ESP
Mga teorya tungkol sa pinagmulan ng daigdig
Big Bang Theory
Ang pagkakatuklas noong ikadalawampung dantaon ay nagbibigay ng kongklusiyon na may mga ebidensiyang nagtataguyod sa teoryang Big Bang.
Ang mga obra nina Albert Einstein, Edwin Hubble, at ng iba pa sa larangan ng siyensya ay nagpapatotoo sa mga patunay ng teorya. Gayunpaman, hindi ito tinatanggap ng ilang makabagong siyentipikong nag-aaral ng pinagmulan at pag-unlad ng sansinukob.
Ipinahahayag nila ang katanungang tulad ng: Ano ang naroon bago ang pagsabog? Bakit nangyari ito?
Lahat ng bagay, enerhiya, at ang apat na dimensiyon ng espasyo at oras
ay sumambulat mula sa isang kalagayan nang halos walang-katapusang densidad, temperatura, at puwersa mula sa isang bultong mas maliit pa kaysa sa tuldok, humigit-kumulang sa 15 bilyong taon na ang nakalipas.
Ngayon, hindi ba nagpapaalala ito sa atin ng Genesis 1:1–"Sa simula nilikha ng Diyos ang langit at lupa?"
Sa paglipas ng mga taon, parami nang paraming siyentipikong datos ang pabalik-balik upang pagtibayin ang teoryang ito.
Halimbawa, ang huling satellite na Cosmic Background Explorer (COBE) ay hindi lamang nagpadala pabalik ng mga datos na nagpapatibay na ang sansinukob ay lumalaki palabas sa bawat direksiyon mula sa isang kaparehong lugar.
Ipinababatid ng mga datos na ang temperatura sa bawat direksiyon ay nasa loob ng .01 o Kelvin.
Isa itong matibay na ebidensiya ng teoryang Big Bang kung kaya sinabi ni George Smoot ng Pamantasan ng California sa Berkeley, ang lider ng proyektong COBE:
"Ang natuklasan namin ay ebidensiya para sa pagkakalikha ng sansinukob–tila ito pagtanaw sa Diyos."
Inamin maging ng propesor na si Stephen Hawking na nagsiyasat sa mga pangunahing batas na naghahari sa sansinukob at lubhang malayo sa ortodoksong Kristiyanismo:
"[Ito] ang malaking pagkakatuklas ng dantaon, kundi man sa lahat ng panahon."
Ang pagsisigasig ni Hawking, kasama si Roger Penrose, ang nagpakita na ang pangkalahatang Teorya Relatibidad ni Albert Einstein ay nagpapahiwatig na ang espasyo at oras ay may simula at mayroon ding katapusan, sa teoryang Big Bang at sa mga itim na butas.
Mga Teoryang Makaagham
Teoryang Nebular
Pinanukala nina: Immanuel Kant at Pierre laplace
Nagmula sa mga namumuong gas at alikabok ang nebula na nakikita sa kalangitan sa pamamagitan ng mga radyasyon na ultra violet na nagmula sa isang mainit na bituin.
Nagkaroon ng interaksyon ang mga ion sa mga malayang electron sa ulap at naging dahilan ng pagsabog nito ng liwanag sa lahat ng direksyon.
Mabilis na nagpaikut-ikot sa sansinukob ang nebula sa loob ng ilang milyong taon.
Pagdaan ng panahon, unti-unti itong bumagal sa pag-ikot.
Naging dahilan ito ng paglamig at pagtigas ng nasabing masa hanggang sa unti-unting natuklap ang mga ibabaw nito.
Subalit nagpatuloy pa rin ito sa pag ikot dahil sa lakas ng puwersang centrifugal.
Teoryang Dust-Cloud
Nagmula sa alikabok ng mga meteorite.
Lumamig at tumigas ang masa nang matuklap ang mga balat ng nabuong alikabok sa pamamagitan ng kondensasyon.
Nagkaroon ng malakas na hangin at ulan sa kalawakan na nagdulot ng pagkapuno ng malaking bahagi ng mga tubig na tinawag na dagat at ilog.
