(Q3) Filipino_Rep7
Magandang Umga po, bilang pagtatapos ng aralin 3 ay narito ang gawin natin
(basahin ang panuto)
So bago tayo dumako sa pag-rerecall nung balita, sino ang maaring mag enumerate nung 3 estratehiya na discuss kanina?
Paggamit ng context clues
Pagtukoy sa ayos ng salita
Pag-alam ng kahulugan sa diksiyonaryo
So tama po, (basahin)
Ngayon, narito ang balitang ginamit din sa aralin 1, (basahinn)
…
Ayan, so narito ang mga salitang di-pamilyar na makikita sa teksto, ang kahulugan nito, pati narin ang estratihyang ginamit.
Una ay ang salitang Sinibak. Masasabing gumamt dito ng context clues dahil binanggit ito kasunod ng ‘command responsibility,’
“Ang command responsibility ay isang prinsipyo kung saan ang isang pinuno, tulad ng commander o hepe, ay nananagot sa mga aksyon ng kaniyang tauhan. Kahit hindi siya direktang gumawa ng krimen, responsable pa rin siya dahil tungkulin niyang siguraduhin na ang mga tauhan niya ay sumusunod sa batas at sa tamang proseso. Kaya sa balita, sinibak din ang commander dahil may pananagutan siya sa panggagahasa at panloloob na ginawa ng kaniyang mga tauhan.”
Sunod naman ay panloloob, na gumamit din ng context clues dahil inilarawan sa balita na na pinasok ang bahay at may ninakaw.
Sunod ay nabatid, na nangangahulugang nalaman o napag alaman ayon sa dictionary.
sunod ay dinampot na gumamit din ng context clues dahil inilarawan din dito na inaresto sila ng sariling kabaro
panghuli ay ang salitang nilimas, na Gumamit ng “Pagtukoy sa ayos ng salita” dahil ito ay may salitang ugat at unlaping -ni na nagpapakita na ang kilos ay tapos na o nagawa na; na magreresulta sa kabuuang kahulugan ng salitang nilimas ay kinuha ng buo o walang natira