Araling Panlipunan Laws

REPRODUCTIVE HEALTH LAW

Republic Act 10354 of 2012 (RH LAW)

  • Tumutukoy sa pangkalahatang kalusugang pisikal, pangkaisipan, at panlipunan na may kinalaman sa reproductive system, paraan at mga proseso nito.

  • Karapatan ng mga tao na magkaroon ng kaalaman at kakayahang mamili ng nais niyang paraan ng pagpaplano ng pamilya na naaayon sa batas, ligtas, epektibo at abot-kaya.

  • Isang batas na layuning magbigay serbisyong pangproduktibo sa lahat.

  • Ipinapatupad ang family planning sa mga mag-asawa lalo na ang walang kakayahan sa buhay.

  • Magpalaganap sa buong bansa ang mga paraan ng contraceptives, SexEd, at pangangalaga para sa mga ina at kababaihan.

ANTI TRAFFICKING ACT IN PERSONS OF 2003

Republic Act 9208

  • Pinarurusahan nito ang tiwaling gawain na sa ilalim ng human-trafficking

  • Batas na nagtatakda ng mga patakaran para sugpuin ang human trafficking

UNIVERSAL DECLARATION OF HUMAN RIGHTS

Article 21 - Gawaing Politikal

  • Ang bawat tao'y may karapatang makilahok sa pamahalaan ng kanyang bansa, sa tuwiran o sa pamamagitan ng mga kinatawang malayang pinili.

  • Ang bawat tao'y may karapatan sa pantay na pagpasok sa paglilingkod pambayan ng kanyang bansa.

  • Ang kalooban ng bayan ang magiging saligan ng kapangyarihan ng pamahalaan; ang kaloobang ito'y ipahahayag sa tunay na mga halalan sa pana-panahon sa pamamagitan ng pangkalahatan at pantay-pantay na paghahalal at idaraos sa pamamagitan ng lihim na balota o sa katumbas na pamamaraan ng malayang pagboto.

Article 26 - Sistema ng Edukasyon

  • Ang bawat tao'y may karapatan sa edukasyon. Ang edukasyon ay walang bayad, doon man lamang sa elementarya at pangunahing antas. Ang edukasyong elementarya ay magiging sapilitan. Ang edukasyong teknikal at propesyonal ay gagawing maabot ng lahat at ang lalong mataas na edukasyon ay ipagkakaloob nang pantay-pantay sa lahat batay sa pagiging karapat-dapat.

  • Ang edukasyon ay itutungo sa ganap na pagpapaunlad ng pagkatao at sa pagpapalakas ng paggalang sa mga karapatan ng tao at mga pangunahing kalayaan. Itataguyod nito ang pagkakaunawaan, pagbibigayan, at pagkakaibigan ng lahat ng bansa, mga pangkat na panlahi o panrelihiyon, at palawakin ang mga gawain ng mga Bansang Nagkakaisa sa ikapapanatili ng kapayapaan.

  • Ang mga magulang ay may pangunahing karapatang pumili ng uri ng edukasyong ipagkaloob sa kanilang mga anak.

1987 PHILIPPINE CONSTITUTION

ARTICLE 2 SECTION 1 - PAHAYAG NG MGA SIMULAIN AT MGA PATAKARAN NG ESTADO

  • Ang Pilipinas ay isang Estadong republikano at demokratiko. Ang ganap na kapangyarihan ay angkin ng sambayanan at nagmumula sa kanila ang lahat ng mga awtoridad na pampamahalaan.

ARTICLE 3 SECTION 1 - KATIPUNAN NG MGA KARAPATAN

  • Hindi dapat alisan ng buhay, kalayaan, o ariarian ang sino mang tao nang hindi sa kaparaanan ng batas, ni pagkaitan ang sino mang tao ng pantay na pangangalaga ng batas.

ARTICLE 14 SECTION 1 - EDUKASYON, SYENSYA AT TEKNOLOHYA, MGA SINING, KULTURA, AT ISPORTS

  • Dapat pangalagaan at itaguyod ng Estado ang karapatan ng lahat ng mga mamamayan sa mahusay na edukasyon sa lahat ng antas at dapat magsagawa ng angkop na mga hakbang upang matamo ng lahat ang gayong edukasyon.

POSSIBLE QUESTIONS AND STUDY:

  • Abortifacients and Its Uses

  • Bakit mahalaga ang Family Planning?

  • Sang-ayon ka ba sa pagpapatupad ng Diborsiyo sa ating bansa?