Dahil sa matagal na pagkakababad ng ibabaw sa tubig, lumambot ito at naging lupa nagkaroon ng mataas na tumpok at malalim na hukay,
Ang mataas na tumpok ay tinawag na bundok at burol at ang hukay ay tinawag na dagat at ilog. Dahil sa pagkalusaw ng yelo, nagkahiwalay ang mga kontinente.
Teoryang Dynamic Encounter
Ipinanukala ni Georges Louis Leclerc Buffon
Nagmula ang sistemang solar sa banggaan ng isang malaking kometa at araw.
Nabuo ang mga sangkap na nawala sa araw at naging planeta.
Katulad din ng teoryang nebular at dust-cloud ang patutunguan ng teoryang ito.
Teoryang Kondensasyon
Ipinanukala ni Robert Jastrow
Nagsimula ang daigdig sa mga masa ng hydrogen gas atomic dust.
Sa tagal nito sa kalawakan bigla itong sumabog, nag kapira-piraso at napasama sa mga bagong namumuong araw at bituin ang mga tipak nito.
Nangyayari ang prosesong ito ng paulit-ulit at maaaring ito na rin ang naging planet.
Teoryang Solar Disruption
Nagsimula ito ng bumangga ang malaking bituin sa araw, nagtalsikan ang tipak na nagmula sa bangganan ng dalawang bituin.
Dahil sa pag ikot sa araw sa pamamagitan ng pwersang centrifugal.
Dahil sa mabilis na pag-ikot nito sa araw, naging dahilan ito ng pag-init ng mga tipak, dumaan ito sa prosesong kondensasyon at solar disruption.
Teoryang Planetissimal
Nagsama-sama ang mga kumpul-kumpol na planetoids at naging planeta.
Dahil sa mabilis na paggalaw ng mga ito, natuklap ang ibabaw na bahagi ng mga ito, at nagpaikot-ikot
Dahil sa puwersang centrifugal at dumaan sa prosesong pinagdaanan ng mga planeta na ayon sa ibang teorya.
Teoryang Collision
Pag babanggaan ng dalawang malaking bituin.
Nag talsikan ang mga tipak nito at naging planeta matapos ang ilang taong pag ikot-ikot nito sa sansinukob
Teoryang Bigbang o SuperSonic Turbulence
Isang malakas na pagsabog ang naganap.
Ang mga nag talsikang tipak ay patuloy na nabubuo dahil sa hydrogen, na nagiging planeta.
Ang Teoryang Pangrelihiyon
Ito ay ipinanukala ng mga creationist, pangkat ng mga kristiyanong siyentista
Pinaniniwalaan ng mga creationist na nakasaad sa aklat ng genesis ang espesyal na paglalag ng Diyos.
Ito ay ang pitong araw na paggawa ng Diyos sa sansinukob.
"Sa simula ay ang Salita, at ang Salita ay kapiling ng Diyos, at ang Salita ay Diyos. Naroon na nga siyang kapiling ng Diyos sa simula. Nilikha niya ang lahat ng bagay; at hiwalay sa Kaniya ay walang anumang nalikha. Nasa kaniya ang buhay; at ang buhay ang liwanag para sa mga tao." – Juan 1:1-4 (King James Bible)
"Hindi pinaglalaruan ng Diyos ang sansinukob sa pamamagitan ng dais." – Albert Einstein, 1879-1955
GLOBALISASYON
Globalisasyon - kaparaanan kung paano nagiging global o pangbuong mundo ang mga lokal o pampook o kaya mga pambansang gawi o paraan. Sa madaling sabi, ginagawang magkakasama sa buong daigdig.
Noong una ang mga kabataang Pilipino ay konserbatibo pa
Pinapanatili at inaalala pa ang kultura at tradisyon ng Pilipinas.
Ngunit lahat ng ito ay nagbago nang dahil sa globalisasyon
Mga Epekto
35% – Pakikipagsundo ng bansa ukol sa kalikasan
65% – Nakakapaglikha ng trabaho at oportunidad
75% – Pagpapalala ng problemang ekonomiya
25% – higit na pinalala ang agwat sa pagitan ng mga bansa
Puro social media sites na lang lagi ang mga kabataan ngayon.
Pero nakakatulong na mapadali ang takdang aralin.
Nagiging tamad na ang mga kabataan.
