2ND QUARTER
Ekonomiks Mikroekonomiks at Makroekonomiks
Mikroekonomiks: Sangay ng ekonomiks na pinag-aaralan ang maliliit na gawaing pang-kabuhayan, kasama ang gawain ng mamimili, negosyante, at pamilihan.
Makroekonomiks: Saklaw ang kabuuang ekonomiya ng isang bansa.
ARALIN 1
Demand
Tumutukoy ito sa dami ng produkto at serbisyo na nais at kayang bilhin ng mamimili sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon.
Batas ng Demand:
Kapag tumaas ang presyo, bumababa ang dami ng nais at kayang bilhin.
Kapag bumaba ang presyo, tataas naman ang dami ng nais at kayang bilhin.
Nakabatay ito sa prinsipyo ng ceteris paribus: presyong ang pangunahing nakakaapekto sa bilang ng demand.
Dalawang Konsepto sa Quantity Demand
Substitution Effect: Kapag tumaas ang presyo ng isang produkto, ang mga mamimili ay maghahanap ng mas murang pamalit.
Income Effect: Ipinapakita na kung mababa ang presyo, mas maraming produkto ang mabibili; kung mataas ang presyo, kumukunti ang kakayahan ng mamimili na makabili.
Demand Schedule
Isang talaan na nagpapakita ng dami na kayang at gusting bilhin ng mamimili.
Demand Schedule para sa Kendi:
Presyo bawat piraso (P) | Quantity Demand
5 | 10
4 | 20
3 | 30
2 | 40
1 | 50
0 | 60
Demand Curve
Grapikong paglalarawan:
Presyo (P) | Quantity Demand (Qd)
5 |
4 |
3 |
2 |
1 |
20 |
40 |
60 |
Quiz # 1
D _ M _ _ _ - tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong gusto at kayang bilhin ng mga mamimili.
_ _ T_ _ G D M _ N D - nagsasaad na mayroong magkataliwas na ugnayan sa pagitan ng presyo at quantity demand.
K _ _ B _ N_ D _ _ _ _ D - grapikong paglalarawan ng presyo at quantity demand.
CE_ER_S PA_ _ _ U S - nagpapahayag na ang presyo ang pangunahing nakakaapekto sa pagbabago ng Quantity Demand.
_ N _ _ M _ E _ _ _ CT - nagpapahayag na mas marami ang mabibili ng kita kapag mababa ang presyo.
Demand Function
Matematikong paglalarawan ng ugnayan ng presyo at quantity demand.
Variables/Symbol:
Qd = quantity demanded
P = presyo
Demand Function para sa Kendi
Formula: Qd = 60 – 10P
Kapag ang P = 1, Qd = ?
Qd = 60 – 10(1)
Qd = 60 – 10
Qd = ?
Kapag ang P = 5, Qd = ?
Iba pang salik na nakakaapekto sa Demand MALIBAN sa Presyo
Kita:
Kapag tumataas ang kita, tumataas din ang kakayahan ng mamimili na makabili.
Normal Goods: Tumataas ang demand kapag tumaas ang kita (Hal. Karne).
Inferior Goods: Tumataas ang demand kapag bumaba ang kita (Hal. Sardinas, tuyo, itlog).
Panlasa: Tumataas ang demand kapag naaayon sa panlasa.
Karagdagang Salik
Dami ng Mamimili:
Mas maraming tao, mas maraming mamimili, mas mataas ang demand.
Bandwagon Effect: Kapag maraming bumibili ng isang produkto, nahihikayat ang iba na bumili.
Magkaugnay na Produkto:
Komplementaryo: Mga produktong sabay na ginagamit (Hal. Kape at Asukal).
Pamalit: (Hal. Softdrinks na papalitan ng Juice).
Inaasahan.
Demand Function
Qd = 300 – 20P
QUIZ # 2
Qd = 750 – 10P
P | Qd
1 | 6oo
5 | 30
10 | 300
15 | 60