NOLI SUMMARY

CHAPTER 26- Ngayon ang bispera ng fiesta, at madaming tumutulong at sumusuporta ng proyekot ni Ibarra.

CHAPTER 27- Ibinigay ni Maria Clara ang kaniyang magandang palawit sa isang leprosa at kinaladkad si Sisa dahil iniistorbo niya ang mga tao

CHAPTER 28- Ang daming nagsusulat ng mga liham; isa tungkol sa kagandahan ng fiesta, isa galing kay Kapitan Martin at isa galing kay Maria Clara para kay Ibarra.

CHAPTER 29- Mag-uumpisa na ang misa sa pinakahuling araw ng fiesta; may sakit si Padre Damaso at may isang bata na tinawag si Padre Salvi ng “papa”.

CHAPTER 30- Pinamunuan ni Padre Salvi ang misa at sisimula na ang sermon ni Padre Damaso.

CHAPTER 31- Nag-umpisa ang mahabang sermon ni Padre Damaso at nasaktan si Ibarra dahil ininsulto ni Padre Damaso ang pagkamatay ng kaniyang tatay.

CHAPTER 32- Gagamitin na ang kabriya para sa pagtayo ng eskwelahan; naaksidente si Ibarra at namatay ang gumawa ng kabriya.

CHAPTER 33- Nagpapalit ng damit si Ibarra bago siya binalaan ni Elias na marami siyang kaaway.

CHAPTER 34- Natuloy ang hapunan sa bahay ni Capitan Tiago at nag-away si Ibarra at si Padre Damaso dahil nilait ulit ni Padre Damaso ang pagkamatay ng tatay ni Ibarra.

CHAPTER 35- Nagkalat ang nangyari kay Ibarra at Padre Damaso sa buong barangay at may iba’t ibang opinyon ang mga tao; ang pinakaimportante ay tinawag si Ibarra ng filbustero.

CHAPTER 36- Humihikbi si Maria Clara kasi binawal siyang mag-usap kay Ibarra.

CHAPTER 37- Dumating na ang Capitan-Heneral at sinuportahan niya si Ibarra habang nagalit siya kay Padre Damaso.

CHAPTER 38- Si Capitan-Heneral, kasama nina Capitan Tiago, ang alferez, ang alcalde at si Ibarra, ay nanood ng prusisyon sa bahay ng gobernadorcillo.

CHAPTER 39- Itinago ng alferez ang kaniyang asawa, si Dona Consolacion, dahil sa kaniyang itsura; Ang Dona ay inabuso si Sisa dahil sa kaniyang galit at nag-away silang mag-asawa.

CHAPTER 40- Nagkakagulo ang prusisyon, pero imbes na tulungan ang mga tao, ang nasa isip ni Padri Salvi ay si Maria Clara; kahit makasarili ang ginawa niya, sinasabi ng balita na siya’y kumalma sa kaguluhan.