PI 100 - 1st Exam
Republic Act No. 1425 Rizal Law
Layunin ng Batas: Nagtatag ng PI 100 bilang mandatoryong asignatura.
Mahahalagang Petsa:
Hunyo 12, 1956 — Petsa ng pag-apruba ng batas.
Agosto 16, 1956 — Petsa ng pagpapatupad (60 araw pagkatapos ng approval).
Pino-bilang din bilang "Recto Bill" — pinangalanan kay Claro M. Recto.
Mga May-akda ng Batas:
Jose B. Laurel Jr. — Principal author/sponsor (mababang kapulungan).
Claro M. Recto — Sponsor mula sa mataas na kapulungan (Senado).
Pagtutol ng Simbahang Katoliko:
Kontroversya:
Ang mga nobela ni Rizal ay itinuturing na nakakapinsala sa pananampalatayang Katoliko.
170 linya ang tinanggal/expurgated sa Noli Me Tangere.
50 linya ang tinanggal sa El Filibusterismo.
Banta ng simbahan: isasara ang lahat ng paaralan ng Katoliko kung matutuloy ang batas.
Banta rin: excommunication kay Recto mula sa simbahan.
Tugon ni Recto: Kung maipalabas siya, ilalaban pa rin niya ang batas.
Kompromiso:
Expurgated copies — tinanggal ang mga linya na nakakapinsala sa simbahan.
Exemption clause: Ang mga estudyanteng hindi kayang tanggapin ang mga akda dahil sa pananampalataya ay maaaring mag-file ng affidavit na notarized.
Dapat ipadala sa CHED ang affidavit bilang opisyal na kahilingan. ⚠️ Mahalaga: Exempted lang sa pagbabasa — kailangan pa ring kumuha ng PI 100 subject!
Rizal Bilang Pambansang Bayani
Kung paano napili si Rizal at ang mga monumento at batas na may kinalaman sa kanya:
Komite para Piliin ang Pambansang Bayani:
Binuo ni William Howard Taft (Civil Governor ng Pilipinas).
Binubuo ng 9 miyembro: 5 Amerikano + 4 Pilipino. ⚠️ Walang batas — Amerikano ang nagtatag ng pambansang bayani nating bansa.
5 Pamantayan:
Dapat Pilipino.
Dapat patay na.
Dapat mataas ang pagmamahal sa bayan.
Dapat mahinahon ang damdamin (humble).
Dapat may madulang kamatayan (dramatic death).
Bakit si Rizal at hindi ang iba?:
Naging sanhi ng galit ng mga Pilipino laban sa España ang kanyang kamatayan.
Illustrado class — reformist, hindi separatist.
Patay na nang mapili.
"Reluctant revolutionary" — hindi sang-ayon sa armadong rebolusyon.
Mga Batas na Nagtatag ng Alaala ni Rizal
Act No. 243:
Maynila ay magbibigay ng espasyo para sa monumento ni Rizal.
International na kompetisyon para sa disenyo.
1st Prize: Carlo Nicoli — "To the Martyr of Bagumbayan".
Act No. 137:
Probinsya ng Morong → Rizal.
Kinuha ang iba't ibang bahagi ng Manila upang buuin ang probinsya.
Naka-hangganan sa Bulacan, Quezon, Laguna, Cavite, at Metro Manila.
Act No. 345:
Idineklara ang Disyembre 30 bilang pampublikong holiday.
Pagdiriwang ng kamatayan ni Rizal.
Una: Presidential decree ni Emilio Aguinaldo, Disyembre 20, 1898.
Renovasyon ng Rizal Park (1961):
1961: Sentenyal ng kapanganakan ni Rizal.
Pambansang Artista Juan Nakpil ang na-assign na mag-renovate.
Idinagdag ang aluminum pylon na halos 100 talampakan ang taas.
Hindi nagustuhan ng publiko — tinanggal noong 1963.
Inilipat sa malapit sa Baclaran/Pasay City.
Simbolismo ng Rizal Monument (Rizal Park, Manila)
Libro — kaalaman at edukasyon.
Palayok/Banga — kultura, kasaysayan, at likas na yaman.
Dahon ng Laurel — tagumpay at karangalan.
Obelisk — pagiging Mason ni Rizal.
3 bituin — Luzon, Visayas, Mindanao.
Ina at Bata — pamilya at edukasyon.
Flagpole — ang pinakamataas na istruktura.
Mga Bantayog ni Rizal sa Mundo
118 sa Pilipinas:
Unang Monumento:
Daet, Camarines Norte — Disyembre 30, 1898 (Masonic influence).
Nasa ilalim nito: Morga, Noli, El Fili.
