ng kasaysayan.
Ang kasaysayan at lugar ay kapwa naaapektuhan ng isa't isa.
Makakatulong ang tema ng heograpiya sa pagsusuri sa mga kaganapan sa kasaysayan.
Tinatayang nabuo ang daigdig 4.54 bilyong taon na ang nakalilipas.
Nagmula sa mga naiwang butil at gas mula sa pagkakabuo ng araw.
Madalas ang pagbagsak at pagbangga ng bagay mula sa kalawakan.
Ang gas ay nabuo bilang hangin na bumabalot sa daigdig.
Unti-unting lumamig ang panlabas na balot ng daigdig.
Ang loob ng daigdig ay nasa anyong likido pa rin.
Paulit-ulit na proseso ang humubog sa anyo ng mundo.
Tinukoy ang tanda ng daigdig sa pamamagitan ng mga siyentipikong pamamaraan.
Ang pagkakabuo ng mga kalupaan at iba pang bahagi ng daigdig ay mula rin sa mga siyentipikong pamamaraan.
Ang mga nagsusuri nito ay mga eksperto ng heolohiya.
Ang pag-aaral ay tinatawag na heolohiya.
Ito ang bumubuo ng kasaysayan ng ating pisikal na daigdig.
Precambrian eon
Lubos na mahaba ang panahon ng Precambrian.
Nahahati sa tatlong bahagi: Hadean, Archean, at Proterozoic.
Sa Hadean nabuo ang tubig sa mundo
Sa proterozoic lumabas ang isa sa mga komplikadong uri ng buhay
Phanerozoic eon
Panahon kung saan dumami nang husto ang mga halaman at mga hayop sa daigdig.
Nagkaroon ng pag-unlad ng mga katawan at nga mga buhay.
Nagkaroon ng pagsabog ng buhay
Nahahati pa sa tatlong maliliit na kapanahunan - ang paleozoic, mesozoic, canezoic
Nagsimula ito noong 2.6 milyong taon ang nakalipas.
Binubuo ng malalawak na karagatan at mga bahagi ng pagkakawatak-watak ng malaking lupalop ng Pangaea.
Nahahati sa Pleistocene at Holocene. Ang Pleistocene ay bahagi ng yugto ng Quartenary, kung saan pasalit-salit na lumawalawak at lumiliit ang mga nagyeyelong bahagi ng daigdig sa mga rehiyong polar. Ang Holocene naman ay ang pagtatapos ng huling malawakang pagyeyelo sa mundo.
Hindi tiyak kung saan at paano nagsimula ang buhay ng tao sa mundo.
Ipinapanukala na ang mga tao ay nagmula sa mga buhay na binubuo lamang ng isa o iilang mga selyula.
Ayon sa agham na genetics, sa mga lahi ng matsing na ito unang matagpuan ang mga katangian at pagkilos ng tao.
After anim na milyong taon na ang nakalipas nang ang pagtayo gamit lamang ang dalawang paa ay naisasakilos na ng mga matsing na ito, at tinawaga na mga hominid.
Unang lumikha at gumamit ng mga kagamitang bato.
Ginagamit sa pagpatay at pagpira-piraso ng mga hayop.
Nangangahulugang "taong mayroong kasanayan."
Umunlad noong 1.9 million years na ang nakalipas sa Aprika.
Nangangahulugang "taong nakakatayo ng tuwid."
Nagsimulang mandarayuhan at manirahan sa maraming bahagi ng daigdig.
Homo erectus georgicus; Peking Man; Java Man.
Maaaring umunlad mula sa Homo Erectus.
Umusbong isang daang libong tao na ang nakalipas.
Tuwirang ninuno ng mga tao sa kasalukuyan (modernong tao).
Pinaniniwalaang may kakayahang makipag-usap.
Maaaring tingnan ang panahong prehistoriko sa pamamagitan ng pag-unlad ng teknolohiya.
Teknolohiya: kabuuang proseso mula sa pagkuha, paglikha, paggamit, pakikipagpalitan, at pagtapon ng mga bagay.
Salaramin ng pag-unlad ng kaisipan at kasanayan.
Paleolitiko, Mesolitiko, at Neolitiko: Panahon kung saan ang mga pangunahing kagamitan at kasangkapan ng mga sinaunang tao ay gawa sa bato.
Paleolitiko: panahon ng lumang bato.
