Araling Panlipunan 9 Reviewer
Araling Panlipunan 9: Ekonomiks Reviewer
Makroekonomiks at Maykroekonomiks
- Makroekonomiks - Pag-aaral sa buong konsepto ng ekonomiks.
- Maykroekonomiks - Pag-aaral sa maliit na bahagi lamang ng ekonomiks.
Aralin 12: Pambansang Kita
- Gross Domestic Product (GDP) - Kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyong nagawa sa loob ng bansa.
- Gross National Income (GNI) - Kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyong nagawa ng isang bansa. Kilala rin bilang Gross National Product (GNP).
- GDP ay gawa dito sa loob ng bansa, samantalang ang GNP ay gawa ng mamamayang Pilipino.
- Ang Market Value ng mga produkto o serbisyo sa pamilihan ang basehan sa pagkukuwenta ng GNP.
Iba’t ibang Paraan ng Pagkukuwenta ng GNP
Industrial Origin Approach o Value Added Approach
- Gross Domestic Product (GDP) - Pinagsama-samang presyo ng mga produkto at serbisyo na nagawa sa loob ng bansa.
- Net Primary Income from Abroad (NPIA) - Kita ng mga Pilipino sa ibang bansa.
- Halimbawa:
- Agrikultura = 250 mathrm{milyon}
- Industriya = 261 mathrm{milyon}
- Serbisyo = 105 mathrm{milyon}
- NPIA = 48 mathrm{milyon}
- Pagkuha ng GDP: 250 + 261 + 105 = 616 mathrm{milyon}
- Pagkuha ng GNP: 616 + 48 = 664 mathrm{milyon}
- GDP = 616 mathrm{milyon}
- GNP = 664 mathrm{milyon}
Final Expenditure Approach
- Pagggastos ng iba’t ibang sektor para sa kanilang pangangailangan.
- Mga kabilang:
- Gastusin ng Personal na Sektor (GP)
- Gastusin ng Gobyerno (GG)
- Gastusin ng Kompanya (GK)
- Gastusin sa Panlabas na Sektor (export o X, import o M)
- Net Primary Income from Abroad (NPIA)
- Statistical Discrepancy (SD)
- Halimbawa:
- GP = 272 mathrm{milyon}
- GG = 165 mathrm{milyon}
- GK = 121 mathrm{milyon}
- X = 22 mathrm{milyon}
- M = 24 mathrm{milyon}
- NPIA = 105 mathrm{milyon}
- SD = 3 mathrm{milyon}
- Pagkuha ng GNP: 272 + 165 + 121 + 22 - 24 + 105 + 3 = 664 mathrm{milyon}
Factor Income Approach
- Pagsama-sama ng kita ng mga salik ng produksyon.
- Mga kabilang:
- Kita ng Gobyerno (KG)
- Kita ng Entreprenyur at Ari-arian (KEA)
- Kita ng Empleyado at Manggagawa (KEM)
- Kita ng Korporasyon o Kompanya (KK)
- Capital Consumption Allowance (CCA)
- Indirect Business Taxes (IBT)
Aralin 13: Consumption at Savings Functions
- Consumption Function - Nagpapakita ng relasyon ng pagkonsumo at kita.
- Savings Function - Relasyon ng pag-iimpok sa kita.
- Ang consumption at saving functions ang nagpapaliwanag kung paano hinahati ang kabuuang kita sa pagkonsumo at pag-iimpok.
Pagkonsumo, Pag-iimpok, o Kita
- Pagbili ng produkto o serbisyo - Pagkonsumo
- Maaring mangyari ito kahit walang kita - Pagkonsumo
- Kailangan pagplanuhan upang magkaroon ng pag-iimpok - Kita
- Pag-iwas sa paggastos - Pag-iimpok
- Natatanggap pagkatapos ng nakatakdang trabaho - Kita
Aralin 14: Implasyon
- Implasyon - Patuloy na pagtaas ng pangkalahatang presyo ng pamilihan.
Uri ng Implasyon
- Demand Pull Inflation - Mas mataas ang demand kaysa sa supply.
- Cost Push Inflation - Pagtaas ng gastos sa produksyon.
- Structural Inflation - Paghina sa pagsabay ng pagbabago ng mga sektor ng ekonomiya.
Mga taong Apektado ng Implasyon
- Mga nag-iimpok
- Mga nagpapautang
- Mga taong may tiyak na kita
Sanhi o Bunga ng Implasyon
- Ang pagkakaroon ng kalamidad o sakuna - Sanhi
- Ang pagtaas ng palitan ng piso at dolyar - Bunga
- Ang pagbaba ng halaga ng piso - Bunga
- Pagtaas ng Sahod - Bunga
- Pagbagsak ng Negosyo dahil sa pagbagal ng pag-unlad ng ekonomiya - Sanhi
Aralin 15: Patakarang Piskal
- Patakarang Piskal - Pagkontrol ng pamahalaan sa paggastos at pagpataw ng buwis upang palaguin ang ekonomiya at balansehin ang presyo ng pamilihan.
Pamamaraan ng Patakarang Piskal
- Expansionary Fiscal Policy (EFP) - Pagastos ng pamahalaan ng malaki sa mga proyektong pangkabuhayan.
- Contractionary Fiscal Policy (CFP) - Ipinapatupad kung ang ekonomiya ay lumalago ng napakabilis.
EFP o CFP
- Bigayan ng bonus - EFP
- Mataas ang halaga ng piso sa dolyar - CFP
- Pagkakaroon ng maraming kalamidad kaya’t nahihirapan ang sektor ng produksyon - EFP
- Mataas ang presyo ng mga bilihin - EFP
- Ang pagdating ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa - CFP
Aralin 16: Sistema ng Pananalapi sa Bansa
- Patakarang Pananalapi - Paggamit o pagkontrol ng suplay ng salapi upang palaguin ang ekonomiya.
- Buwis - Pera o salaping dapat bayaran ng tao sa pamahalaan.
- Buwis sa Kita - Binabayarang buwis ng mga manggagawa.
Aralin 17: Pambansang Kaunlaran
- Pagsulong - Masasalamin sa positibong pagbabago sa lahat.
- Pag-unlad - Kabuuang proseso na kinabibilangan ng iba’t ibang aspeto ng lipunan.