Sa Pilipinas
Lugar:
Catbalogan, Samar (1959): Tatlong lalaking hubad na may libro.
Calamba, Laguna (Hunyo 19, 2011): 6.7 metro ang taas.
Santa Cruz, Laguna (2014): 7.9 metro — pinakamataas sa Pilipinas at sa mundo.
Rizal Park, Manila (Dis. 30, 1913): "Motto Stella" — Guiding Star.
Sa Ibang Bansa
Lugar:
Madrid, Spain (Dis. 5, 1996): Nag-aral siya doon.
Jinjiang City, Fujian, China (Ene. 23, 2003): Dugong Tsino (18.61 metro).
Tokyo Hotel, Japan (Hunyo 19, 1961): Nanirahan ng ilang buwan.
Singapore (Hunyo 19, 2005).
Sydney, Australia (Okt. 26, 2005).
Litomerice, Czech Republic: Tirahan ni Ferdinand Blumentritt.
Heroismo vs. Kabayanihan
KONSEPTO
Heroismo (ni Rizal):
Individual / solo.
Sagradong misyon.
Sila lang ang may kakayahang gawin.
Larawan: nag-iisa.
Kabayanihan (ni Bonifacio):
Para sa lahat / kolektibo.
Kahit sino ay kayang gawin.
Nakatuon sa kapakanan ng bayan.
Larawan: marami.
➡️ Zeus Salazar: "Heroismo ni Rizal vs. Kabayanihan ni Bonifacio" — ang dalawa ay magkaibang uri ng paglilingkod sa bayan.
Mga Perspektibo sa Pagiging Bayani ni Rizal
Leopoldo Yabes: Rizal bilang Nationalist at Internationalist.
Camilo Osias: Rizal bilang Pioneer at Nationalist — kinikilala tulad nina Buddha at Confucius.
Renato Constantino: "Veneration Without Understanding" — burgis na repormista; modelo ng asimilasyon.
Leon Maria Guerrero: #1 sa puso ng Pilipino; diin sa sakripisyo.
Teodoro Agoncillo: "Reluctant Revolutionary".
📜 Manifesto (Disyembre 15, 1896):
"Reforms must come from above and not below".
Pagpapatay kay Rizal
Petsa: Dis. 30, 1896.
Lugar: Bagumbayan (Luneta).
Pinabaligtad si Rizal: itinuring na "traydor".
Pilipinong firing squad ang bumaril, may Espanyol sa likod.
Binigyan ng mercy shot.
Unang libing: Paco Cemetery.
"Consummatum est" — huling salita (ayon sa ilang ulat).
Mga Epekto ng Pagtatatag kay Rizal bilang Bayani
Nagkaroon ng Rizalista (Millenaryo/Milenaryo).
Nakalimutan ang ibang bayani (Mabini, Bonifacio).
Ginamit ng Amerika sa benevolent assimilation.
Mga Batas ng Amerikano laban sa Nasyonalismo
Sedition Law — bawal magsalita tungkol sa kalayaan.
Flag Law — bawal ipakita ang watawat.
Brigandage Act — bawal sumali sa armadong kilusan.
Reconcentration Act — bawal lumabas nang walang pahintulot.
Pamilya at Edukasyon ni Jose Rizal
Pangkalahatang Impormasyon:
Buong pangalan: Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda.
Hunyo 19, 1861 (Miyerkules) — ipinanganak sa Calamba, Laguna.
Halos ikinasawing-buhay ang kanyang ina sa panganganak dahil sa malaki niyang ulo.
Hunyo 22, 1861 — bininyagan tatlong araw pagkatapos ng kapanganakan.
Padre Rufino Collantes — nagbinyag.
Padre Pedro Casanas — ninong.
Rizal = "ricial" — luntiang bukirin (kaya naman berde ang bahay nila).
Pinangalanan mula sa debosyon ng kanyang ina kay San Jose (St. Joseph).
Pen names:
Laong Laan (= Lahing Handa / Ever Ready).
Dimasalang (= Di Mahawakan).
P. Jacinto (ginamit sa recollections bilang estudyante).
Alam ang 22 wika.
Magulang
Ama:
Don Francisco: Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro.
Mayo 11, 1818 – Enero 5, 1898 (74 taong gulang).
Mula sa Biñan, Laguna.
Nag-aral ng Latin at Pilosopiya sa Kolehiyo ng San Jose sa Maynila.
Ayon kay Rizal: "isang halimbawa ng mga magsasaka".
Malakas, masipag, at matalino.
Sa angkan niya: Domingo Lam-co (Chinese-Catholic migrant ang ninuno).
1731 — naging Mercado ang apelyido (Mercado = Market).
