ang demand at ang mamimili

  • ang pagsusuri sa ekonomiks ay nagsisimula sa pag-aaral ng pag-uugali ng tao sa loob ng pamilihan ang mamimili at ang nagtitinda.

MICROECONOMICS - nakatuon sa pagsusuri sa maliit na bahagi ng ekonomiya

  • Ang mamimili ay bumubuo at nagsasagawa ng mga desisyon patungkol sa pagbili ng mga produkto. Ito ang bumubuo sa Economic Cycle.

    ECONOMIC CYCLE: 

    • production (paglikha) → distribution (pagbebenta/pamamahagi) → consumption (paggamit)

APAT NA PANGUNAHING KATANUNGANG PAG EKONOMIKO:

  • Ano ano ang produktong ipoprodyus?

  • Gaano karami ang ipoprodyus?

  • Paano ito ipoprodyus?

  • Para kanino ito ipoprodyus?

    • Ang mga katanungan pang ekonomikong ito ang siyang pinag- mulan kung bakit ang konsepto ng demand at supply sa ekonomiks na nagaganap 

    • Ang mabisang mekanismo para maunawaan ang takbo nito ay ang interaksiyon ng mga ito sa pamamagitan ng pamilihan 


DEMAND

  • Ang kagustuhan ng mga mamimili na bimili ng isang kalakal o paglilingkod 

  • Dami ng produkto na nais bilhin ng mga konsyumer isang takdang presyo.

  • Maitatakda kung ang konsyumer ay may kakayahan at  kagustuhan na bilnin ang isang produkto o ar serbisyo.

kagustuhan + kakayahan = demand

Batas ng Demand

  • Mayroong INVERSE O MAGKASALUNGAT na ugnayan ang presyo sa Quantity demanded ng isang produkto.

  • Mataas ang demand ng isang kalakal kung mababa ang Presyo nito.

  • Bumababa ang demand ng kalakal kung tumataas ang presyo nito.  CETERIS PARIBUS

2 konsepto:

  •  substitution effect and income effect.


CETERIS PARIBUS

  • Nangangahulugan na lahat ng ibang salik ay hindi nagbabago 

  • May mga kalakal na kahit mataas ang presyo ay hindi pa rin nagbabago ang demand nito


KONSEPTO NG DEMAND

  • Demand Schedule

    • isang talaan na nagpapakita ng dami na kaya at gustong bilihin ng mga mamimili sa iba’t ibang presyo 

  • Demand Function

    • sa pamamagitan ng mathematical equation ay maipapahayag ang ugnayan ng presyo at demand.

    • QD (QUANTITY DEMAND) - dependent variable

    • P (PRESYO) - independent variable 


FORMULA FOR DEMAND FUNCTION

Qd = Qd - P (P)

P = Qd - Qd divided by P 


Demand Curve

  • isang grapikong  paglalarawan ng di tuwirang relasyon ng presyo at dami ng bibilhing produkto


PAGLIPAT NG DEMAND CURVE

  • Nagkakaroon ng paglipat ng demand curve kung nagkaroon ng pagbabago sa demand ng isang kalakal

  • Lumilipat ang demand curve pakaliwa (left) kung bumababa ang demand ng kalakal

  • Lumilipat naman ang demand curve pakanan (right) kung tumataas ang demand ng kalakal

SALIK NA NAGPAPABAGO SA DEMAND

  • Presyo

  • Di-presyong salik

    • Kita ng mamimili

    • Populasyon 

    • Presyo ng mga kaugnay o kapalit na produkto

    • Panlasa

    • Inaasahan ng mga mamimili