Napapalago ng mga kabataan ang self confidence nila ngunit dahil rin dito napapabayaan na rin ang pag-aaral.
Sariling wika ay nakakalimutan dahil sa globalisasyon
Makakapamili pa ng murang produkto
Hindi iniisip ang layunin bilang isang Pilipino – Lagi na tayong nagsasalita gamit ang wikang Ingles
Kabataan – May kakayahan tayong baguhin ang pananaw at pag-uugali ng isang tao sa pamamagitan ng pagiimpluwensiya.
Globalisasyon
Walang humpay na integrasyon ng mga merkado, bansang-estado, at teknolohiya sa isang antas na hindi pa kailanman nasaksihan dati
Ito ay sa isang paraang nakatutulong sa indibidwal, korporasyon, at bansang-estado na maglibot sa daigdig nang mas mabilis, malalim, at mura kaysa dati
Ang gayong madaling pagpapalipat-lipat ay ginagawang posible ang paglaganap ng malayang-merkadong kapitalismo sa halos bawat bahagi ng daigdig.
Pandaigdigang proseso ng pagpapabilis ng ekonomiko at iba pang ugnayan at pagtutulungan, sadya man o hindi, na nagdurugtong sa mga buhay at kapalaran ng mamamayan mula Silangan hanggang Kanluran, Hilaga, at Timog.
Friedman 1999:9
Ang ideya, habang mas hinahayaan ng sinuman na mamayani ang puwersa ng merkado at mas binubuksan ng sinuman ang ekonomiya sa malayang kalakalan at kompetisyon, nagiging mas mahusay at maunlad ang ekonomiya
Dalawang antas ng urbanisasyon:
Mahihirap na bahagyang urbanisadong pook
Modernisadong lugar ng siyudad
Ang pangangailangan na magnilay tungkol sa penomenon ng kolonyalismo at sa lumalaking kamalayan ng mamamayan ng Katimugang Asya ay isang halimbawa ng pananamantala ng mga maunlad na lipunan. Isa itong panawagan sa moralidad ng pag-unlad na nagtataguyod ng nasyonalismo, ng pagkakasundo at paglikha ng isang responsableng kilusan na lumilinang sa daigdig (Villacorta, Manila Bulletin, Marso, 2002).
Moralidad - katangian ng pakikiayon sa mga pamantayan ng tama o mabuting pag-uugali.
sistema ng mga ideya ng tama at maling pag-uugali, tulad ng Panrelihiyong moralidad at Kristiyanong moralidad
Ipinahihiwatig nito ang pagsunod sa isang tuntunin o aral sa moral na pag-uugali.
Tiyak na may paraan upang labanan ang mga negatibong bunga ng globalisasyon sa pamamagitan ng pagsasanay ng moralidad sa isang global na antas.
Ang Moral na Dimensyon ng Kasamaan
Ang moralidad ay may kinalaman sa pagkakaiba sa pagitan ng kabutihan at kasamaan o ng tama at mali, tama o mabuting pag-uugali.
Dalawang uri ng moralidad
Absulutistang Moralidad
Pagtanggap ng aksiyong pantao ay nababatay nang hindi maaaring magbago sa Bibliya.
Bahagya lamang itong nagbabago sa paglipas ng isaang dantaon tungo sa isa pang dantaon at nababatay sa panrelihiyong kapangyarihan sa mga paniniwalang Hudyo-Kristiyanismo.
Ang moralidad ay nagsisimula sa Sampung Utos at pinagyayaman sa pamamagitan ng mga sulat ni San Pablo.
Pansariling Moralidad
Nababatay sa pagtanggap ng pag-uugali ng tao sa lipunan
Pagtanggap ng lipunan o pasiya ng nakararami
Mga Antas ng Moralidad
Sumasang-ayon ang bawat makatuwirang nilalang sa mundo na katanggap-tanggap ang iyong asal.
Katanggap-tanggap ang iyong asal sa mga makatuwirang nilalang sa iyong kultura.
Katanggap-tanggap ang iyong asal sa mga makatuwirang nilalang sa iyong heograpiya.
Katanggap-tangaap ang iyong asal sa iyong pamayanan.
Katanggap-tanggap ang iyong asal sa iyong pamilya.