Ina:
Doña Teodora: Teodora Alonso Realonda de Quintos.
Nobyembre 8, 1826 – Agosto 16, 1911 (84 taong gulang).
Mula sa Sta. Cruz, Maynila.
Nag-aral sa Kolehiyo ng Santa Rosa.
Ayon kay Rizal: "isang mapagmahal at matalinong ina".
Siya ang unang guro ni Rizal (informal) — nagturo ng tula, matematika.
Una niyang tinuruan ang kuwento ng gamo-gamo at apoy.
Sa kanyang angkan: dugong Hapon (Ochoa lineage).
Mga Tiyuhin na Impluwensyal:
Gregorio Alonzo — impluwensya sa edukasyon at kaalaman.
Jose Alberto — impluwensya sa sining (pagpipinta at pagsulat).
Manuel — impluwensya sa palakasan (lalo na sa paglangoy).
Mga Kapatid ni Rizal
11 KAPATID — IKA-7:
Pangalan
Palaya w Taon
Detalye
Saturnina
Nening/ Ate Neneng
1850–1913; Asawa ni Manuel Hidalgo
Paciano
1851–1930; "Ikalawang ama" ni Rizal; "Pinakamagin oong Pilipino"; may 2 secret na anak.
Narcisa
1852–1939; Nakapag-asawa ng guro.
Olympia
1855–1887; Namatay sa panganganak.
Lucia
1857–1919; Asawa ni Mariano Herbosa; tinanggihan ng Simbahan ang libing.
Maria
Ate Biang; 1859–1945; -
Jose
Pepe; 1861–1896; Ika-7 sa magkakapatid.
Concepcion
Consya/ Contia; 1862–1865; "First heartbreak" ni Rizal.
Josefa
Panggo; 1865–1945; May epilepsia; panahon ng Hapon.
Trinidad
Trining; 1868–1951; Pinakahuli sa magkakapatid na namatay.
Soledad
Choleng; 1870–1929; Sinasabing anak ni Saturnina; konektado kay Miguel Malvar.
Edukasyon ni Rizal
TIMELINE
UNANG PORMAL NA PAARALAN — BIÑAN:
Maestro Justiniano Aquino Cruz — nagturo sa loob ng 1 taon.
May pamamalo (ayaw ni Rizal).
Araw-araw: magsimba, mag-aral, maglaro.
MAYNILA — ATENEO MUNICIPAL (1872–1877):
Ginamit ang apelyidong Rizal sa payo ni Paciano.
Dahilan: delikado ang Mercado (konektado kay Padre Burgos).
Koneksyon: Manuel Xerez Burgos — kaya nakapasok.
Dalawang Imperyo:
Romano (Interno/dormitoryo).
Carthagena (Externo/labas).
Mga ranggo: Emperor → Tribune → Decurion → Centurion → Flag-bearer.
Marso 14, 1877 — nagtapos bilang Sobresaliente (Bachelor of Arts — katumbas ng HS diploma noon).
UST (1877–1882)
1877–78: Filosofia y Letras (Philosophy and Letters).
1877 (Ateneo): Agrimensura (land surveying) — naging agrimensor — lisensya noong 1881.
Hunyo 1878: Pre-medicine — nagbago ng kurso para gamutin ang mata ng ina.
Tirahan: Casa Tomasina (dormitoryo).
Hindi niya gusto ang UST:
conservative ang pagtuturo.
may distraksiyon na babae (Segunda Katilbak).
Mga Tula sa Ateneo (MAHALAGA SA EXAM)
Taon | Pamagat | Konteksto
1874 | Ang Una Kong Salamismo (Mi Primera Inspiracion) | Unang tula sa Ateneo; para sa kanyang ina.
1875 | Pagbati (Felicitacion) | Regalo sa bayaw.
1877 | Isang Dialogo ng Pamamaalam ng mga Mag-aaral | Huling tula sa Ateneo.
"Sa Aking Mga Kabata" (1869) — HINDI si Rizal ang sumulat nito.
Mga Tula sa UST (MAHALAGA)
Pamagat | Detalye
A La Juventud Filipina | Para sa kabataan; "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan"; nanalo ng pilak na pluma na hugis pakpak; 18 taong gulang.
El Consejo de los Dioses | Para sa kumpetisyon ng ika-400 anibersaryo ng kamatayan ni Miguel Cervantes (Don Quixote); nanalo ng singsing.
Mga pagbabagong pampolitika, pang-ekonomiko, panlipunan, pangkultural, at pangteknolohiya
Pampolitika
Pamamahala:
Itinatag ang Centralized Government: España → Mexico → Pilipinas.
Frailocracy — labis na kapangyarihan at panghihimasok ng mga prayle sa pamamahala.
