PAGWAWAKAS BATAS MILITAR

PAGWAWAKAS NG BATAS MILITAR

 

LAYUNIN:

➢ makakapagbigay ng mga pangyayaring nagbigaydaan sa pagbuo ng People Power I

➢ makakatalakay kung paano natamo ng sambayanang Pilipino ang demokrasya

➢ mabigyang halaga ang pagtatanggol at pagpapanatili sa karapatang pantao at demokratikong pamamahala

 

 

 

 

Ang Pagpatay kay Senador Benigno “Ninoy” Aquino

​Isa sa pinakamahigpit nakalaban ni Marcos sapulitika ay si SenadorBenigno Aquino Jr. Isa siyasa mga ikinulong sa Fort Bonifacio sa loob ng pitong taon at pitong buwan. Pinahintulutan siyang pumunta sa Amerika upangmagpagamot sa sakit sa puso. Makalipas angtatlong taon na pamamalagi sa Boston kasama angkanyang pamilya ay nagpasya siyang bumalik saPilipinas dahil nais niyang tulungan ang bansa namapanumbalik ang demokrasya. Sa kabila ng pagtutol ng pamahalaan ay bumalik pa rin siya. Noong Agosto 21, 1983, lumapag angsinasakyan niyang eroplano sa Manila International Airport (Ninoy Aquino International Airport ngayon). Habang pababasa tarmac ng eroplanong kanyang sinakyan ay pataksil siyang binaril at namatay. Binaril din ng mga sundalong kasama ni Ninoy angpinaghinalaang si Rolando Galman. Ngunitpinagbintangan ang mga sundalo na sila mismo angpumatay sa senador at ginamit lamang si Galmanpara mapaghinalaan.

 

​Dahil dito binuo ni Pangulong Marcos angAgrava Fact-Finding Board para magsiyasat sapagpatay sa senador. Lumitaw sa imbestigasyonna si Hen. Favian Ver, Chief of Staff ng Sandatahang Lakas kasama ang 25 na sundaloang may kinalaman sa traydor na pagpatay kaySenador Benigno Aquino Jr. kaya’t sinampahansila ng kaso ng Sandiganbayan subalit pinawalang-sala din dahil sa kakulangan ng katibayan. Nakabalik sa tungkulin si Hen. Favian Versamantala ikinulong naman ang 25 na sundalohabang nililitis ang kaso. Ang pagbabalik satungkulin ni Heneral Ver ay ikinagalit ng marami at nagbunga ng malawakang protesta.

 

Ang Pagbagsak ng Ekonomiya

​Ang pagkapaslang kay Ninoy ay may hindimabuting dulot sa ekonomiya ng bansa. Maramingnamumuhunan ang lumipat ng kanilang negosyo salugar na walang panganib tulad ng Hongkong at United States. Sa maikling salita ay nagkaroon ng capital flight. Humina ang mga negosyong lokallalo na iyong umaasa sa mga dayuhangnamumuhunan. Marami ang nawalan ng trabaho at lumiit ang kita ng bansa.

​Dahil sa paghina ng ekonomiya ay hindinakabayad ang pamahalaan ng malaking utang nitosa institusyong pandaigdig na umaabot sa $127 bilyon noong 1983. Humingi ng palugit angpamahalaan sa International Monetary Fund (IMF) at World Bank ngunit higit na mahigpit napakikialam sa ekonomiya ng bansa ang kapalit nito. Ang pamamalakad ng pamahalaan ay pinakialamandin. Bumagsak nang patuloy ang ekonomiya ng bansa. Marami ang walang trabaho at sobrang taasng presyo ng mga bilihin. Nawalan ng tiwala angmamamayan sa pamahalaan dahil sa labis nakahirapan.

 

 

 

Ang “Snap Election” ng 1986

​Nais ng IMF na magkaroon ng matatag napamahalaan ang Pilipinas bago ito pautangin mulikaya nagkaroon ng Biglaang Halalan o Snap Election noong Pebrero 7, 1986. Tumakbo siPangulong Marcos sa pagkapangulo at si Arturo Tolentino naman bilang pangalawang pangulo sailalim ng partidong KBL (Partidong KilusangBagong Lipunan). Ang biyuda ni Ninoy Aquino nasi Cory Aquino ay itinaguyod naman ng partido ng oposisyon ang Lakas ng Bayan (LABAN) bilangpangulo at si Salvador Laurel naman bilangpangalawang pangulo.

