Filipino Reviewer

Mitolohiya

The Story of Pygmalion and Galatea

Pygmalion, a talented sculptor from Cyprus, became disillusioned with real women due to their perceived flaws. He devoted himself to his art, crafting a statue from ivory that was so exquisitely beautiful and lifelike that he named her Galatea and fell deeply in love with her.

Pygmalion treated Galatea as if she were real, bringing her gifts, dressing her, and talking to her. His affection for the statue grew so intense that he wished for her to be more than just an inanimate object.

Moved by Pygmalion's genuine devotion, Aphrodite, the goddess of love and beauty, decided to intervene. During a festival dedicated to Aphrodite, Pygmalion prayed for a wife as perfect as Galatea and wished for the statue to come to life.

Aphrodite granted his wish. When Pygmalion returned home, he was astonished to find that Galatea had become a living woman. Overjoyed, he embraced her, and their love was reciprocated. They married, and according to some versions of the myth, they had a son named Paphos, who later became associated with the city of Paphos in Cyprus.

Mitolohiya

  • Kuwento na karaniwang binubuo ng mga mito o diyos.

Banghay: Ayos ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.

Elementong Naratibo:

  • Simula:

    • Tauhan: Pagpapakilala ng mga pangunahing tauhan.

    • Tagpuan: Pagpapakilala ng lugar at panahon.

    • Saglit na Kasiyahan: Maikling sandali ng saya bago magsimula ang pangunahing problema.

  • Gitna:

    • Suliranin: Pagpapakilala ng pangunahing problema o pagsubok.

    • Tunggalian: Labanan o labanan ng mga tauhan kaugnay ng suliranin.

    • Kasukdulan: Pinakamataas na punto ng kwento kung saan umabot sa pinakamataas na tensyon.

  • Huli:

    • Kakalasan: Pababang pangyayari pagkatapos ng kasukdulan.

    • Wakas: Katapusan ng kwento at resolusyon ng suliranin.

Tema: Ang pangunahing mensahe o ideya na ipinapahayag ng kwento.

Pandiwa

  • Depinisyon: Bahagi ng pananalita na nagpapakita ng kilos o aksyon. Nagsasaad ito ng isang gawain, pangyayari, o estado.

1. Perpektibo (Nakaraang Aksyon)

Katangian:

  • Nagpapakita ng aksyon na tapos na o nakumpleto na.

  • Karaniwang mga panlapi: nag-, um-

  • Karaniwang mga hulapi: -in, -an

Mga Halimbawa:

  • Kumain (kumain na)

  • Naglaro (naglaro na)

  • Binili (binili na)

Tip: Hanapin ang mga pandiwa na may mga panlapi na nagpapahiwatig ng pagkakumpleto, tulad ng "um-" at "nag-", o mga hulaping "-in" at "-an."

2. Imperpektibo (Kasalukuyang Aksyon)

Katangian:

  • Nagpapakita ng aksyon na kasalukuyang nangyayari.

  • Karaniwang may mga inuulit na pantig.

  • Karaniwang panlapi: nag- na sinusundan ng inuulit na pantig.

Mga Halimbawa:

  • Kumakain (kumakain)

  • Naglalaro (naglalaro)

  • Bumibili (bumibili)

Tip: Hanapin ang mga pandiwa na may inuulit na pantig o nagsisimula sa "nag-" na sinusundan ng iba pang pantig na nagmumungkahi ng kasalukuyang aksyon.

3. Kontemplatibo (Hinaharap na Aksyon)

Katangian:

  • Nagpapakita ng aksyon na mangyayari pa lamang sa hinaharap.

  • Karaniwang panlapi: mag-, i-

  • Madalas may "ma-" sa simula.

Mga Halimbawa:

  • Kakain (kakain pa lang)

  • Maglalaro (maglalaro pa lang)

  • Bibili (bibili pa lang)

Tip: Hanapin ang mga panlapi tulad ng "mag-", "i-", at "ma-" upang matukoy ang mga pandiwa na nagpapahiwatig ng hinaharap na aksyon.