Sa loob ng mahigit 60 taon: mahigit 50 gobernador ang naglingkod (nagpalit-palit).
Pilipinas naging tapunan ng mga tiwali, malupit, at makasariling opisyal.
Mga Negatibong Katangian ng Pamamahala
Kawalang katatagan sa pamamahala.
Tiwaling mga opisyal ng pamahalaan.
Kawalan ng kinatawan sa Cortes ng España.
Paniniil sa karapatang pantao.
Kawalan ng pagkakapantay sa hudikatura.
Diskriminasyon sa lahi (Indio vs. Kastila).
Labis na kapangyarihan ng mga prayle.
Malaking lupain ng mga prayle.
Pang-aabuso ng Guardia Sibil.
Pang-ekonomiya
Galleon Trade (1565–1815):
Kalakalan sa pagitan ng Maynila at Acapulco (Mexico) lamang.
Iilang Espanyol na negosyante lang ang nakinabang.
Mga produktong naipasok sa Pilipinas: kabayo, tupa, mais, iba pang kalakal.
Mercantilism — ang yaman ay nasusukat sa ginto at pilak.
Commercial Isolation — España lang ang pwedeng makipagtrade sa Pilipinas.
Mga Uri ng Buwis
Tributo (Direct Tax) — buwis sa tao / income.
Indirect Tax — VAT, taripa, buwis sa kalakal.
Cedula — sedula ng residensiya.
Tabako industry ang pinakamatagumpay na monopolyo.
Opium — legal sa panahon ng España (Parian).
Polo y Servicio (Sapilitang Paggawa)
Sapilitang paggawa ng mga kalalakihang Pilipino, karaniwan 16–60 taong gulang.
Humigit-kumulang 40 araw bawat taon.
Para sa paggawa ng kalsada, barko, gusali, tulay.
Falla/Talla — parusa (pera) kung hindi makasama.
Nagresulta sa pagkabawas ng bilang ng mga lalaki sa pamilya.
Bandala (Sapilitang Bentahan)
Sapilitang pagbebenta ng produkto (hal. palay) sa gobyerno sa mababang presyo.
Madalas delayed pa ang bayad.
Encomienda at Hacienda
Encomienda — "ipinagkatiwala" ang lupa at tao sa encomendero; dapat magbigay ng proteksyon at magpalaganap ng Kristiyanismo kapalit ng buwis.
Hacienda — tunay na pagmamay-ari ng lupa; maaaring ipamana at ibenta.
Calamba — pinakamalaking hacienda ng Dominikanong Orden.
Mga Pilipino naging tenant o kasama sa sariling lupain.
Panlipunan
RELIHIYON — Mga Orden ng Prayle
Agustinians — 1565 (una).
Franciscans — 1577.
Dominicans — 1587.
Jesuits — 1581 (pinaalis, nakabalik 1859).
Recolletos — 1606.
Apelyido (Catalogo de Apellidos)
Isinagawa noong 1849 sa utos ni Gobernador Narciso Claveria.
Layunin: madaling mangolekta ng buwis at makilala ang mga indibidwal.
Pangkultural / Pangkalinangan
Wika at Pagsulat
Baybayin — 17 karakter: 14 katinig, 3 patinig.
Virama — tanda ng pagbabago ng tunog.
Mga Unang Aklat sa Pilipinas
Doctrina Christiana en lengua española y tagala (1593):
ni Fray Juan de Plasencia (Pransiskano).
UNESCO Memory of the World Register (2024).
Doctrina Christiana en letra at lengua China (1593–1605):
nina Fray Juan Cobo at Fray Miguel de Benavides (Dominikano).
para sa mga Intsik sa Parian.
kailangang gupitin ang pigtails bago mag-convert.
Tomas Pinpin:
Librong Pag-aaral nang mga Tagalog nang Uicang Castilla (1610).
pinakamahusay na printer ng panahon.
Pang-teknolohiya
TEKNOLOHIYA
Tren:
Ferrocarril de Manila (Manila-Dagupan Railway) — Nobyembre 24, 1892.
Manila Railroad Company.
PNR (Philippine National Railways) — Hunyo 20, 1946 (RA 4156).
Tranvia:
Compañia de los Tranvias de Filipinas (1885):
karwahe na hinihila ng kabayo.
nina Don Jacobo Zobel at Don Adolfo Bayo.
Nagkonekta sa Intramuros, Sampaloc, Tondo.
12 pasahero bawat karwahe.
1903: Binili ng MERALCO (Manila Electric Railway and Lights Company).
1905: Electric tranvia system nagsimula — hanggang 1945.
