lesson 1 kompan reviewer
Sitwasyong Pangwika sa Telebisyon
Ang telebisyon ay itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa dami ng mga mamamayang naabot nito. Sa paglaganap ng cable o satellite connection, lalong dumami ang mga manonood saan mang sulok ng bansa. Ang midyum sa telebisyon sa ating bansa ay wikang Filipino. Ang mga sumusunod na programa ay gumagamit ng wikang Filipino:
Teleserye
Magazine show
News and Public Affairs
Dokyumentaryo
Programang pang-showbiz
Sitwasyong Pangwika sa Radyo at Diyaryo
Katulad ng telebisyon, ang Filipino rin ang midyum na nangungunang wika sa radyo. Halos lahat ng estasyon ng radyo sa AM at FM ay gumagamit ng Filipino, sa ilang mga pagkakataon:
Morning Rush: Gumagamit ng Ingles sa pagbo-broadcast.
Wikang pangrehiyon: Ginagamit kapag may kinakapanayam.
Sitwasyong Pangwika sa Diyaryo
Sa diyaryo, ang wikang Ingles ang ginagamit sa mga broadsheet, samantalang sa mga tabloid ay wikang Filipino. Ang tabloid ay mas binibili ng masa, kaya mas malaki ang impluwensiya ng mga babasahin sa nakararaming Pilipino. Ang lebel ng wikang ginagamit sa tabloid ay hindi pormal, kumpara sa karaniwang ginagamit sa mga broadsheet.
Sitwasyong Pangwika sa Pelikula
Maraming banyagang pelikula ang mas napapalabas kaysa mga lokal na pelikula sa ating bansa taon-taon. Ang mga lokal na pelikula ay gumagamit ng Filipino bilang midyum at ito ay mainit na tinatangkilik ng mga manonood. Ang mga halimbawa ng mga lokal na pelikula ay:
Starting Over Again
You're My Boss
It Takes a Man and a Woman
One More Chance
Sitwasyong Pangwika sa Iba Pang Anyong Kulturang Popular
Fliptop
Ang Fliptop ay isang pormal o pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap. Nahahawig ito sa balagtasan dahil ang bersong ni-ra-rap ay magkatugma. Ito ay tinawag na Modern Balagtasan na pinamunuan ni Alaric Riam Yuson o mas kilala bilang Anygma. Laganap ang Fliptop sa kabataan, kung saan mayroon nang malalaking samahan na nagsasagawa ng mga kompetisyong tinatawag na Battle League.
Pick-up Lines
Ang pick-up line ay tinatawag ding bagong bugtong kung saan may tanong na sinasagot ng isang bagay na madalas inuugnay sa pag-ibig at iba pang aspeto ng buhay. Madalas itong nakakaakit, nakakapagpangiti, at nakakapagpakilig. Ang programang Bubble Gang ay may malaking impluwensiya sa pagkakaroon ng segment na Boy Pick-up.
Hugot Lines
Ang hugot lines ay tinatawag ding love lines o love quotes. Isa itong patunay na ang wika ay malikhain. Karaniwan, ito ay nagmumula sa ilang tauhan sa pelikula o telebisyong nagmarka sa puso at isipan ng mga manonood. Ang mga tao ay nakakagawa ng sarili nilang hugot lines batay sa kanilang damdamin o karanasan, at kadalasang nakasulat ito sa Taglish.
Sitwasyong Pangwika sa Text
Ang pagpapadala ng SMS (short messaging system) na kilala bilang text message o text ay isang mahalagang bahagi ng komunikasyon sa ating bansa. Humigit-kumulang na apat na bilyong text ang ipinapadala at natatanggap sa ating bansa araw-araw, kaya naman tayo ay tinaguriang “Texting Capital of the World”.
Code Switching sa Text
Madalas ding gamitin ang code switching o pagpapalit-palit ng Ingles at Filipino sa pagpapahayag sa text. Usong-uso rin ang paggamit ng mga daglat bilang shortcut o pagpapaikli ng mga parirala. Halimbawa:
GBU (God Bless You)
ILY (I Love You)
CUL8R (See You Later)
G2G (Got to Go)
JK (Just Kidding)
LOL (Laughing Out Loud)
IDC (I Don’t Care)
OIC (Oh, I See)
OTW (On The Way)
B4N (Bye for Now)
Sitwasyong Pangwika sa Social Media at Internet
Sa panahong ito, ang mga tao ay may kaugaliang makipag-ugnayan sa pamamagitan ng Social Media. Kahit ang mga nakakatanda tulad ng mga lolo at lola ay kabilang na sa mga netizen. Ang Social Media ay isang biyaya para sa iba dahil napapadali nito ang komunikasyon sa mga kaibigan o mahal sa buhay na nasa malalayong lugar. Karaniwang ang code switching o pagpapalit-palit ng Ingles at Filipino ang ginagamit sa pagpapahayag.
Impormasyon Mula sa Social Media
Di tulad ng SMS na pribado, sa social media ay mas pinag-iisipan ang mga salita at pahayag bago i-post. Maraming mapagkukunan ng impormasyon ang nasusulat sa wikang Filipino, ngunit ang midyum na ginagamit ay Ingles. Tinatayang 3 bilyon ang mga taong konektado sa internet, at sa Pilipinas, 39.470 milyon ang mga taong konektado sa internet noong 2015, na dumadami ng 10% taon-taon.
Sitwasyong Pangwika sa Kalakalan
Ang wikang Ingles ang kadalasang ginagamit sa boardroom ng mga malalaking kumpanya na pinamumunuan ng mga dayuhan, na tinatawag na multinational companies. Subalit, ang wikang Filipino ang ginagamit sa mga production lines, malalaking malls, restaurants, pamilihan, mga palengke, at maging sa mga direct selling.
Sitwasyong Pangwika sa Pamahalaan
Sa bisa ng Atas Tagapagpalaganap Blg. 335, serye ng 1988, ang lahat ng mga kagawaran, kawanihan, opisina, ahensiya, at instrumentaliti ng pamahalaan ay inaatasan na magsagawa ng hakbang upang magamit ang Filipino sa transakyunal, komunikasyon, at korespondiya. Ang dating Pangulong Cory Aquino ay may malaking kontribusyon sa pagpapalaganap ng wikang Filipino, maging ang kanyang anak na si dating Pangulong Benigno Aquino III.
Sitwasyong Pangwika sa Edukasyon
Sa mga mababang paaralan (Kindergarten hanggang Grade 3), ang unang wika ang gamit bilang wikang panturo at bilang hiwalay na asignatura. Sa mataas na antas, nananatiling bilingguwal kung saan ang wikang Ingles at Filipino ay ginagamit sa wikang panturo.
Kongklusyon
"Ang hindi magmahal sa kanyang salita, Mahigit sa hayop at malansang isda; Laya ang marapat pagyamaning kusa Na tulad ng inang tunay na nagpala."
— Dr. Jose P. Rizal