Module 2

Aralin 3: Pagsulat ng Buod

%%Buod%%

- isang ==pinaikling bersyon ng isang orihinal na teksto==, o paglalagom ng mga impormasyon, detalye o mga pangyayari mula sa materyal o pinanggalingan ng mga impormasyon.

- Ito ay ==nagpapahayag ng mga  pangunahing punto== na madalas na ginagawa sa ==obhetibong paraan== at gamit ang ==sariling pananalita ng manunulat==

- ngunit dito ay marapat na nananatili ang diwa at mahahalagang detalye ng orihinal na pinanggalingan, at ==may pangunahing layunin na mapadali at mas mapabilis ang pag-unawa sa tinatalakay na paksa==.

Aralin 3.1: Mga uri at nilalaman ng Buod

%%Tatlong pangunahing uri ng Buod:%%

  1. ^^Deskriptibo^^ - ==buod ukol sa teksto== na ibinabahagi ang mga pangunahing elemento o punto at ==mahahalagang detalyeng sumusuporta==. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga buod sa pampanitikan na mga sulatin: tula, kwento, pelikula, artikulo, sanaysay atbp., at ang executive summary na inilalarawan ang isang proyekto, isang partikular na kurso ng aksyon, o isang panukala sa negosyo.

  2. ^^Impormatibo^^ - ==buod ukol sa nilalaman ng teksto== na kailangang tumpak na naghahatid ng impormasyong nakapaloob sa isang teksto o sa iba pang uri ng mapagkukunan "nang walang mga personal na opinyon sa paglalahad ng mga ideya sa pinagmulang teksto".

Ito ay madalas na ginagawa sa mga akademikong sulatin, at ilan sa mga ito ay ang:

a. ^^MGA BALANGKAS^^ - ==ipinakikita nito ang pagkakasunud==__-__sunod at ang kaugnayan sa pagitan ng mga bahagi ng nakasulat sa materyal. Halimbawa: TALAAN NG NILALAMAN

b. ^^ABSTRAK^^ _-==_ipinakikita nito ang pangunahing punto ng mahahabang piraso ng teksto==o isang artikulo na tumutulong sa mga mambabasa na magpasya kung gusto nilang basahin o hindi ang mas mahabang teksto. Madalas itong nakikita sa mga pananaliksik. \n

__*May Uri ang Abstrak*__

  • @@Impormatibo@@ - ==nilalaman nito ang halos lahat na impormasyon sa pananaliksik==: ang motibasyon, suliranin, pagdulog at pamamaraan, resulta, kongklusyon, na madalas ay binubuo ng 200 na salita. Madalas itong ginagawa o ginagamit sa Siyensa at Engineering. \n \n
  • @@Deskriptibo@@ __-__ito ay ==mas maikli kaysa sa impormatibo==, na may 100 na salita, ==at naglalaman lamang ng suliranin, layunin, pamamaraan, saklaw at limitasyon.==Madalas itong ginagawa o ginagamit sa Humanidades, Agham Panlipunan, at Sikolohiya. \n

c. @@SINOPSIS@@ - ==ipinakikita nito ang pagkakasunod na paglalarawan ng isang makasaysayang kaganapan==, kaganapan sa balita, o iba pang mga karanasan habang umuunlad ang mga ito.

  1. ^^EVALUATIVE^^ - ==buod na nangangailangan ng pagsusuri ng manunulat== upang maipakita ang pagiging kapaki__-__pakinabang  at bisa ng materyal (maaaring pelikula, artikulo, sanaysay atbp.), lakas ng argumento, at iba pang mahahalagang elemento. ==Halimbawa nito ang pinakamakabagaong uri ng abstrak, tinatawag na Kritikal na Abstrak==, na may pagkakatulad sa kongklusyon ng rebyu, at naglalaman ng  impormasyon patungkol sa kasapatan, kawastuan, at kaangkupan ng mga impormasyon sa pananaliksik. \n
Aralin 3.2: Hakbang sa Pagbubuod

^^Kritikal na Pagbabasa^^ - ==pagbasa na may layunin na malalim at malawak na masuri== at maunawaan ang impormasyon o mensahe na nais iparating ng may akda, at ang kahalagahan nito sa mambabasa batay sa pagtalakay nito.