Ruta: Binondo, Escolta, San Nicolas, Tondo, Caloocan, Malabon, Quiapo at iba pa.
63 km + 11.6 km (Sta. Ana to Pasig).
Imprastraktura
Tulay
Itinayo
Puente Grande: 1626–1630; Bumagsak 1914; isinara 1921.
Jones Bridge: 1919–1920; Binuksan 1921; bumagsak Pebrero 1945.
Puente de Claveria / Puente Colgante: 1849–1852; Unang wire-cable suspension bridge sa Asia (1852); binili ng Maynila ng ₱42,500 (Hunyo 9, 1911); tinanggal ang toll Hunyo 15, 1911.
Komunikasyon at Kuryente
Telepono: 1890.
Telégrafo: 1873 (Manila-Corregidor).
PLDT: 1928.
Public lighting: niyog na langis → kerosene.
La Electricista de Manila (1891).
MERALCO: Marso 24, 1903.
Ilaw sa lansangan: Enero 17, 1895.
Edukasyon sa Ilalim ng España
Educational Decree ng 1863
Batayan ng public school system ng España sa Pilipinas.
Edad 6–14 na obligadong pumunta sa paaralan.
Hiwalay ang klase ng babae at lalake.
Escuela Normal de Maestros de Instruccion Primaria (1865) → Philippine Normal School → Philippine Normal University (PNU).
Oras: 7–10 AM at 2:30–5 PM (5.5 oras).
Mabibigat sa relihiyon: Doctrina Christiana, vocal music.
Para sa babae: paghahabi.
Pagtapos: Bachiller en Artes — katumbas ng HS diploma ngayon.
Mga Paaralang Itinatag sa Panahon ng España
Paaralan
Nagtayo
Petsa
UST (Pontifical and Royal University of Santo Tomas)
Miguel de Benavides (3rd Archbishop of Manila)
1611 → 1617 → 1645 → 1927
Ateneo de Manila
Society of Jesus
1859 → 1865 → 1909 → 1959
San Juan de Letran
1620–1630
Santa Potenciana
1589–1866
Santa Isabel
1632 → 1733 (Real Colegio)
Concordia College
1868 (Escuela Pia)
Beaterio de la Compañia de Jesus (RVM Sisters)
1684
Beaterio de San Sebastian de Calumpang (Augustinian Recollect)
1719 — pinakamata ndang convent
Mga Paglalakbay ni Jose Rizal
Unang at Ikalawang Paglalakbay
Unang Paglalakbay — España (1882–1887)
1ST TRIP:
Umalis ng Pilipinas: Mayo 3, 1882 — Hindi alam ng kanyang mga magulang.
Barko: Salvadora; pasaporte sa pangalang Jose Mercado.
HUNYO 13, 1882: Dumating sa Marseille, France → tren patungong Barcelona.
HUNYO 16, 1882: Dumating sa Barcelona, España.
AGOSTO 20, 1882: Nailathala ang "Amor Patrio" sa Diaryong Tagalog.
editor: Basilio Teodoro Moran.
pen name: Laong Laan.
unang akdang isinulat sa labas ng bansa.
SETYEMBRE 2, 1882: Nag-enroll sa Universidad Central de Madrid.
Licentiate in Medicine (1885) — lisensya para makapag-practice.
HUNYO 21, 1884: Natapos ang degree na may grado na aprobado.
1884: Naging Master Mason sa Acacia Lodge No. 9.
PARIS:
Nagsanay sa ophthalmology kay Dr. Louis de Wecker.
HEIDELBERG, GERMANY:
Nagsanay kay Dr. Otto Becker — natapos ang pagsasanay sa paggamot ng mata.
Sa Ludwigsplatz: nakilala si Reverend Karl Ullmer — nanirahan sa Wilhelmsfeld.
Isinulat ang mga huling kabanata ng Noli Me Tangere.
Isinulat ang tula: "A Las Flores de Heidelberg" — pagpapahayag ng pagmamahal sa bayan at homesickness.
BERLIN, GERMANY:
Unibersidad ng Berlin.
Kaibigan: Dr. Rudolf Virchow (1821–1902) — "Father of Modern Pathology".
Miyembro: Berlin Ethnological Society.
Miyembro: Berlin Anthropological Society.
Isinulat: Arte Metrica del Tagalog.
Madrid Exposition, 1887:
Exposición de las Islas Filipinas.
Nagalit si Rizal sa paraan ng pagrepresenta sa mga Pilipino.
Lalo na sa pagtatanghal ng mga Igorot na parang hayop.
Quote: "Let the Philippines forget that her sons have been ridiculed."
PAGBABALIK SA PILIPINAS — AGOSTO 1887
Dumaan sa: Roma → Marseilles → Suez → Saigon → Maynila.