Layunin ng paggamit ng bato ay upang maisakatuparan ang pagpatay, pagdurog, o pagputol sa pagkain.
Nagbubuklod-buklod upang bumuo ng maliliit na pangkat.
Pagkain ay sa pamamagitan ng pangongolekta ng mga halamang pagkain, pangangaso, at pangingisda.
Natuklasan ang paraan ng paglikha at paggamit ng apoy.
Mesolitiko: nasa pagitan ng Paleolitiko at Neolitiko.
Unti-unti nanag lumalaki at dumarami ang mga pangkat ng tao.
Patuloy pa rin ang kanilang pagpapalipat-lipat ng tirahan upang makahanap ng mapagkukunan ng pagkain.
Panahon ng mga bagong bato.
Maraming gamit ang mga kagamitang bato.
Ginagamit na nila ito sa pagtatanim/pagbubungkal.
Hindi na nila kinailangan pang magpapalit-palit ng tirahan.
Rebolusyong agrikultural: biglaan ang pagdami ng mga pamayanang nagtatanim ng mga halamang pagkain.
Pinakahuling yugto sa pag-unlad ng teknolohiya sa panahong prehistoriko.
Mas mahirap ang pagkuha ng materyales na ito sapagkat ang metal ay minimina.
Kabihasnan: mataas na uri ng pamumuhay bunga ng pagiging bihasa ng mga mamamayan nito sa maraming bagay.
Matutukoy kung ang isang pamayanan ay isang kabihasnan o sibilisasyon kung kakikitaan ito ng mga katangian, tulad ng pagkakaroon ng sistemang pangkabuhayan at sentralisadong pamamahala, pagkakaiba-iba ng antas ng mga miyembro ng pamayanan, sistematiko at organisadong paniniwala at pananampalataya, at pag-unlad ng pagsusulat, pagkatuto, sining, at kultura.
Rebolusyong agrikultural: nag bunga ng palitaw ng mga sibilisasyon.
Mesopotamia: lundayan ng kabihasnan (lupain sa gitna ng dalawang ilog: Tigris at Euhphrates).
Sumeria: pinakauanang pamayanan. Binubuo ito ng labindalawang lungsod-estado. Ang bawat isa rito ay may sariling pamahalaan. Naninirahan sa ziggurat.
Sundial: nagsilbing orasan sa isang araw.
kalendaryo: sistema ng pagbibilang na nakabatay sa animnapu.
Cuneiform: sistema ng pagsulat na kanilang ginawa sa pamamagitan ng pag-ukit sa luwad.
Sa pamumuno ni Haring Sargon, sinakop ng mga taga-Akkadia ang iba pang mga lungsod estado sa Mesopotamia. Ang imperyo ng Akkadia ang kauna-unahang imperyo ng daigdig subalit hindi nag tagal sa pagkamatay ni Haring Sargon.
Sa pagbagsak na Imperyo ng Akkadia ay sinakop naman ng mga Amorite na mula sa Syria noong 2000 BKP. Tinawag nila ang kanilang sarili bilang taga-Babylonia.
Si Haring Hammurabi, sapagkat naisakatuparan niya ang pagsasaayos ng pamamahala sa boung lupain sa pamamagitan ng pagtala ng batas at pangongolekta ng buwis.
Hammurabi Code of Laws.
Fertile Crescent ang tawag sa kabuuang lupain sa Kanlurang Asya at Hilagang-Silangang Aprika, kung saan ang Mesopotamia ay unang umusbong.
Noong 1600 BKP nang ang mga Hittie na galing sa kasalukuyang bansa ng Turkey ay sinakop ang Mesopotamia. Sinundan ito ng mga taga-Assyria noong 1200 BKP.
Nang lumakas muli ang taga-Babylonia nabawi nila muli ang Mesopotamia at tinawag nila ang kanilang bagong imperyo bilang Chaldea.
Nang si Haring Nebuchadnezzar ang pinuno naipagpatuloy nila ang paglaki sa kanilang teritoryo.
Sa pagbagsak ng mga Hittite, umusbong din sa ibayong lupain ng Fertile Crescent ang mga taga-Lydia. Sila ang unang pangkat ng tao na itinigil ang sistemang barter at sa halip ay gumamit ng pananalapi, sa anyo ng mga barya.