​Sinaksihan ng buong mundo ang pangyayaringito dahil sa malawakang pagbabalita. Iniulat angmga insidente ng pandaraya tulad ng pagbili ng mga boto, pananakot at karahasan at pakikialam samga election returns. Ayon sa COMELEC (Commission on Elections) ay panalo si Marcos na may lamang na mahigit 1.5 milyong boto subalitayon naman sa NAMFREL (National Movement for Free Elections) ay panalo si Aquino. Umalis sakanilang trabaho ang 29 computer workers dahil sanapalitan o nabago ang mga datos na ipinadala ng COMELEC sa kanila.

 

Noong Pebrero 15, 1986 ay inihayag ng COMELEC na siMarcos bilang nanalo sa gitnang kontrobersiya. Angparehong “mga nanalo” sa pagkapangulo ay nanumpa sa magkaibang lugar. Si Marcos ay nanumpa sa Malacañang samantala sa Club Filipino naman nanumpa si Cory. Nanawagan siCory ng pagboboykot at strike ng mgamamamayang Pilipino laban sa mga negosyo ng mga crony ni Marcos.

 

Ang Mapayapang EDSA Revolution

​Nagsimula angmapayapang rebolusyonnoong Pebrero 22,1986 ng sina Ministro Juan Ponce Enrile ng TanggulangPambansa at Tenyente Heneral Fidel V. Ramos ay nanatili sa Camp Aguinaldo at nagpatawag ng press conference upang ibalita ang kanilangpagkalas sa rehimeng Marcos. Pinangunahan niEnrile ang hindi pagkilala kay Marcos bilangCommander–in-Chief at pagsiwalat sa katiwaliangnaganap sa halalan. Inihayag din ni Enrile na angpagtambang sa kanya noong 1972 ay gawa-gawalamang ni Marcos para maisakatuparan ang Batas Militar. Sinuportahan ng mga pari, seminarista, at madre sa pamumuno ni Jaime Cardinal Sin at mgataong-bayan kabilang na ang mga Aquino angpagtiwalag nina Enrile at Ramos kay Marcos. Humingi ng suporta si Cardinal Sin sa mga taotulad ng pagkain, gamut, at mga suplay sapamamagitan ng broadcast ng Radyo Veritas.

 

​Pebrero 23, 1986, libu-libong tao ang nagkapit-bisig sa palibot ng Camp Crame at Aguinaldo upang ipadama ang kanilang suporta at pakikiisa sapanawagan nina Cardinal Sin, Enrile, Ramos at ibapa. Ang mga madre, pari, kalalakihang walangarmas, mga kababaihan kasama ang kanilang mgaanak ay nagsama-sama sa EDSA. Hinarang nilaang mga tangkeng ipinadala ni Marcos, umupo saharap nito at nagbigay ng mga pagkain at bulaklaksa mga sundalo nang hindi alintana ang panganibna mangyayari.

​Kinaumagahan ng Pebrero 24 ay ramdam naang katapusan ng rehimeng Marcos. Marami samga tropang sundalong inutusan niyang paalisinang mga nagpoprotesta sa paligid ng kampo ay hindi sumunod sa kanya sa halip ay pumanig samga taong-bayan.

 

​Ang mapayapang rebolusyon ay nagwakasnoong Pebrero 25 at ito rin ang araw napagproklama kay Ginang Cory Aquino bilangkaunaunahanag babaeng pangulo ng Pilipinas.

 

​Ang pamilyang Marcos ay lumisan saMalacañang tinatayang 9:30 ng gabi sakay ng tatlong helicopter patungong Clark Air Base at kung saan inilipad sila ng isang eroplanongpapuntang Hawaii.

 

​Nagtagumpay ang taong-bayan sa pagpapatalsikkay Marcos sa loob ng 77 oras. Ang mapayapangrebolusyong ito ay hinangaan at naging modelo ng ibang bansa na may kaparehong karanasan saPilipinas. Itinayo ang simbahan ng EDSA Shrine at People Power Monument bilang parangal at simbolo ng mapayapang himagsikan.