Agosto 5: Maynila; Agosto 8: Calamba.
Naging "Doktor Uliman" — 900 pesos bawat buwan.
Gobernador-Heneral: Emilio Terrero — nagbigay ng bodyguard na si Jose Taviel de Andrade.
Ikalawang Paglalakbay (1888–1891)
2ND TRIP: Tatlong dahilan ng pag-alis:
Nanganganib ang pamilya at kaibigan dahil sa Noli.
Mas epektibo ang pagsusulat sa labas ng bansa.
Payo ni Gobernador-Heneral Emilio Terrero.
JAPAN (UNANG HINTO):
Nakilala si Usui Seiko (O-Sei-San).
Nakilala si Tetcho Suehiro.
Nahanga sa modernisasyon ng Japan.
Ayaw ni Rizal sa rickshaw.
ABRIL 1888:
Patungong Estados Unidos sakay ng barkong Belgic.
ESTADOS UNIDOS:
San Francisco — na-quarantine sa ikaapat na araw.
LONDON (ENGLAND):
Nakituloy sa pamilya Beckett.
Nakilala si Gertrude Beckett (Gettie).
Nakilala si Dr. Reinhold Rost (1822–1896) — tumulong sa paghahanap ng Morga sa British Museum.
Nagsanay ng Ingles.
Nagsimulang mag-anotasyon ng Sucesos ni Morga.
Setyembre–Disyembre 1889 — 4 na buwan ng intensive research sa British Museum.
La Solidaridad at Mga Samahan (1889–1895)
La Solidaridad — Pebrero 15, 1889.
Mga pangunahing miyembro:
Graciano Lopez Jaena.
Marcelo del Pilar.
Jose Rizal.
Mariano Ponce.
Unang artikulo ni Rizal:
"Los Agricultores Filipinos".
Pen names:
Dimasalang.
Laong Laan.
Mga Samahang Itinayo ni Rizal
Samahang Kidlat (1889) — kasama ang Luna brothers.
Indios Bravos — dignidad ng mga Indio.
Sociedad R.D.L.M. (Redención de los Malayos).
International Association of Filipinologists:
Pangulo: Ferdinand Blumentritt.
Kalihim: Jose Rizal.
Compañerismo — samahan sa UST.
Valentin Ventura — El Fili.
Maximo Viola — Noli.
Universal Exposition sa Paris (Mayo 1889)
Juan Luna — ika-2.
Felix Hidalgo — ika-3.
Talumpati ni Rizal → naging banta sa España.
Nellie Boustead — nakilala.
Belgium (Brussels) at Mga Kaganapan:
Mas mura ang buhay kaysa Paris.
Tinapos ang El Filibusterismo sa Paris.
Umalis sa Propaganda at La Solidaridad.
Pumunta sa Ghent para sa paglilimbag ng El Fili.
Mga Sinulat sa Belgium/España
Ingratitudes.
Una Profanación.
La Verdad Para Todos.
Crueldad.
Inconsequencias.
Llanto y Risas.
Sobre la Nueva Ortografia de la Lengua Tagala.
Calamba Hacienda Case at Alitang Rizal-Del Pilar
1887–1891: pag-angat ng upa sa lupa.
Si Rizal ang nanguna sa reklamo.
Pinalayas ang mga pamilya.
Pinatapon si Manuel Hidalgo sa Bohol.
Paghamon ng duelo kay Wenceslao Retana — hindi natuloy; humingi ng paumanhin.
Liham: Leonor Rivera → ikakasal kay Charles Henry Kipping.
Alitan nina Rizal at Del Pilar — tungkol sa Responsable; nanalo si Del Pilar.
Hong Kong (Nobyembre 1891 – Hunyo 1892)
Pinakamasayang reunion — Pasko 1891.
Kaibigan: Dr. Lorenzo Marques (Portuges) — nagtatag ng klinika.
Sabah / North Borneo Project (New Calamba):
Marso 7, 1892.
100,000 ektarya.
Hindi natuloy dahil tutol ang España.
Mga Sinulat sa Hong Kong:
Konstitusyon ng La Liga Filipina.
A La Nacion Española.
Sa mga Kababayan.
Una Visita a la Victoria Gaol.
La Mano Roja.
Mga Akda ni Jose Rizal
Mga pangunahing nobela, tula, artikulo, at iba pang sulatin
Noli Me Tangere
Isinulat sa Europa; nailathala noong 1887 sa Berlin.
Pinansiyahan ng kaibigan ni Rizal na Maximo Viola.
Pangunahing tauhan: Crisostomo Ibarra (alter-ego ni Rizal), Elias, Maria Clara, Padre Damaso.