Noong 540 BKP, nasakop naman ang Chaldea at ang iba pang mga katabing kaharian sa Kanlurang Asya ng mga taga-Persia, na mula sa Gitnang Asya, sa pamumuno ni Haring Cyrus. Sa pamumuno ni Cyrus the Great, ang Persia ay naging pinakamalaling imperyo sa mundo sa The Iron Age Dynasty.
Ilog Indus: nagbigay buhay sa lungsod ng Harappa at Mohenjo-Daro noong 2500 BKP.
Dravidians: mga taong nakatira sa lungsod.
Aryan: Sakop nila ang mga Dravidian, at sa pagsakop nila sa mga Dravidians, dinala nila ang kanilang kultura at tradisyun.
Sanskrit ang tawag sa kanilang wika na itinuturing banal na wika.
Ipinatupad din nila ang Sistemang Caste sa India, kung saan bawat tao ay nabibilang sa isang pangkat ayon sa kaniyang kapanganakan.
Huang Ho, at Yangtze: mga ilog sa Tsina kung saan umusbong ang kabihasnan.
Dinastiya: makapangyarihang pamilya na nagmumula ang emperador.
Mandate of Heaven: Karapatang Mamuno, Ito ay basbas ng mga diyos.
Dynastic Cycle: pag-angat at pagbagsak ng mga dinastiya sa Tsina.
Emperador Yu: mula sa dinastiyang Sia, ang unang emperador ng Tsina.
Turtle Shell Oracle: inaalam nila ang hinaharap ng dinastiya sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga senyales sa likod ng bao ng pagong.
Dinastiyang Chou: naging mas malinaw ang sistema ng pamamahal sa Tsina.
Son of heaven: anak ng langit ang emperador.
Confucius: pinangaral niya ang Golden Rule o maayos na pakikipagkapwa. Tinawag na Confucianism ang mga turo at pilosopiya ni Confucius. “Do not do unto others what you would not want others to do unto you.”
Great Wall of China.
Han : sinimulan ng dinastiyang Han ang civil service o serbisyong sibil. Ang serbisyong sibil ay ginamit din ngayon sa iba't ibang parte ng daigdig tulad ng Pilipinas sa pagpili ng mga maglilingkod sa pamahalaan nito.
Ang Gitnang Panahon sa lawak at lakas ng Imperyong Romano ay parang walang dahilan para bumagsak ito.
Power Grab o ang paulit-ulit na kaguluhan o pagaagawan ng kapangyarihan ng mga heneral na nais maging emperador.
Panunungkulan ni Diocletian: Hinati ang Imperyo sa dalawang bahagi - Kanlurang Imperyong Romano at ang Silangang Imperyong Romano.
Itinatag niya ang tetrarchy, “rulership by four.” Pinanunungkulan ni Diocletian and Maximian and imperyong Romano sa panahong ito (293 AD).
Sa silangang bahagi ng imperyo, nanungkulan si Constantine. Nagtayo siya ng bagong kabisera at pinangalanan niya itong Constantinople.
Mga Germaniko. Tuluyan nang bumagsak ang Kanlurang Imperyon Romano noong 476 AD dahil pinatalsik ni Odoacer si Romulus Augustulus, ang huling emperador. Samantala, nagpatuloy naman ang Silangang bahagi ng imperyo na sa kalauanan nakilala bilang Imperyong Byzantine.
Kushites: malaki ang naging impluwensiya ng kabihasnang Ehipto.
kushites: Hiniram ang heiroglyphics ng mga Ehipto bilang kanilang sistemang panulat.
Axum:Matatagpuan ngayon sa bansang Ethiopia, nasakop ang ibang teritoryong Malapit dito at naging isang kaharian.
Ghana : Nagmula ang pangalan ng Ghana sa titulo ng hari nito na nangangahukugang “hari ng mga ginto.”
Ipinapalit ang ginto sa asin at iba pang prudokto na wala naman sa kaharian.Tinatawag itong Gold-Salt Trade. Naging sentro ng kalakalan ang lungsod ng Kumbi na siyang kabisera ng kaharian. Sa kalaunana, bumagsak sa mga mananakop na Muslim mula Hilagang Aprika ang kaharian ng Ghana noong 1076 KP.
Mali: Imperyong Mali ang pumalit sa Ghana bilang pinakamalakas na kaharian sa Kanlurang Aprika.
Songhai: Itinatag ni Sunni Ali ang Imperyong Songhai na siya naman pinakalawak ng kaniyang heneral na si Askia Muhammad.
