appaap
Globalisasyon
- Ang tawag sa malaya at malawakang pakikipag- ugnayan ng bansa sa daigdig
Bakit ito kontemporary ?
- Binago at hinahamon ang pamumuhay at perennial institution
- Nababawasan ang pag tangkilik sa lokal na mga produkto
Perennial institution
- Mga pamilya, simbahan, pamahalaan, at paaralan
Ayon sa World Bank at international monetary fund
- Mahalaga ang pagtutulungan ng ibat ibang bansa
- Nag papautang
Immanuel Wellerstein (1974)
- Ang globalisasyon ay kumakatawan sa tagumpay ng kapitalismo sa mundo
George Ritzer (2011)
- Mabilisang pagdaloy, proseso ng interaksyon at integrasyon
Ang kasaysayan ng globalisasyon
Nagsimula ito sa…
Silk road - ang ruta ng kalakalan sa pagitan ng china at iba’t ibang bansa.
Suez canal - nagsilbing shortcut ng mga barko mula europe at asia
Kalakalang Galyon - kalakalan ng Mexico at Pilipinas
3 konsepto ng globalisasyon
Privatization
- Pagsasapribado ng mga negosyo
- Naisapribado ang mga negosyo na hawak at pagmamay-ari ng gobyerno
- PPP/ Public Private Partnership
Deregulasyon
- Kailangang maging malaya sa paggalaw ang mga bagay kalakal
Liberalisasyon
- Pag -aangkat ng mga produkto ay kailangang maamyendahan o baguhin upang maging malaya ang kalakalan sa bansa.
limang pananaw o perspektibo sa globalisasyon
Ayon kay Nayan Chanda, ang kagustuhan ng tao na magkaroon ng maayos na pamumuhay ang nagtulak sa tao upang makipagkalakalan, manakop, maging manlalakbay.
Ayon kay Scholte (2005) ang globalisasyon ay isang mahabang siklo (cycle) ng pagbabago.
Ang pangatlong pananaw o perspektibo ay naniniwalang may anim na “wave” o panahon ang globalisasyon. Ito ang binigyang-diin ni Therborn (2005)
- Ika-4 hanggang ika-5 siglo (katangian: globalisasyon ng relihiyon - Islam at Kristiyanismo)
- Huling bahagi ng ika-15 siglo (katangian: pananakop ng mga Europeo)
- Huling bahagi ng ika-18 siglo hanggang unang bahagi ng ika-19 na siglo (katangian: digmaan sa pagitan ng mga bansa sa Europa na nagbigay-daan sa globalisasyon)
- Post-World War II (katangian: pagkakahati ng daigdig sa dalawang puwersang ideolohikal - komunismo at kapitalismo)
- Post-Cold War (katangian: pananaig ng kapitalismo bilang sistemang pang-ekonomiya; nagbigay-daan sa mabilis na pagdaloy ng pangangalakal, teknolohiya at mga ideya, sa pangunguna ng Estados Unidos)
galing sa partikular na pangyayari mula sa kasaysayan at maaaring marami ang pinag-ugatan o ang naging sanhi ng globalisasyon. Halimbawa ng mga pangyayaring ito ay ang kalakalan sa Mediterranean noon gitnang panahon, ang pagsisimula ng pagbabangko sa mga siyudad-estado sa Italya noong ika-12 na siglo, at ang paglalakbay ng mga vikings mula Europa patungong Iceland, Greenland at Hilagang Amerika.
Ang pang-limang pananaw o perspektibo ay nagsasaad na ang globalisasyon ay nagsimula sa kalagitaan ng ika-20 na siglo, kung saan ang tatlong pangyayaring ito ay may direktang kinalaman sa pag-usbong ng globalisasyon:
- Pag-usbong ng kapangyarihan ng Estados Unidos pagkatapos ng World War II
- Paglipana ng mga multinational corporations (MNCs) at transnational corporations (TNCs)
- Pagbagsak ng Soviet Union at ang pagtatapos ng Cold War
Mga aspekto ng globalisasyon
Aspektong Pampulitika - ay ang aspeto ng globalisasyon na may kinalaman sa sistema ng demokratisasyon at Mga Karapatang Pantao
Mga Halimbawa ng Aspektong Pampulitika:
Sa globalisasyon, umusbong ang mga organisasyon sa antas ng daigdig, upang magkaroon ng ugnayang pampulitika sa maraming bansa. Mga organisasyon sa antas ng mundo, tulad ng World Bank, WTO, at United nations o (UN).
Aspektong Pang-ekonomiya - ay ang pagsasama-sama ng mga pambansang ekonomiya ng mga bansa sa pandaigdigang sistemang pang-ekonomiya,
Ang mga halimbawa ng Aspektong Pang-ekonomiya ay:
Lumakas ang mga ekonomiya ng ilang bansa dahil sa pagbaba ng presyo ng krudo, transportasyon, pagsulpot ng mga multinational na kompanya at mga pandaigdigang organisasyon kagaya ng World Trade Organization At world Bank
Aspektong Pangkultura - ay namarkahan sa pagpasok ng ibang kultura sa isang bansa sa anyo ng pananamit, pamumuhay, panlasa, at iba pa na maaaring makapagpabago sa pamumuhay ng mga tao.
Ang mga halimbawa ng aspetong kultural ay:
Ang impluwensya ng music trends mula sa United States, Korean-style beauty at fashion dahil sa impluwensya ng K-Pop.
4. Aspektong pan teknolohiya - ay ipinahihiwatig ng teknolohikal na pagsulong at pagbabago na mabilis na lumalago, na pinagsasama ang pandaigdigang mundo sa pamamagitan ng madaling pag-access sa komunikasyon
Ang mga halimbawa ng teknolohikal na aspeto ay:
ang impluwensya ng news portal na konektado sa website.
Outsourcing
- Pag kuha ng serbisyo sa ibang kompanya
Dalawang klase
BPO - Business processing Outsourcing
KPO - knowledge Processing outsourcing
Offshoring
- Pag kuha ng serbisyo mula sa ibang bansa na naniningil ng mas mababang bayad
Nearshoring
- Pag kuha ng serbisyo mula sa kalapit na bansa
Onshoring
- Pag kuha ng serbisyo mula sa sariling bansa
brain drain
- pag-alis niya ng mga edukado o propesyonal na tao mula sa isang bansa
- engineering, doctor, lawyer (pagiisip)
brawn drain
- is construction worker (physical)
Multinational companies - Ang multinational companies ay mga kumpanya na may operasyon sa iba't ibang mga bansa ngunit mayroong "home country" kung saan sila nakabase. Ang pagdedesisyon ay pangunahing nagmumula sa multinational companies.
Transnational companies - Ang transnational companies ay mga kumpanya na may mga kumpanya sa iba't ibang bansa. Wala itong itinuturing na "home country".