Layunin: ilantad ang "cancer ng lipunan" — korupsyon ng gobyerno, simbahan, at sistemang kolonyal.
Kinakalaban ng nobela: gobyerno, relihiyon, sistema ng katarungan ng España.
170 linya ang itinuturing ng Simbahan na nakakapinsala.
El Filibusterismo
Ika-2 nobela; isinulat sa Belgium; nailathala noong 1891 sa Ghent.
Pinansiyahan ng Valentin Ventura.
Pangunahing tauhan: Simoun (si Ibarra sa bagong pagkakakilanlan) — naniniwala na ang rebolusyon na ang tanging lunas.
50 linya ang itinuturing ng Simbahan na nakakapinsala.
Mas madilim at rebolusyonaryong mensahe kaysa Noli.
Pahayag ni Rizal sa Ghent, Belgium (1891)
"Ang bayan ay may cancer sa lipunan na kailangang ibunyag… Itatanghal ko ang mga kondisyon nang walang pagtatago… Itataas ko ang lambong na nagtatago sa kasamaan."
Mahahalagang Tula
Tula
Taon
Detalye
Ang Una Kong Salamismo (Mi Primera Inspiracion)
1874
Unang tula sa Ateneo; para sa ina.
Pagbati (Felicitacion)
1875
Para sa bayaw (kaarawan).
Isang Dialogo ng Pamamaalam ng mga Mag-aaral
1877
Huling tula sa Ateneo.
A La Juventud Filipina
1879
Nanalo ng pilak na pluma; "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan"; 18 taong gulang.
El Consejo de los Dioses
1880
Para sa 400th anniv. ni Cervantes; nanalo ng singsing.
A Las Flores de Heidelberg
1886
Homesickness; pagmamahal sa bayan.
Arte Metrica del Tagalog
1887
Isinulat sa Germany.
Mga Makasaysayang Akda at Artikulo
Akda
Nilalaman
Amor Patrio (Pagmamahal sa Bayan) — 1881
Unang akdang isinulat sa labas ng Pilipinas; sa Diaryong Tagalog.
Los Agricultores Filipinos
Unang artikulo sa La Solidaridad.
Anotasyon sa Sucesos ni Morga (1890)
Pinakamahalaga niyang pangkasaysayang akda.
Ang Pilipinas sa Loob ng Isang Taon
Hinaharap ng Pilipinas: reporma → kahirapan → kalayaan.
Katamaran ng mga Pilipino
Pagtugon sa akusasyon; tunay na dahilan ay ang sistemang kolonyal.
Ang Mga Karapatan Nang Tao
Isinulat sa Hong Kong.
Konstitusyon ng La Liga Filipina
Pinakamahalaga sa mga isinulat niya sa HK.
Liham sa mga Dalaga ng Malolos
Hinimok ang kababaihan na makipaglaban para sa karapatang matuto.
Ang Spoliarium at Mga Pintura ni Juan Luna
Spoliarium (1884) — nanalo ng unang gawad sa National Exposition of Fine Arts sa Madrid.
Blood Compact (1886) — nirepresenta ang kasunduan nina Raja Sikatuna at Legazpi — kasalukuyang nasa Malacañang.
Battle of Lepanto of 1571 (1887) — inutos ng Gobernador ng España.
Talumpati ni Rizal para sa tagumpay nina Luna at Hidalgo sa Madrid Exposition — unang pagkakataon na nagbabala ang España sa kanya.
Felix Hidalgo — "Los Virgenes Cristanas Expuestas al Populacho".
Huling Pagbabalik sa Pilipinas
Layunin:
Makipag-usap kay Gobernador-Heneral Eulogio Despujol.
Itatag ang La Liga Filipina.
Pabulaanan ang akusasyon ni Eduardo de Lete.
Hunyo 20, 1892: Gumawa ng dalawang liham na bubuksan pagkatapos ng kanyang kamatayan.
Hunyo 21, 1892: "nasa bitag na".
Nagtanim ng banned pamphlet sa kanyang bagahe.
Itinapon sa Dapitan — 4 na taon bago patayin.
Mahalagang Linya
"Nasa Pilipinas na ang laban, wala na sa España".
Mga Mahahalagang Konsepto at Tema Para sa essay at conceptual na tanong sa exam
La Liga Filipina
Itinatag ni Rizal sa pagbabalik niya sa Pilipinas noong Hulyo 3, 1892.
Hindi ito isang samahang laban sa España — civic organization ang layunin.
Mga layunin:
edukasyon.
agrikultura.
kalakalan.
pagkakaisa laban sa karahasana at korupsyon.