Olmec : Unang nagtayo ng mga lugar pang-seremonya ang mga Olmec sa baybayin ng golpo ng Mehiko noong 1200 BKP.
Teotihuacan: nangangahulugang “kung saan nakatira ang mga diyos” noong 100 KP.
Maya: Isa pa sa naimpluwensiyahan ng mga Olmec ay ang mga Maya na nakatira sa Tangway ng Yucatan. Tulad ng mga Sumerian at Griyego, nagtayo ang mga Maya ng mga lungsod-estado na matatagpuan sa mga kasalukuyang bansa ng Mehiko, Guatemala, El Salvador, at Honduras.
Aztec:Tinayo ang mga Aztec ng chinampas o mga artipisyal na isla sa lawa kung saan sila nagtanim ng mais, butong-gulay, at kalabasa.
Inka : Karamihan sa kanilang mga lungsod at pamayanan ay matatagpuan sa matataas na lugar. Naging bihasa ang mga Inca sa paggawa ng mga hagdan-hagdan upang tamnan at tayuan ng mga bahay at gusali.
Ang mga taong ito ay nabubuhay sa pangangaso at pangongolekta ng mga pagakain mula sa kagubatan. Sa mga nandayuhang ito nagmula ang mga pangkat etniko sa New Guinea at ang mga Aborigine ng Australia.
Nabibilang naman sa pangkat Austronesian ang mga nandayuhan sa iba’t ibang pulo sa rehiyong ng Oceania. Ang mga Austronesian ay ang mga ninuno ng mga nakatira ngayon sa mga bansang Taiwan, Pilipinas, Indonesia, at Malaysia.
Simula ng ilunsad ang Krusada, unti-unting bumalik ang pagnanais ng mga Europea na maibalik ang ugnayan nito sa iba pang lupalop tulad ng Asya at Aprika.
Black Death. Nagmula sa isang uri ng bakterya ang sakit na bubonic plague at nabubuhay ito sa mga kuto, pulgas, at daga.
Sinimulan nilang unawain ang daigdig sa pamamagitan ng pag-aaral sa mga phenomena nito gamit ang agham.
Nanumbalik mulis sa Renaissance ang pagpapahalaga sa mga narating at nagawa ng isang tao habang siya ay nabubuhay. Nagsimulang lagyan ng mga pintor, iskultor, at arkitekto ng mga pangalan ang kanilang mga gawa kung saan noong Gitngang Panahon ay wala silang pagkakakilanlan.
Francesco Petrarch : isa sa mga pinakamasigasig na humanist.
Niccolo Machiavelli: akalat na pinamamagatang The Prince.
Johann Gutenberg : printing press o limbagan.
Santo Papa ang hindi sangayon sa Papa na nasa Avignon. Tinawag ito na Western Schism kung saan sa iisang panahon ay nagkaroon ng tatlong Santo Papa ang Simbahang Katoliko.
John Wycliffe : iskolar sa Unibersidad ng Oxford sa Ingaltera. Binatikos niya ang politikal dimension ng simbahan lalo na sa pagkakasangkot nito sa Western Schism.
Martin Luther: pari ng simbahang katoliko ngunit nagkaroon siya ng pagdududa sa turo ng simbahan. Gumawa si Martin Luther ng 95 theses o katanungan patungkol sa pagkakamali at pagmamalabis ng Simbahang Katoliko.
Nabaling ang atensyon mula sa mga hindi makikitang kapangyarihan patungo sa kakayahan ng taong mag-isip, magtanong, at lumikha.
Nicolaus Copernicus kung saan sinubok niya ang nauna nang paniniwala na ang daigdig ay nasa gitna ng kalawakan at ang lahat ng planeta rito, maging ang araw, ay umiikot dito.Kaniyang ipinanukala noong 1543 na ang nasa gitna ng kalawakan ay ang araw at ang ating daigdig ay isa lamang sa marami pang umiikot dito.
The religious warfare of the 1600s.
Pre-Enlightenment Thinkers. Rene Descartes.
Scientific Method. Francis Bacon.
Scientific Method – man can now use reason to explain the world around him – no need for God in science.
Revolution in philosophy. Philosophers, inspired by scientists, started questioning God and God’s role in society.
Government should protect us from us – first priority was to provide security and order.
Government should promote equality among all men.
John Locke and Jean Jacque Rousseau
Advocated freedom of religion and separation of church and state.
Advocated “laissez-faire” economics (hands off).
English philosopher who questioned the existence of God.