pagbasa g1
Mga Batayang Kaalaman sa Pananaliksik
Layunin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Natutukoy ang batayang konsepto sa pananaliksik, lalo na ang kahulugan, katuturan, at kahalagahan nito.
Natutukoy at nasusuri ang katangian ng isang mahusay na mananaliksik at pananaliksik.
Naiisa-isa ang etika sa pananaliksik.
Natutukoy at naipapaliwanag ang mga bahagi at proseso ng pananaliksik.
Ano ang Pananaliksik?
Kahulugan:
Ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-alam o pagsusuri sa pamamagitan ng imbestigasyon o pagsasagawa ng eksperimento sa pagtuklas at pagbibigay ng interpretasyon sa katotohanan ng isang teorya.
Ayon kina Best at Kahn (1998), ang pananaliksik ay isang sistematikong pagsusuri at pagtatala ng mga kontroladong obserbasyong maaaring magpaunlad ng prinsipyo o teorya, maaaring magbunga ng prediksiyon at posibleng ganap na pagkontrol sa mga pangyayari.
Proseso at/o Sangkap ng Pananaliksik
Pagsusuri ng mga Kontroladong Obserbasyon
Kahalagahan:
Sa unang sangkap, kinakailangan ang pagsusuri ng mga kontroladong obserbasyon.
Dapat tanungin kung totoo, makabuluhan, at napapanahon ang mga nakikita, nababasa o naririnig na impormasyon.
Nagiging kontrolado ang obserbasyon dahil pinipili at sinusuri ang mga bahagi o aspekto na may kaugnayan sa suliraning nais bigyang solusyon.
Halimbawa:
Isang halimbawa ng pagsasuri ng kontroladong obserbasyon:
Nais imbestigahan ang antas ng pagiging makabayan ng kabataan ngayon.
Obserbasyon: Maaaring makita ang mga kapwa mag-aaral na tumatangkilik sa mga produktong Pilipino.
Hindi sapat ang obserbasyon na ito para masabing makabayan ang kabataan.
Kinakailangang gumamit ng questionnaire para sukatin ang makabayan na damdamin.
Pagpapaunlad ng Prinsipyo o Teorya
Kahalagahan:
Ang mga obserbasyong nakalap at nasuri ay inaasahang makapag-ambag sa prinsipyong g ginagamit o sa mismong paksa.Halimbawa, makabayan ng kabataan.
Mahalagang pag-aralan ang mga prinsipyong o teoryang kaugnay ng paksa.
Pagpapabunga ng Prediksyon o Solusyon
Kahalagahan:
Ang pananaliksik ay inaasahang magbubunga ng isang makabuluhang prediksyon o solusyon sa suliranin.
Ang mga prediksyong nabuo ay maaaring gamitin upang makapagpatupad ng mga pagbabago na makapagpapaunlad sa paksa.
Kahalagahan ng Pananaliksik
Mga Benepisyo:
Nakakatulong sa pagbuo ng bagong kaalaman.
Nagbibigay ng solusyon sa problema.
Nagpapatunay ng katotohanan ng isang ideya.
Nagbibigay-linaw sa mga pinagtatalunang isyu.
May ambag sa iba't ibang larangan (medisina, edukasyon, negosyo, agrikultura).
Halimbawa sa iba't ibang larangan:
Sikolohiya: Ginamit ang Marshmallow Test upang pag-aralan ang delayed self-gratification ng mga bata.
Agrikultura: Nakatutulong sa pagbuo ng mas dekalidad na binhi ng palay.
Negosyo: Ginagamit ang feasibility study para malaman ang potensyal na kita ng negosyo.
Katangian ng Mahusay na Pananaliksik
Katangian:
May pagsusuri sa datos at impormasyon.
May hypothesis at malinaw na layunin.
Sumusunod sa sistematikong proseso.
May tiyak na saklaw at limitasyon.
Nakabatay sa wastong datos at impormasyon.
Walang kinikilingan at walang pandaraya.
Katangian ng Isang Mananaliksik:
May interes at kuryosidad sa paksa.
Naghahanap ng mapagkakatiwalaang impormasyon.
Mapanuri sa mga sanggunian at datos.
Nag-eebalwasyon ng nakalap na impormasyon.
Nakabubuo ng kongklusyon mula sa datos.
Naipapakita nang maayos ang resulta ng pananaliksik.
Iba pang Mahahalagang Katangian
Matiyaga:
Naglalaan ng talino, panahon, at lakas para sa mabusising paghahanap.
Sistematikong:
Sumusunod ng tamang proseso upang hindi masayang ang oras.
Maingat:
Tungkol sa kalidad at kredibilidad ng pinagkukunan ng datos.
Analitikal:
Sinusuri ang mga paksang kaugnay ng napiling paksa.
Kritikal:
Bumubuo ng makabuluhang kongklusyon at rekomendasyon.