Idineklara itong mapanganib ng gobyerno; itinapon si Rizal sa Dapitan pagkatapos.
Nang ma-disband: pinangalanan itong Katipunan ni Andres Bonifacio.
Ang Katipunan at si Rizal
Si Rizal ay Honorary President ng Katipunan — hindi niya ito alam.
Password ng Katipunan na may kinalaman kay Rizal:
Bayani (pinakamataas) = Rizal.
Kawal = GOMBURZA.
Katipun/Anak ng Bayan (pinakamababa).
Pio Valenzuela — pinadala ni Bonifacio kay Rizal sa Dapitan.
Tugon ni Rizal:
Hindi pa handa ang taumbayan; kailangan ng:
Pera para sa armas.
Suporta ng mayayaman.
Huwag hayaang suportahan ng mayayaman ang España.
Huwag umasa kay Antonio Luna (traydor).
Ang Debate: Reporma o Rebolusyon?
Kay Rizal (Reporma):
Reporma mula sa itaas, hindi mula sa ibaba.
Asimilasyon — maging probinsya ng España.
Edukasyon ang susi.
Maging bahagi ng España (equal rights).
Manifesto (Dis. 15, 1896) — laban sa rebolusyon.
Kay Bonifacio (Rebolusyon):
Armadong pakikibaka.
Kalayaan/kasarinlan.
Kilusan ng taumbayan.
Kabayanihan — kolektibong gawa.
Tanong sa essay
Kung reporma ang layunin ni Rizal, bakit siya pinatay ng España?
➡️ Dahil ang kanyang mga sinulat ay nagbukas ng kamalayan at nagpalakas ng nasyonalismo, kahit hindi niya intensyon ang rebolusyon.
Ang Pilipinas sa Loob ng Isang Taon — Pangunahing Ideya
Bipartite / Tripartite na pananaw sa kasaysayan
Pilipinas bago ang España:
may sibilisasyon.
may pagsulat (Baybayin).
may relihiyon.
Panahon ng "kadiliman" — dulot ng kolonyalismo.
Mga pangunahing reporma:
Kalayaan sa pagsasalita.
Representasyon ng Pilipinas sa Kortes ng España.
Humula ng tatlong scenario:
reporma → kahirapan → kalayaan (na may dadanak na dugo).
Pagbabanta: ang USA ay maaaring pumalit sa España.
Katamaran ng mga Pilipino — Pangunahing Argumento
Si Rizal ay nagtanggol sa mga Pilipino laban sa akusasyon ng katamaran.
Tunay na dahilan:
Polo y Servicio — sapilitang paggawa.
Mataas na buwis — walang insentibo.
Red tape at diskriminasyon.
Gambling (sapilitang pakikilahok).
Simbahan — labis na bayarin.
Pagmayaman = mapanganib.
Klima — tinanggihan ni Rizal.
Edukasyon — limitado.
➡️ Punto ni Rizal: Ang "katamaran" ay epekto ng masamang sistema, hindi likas na katangian ng mga Pilipino.
Mabilis na Reference: Mahahalagang Tao
Emilio Terrero: Gobernador-Heneral; nagbigay ng bodyguard.
Jose Taviel de Andrade: Bodyguard at kaibigan.
Luis Taviel de Andrade: Abogado ni Rizal.
Padre Federico Faura: Jesuit; huling bumisita bago mamatay.
Ferdinand Blumentritt: Pinakamalapit na dayuhang kaibigan.
Wenceslao Retana: Mamamahayag; humingi ng paumanhin.
Leonor Rivera: Pangunahing pag-ibig.
Josephine Bracken: Huling kasintahan sa Dapitan.
Nellie Boustead: Kaibigan sa France.
Juan Luna: Pintor; Spoliarium.
Paciano Rizal: Kuya; ikalawang ama.
Eduardo de Lete: Karibal; nag-akusa kay Rizal.
Quick Review: Mga Petsa na Laging Lumalabas sa Exam
Mahalaga: Memorize ang mga ito
Petsa | Kaganapan
Hunyo 19, 1861 | Kapanganakan ni Rizal.
Hunyo 22, 1861 | Binyag ni Rizal.
Disyembre 30, 1896 | Pagpapatay kay Rizal.
Hunyo 12, 1956 | Pag-apruba ng RA 1425.
Agosto 16, 1956 | Pagpapatupad ng RA 1425.
Mayo 3, 1882 | Unang pag-alis ni Rizal.
Abril 1888 | Ikalawang biyahe (Belgic).
Peb. 15, 1889 | La Solidaridad.
Hunyo 21, 1892 | "Nasa bitag na".
Disyembre 30, 1898 | Unang monumento (Daet).