AP9 QUARTER1 (LESSON 1)

Page 1

Ang Ekonomiks bilang Isang Agham

  • Ang ekonomiks ay itinuturing na isang agham panlipunan na nagsusuri sa mga kilos, pagsisikap, at gawi ng tao sa paggamit ng limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan sa buhay.

Page 2

SAGUTIN

  • Natanong mo na ba minsan sa iyong sarili bakit palaging kulang ang mga bagay na gusto mo? Ipaliwanag.

  • Napapansin mo ba na maraming bagay ang kinakailangan ng tamang pagdedisyon at pagsasaalang-alang? Magbigay ng halimbawa ayon sa iyong sariling sitwasyon?

Page 3

EKONOMIKS
ANO ANG EKONOMIKS?

Page 4

Ano ang Ekonomiks?

  • Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan na may layuning pag-aralan ang mga pagkilos, pagsisikap ng mga tao, at mga paraan ng paggamit ng mga limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan sa buhay.

Page 5

PAGLAGANAP NG KAISIPAN NG EKONOMIKS

  • Ang salitang ekonomiks ay nagmula sa salitang Griyego na “oikonomia” na ang ibig sabihin ay “pamamahala ng sambahayan” (household management).

  • Ang ekonomiks ay unang nakilala bilang political economy na sentral na paksa ng mga pilosopo.

  • Iba't ibang kaisipan ang lumitaw mula sa mga pilosopo na nag-uugnay sa politika at ekonomiks.

Page 6

•Ang ekonomista (economist) ay isang tao na nag-aaral ukol sa galaw ng ekonomiya, ginagawang pagpili at pagdedesisyon ng mga tao at lipunan at ang epekto nito sa buong ekonomiya.

  • Ang ekonomiks ay higit na nakilala bunga ng kaisipan ng sumusunod na ekonomista at pilosopo.

Page 7

MGA EKONOMISTA:

Page 8

ADAM SMITH

  • Siya ang kinikilalang Ama ng Makabagong Ekonomiks.

  • Ang kaniyang doktrinang laissez-faire o Let Alone Policy ang nagpaliwanag na hindi dapat makialam ang pamahalaan sa pagpapatakbo ng ekonomiya ng pribadong sektor.

  • Ang espesyalisasyon ni Adam Smith ay paghahati ng mga gawain sa produksiyon ayon sa kapasidad at kakayahan sa paggawa.

  • Sinulat niya ang aklat na
    An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of Nations.

Page 9

THOMAS ROBERT MALTHUS

  • Binigyang-diin niya ang mga epekto ng mabilis na paglaki ng populasyon.

  • Ang kaniyang Malthusian Theory ay nagsasabing ang populasyon ay mas mabilis lumaki kaysa sa supply.

Page 10

DAVID RICARDO

  • Nakilala siya sa kaniyang dalawang ideya:
    • Law of Diminishing Marginal Returns - Ang patuloy na paggamit ng tao sa mga likas na yaman ay nagiging dahilan ng pagliit ng nakukuha mula sa mga ito.
    • Law of Comparative Advantage - Isang prinsipyong nagsasaad na mas nakalalamang ang mga bansa na nakagagawa ng mga produkto sa mas mababang halaga (production cost) kompara sa ibang bansa.

Page 11

JOHN MAYNARD KEYNES

  • Kinikilala siya bilang Father of Modern Theory of Employment.

  • Sinabi niyang ang pamahalaan ay may mas malaking gampanin sa pagpapanatili ng katatagan at balanse sa ekonomiya sa pamamagitan ng paggastos nito.

  • Siya ang sumulat ng aklat na General Theory of Employment, Interest, and Money.

Page 12

François Quesnay

  • Ang Tableau Économique ay ipinaliwanag ni François Quesnay.

  • Siya ang nagpakilala sa modelong ito noong 1758, na naging pundasyon ng mga ideya ng mga Physiocrat, isang grupong ekonomista sa ika-18 siglo.

Page 13

François Quesnay

  • Ang Tableau Économique ay isang simpleng representasyon ng daloy ng ekonomiya, na nagpapakita kung paano dumadaloy ang yaman sa iba't ibang sektor ng lipunan.

Page 14

KARL MARX

  • Siya ang tinaguriang Ama ng Komunismo.

  • Sinulat niya ang aklat na Das Kapital na naglalaman ng mga aral ng komunismo.

  • Sinulat din niya ang Communist Manifesto kasama ni Friedrich Engels.

Page 15

KARL MARX

  • Naniniwala siya sa pagkakaroon ng pagkakapantay-pantay ng tao sa lipunan.

  • Naniniwala siya na ang estado ang dapat na nagmamay-ari ng mga salik ng produksiyon at gumagawa ng desisyon ukol sa produksiyon at distribusyon ng yaman ng bansa.

  • Inisulong niya na ang rebolusyon ng mga proletariat (manggagawa) ang magpapatalsik sa mga kapitalista.