%%Bago Bumasa%%

  1. Dapat nababatid at malinaw na ang layunin, kinakailangan, at gustong matutunan sa isasagawang pagbabasa. Nakakatulong ito para madaling makita kung akma o kailangan ang nakitang babasahin.
  2. Maaaring tignan ang pamagat, paunang salita, at ang huling mga pangungusap upang malaman ang pangunahing impormasyon.
  3. Dapat ding suriin ang awtor, publication date, listahan ng reperensya; kung angkop at wasto ang lahat ay magkaroon ng hinuha/tanong bago basahin ang kabuuan ng sulatin. \n

%%Habang Nagbabasa%%

  1. Isulat o ihaylayt ang mga susing salita, mahahalagang impormasyon, pangunahing ideya o argumento, at ang mga pantulong na kaisipan, pahayag, at impormasyon. Madalas na nakikita ang mga pangunahing kaisipan sa unahan, gitna, at huling bahagi ng sulatin.

  2. Maaari ding maglagay ng tanong at reaksyon sa mga pahayag, argumento, at iba pa. Nakakatulong ang pagtatanong upang maging malinaw ang pag__-__unawa sa binabasa, at walang makaligtaan.

%%Pagkatapos Bumasa%%

  1. Pagnilayan ang mga natutunan sa pagbasa.

  2. Balikan ang mga naka__-__haylayt at isinulat na tanong, reaksyon, at iba pa.

  • Kapag malalim na ang pag__-__unawa sa sulatin, maaari na ang pagsasaayos ng mga salita at organisasyon ng mga ideya upang maging epektibo ang pagsulat nito.
  1. ^^Ipangkat at ihanay ang mga salita at ideya^^ - sa pamamagitan ng pagbuo ng balangkas.

  2. ^^Pag**-**isahin ang magkaugnay na salita at ideya^^ - para mabuo ang sariling mga pangungusap. Matiyak na walang kinopya na pangungusap mula sa orihinal na teksto/sulatin.

  3. ^^Pagsamahin ang mga magkaugnay na mga pangungusap para maging talata^^, at para mabuo ang burador. Gumamit ng angkop na mga transitional devices (Sa katunayan, Bukod sa, Gayunpaman, atbp.) upang mapabuti ang kaisahan o magkaroon ng lohikal na daloy.

  4. ^^Basahin at iwasto ang burador^^ (maling baybay, bantas, atbp.). Tanggalin ang mga malabis o paulit__-__ulit na ideya. Tandaan din na ang buod ay pinaikling bersyon at dapat tiyak/espesipiko.

  5. ^^Paghambingin ang nagawang buod at orihinal na bersyon^^ para walang makaligtaan at matiyak ang katumpakan.

  6. ^^Huwag kaligtaan ang pagkilala sa sors^^ - Kunin sa orihinal na bersyon/sulatin ang Pangalan ng Awtor, Petsa ng Paglalathala, Pamagat, Pangalan ng Naglathala, Lugar kung Saan Inilathala, at ang URL (kung online). Hindi isinasama ang pahina sa pagbuo ng sanggunian. Halimbawa: Llenaresas, J.B. (2022, Hulyo 30). Pagsulat ng Buod. New Era University Press & Publications Office. New Era University.

    \n

Citations ( Pangunahing Ginagamit)

- APA (American Psychological Association): ==madalas na ginagamit na estilo sa akademikong pagsulat== dahil madalas na tumutukoy sa mga paksang panlipunan (social science) at teknikal.

- MLA ( Modern Language Association): may pokus sa awtor, at ==malimit na ginagamit sa mga paksa== o kursong may kaugnayan sa lenggwahe at humanities.

- CMS ( Chicago Manual of Style): malimit na sa mga paksa o kursong may kaugnayan sa Kasaysayan dahil pinahahalagahan ng lubos ang pinagmulan ng ideya o impormasyon. ==Madalas ito na may footnote o endnote==.

Aralin 3.3: Katangian at Kahalagahan ng Buod

%%Katangian%%

  1. ^^May Pokus o Pangunahing Tuon^^ - pagbibigay ng diwa o pangunahing impormasyon sa nais iparating ng orihinal na teksto, pahayag o bersyon. Hindi lumilihis sa orihinal na akda; walang dagdag na paliwanag, kaisipan, impormasyon o halimbawa. Madalas, nakatuon sa thesis statement at pangunahing ideya o paksang pangungusap na dapat maisalin sa mga mambabasa.

