Kahalagahan ng Kasipagan
Pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na may kalidad.
Tumutulong sa tao na malinang ang ibang mabubuting katangian:
Tiwala sa sarili
Mahabang pasensya
Katapatan
Integridad
Disiplina
Kahusayan
Mahalaga para sa relasyon sa gawain, kapwa, at lipunan.
Nakakatulong ito upang mapaunlad ang pagkatao.
Katangian ng Masipag na Tao
Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa.
Ginagawa ang gawain nang may pagmamahal.
Hindi umiiwas sa anumang gawain.
Kabaliktaran ng Kasipagan
KATAMARAN:
Nagiging hadlang sa tagumpay.
Ang isang tamad ay ayaw tumanggap ng gawain at nagrereklamo.
Kadalasang hindi natatapos ng maayos ang mga gawain.
Dapat ipakita ang kasipagan sa lahat ng oras, lalo na bilang kabataan.
Kahalagahan ng Pagpupunyagi
Pagtitiyaga na makamit ang layunin o mithiin.
Pagtanggap sa mga hamon at pagsubok nang may kahinahunan, hindi nagrereklamo.
Patuloy na pagsubok ng mga gawain hanggat hindi nakamit ang mithiin.
Sa kabila ng mga balakid, kinakailangang maging matatag.
Metapora
"Pagkatapos ng ulan ay sisikat ang araw...":
Ang hirap na dinaranas ay tiyak na papalitan ng ginhawa at tagumpay.
Kahalagahan ng Pagtitipid
Nagtuturo na hindi lang mamuhay ng masagana, kundi gamitin ang pagtitipid upang makatulong sa iba.
Mahalin ang bunga ng ginawang pagsisikap at pagtitiyaga.
Magbaon ng pagkain sa opisina o eskwela.
Matutong maglakad sa malapit na paroroonan para makatipid sa pamasahe.
Mas matipid na bumili sa palengke kaysa sa mga malls.
Orasan ang paggamit ng mga appliances (TV, computer, etc.).
Huwag bumili ng imported na produkto - pahalagahan ang lokal na produkto.
Kahalagahan ng Paggamit ng Naipon
Mahalaga ang wastong pamamahala ng naimpok na salapi.
Ang pag-iimpok ay paraan para makapag-save na magagamit sa hinaharap.
Bakit Dapat Mag-impok?
Ang pera ay nagbibigay ng seguridad sa buhay, lalong lalo na sa hinaharap.
Ito ay pinaghihirapan, kaya dapat gastusin ng tama.
Para sa proteksyon sa buhay.
Para sa mga hangarin sa buhay.
Para sa pagreretiro.
Pagtanggap sa Pag-iimpok
Dapat ituring na obligasyon, hindi optional.
Magsimula ng maaga upang makamit ang masaganang bukas.