ESP-REVIEWER

ESP REVIEWER

KABUTIHANG PANLAHAT – Ito ay kabutihan para sa bawat isang indibidwal na nasa lipunan. Ito ay isang pagpapahalagang naiiba sa pansariling kapakanan.

Lipunan-Lipon, nangangahulugang pangkat

- ang bawat tao ay may kinabibilangang pangkat na iisa ang tunguhin o layunin.

Komunidad – “communis” nangangahulugang common o pagkakapareho

- binubuo ng mga indibidwal na magkakapareho ng interes, ugali o pagpapahalaga.

Kabutihang Nakararami – nanatiling nag-iiwan ng ilang kasaping hindi makatatanggap ng kabutihan.

John Rawis-Ang kabutihang panlahat ay pangkalahatang kondisyong pantay na ibinabahagi para sa kapakinabangan ng lahat ng kasapi ng isang lipunan.

MGA ELEMENTO NG KABUTIHANG PANLAHAT

1. Paggalang sa indibidwal na tao

2. Kapayapaan

3. Tawag ng katarungan

MGA HADLANG SA PAGKAMIT NG KABUTIHANG PANLAHAT

1. Nakikinabang lamang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit tinatanggihan ang bahaging dapat gampanan upang mag-ambag sa pagkamit nito.

2. Ang indibidwalismo o ang paggawa ng tao ng kanyang personal na naisin.

3. Ang pakiramdam na siya ay nalalamangan o mas malaki ang naiaambag niya kaysa sa nagagawa ng iba.

KONDISYON SA PAGKAMIT NG KABUTIHANG PANLAHAT (Joseph De Torre, 1987)

1. Lahat ng tao ay dapat mabigyan ng pagkakataong makakilos nang malaya na ginagabayan ng diyalogo, pagmamahal at katarungan.

2. Pangunahing karapatang pantao ay nararapat na mapangalagaan.

3. Bawat indibidwal ay nararapat na mapaunlad patungo sa kaniyang kaganapan.

LIPUNANG PANG-EKONOMIYA – Ang lipunang ito ay nagsisikap na pangasiwaan ang mga yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa pangangailangan ng tao.

EKONOMIYA – mula sa salitang Griyego “oikos” o bahay, “nomos” o pamamahala. Oikonomea

PRINSIPYO NG PROPORTION – Ang angkop na pagkakaloob ng naaayon sa pangangailangan ng tao.

PRINSIPYO NG LIPUNANG EKONOMIYA – Hindi PANTAY ngunit PATAS

MGA KATANGIAN NG MABUTING EKONOMIYA

1. Tuloy-tuloy na paglago

2. Mataas na per capita income

3. Maliit na Porsyento ng walang trabaho

4. Kaunti ang mahihirap.

5. Kaunti ang Nagugutom.

6. Maliit ang agwat ng mayayaman at mahihirap.

MGA PAKINABANG SA PAG-UNLAD NG EKONOMIYA

1. Pagtaas ng mga pamantayan ng pamumuhay

2. Mataas na antas ng pagtatrabaho

3. Tumataas ang pamumuhunan sa mga produktong kapital

4. Benepisyo sa pamahalaan

5. Mabubuting serbisyo sa pulitiko

6. Mas produktibong mamamayan

ADBOKASIYA AT ADHIKAIN NG LIPUNANG SIBIL

1. MEDIA – pangunahing layunin ng media bilang isang anyo ng lipunang sibil ay ang magsulong ng ikabubuti ng bawat kasapi ng lipunan.

2. SIMBAHAN – Magsulong ng ating ispiritwal na pag-unlad.

3. BAHAY-AMPUNAN – Tumulong sa mga taong nangangailangan ng kalinga.

4. PARTY LIST – Magsilbing-tinig ng mga indibidwal upang matugunan ang kanilang pangangailangan.

Isama mo aq sa swerte mo beh pls maawa ka sakin!!! Goodluck, ciao ciao afr afr rawr lol istg istg fr fr ngl ngl