  2. ^^Obhetibo^^ - tiyak na pagbibigay ng diwa ng orihinal na teksto, pahayag o bersyon. Maaaring masagot ang mga tanong na ano, sino, kailan, paano, gaano, bakit, at iba pa na makakatulong sa mambabasa.

  3. ^^Napananatili ang orihinal na mensahe gamit ang sariling pananalita ng manunulat^^ - Binibigyang diin na dapat ay walang halong sariling kritik o ideya ang pagsulat ng buod, at walang kinopya na pangungusap mula sa orihinal na teksto/sulatin.

%%Kahalagahan ng buod at pagbubuod%%

  1. pagtukoy sa mga pangunahing salita at parirala na dapat tandaan upang makuha ang mahahalagang ideya at mga mahahalagang detalye na sumusuporta dito;

  2. paggamit at pagsasama__-__sama ng mga pangunahing salita at parirala sa teksto upang mabuo ang pinaikling bersyon nito; at

  3. pagkuha ng malaking seleksyon ng teksto at bawasan ito sa mga pangunahing punto.

 \n

Aralin 4: Pagsulat ng Sintesis

^^Sintesis^^

- Nagmula sa salitang Griyego na ==syntithenai== na sa Ingles ay puttogetherocombine*put together o combine* (Harper, 2016)

- Ang sintesis ay ==tumutukoy sa  pinagsama__-__samang mga impormasyon, mga akda, punto, at argumento== na nakapagbibigay kaalaman at makahihikayat sa pinapanindigang punto de bista hinggil sa isang paksa.

Aralin 4.1: Iba’t - Ibang Anyo at Uri ng Sintesis

- ==Ang sintesis ay naglalahad ng matatag na posisyon sa pagtukoy ng mga ugnayan== sa pagitan ng mga impormasyon upang makatulong sa pagpapasya at sa pagbuo ng mga patakaran.

  1. ^^Nagpapaliwanag o explanatory synthesis^^ - ang ==pagbibigay linaw sa paksa== sa pamamagitan ng pagbibigay deskripsiyon o paglalarawan sa paksa upang maibigay ang mas malinaw na kaisipan.

  2. ^^Argumentatibo o argumentative synthesis^^ - ang ==paglalahad ng mga makatotohanang impormasyon== mula sa iba’t ibang sors sa paraang lohikal upang suportahan at ilahad ang pananaw o punto ng may akda.

%%Uri ng Sintesis%%

  1. ^^Background Sintesis^^ -  ==pagsasama____-____sama ng mga sanligang impormasyon ukol sa paksa==, at karaniwan itong inaayos ayon sa tema__at hindi ayon sa sanggunian. \n \n Halimbawa:Halimbawa: \n ^^__Karaniwang Pananaliksik^^ - ==pangangalap ng mga inisyal na impormasyon ukol sa paksa== (ito ang madalas na ginagawa bago isulat ang pananaliksik ng bagong kaisipan)

  2. ^^Thesis________-________driven Sintesis^^ - halos katulad ng background synthesis ngunit nagkakaiba lamang sila sa pagtuon, sapagkat ==sa ganitong uri ng sintesis hindi lamang simpleng pagpapakilala at paglalahad ng paksa==, ito ay ==nagbibigay ng malinaw na pag____-____uugnay ng mga punto sa tesis ng sulatin==. \n \n Mga Halimbawa: \n Mga Sanaysay at Pananaliksik na May Tiyak na Tesis

  3. ^^Sintesis para sa Literatura^^ - ==pagbabalik__-__tanaw o pagrebyu sa mga naisulat nang literatura==ukol sa paksa. Karaniwang isinaayos ang sulatin batay sa mga sanggunian ngunit maaari rin namang ayusin ito batay sa paksa, at ito ay may pagsusuri mula sa manunulat o mananaliksik. \n

   Mga Halimbawa:

  • Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral (Review of Related Literature)
  • Rebyu sa mga Magkakaugnay na Literatura sa panitikan

