G9-Q3-Y1-A2-Matatalinghagang_Pahayag__1_
Layunin sa Pagkatuto
Sa araling ito, inaasahang matutuhan ng mga mag-aaral na magamit nang wasto sa pangungusap ang matatalinghagang pahayag.
Kasanayan sa Pagkatuto
Ang mga mag-aaral ay inaasahang magagamit nang wasto ang mga matatalinghagang pahayag (F9WG-1IIa-53).
Mahalagang Tanong
Bakit mahalagang matutuhan ang paggamit ng matatalinghagang pahayag sa pagsulat?
Paano maiuugnay ang matatalinghagang pahayag sa kultura ng isang lugar o bansa?
Kahulugan ng Matalinghaga
Ang salitang matalinghaga ay tumutukoy sa malalim na kahulugan o may sinisimbolo.
Parabula: Isa itong kuwentong makikita sa Bibliya na gumagamit ng mga talinghaga sa pagtuturo.
Matalinhagang Pahayag
Matalinghagang Pahayag: Ito ay mga salita o parirala na may nakatagong kahulugan kaugnay ng isang bagay o kaisipan.
Katangiang Pilipino na Sinasalamin
Ang matatalinghagang pahayag ay naglalaman ng ilang katangiang Pilipino tulad ng:
Pagiging konserbatibo: Tumutukoy ito sa hindi tuwirang paglalahad ng nais sabihin.
Pagiging malikhain: Ito ay ginagamitan ng mga karanasan at karunungan upang makapagpahayag.
Proseso sa Pag-unawa ng Matalinghagang Pahayag
Mayroong mga pamamaraan upang matiyak ang pag-unawa sa kahulugan at kaisipang nakukubli sa bawat matatalinghagang pahayag.
Halimbawa ng Matalinghagang Pahayag
Ketongin: Isang ekspresyong may halong pagmamalabis na ginagamit upang maglarawan sa taong pinangingilagan na tila may sakit na nakahahawa.
Halimbawa: "Ketongin ang turing kay Elias ng kaniyang mga kamag-anak mula nang lumaya ito sa bilangguan."
Nagpatirapa: Isang matalinghagang pahayag na nagsasaad ng labis na kagalakan.
Halimbawa: "Nagpatirapa ang ketongin nang pagpapasalamat kay Jesus bunga ng kaniyang paggaling."
Pagpapahayag at Pananalig
Pinagaling ng Pananampalataya: Tumutukoy ito sa malalim na paniniwala ng tao sa Diyos.
Halimbawa: "Sabi ni ina, pagagalingin ng aking pananampalataya ang kanser ko sa buto basta’t huwag mawala ang aking pananalig sa Diyos."
Iba pang Halimbawa ng Matalinghagang Pahayag
Kakaning Itik: "Noon, bago ang kanilang pagkalinis, kakaning-itik kung ituring ng mga tao ang sampung ketongin."
Salimpusa: "Salimpusa lamang sa bayan ng Samaria ang sampung ketongin, gawa ng ayaw ng sinoman sa pamayanan ang makihalubilo sa kanila."
Tawag-aso: "Tinatawanang-aso palagi ng mga bata ang mga matandang ketongin dahil sa mga bukol at sugat nito."
Kumindat sa Dilim: "Sampung taon nang namamanata ang matandang ketongin sa simbahan ng Baclaran ngunit hindi pa rin gumagaling."
Konteksto at Kahulugan ng Matalinghagang Pahayag
Mahalaga ang konteksto sa pagbibigay-kahulugan sa matatalinghagang pahayag; hindi lamang ito nagbibigay-gabay sa kahulugan kundi pati na rin sa pagsusuri sa conceptong kaugnay.
Pagsusuri sa Kahalagahan ng Matalinghagang Pahayag
Kailangan ng sapat na kasanayan sa pagmamasid, paghihinuha, at pananaliksik upang lubos na maunawaan ang mga matatalinghagang pahayag.