Pagsusuri ng Parabula

Ang Parabula:

  • Ang parabula ay isang akdang pampanitikan na nagbibigay ng aral mula sa Bibliya. Ito ay mula sa salitang Griyego na "parabole" na nangangahulugang “pagtabihin.”

Elemento ng Parabula:

  • Tauhan: Ang mga karakter na nagbibigay-buhay sa parabula.

    • Tuwirang Pagpapahayag: Pagbanggit ng tagapagsalaysay sa mga natatanging katangian ng bawat tauhan.

    • Madulang Pagpapahayag: Pagpapakilala ng tauhan sa pamamagitan ng mga pahiwatig o pag-iiwan ng palaisipan.

  • Tagpuan: Lugar na pinangyarihan ng kuwento.

  • Banghay: Sunod-sunod na pangyayari at daloy ng salaysay sa parabula.

Inaasahang Pagpapahalaga:

  • Ang parabula ay maituturing na maikling kuwento na bahagi ng panitikan na mababasa sa Banal na Kasulatan o Bibliya.

  • Nakatutulong hindi lamang sa pagbasa kundi sa pag-unawa ng bawat salita nito upang maipaliwanag ang talinghaga para sa tao. Ang parabula ay may espesyal na espasyo sa Bibliya bilang bahagi ng salita ng Diyos na nagbibigay-daan sa paalala sa paggawa ng kabutihan.

BERBAL, DI-BERBAL, AT PASULAT NA ESTRATEHIYA

BERBAL

  • Pakikipag-usap nang harapan o sa pamamagitan ng salita.

    • Halimbawa: Pakikipag-usap sa kaibigan nang personal, pagtuturo ng guro sa klase.

DI-BERBAL

  • KINESIKA (KINESICS)

    • Galaw ng katawan, tulad ng ekspresyon ng mukha at kilos ng kamay.

    • Halimbawa: Pagngiti bilang tanda ng saya, pagtango bilang pagsang-ayon.

  • PROKSEMIKA (PROXEMICS)

    • Distansiya o espasyo sa pagitan ng mga tao habang nakikipag-usap.

    • Halimbawa: Pag-upo nang malayo sa hindi kilalang tao, pagtayo nang malapit sa kaibigan.

  • PANDAMA o PAGHAWAK (HAPTICS)

    • Pagpapahayag ng emosyon sa pamamagitan ng paghawak o paghaplos.

    • Halimbawa: Pagtapik sa balikat bilang suporta, pagyakap bilang pakikiramay.

  • PARALANGUAGE

    • Tono ng boses at bilis ng pagsasalita.

    • Halimbawa: Pagtaas ng boses kapag galit, pagbagal ng pagsasalita kapag nag-iisip.

  • KATAHIMIKAN o KAWALANG-KIBO

    • Pagpapakita ng damdamin o pag-iisip sa pamamagitan ng pananahimik.

    • Halimbawa: Pagtahimik habang nag-iisip, hindi pagsasalita dahil nasaktan.

  • KAPALIGIRAN

    • Lugar kung saan nagaganap ang usapan at kung paano ito nakakaapekto sa mensahe.

    • Halimbawa: Tahimik na lugar para sa seryosong usapan, masayang lugar para sa kaswal na kwentuhan.

PASULAT

  • Komunikasyon na isinusulat o ipinapadala sa text o online.

    • Halimbawa: Pagsulat ng liham, pagpapadala ng text, pagpost sa social media.

  • Kasama rin dito ang mga aklat, diyaryo, at mga blog.

    • Halimbawa: Pagbabasa ng dyaryo, pagsusulat ng blog post

Pagsusunod - sunod

Paggamit ng Pang-uring Pamilang na may Uring Panunuran o Ordinal:

  • Upang malinaw na masundan o makita ang tamang pagkakasunod-sunod.

