ARALIN 5: PIGHATI NG PAGMAMAHAL
Pag-ibig at Paghihirap
- Quotation: "Kung siya Mong ibig na ako'y magdusa Langit na mataas, aking mababata (MATITIIS)."
- Paliwanag: Handang tiisin ni Florante ang pagpapahirap ng Langit, basta maalala siya ng puso ni Laura.
Pakiramdam ng Kapalaran
- Quotation: "Nguni, sa aba ko, sawing kapalaran! ano pa'ng halaga ng gayong suyuan kung ang sing-ibig ko sa katahimikan ay humihilig na sa ibang kandungan?"
- Paliwanag: Sabi ni Florante, para saan pa ang pag-ibig kung tahimik na si Laura at kausap na ang iba.
Nais na Mamatay
- Quotation: "Sa sinapupunan (sa pangnangalaga) ng Konde Adolfo aking natatanaw si Laurang sinta ko, kamataya'y nahan ang dating bangis mo nang di ko damdamin ang hirap na ito?"
- Paliwanag: Gusto ni Florante na mamatay dahil naiisip niya na magkayakap sina Konde Adolfo at Laura.
Ungol sa Gubat
- Quotation: "Halos buong gubat ay nasasabugan ng dinaing-daing na lubhang malumbay, (malungkot) na inuulit pa at isinisigaw sagot na malayo niyong alingawngaw."
- Paliwanag: Rinig sa buong gubat ang mga ungol ni Florante. Ang sumasagot lang sa kanya ay ang mga alingawngaw (echoes).
Tanong kay Laura
- Quotation: "Ay Laurang poo'y bakit isinuyo (ipinagkaloob) sa iba ang sintang sa aki'y pangako, at pinagliluhan ang tapat na puso pinaggugulan (pinaglaanan) mo ng luhang tumulo?"
- Paliwanag: Tinatanong ni Florante sa hangin kung bakit kinalimutan ni Laura ang kanilang pagmamahalan.
ARALIN 6: MAGANDANG ALAALA
Pagsasayang ng Luha
- Quotation: "Hindi ko akalaing iyong sasayangin maraming luha mong ginugol sa akin, taguring madalas na ako ang giliw mukha ko ang lunas sa madlang hilahil."
- Paliwanag: Hindi inakala ni Florante na ang mga luhang iniyak nuon ni Laura ay walang kwenta pala.
Bandana ni Florante
- Quotation: "Makakailan, Laurang sa aki'y iabot basa pa ng luha bandang isusuot; ibinibigay mo ay naghihimutok (nagdaramdam) takot masugatan sa pakikihamok."
- Paliwanag: Naalala ni Florante ang mga pagkakataong inabot ni Laura ang bandana, na basa ng kanyang luha dahil alalahanin siya ni Laura.
Pananabik ni Laura
- Quotation: "Hanggang ako'y wala't nakikipaghamok nag-aapuhap (naghahanap) ka ng pang-aliw-loob, (mapaglilibangan) manalo man ako'y kung bagong nanasok nakita mo na'y may dala pang takot."
- Paliwanag: Sa pagbalik ni Florante mula sa digmaan, hindi mapakali si Laura.
Takot ni Laura sa Sugat
- Quotation: "Buong panganib mo'y baka nagkasugat di maniniwala kung di masiyasat, at kung magkagurlis (magkagalos) nang munti sa balat hinuhugasan mo ng luhang nanatak."
- Paliwanag: Takot si Laura na baka may sugat si Florante na hindi niya nakita at mahugasan.
ARALIN 7: KAPANGYARIHAN NG PAG-IBIG
Pagtanggap ng Mandirigma
- Quotation: "Nagkataon siyang pagdating sa gubat ng isang gererong (mandirigma) bayani ang tikas, (tindig) putong sa turbante ay kalingas-lingas pananamit Moro sa Persiang' s'yudad."
- Paliwanag: May dumating na mandirigma sa gubat, isang taga-Persiya.
Pagtingin sa Palibot
- Quotation: "Pinigil ang lakad at tatanaw-tanaw anaki'y ninitang pagpapahingahan, di kaginsaginsa'y ipinagtapunan ang pica't adarga't (kalasag) nagdaop ng kamay."
- Paliwanag: Huminto siya sa kanyang lakad. Tumingin siya sa paligid at inihagis ang kanyang mga sandata.
Luha at Paghihirap
- Quotation: "Malao'y humilig, nagwalang-bahala di rin kumakati ang batis ng luha, (hindi nawawala ang luha sa mga mata) sa madlang himutok (daing) ay kasalamuha ang wikang: "Flerida'y tapos na ang tuwa!"
- Paliwanag: Sumandal siya at patuloy ang pagluhang nagdadala ng daing. Nagsasalita siya: "Flerida, tapos na ang tuwa." (NOTE: Anim na taon na siyang naglalakbay sa labas ng Persiya at hindi siya maka move-on.)
Pagtatanong ng Mandirigma
- Quotation: "Ang bayaning Moro'y lalo nang namaang 'Sino'ng nananaghoy (dumaraing) sa ganitong ilang?' lumapit sa dakong pinanggalingan ng buntung-hininga't pinakimatyagan."
- Paliwanag: Nagtaka si Aladin kung sino ang umiiyak sa gubat. Nakinig siya nang mabuti.
Paghahanap ng Kasagutan
- Quotation: "Inabutan niya'y ang ganitong hibik (daing) 'Ay, mapagkandiling (mapag-alaga) Amang iniibig! bakit ang buhay mo'y naunang napatid ako'y inulila sa gitna ng sakit?'"
- Paliwanag: Narinig ni Aladin na may nagtatanong kung bakit siya inulila ng kanyang ama.