Aralin 4.2: Mga hakbang sa pagsulat ng Sintesis

%%Bago Sumulat%%
  1. ^^Tukuyin at Linawin ang Layunin sa Pagsulat^^ - Ang magiging ==layunin ng manunulat ang magbibigay direksyon o gabay sa kanya kung anong uri,==anyo ang kanyang gagamitin, para saan ito gayundin ang paggalugad sa mga gagamiting reperensya o sanggunian kaugnay dito. \n \n
  2. ^^Piliin ang Sangguniang Aangkop sa Layunin^^ -Ang pagtatagumpay ng sulating ito ay nakasalalay sa tiyak na layunin at angkop na sangguniang gagamitin dito. == \n \n
  3. ^^Basahin at Unawain ang mga Sanggunian^^ - ==Basahin ang bawat artikulo==, kabanata o iba pang mapagkukunan nang maraming beses na may iba't ibang layunin para sa bawat pagbasa.
  • Unangpagbasa**Unang pagbasa** - ay ==makuha ang pangkalahatang__-__ideya ng materyal== at maging pamilyar sa mga pangunahing kaalaman.
  • Ikalawangpagbasa**Ikalawang pagbasa** - ay ==mapalalim ang pagkaunawa sa materyal==at mamarkahan ang mga pangunahing konstruksyon, natuklasan o argumento na nauugnay sa iyong claim. Maaaring gumamit ng iba't ibang kulay ng highlighter upang madali makita ang magkakaugnay na impormasyon. \n
  • IkatlongpagbasaI**katlong pagbasa** - ay ==magkaroon ng pagbabalik__-__aral== at lubusan na pagtatala ng mga pangunahing ideya at kaugnay na mga detalye.
  1. ^^Kunin ng organisado ang mga tala sa bawat pinaghanguan ng impormasyon^^ - ==Maaaring isabay ito sa ikatlong pagbasa==, kung saan nagkakaroon na ng pagtatala sa bawat pahina o sanggunian  na may label (may__-__akda at taon sa itaas).  Maaari rin na isagawa ito ng may tablena nahahati sa dalawa: ang una ay naglalaman ng mga pangunahing salita o parirala upang makuha ang pangunahing konsepto at ang ikalawa ay mga detalye. \n

  2. ^^**Buuin ang Tesis ng Sulatin (**Thesis-driven Sintesis)^^ -  ==Kailangang tiyak ang tesis ng sulatin==sapagkat ito ang magiging pangunahing ideya ng awtput. Ilahad ito sa pamamagitan ng buong pangungusap. \n \n

  3. ^^Tukuyin ang mga kaugnay na konsepto at pansuportang mapagkukunan^^ - Kapag maayos na ang mga sanggunian at tala, ==tukuyin na ang mga konseptong makikita sa mga ito== (hal. mga partikular na natuklasan sa paksa o pananaliksik, mga kahulugan ng mga termino, mga implikasyon sa hinaharap at iba pang mga ideya na hinihimok ng layunin ng iyong papel). Tandaan lamang na hindi lahat ng pinagmulan/sanggunian ay tutugon sa bawat konsepto, kaya maaaring sa una ay gumawa muna ng master listng lahat ng mga konsepto at sanggunian, at pagkatapos ay hanapin ang lahat ng mga magkakaugnay at mapagkukunan na sumasaklaw sa bawat partikular na konsepto sa artikulo o kabanata. \n

  4. ^^Isaayos ang tala^^ - Sa pagsasaayos ng tala, isipin na ito ay ==pinuputol at inaayos ayon sa inaasahang artikulo==; ikinakategorya ang mga ito ayon sa konsepto at isulat/i__-paste ang mga ito sa isang bagong pahina. Habang inililipat ang mga tala, bigyang-pansin kung aling mga may-akda ang sumasang-__ayon at kung alin ang nagtataas ng mga natatanging ideya na nauugnay sa konsepto; makakatulong ito sa paggawa ng mga koneksyon habang sumusulat.. \n

  5. ^^Ayusin ang mga konsepto sa isang balangkas^^ - Ito ang ==pagsasaayos ng batayan ng papel gamit ang nabuong tala ng konsepto at koneksyon==. Dito nagpapasya kung paano makahulugang pagsasama__-__samahin ang mga konsepto sa ilalim ng mas malalaking tema. At ang teknik sa pagbuo ng sintesis ay nakaayon sa bubuuing balangkas ng manunulat. Mayroong iba’t ibang teknik sa pagbuo ng sintesis tulad ng pagbibigay  halimbawa o ilustrasyon, strawman technique, konsesyon, pagbubuod, pagdadahilan, komparison at contrast gayundin ang pagdadahilan.