    • Halimbawa: una, pangalawa, pangatlo


Tekstong Prosidyural:

  • Kapag ang pinagsusunod-sunod ay proseso o paraan ng pagsasagawa ng isang bagay.

    • Halimbawa: pagluluto, paglalaba, paggawa ng iba’t ibang bagay

  • Salitang nagpapakita ng pagkakasunod-sunod:

    • Una

    • Kasunod

    • Panghuli

  • Salitang hakbang + pang-uring pamilang o salitang step + pang-uring pamilang:

    • Halimbawa: STEP 1, STEP 2, STEP 3

    • Halimbawa: Unang hakbang, Ikalawang hakbang, Ikatlong hakbang


Sequential:

  • Ginagamit kapag ang pinagsusunod-sunod ay mga pangyayari sa kuwento, napanood, nasaksihan, o naranasan.

  • Hindi na gumagamit ng mga salitang nagpapakita ng pagkakasunod-sunod.

PAGPAPASIDHI NG DAMDAMIN

  • Ang pagpapasidhi ng damdamin ay pagpapahayag ng emosyon sa papataas na antas.

  • Nagagamit ito sa pamamagitan ng pag-iiba-iba ng mga salitang sinonimo.

PANGHALIP

Panghalip: Bahagi ng pananalita na inihahalili o ipinapalit sa pangngalan.

  1. Panghalip na Panao

    • Ipinapalit sa pangalan ng tao.

    Panauhan:

    • Unang Panauhan: Tumutukoy sa taong nagsasalita (Ako, Kami).

      • Halimbawa: Ako ay kakanta bukas.

    • Ikalawang Panauhan: Tumutukoy sa taong kinakausap (Ikaw, Kayo).

      • Halimbawa: Amy, ikaw ba ang gagawa ng ating proyekto?

    • Ikatlong Panauhan: Tumutukoy sa taong pinag-uusapan (Siya, Sila).

      • Halimbawa: Sa kanila pala ang mga gamit na ito.

    Kaukulan:

    • Palagyo: Ginagamit bilang simuno o paksa ng pangungusap.

    • Paari: Nagpapakita ng pagmamay-ari.

      • Unang Panauhan: akin, ko, amin, atin, naming, natin

      • Ikalawang Panauhan: mo, iyo, ninyo, inyo

      • Ikatlong Panauhan: niya, kaniya, nila, kanila

      • Halimbawa: Ang aking lolo ay isang sastre.

    Kailanan ng Panghalip na Panao: Tumutukoy sa dami o bilang ng taong tinutukoy ng panghalip.

    • Isahan: (ka, mo, iyo)

    • Dalawahan: (kami, amin, atin, natin)

    • Maramihan: (kita, tayo, kayo, inyo, sila, kanila, nila)

  2. Panghalip na Pamatlig

    • Ipinapalit sa pangngalang itinuturo.

    • Patulad: Ginagamit sa paghahambing, pagkukumpara, at pagtukoy (ganito, ganyan, ganoon).

    • Pahimaton o Panawag Pansin: Humahalili sa mga pangngalang itinuturo o tinatawagan (eto, iyan, iyon).

    • Paukol: Ginagamit kung ang pangngalan na tinutukoy ay malapit sa hinahawakan, tinuturo, o isinusuot ng nagsasalita (ito, diyan, doon).

    • Panlunan: Panghalili sa pook na kinaroroonan (narito, nariyan, naroon).

  3. Panghalip na Panaklaw

    • Sumasaklaw sa kaisahan, dami, o kalahatan ng tinutukoy (isa, iba, lahat, madla, pawa).

  4. Panghalip na Pananong

    • Ginagamit sa pagtatanong o pag-uusisa

    • Isahan: sino, ano, kanino, alin

    • Maramihan: sino-sino, ano-ano, kanino-kanino, alin-alin


Wishing you the best of luck with your exam preparation. Keep working diligently and stay focused, your efforts are sure to pay off. I’m confident that you’ll excel. Keep up the great work, and all the best for your exam! Rooting for you from afar! — Clark😊