fil


Hindi man ito kapani-paniwalang kwento ng mga diyos, diyosa at mga bayani,tinuturing itong sagrado at pinaniniwalaang totoong naganap. 



Karaniwang may kaugnayan ito sa teolohiya at ritwal. 



Mitolohiya sa Pilipinas 



Sa pilipinas naman, ang mito ay kinabibilangan ng mga kwentong bayang naglalahad ng tungkol sa mga anito, diyos at diyosa, mga kakaibang nilalang, at sa mga pagkagunaw ng daigdig noon. 



Maaaring matagpuan ang mga mitong ito sa mga kwentong bayan at epiko ng mga pangkat etniko sa kasalukuyan. 



Mayaman sa ganitong uri ng panitikan ang mga naninirahan sa bulubundukin ng Luzon, Visayas, at Mindanao. 



MITOLOHIYA NG ROMA



Ang mitolohiya ng mga Taga-Roma ay kadalasang tungkol sa pulitika, ritwal at moralidad na ayon sa batas ng kanilang mga diyos at diyosa mula sa sinaunang Taga-Roma.



Kabayanihan ang isang mahalagang tema sa mga kwentong ito.



Itinuturing nila na ito ay nangyari sa kanilang kasaysayan. 



Ang nilalaman ng mga mito ay mahimala at may elementong supernatural.



Ang kanilang mitolohiya ay hinalaw mula sa Greece na kanilang sinakop. 



Binigyan nila ng bagong pangalan ang karamihan sa mga diyos at diyosa. Ang ilan ay binibihisan nila ng ibang katangian. Lumikha sila ng bagong mga diyos at diyosa ayon sa kanilang paniniwala at kultura. 



Batay dito, sinikap nilang ipasok ang kanilang pagkakakilanlan sa mga mitolohiyang kanilang nilikha. Isinulat ni Virgil ang “Aeneid”, ang pambansang epiko ng Roma at nag-iisang pinakadakilang likha ng Panitikang Latin. 



Isinalaysay ni Virgil ang pinagmulan ng lahi ng Taga-Roma at kasaysayan nila bilang imperyo.

 

Ito ang naging katapat ng “Iliad at Odyssey” ng Greece na tinaguriang “dalawang pinakadakilang epiko sa mundo” na isinalaysay ng diyos at diyosa, at mga mortal na may katangian ng mga diyos at karaniwang mga mortal. Lumikha siya ng magkakarugtong na kwento na may temang humuhugot ng inspirasyon ang mga manunulat at mga alagad ng sining sa buong daigdig mula noon, hanggang ngayon. 



Si Ovid na isang makatang Taga-Roma ay sumulat ayon sa taludturang ginamit ni Homer at Virgil sa “Metamorphoses”. Subalit hindi ito tungkol sa kasaysayan ng Roman Empire o ng mga bayani, kundi sa mga diyos at diyosa, at ang mga mortal na may katangian ng mga Diyos at karaniwang mga mortal. 



Gamit ng Mitolohiya:

  • Ipaliwanag ang pagkakaiba ng daigdig.

  • Ipaliwanag ang pwersa ng kalikasan. 

  • Maikwento ang mga sinaunang gawaing panrelihiyon.

  • Magturo ng mabuting aral.

  • Maipaliwanag ang kasaysayan.

  • Maipahayag ang marubdub na pangarap, matintinding takot at pag-asa ng sangkatauhan.