    • Pagbibigay halimbawa o ilustrasyon -==Tinutukoy dito ang partikular na halimbawa== o ilustrasyong ginamit sa sanggunian. Sa paglalahad nito ay inilalagay kung sino ang nagsabi at saan nanggaling ang impormasyon

    • Strawman technique - Ito ay isang ==di pangkaraniwang teknik kung saan nagbibigay ang manunulat ng argumentong kontra tesis== ngunit sinusundan agad ito ng pagbibigay kahinaan ng nasabing argumento.  Sa bahaging ito ay napapawalang-saysay ang nilahad na kontra__-__tesis.

    • Pagbubuod - ==Pinakamadaling paraan ng pagsulat ng sintesis== kung saan nilalagom lamang ang mga impormasyon sa sanggunian.

    • Pagdadahilan - Sa pagsulat nito ay i==niisa-isa ang dahilan kung bakit totoo at mahalaga ang nailahad na tesis==. Sa bahaging ito ay inilalahad ang mga impormasyong nagpapatibay sa iniharap na paniniwala.

%%Habang Sumusulat%%
  1. ^^Isulat ang Burador^^ - ==Isulat ang sintesis gamit ang teknik na angkop sa sulatin ngunit maaring gumamit ng iba’ ibang teknik== kung sa tingin ng manunulat ay mas epektibo ito para sa mga mambabasa.

    1. ^^Ilista ang mga Sanggunian^^ - ==Gamit ang pormat na prineskrayb ng guro, ilista at ayusin ang mga ginamit na sanggunian.== Isang mahalagang kasanayan ang pagbibigay  ng pagkilala sa anomang akda o sinomang awtor na pinaghanguan ng impormasyon sa ginagawang akademikong sulatin.

    2. ^^Rebisahin ang Sintesis^^ - ==Basahing muli ang sintesis== at tukuyin ang mga kahinaan nito. Hanapin ang mga kamalian sa pagsulat at higit sa lahat ang nakitang punto na dapat baguhin.

 \n

%%Pagkatapos Sumulat%%
  1. ^^Isulat ang Pinal na Sulatin^^ - Pagkatapos marebisa ang ginawang burador ay ==maari nang buuin ng manunulat ang kanyang pinal na sintesis.==

Aralin 4.3: Mga Katangian at Kahalagahan ng Sintesis

%%Katangian ng isang mabisang Sintesis%%

  1. ^^May Pokus o Pangunahing Tuon^^ - Ito ang ==pagbibigay ng diwa na madalas na nakatuon sa pahayag na tesis== (thesis statement) o pangunahing ideya na dapat maisalin sa inaasahang madla o mambabasa.

  2. ^^Obhetibo^^ - ==Tiyak ang pagbibigay impormasyon at  detalye==. Laging may batayan ayon sa totoong pangyayari, datos, pag__-__aaral, at pananaliksik.

  3. ^^Mapananaligan^^ - Dapat na ==angkop at wasto ang mga impormasyon at datos== mula sa mga sanggunian. Dapat na napagtitibay nito ang pangunahing ideya, tesis, at layunin ng sintesis.

  4. ^^Tumpak^^ -  ==Akma ang mga hakbangin, metodo==, at disiplina sa pagsulat ng datos at impormasyon. Sapat din ang mga impormasyon at eksplanasyon upang mapasang__-__ayon ang madla.

  5. ^^Malinaw^^ - ang pag__-uugnay-__ugnay ng mga datos, pahayag, at detalye gamit ang ==angkop na mga transitional devices.==

  6. ^^Organisado^^ - Ito ang ==maayos na pagkakasalansan ng impormasyon sa kabuuan ng sulatin== upang madaling makita ang koneksyon ng mga pahayag at maunawaan ang paksa o pahayag na tesis (thesis statement) ng malalim.

%%Kahalagahan ng Sintesis%%

  • Nakabubuo ng bagong kaisipan mula sa mga pinagsama__-sama na magkakaibang pag-aaral o resulta na may magkakaugnay na pag-__unawa.

  • Sa pagsasagawa din nito ay mas nauunawaan ang mga pangunahing proseso, at nakakabuo ng isang mahusay na disenyo para sa marami pang pag__-__aaral.

  • Mahahasa ang  kakayang pampag__-__iisip at paghahabi ng sulatin sa pagbuo nito.