Page 16

ECONOMIC GOODS VS. FREE GOODS

  • May tinatawag na economic goods kung saan ang lahat ng bagay ay may halaga o presyo tulad ng pagkain, damit, at bahay. Bago makamit ang mga bagay na ito, kailangan ng tao ng salapi. Bunga ng walang katapusang pangangailangan ng tao kaya nagkakaroon ng kakapusan sa economic goods.

Page 17

ECONOMIC GOODS VS. FREE GOODS

  • Ang free goods naman ay mga bagay na nakakamit ng tao nang walang bayad tulad ng init ng araw at hangin. Lahat ng tao ay nakikinabang sa mga bagay na ito. Kaya mahalaga ang bawat kilos at galaw ng tao sa ekonomiks dahil ito ang magtatakda ng gawaing pangkabuhayan ng bansa.

Page 18

Prinsipyo ng Ekonomiks

  • Ang lahat ng bagay na ating nakamit ay mayroong halaga. May mga tao na gumagastos para sa isang bagay na nakakamit ng ibang tao nang libre.

  • Ang ginagawang pagpili ng tao sa ngayon ay nakaaapekto sa kaniyang kinabukasan.

  • Ang pagkakamit ng benepisyo o insentibo ay nakaiimpluwensiya sa pagpili ng tao.

  • Ang pagpili ng tao sa isang bagay ay naaayon sa halaga ng produkto at serbisyo.

  • May magandang rason ang bawat tao sa ginagawang pagpili.

Page 19

Pag-aaral ng Ekonomiks

  • Sa pag-aaral ng ekonomiks matututuhan ng bawat indibidwal ang mga kaisipan, pananaw, kasanayan at konsepto na nagpapaliwanag kung bakit ang mga tao sa Lipunan ay patuloy na kumikilos upang maghanapbuhay at magkaroon ng ikabubuhay.

  • Isa sa mahalagang katangian na matututuhan ng mga tao, lalo na ng mga Kabataan, ay ang paggawa ng matalinong pagdedesisyon sa buhay.

Page 20

KAISIPANG NALILINANG SA PAG-AARAL NG PAMPOLITIKA

EKONOMIKS
PANGMORALIDAD

  • Pagbabago ng sistema sa eleksiyon

  • Pagpapatupad ng bagong batas sa buwis

  • Korupsiyon sa pamahalaan

  • Pagpapalit ng sistema pamahalaan
    PANGKABUHAYAN

  • Pagkasira ng kalikasan

  • Pagbibigay ng lupa sa mga magsasaka

  • Pagtaas ng presyo ng mga bilihin

  • Kakulangan ng supply ng bigas

Page 21

Ekonomiks bilang Agham

  • Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan kung saan sentral na pinag-aaralan ang mga kilos, gawi, at lahat ng pagpupunyagi ng tao na maghanapbuhay at ang pagsisikap ng pamahalaan na ayusin ang ekonomiya na nakaapekto sa pamumuhay ng tao sa lipunan.

Page 22

Ekonomiks bilang Agham

  • Sa pag-aaral ng ekonomiks isinasagawa ang siyentipikong pamamaraan (scientific process) upang suriin ang mga suliranin at kaganapan na may kaugnayan sa epekto sa ekonomiya tulad ng polusyon, trapiko, presyo ng Langis, korupsiyon, climate change at iba pa.

Page 23

MGA HAKBANG SA PAGSASAGAWA NG SIYENTIPIKONG PAMAMARAAN

  • Pagbibigay ng Suliranin

  • Pagtukoy sa Hypothesis

  • Pangangalap ng mga Datos at Pagsusuri ng mga Datos at Impormasyon

  • Pagbibigay ng Impormasyon

  • Konklusyon at Rekomendasyon

Page 24

PAGPILI AT PAGDEDESISYON

  • Individual Choice at Economic Choice – Ang pagpapasiya ng isang indibidwal upang matugunan ang kaniyang pangangailangan dahil sa limitadong pinagkukunang-yaman ay tinatawag na individual choice.

  • Samantala, ang social choice ay ang pinagsama-samang pagpapasiya ng mga indibidwal, pangkat, organisasyon, at pamahalaan ukol sa hakbangin upang matugunan ang mga pangangailangan ng buong lipunan.

Page 25

Economic choice at Economic Decision

  • Ang economic choice ay may kinalaman sa desisyon ukol sa iba't ibang gamit ng limitadong pinagkukunang-yaman. Halimbawa: ang pagpili ng pagkain, damit, bahay, at iba pang pangangailangan.

  • Ang economic choice at economic decision ay halos magkatulad sapagkat ito ay isinasagawa ng tao at pamahalaan upang matugunan ang pangangailangan sa buhay at ekonomiya.

Page 26

Opportunity cost

  • Ang opportunity cost ay tumutukoy sa isinakripisyong halaga ng isang bagay upang bigyang-daan ang higit na mas makabuluhang paggagamitan nito. Ito ang bunga ng pagpili ng isang bagay mula sa maraming pagpipilian.

Page 27

Trade-off

  • Ang trade-off ay ang pagpapaliban ng pagbili ng isang bagay upang makamit ang ibang bagay.

Page 28

  • (Walang karagdagang nilalaman sa ibinigay na transcript para sa Page 28.)