FILI - URI NG PAGSULAT

TEKNIKAL NA PAGSULAT - Isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay impormasyon para sa teknikal o komersyal na layunin. Halimbawa: Ulat panlaboratoryo, kompyuter

DYORNALISTIK - Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editorial, kolum, anunsiyo at iba pang akdang karaniwang makikita sa mga pahayagan o magasin.

REPERENSYAL - Uri ng pagsulat naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian hinggil sa isang paksa. Halimbawa: Bibliography, index, note cards

PROPESYONAL - Uri ng pagsulat na nakatuon o eksklusib sa isang tiyak na propesyon. Halimbawa: Police report, Investigative report, legal forms, Medical reports

MALIKHAIN - Masining ang uring ito ng pagsulat. Ang pokus ay ang imahinasyon ng manunulat bagamat maaaring piksyonal at di-piksyonal ang akdang isinusulat. Halimbawa: pagsulat ng tula, Nobela, Maikling katha

AKADEMIKONG SULATIN - isang uri ng pagsulat na naglalaman ng mga mahahalagang impormasyon,ito ay ginagamit upang maibahagi nila ang kanilang mga nalalaman sa ibang tao.

AKADEMIKONG PAGSULAT - Halimbawa: lab report, pamanahong papel, eksperimento

KATANGIAN NG AKADEMIKONG SULATIN : Pormal, Obhetibo, May paninindigan, May pananagutan, May Kalinawan

PORMAL - Ang mga ganitong uri ng sulatin ay pormal at hindi ginagamitan ng mga impormal o balbal na pananalita

OBHETIBO - Ang layunin ng akademikong pagsulat ay pataasin ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pagbasa at pagsulat sa iba't ibang disiplina o larang.

MAY PANININDIGAN - Ang akademikong pagsulat ay kailangang may paninindigan sapagkat ang nilalaman nito ay pag-aaral o mahalagang impormasyon na dapat idinudulog at dinepensahan, ipinaliliwanag at binibigyang-katwiran ang mahahalagang layunin

MAY PANANAGUTAN - Mahalagang matutuhan ang pagkilala sa mga sangguniang pinaghanguan ng mga impormasyon.

MAY KALINAWAN - Ang sulating akademiko ay may paninindigang sinusundan upang patunguhan kung kaya dapat na maging malinaw ang pagsulat ng mga impormasyon at ang pagpapahayag sa pagsulat ay direktibo at sistematiko.

Iba pang katangian ng isang akademikong sulatin na dapat isaalang-alang: Obhetibo, Eksplisit, Wasto, Responsable, Iskolarling estilo sa pagsulat

Katangian ng Akademikong Sulatin - Hindi na maaaring alisin ang pagiging sining at agham ng akademikong sulatin. Taglay na katangian ng isang akademikong sulating ang pagiging malikhain ng isang manunulat sa pagsasalansan ng mga konsepto na umiiikot sa paksa. Binabagayan niya ito ng angkop na paraan na dumaraan sa tumpak at makatotohanang paraan.

Mga Halimbawa ng Akademikong Sulatin:

Posisyong Papel - Laman ng akademikong sulating ito ang opinion, saloobin, at pananaw na pinagyaman upang maging matibay na paninindigan. Sa akademikong sulating ito maipamamalas ang matibay na paglalahad ng katuwiran.

Talumpati - Sining ng pagpapahayag ng kaisipan sa pamamagitan ng pasalita. Layuning manghikayat, magbahagi ng katotohanan,kaalaman, o impormasyon

Katitikan ng Pulong - Nakatago sa mga talaan. Pinaguusapan sa isang pulong na may mga pahayag sa isyung pinaguusapan.

Agenda - Talaan ng mga paksang tatalakayin sa pagpupulong.

Panukalang proyekto - Mga gawain itong nais mangyari o bago mangyari ay kailangang dumaan sa proseso ng panulat.

Abstrak - Pinaikling bersiyon ito ng isang pananaliksik o papel na ihaharap sa mga panayam-palihan, kumperensiya, at iba pang kahanay na gawain

Bionote - Maikling paglalarawan tungkol sa manunulat. Madalas inilalakip sa naisulat.

Lakbay Sanaysay - Tumutukoy ito sa detalyeng pagsasalaysay ng mga karanasan kaugnay sa lugar na pinuntahan.

Replektibong Sanaysay - Personal na realisasyon sa pamamagitan ng pagbabahagi ng aral na mapakikinabangan ng sari li sa hinaharap at posible ring maging gabay sa iba.