Katanggap-tanggap ang iyong asal sa sarili.
Katanggap-tanggap ang iyong asal sa isang makaapangyarihang nilalang at hindi sa sarili.
Ang mga antas na ito ay nababatay sa pagtanggap ng asal na pantao sa lipunan.
Isang Matapat na Taksi Drayber sa New York
Si Nestor Sulpico, isang taksi drayber na Pilipino, ay pinarangalan para sa kaniyang katapatan sa siyudad ng New York. Nangyari ito noong Hulyo 15, 2004. Si Nestor Sulpico, tubong-Iloilo, ay nagbalik ng isang itim na perlas sa kaniyang pasaherong si Lawrence Policastro, na nakaiwan nito sa kaniyang taksi. Nakontak ni Sulpico si Policastro sa pamamagitan ng cellphone sa backpack na nalimutan nito sa taksi.
Namumukod ang katapatan dahil nagbibigay ito ng kagalakan sa mga taong nakawala ng isang bagay. Marami na tayong nawalang bolpen bilang mga mag-aaral, subalit ang pagkakita ng bolpen at pagbabalik nito sa isang kamag-aral ay nagbibigay rin ng kagalakan. Nakakita si Sulpico ng isang bagay na nagkakahalaga ng mas higit sa isang bolpen, isang "napakagandang bagay’” na maaaring maging kasagutan sa kung ano ang talagang kailangan niya upang mabuhay sa isang napakamahal na siyudad tulad ng New York: pera, at napakalaki nito. Sa katunayan, nagkakahalaga ito ng $78,000 (4 na milyong piso) dahil hindi karaniwan ang itim na perlas na mula sa Micronesia.
Ang totoo, pumasok sa kaniyang isipan na itago ang itim na perlas. Sa isang panayam pagkatapos ibalik ito, inamin niyang sa simula, naisip niya kung paano maaaring mabago ng perlas ang kaniyang buhay. "Naisip ko ang mga araw nang nagpapalaboy-laboy ako sa New York, nangangatal sa niyebe, halos wala nang pag-asang makahahanap pa ng trabaho."
Subalit si Sulpico, bagamat lubos na salat, ay mayaman sa kagandahang-asal. Pagkatapos maibalik ang perlas, sinabi niya, "Naniniwala ako na ang katapatan ang pinakamahalagang birtud na nagsisilbing pundasyon ng lahat ng iba pang birtud."
Ang pangyayari ay napakahalaga para sa mga Pilipino sa buong mundo. Kinilala ng siyudad ng New York ang nangyaring ito sa pamamagitan ng paglalagay sa websayt noong Agosto 4, 2004 na may paksang "Binabati ni Mayor Michael R. Bloomberg, ni Matthew W. Daus, tagapangulo ng Taxi at Limousine Commission, at ng NYC & Co., ang mga nanguna sa seremonya ng pagkilala ng mga drayber ng 2004." Isa sa mga sipi ay nagpapahayag ng sumusunod: "Ang pinakamataas na pinarangalan ay si Nestor Sulpico, na nagbalik nito lamang unang bahagi ng buwan ng humigit-kumulang na $78,000 na halaga ng hindi pangkaraniwang itim na perlas na alahas mula sa Micronesia. Lubos na naantig ang damdamin ni Lawrence Policastro, ang may-ari ng alahas, sa katapatan ni G. Sulpico kung kaya nagbukas siya ng isang espesyal na pondo upang tulungan si G. Sulpico na matupad ang kaniyang pangarap na maging isang nars."
New Delhi Zoo
Malamang na tumalon ang binatilyo sa ibabaw ng barikada papasok sa isang bakod sa Delhi Zoo.
Sinunggaban ng tigre sa leeg ang binatilyo, na kinilala kalaunan bilang si Maqsood.
Nagsigawan ang mga nanonood at naghagis ng mga patpat at bato sa pagsisikap na iligtas siya.
Ayon sa magulang ni Maqsood, isa siyang trabahador sa isang pabrika subalit may sakit sa pag-iisip.
Binalaan ang mga panauhin na huwag masyadong lumapit sa bakod.
Ang nababakurang espasyo ay nakahiwalay sa mga panauhin sa pamamagitan ng isang kongkretong kanal at balustrada.