Pag-aaral ng Ekonomiks Tungo sa Likas-Kayang Pag-unlad
Kasaysayan at Paglaganap ng Kaisipang Pang-ekonomiya
Physiocracy:
Isang kaisipang pang-ekonomiya na nagsimula sa France noong ika-18 siglo.
Naniniwala ang mga physiocrats na ang agrikultura ang pangunahing pinagmumulan ng yaman ng isang bansa.
Francois Quesnay: Siya ang sumulat ng "Tableau Économique" noong 1758 na nagpakita ng kahalagahan ng agrikultura bilang pangunahing pinagkukunan ng yaman.
Classical Economics:
Umusbong noong ika-18 hanggang ika-19 na siglo.
Nakasentro ang paniniwalang ito sa malayang pamilihan at kompetisyon bilang pinakamabisang paraan para sa pag-unlad ng ekonomiya.
Adam Smith: Tinaguriang "Father of Modern Economics."
Sumulat ng aklat na "The Wealth of Nations."
Ipinaliwanag ang konsepto ng "Laissez-faire" o ang "Invisible Hand" — ang paniniwalang dapat hayaang gumalaw ang pamilihan nang malaya nang walang panghihimasok mula sa pamahalaan.
Thomas Malthus: Kilala sa kanyang "Population Theory." Ayon sa kanya, mas mabilis ang paglaki ng populasyon kaysa sa suplay ng pagkain, na maaaring magdulot ng kahirapan at kakapusan sa likas na yaman.
David Ricardo: Nagpakilala ng konseptong "Comparative Advantage." Ayon sa kanya, dapat magpokus ang isang bansa sa paggawa ng mga produkto kung saan sila ay mas mahusay at mas episyente upang mapalago ang kalakalan.
Marxismo:
Itinuturo nito ang pagkakaroon ng tunggalian sa pagitan ng mayayaman (bourgeoisie) at mga manggagawa (proletariat).
Ayon sa kaisipang ito, ang kapitalismo ay mapagsamantala at dapat palitan ng komunismo kung saan ang yaman at produksiyon ay pag-aari ng lahat.
Karl Marx: Tinaguriang "Ama ng Komunismo." Sumulat ng "The Communist Manifesto" at "Das Kapital" na tumatalakay sa tunggalian ng mga uri sa lipunan at kritisismo sa kapitalismo.
Keynesian Economics:
Nagsimula bilang tugon sa "Great Depression" noong 1930s kung saan bumagsak ang ekonomiya at tumaas ang kawalan ng trabaho.
John Maynard Keynes: Naniniwala na hindi sapat ang malayang pamilihan para lutasin ang malalaking suliraning pang-ekonomiya. Iminungkahi niya ang aktibong paggastos at pakikialam ng pamahalaan upang mapataas ang demand, mapalago ang produksiyon, at mabawasan ang unemployment.
Mahahalagang Konsepto sa Ekonomiks
Trade-off: Ito ay ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng iba pang bagay dahil sa limitadong pinagkukunang-yaman.
Opportunity Cost: Ito ay tumutukoy sa pinakamahalagang bagay o alternatibo na isinakripisyo o isinuko sa bawat pagpili o desisyong ginagawa.
Marginal Thinking: Ang pagsusuri ng isang indibidwal kung ang dagdag na benepisyo ng isang desisyon ay mas higit ba kaysa sa dagdag na gastos nito.
Incentives: Mga benepisyo, gantimpala, o pabuya na nagtutulak sa isang tao upang gumawa ng isang partikular na aksyon.
Pangangailangan (Needs): Mga bagay, produkto, o serbisyo na kailangan ng tao upang mabuhay (hal. pagkain, tubig).
Kagustuhan (Wants): Mga bagay na nais o hinahangad ng isang tao para sa sariling kasiyahan ngunit hindi naman kailangan upang manatiling buhay.
Hirarkiya ng Pangangailangan ayon kay Abraham Maslow
Ang "Hierarchy of Needs" ay nagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng mga pangangailangan ng tao mula sa pinakamababa (basic) hanggang sa pinakamataas na antas ng pag-unlad ng pagkatao:
Physiological Needs (Pisiyolohikal): Ang batayang pangangailangan para sa mabuhay gaya ng pagkain, tubig, tirahan, damit, tulog, at kalusugan.
Safety Needs (Seguridad at Kaligtasan): Kabilang dito ang seguridad sa pananalapi, katatagan ng trabaho, proteksiyon laban sa panganib, at pisikal na kaligtasan.
Social Needs (Love & Belonging): Pangangailangan sa pakikipag-ugnayan, pagkakaroon ng kaibigan, pagmamahal, at pakiramdam na bahagi ng isang pangkat.
Esteem Needs (Pagpapahalaga sa Sarili): Pagkakaroon ng respeto sa sarili, pagkilala mula sa iba, istatus, at mga personal na nakamit (achievement).
Self-Actualization (Kaganapan ng Pagkatao): Ang pinakamataas na antas kung saan ang tao ay naaabot ang kanyang buong potensyal, naipapahayag ang pagkamalikhain, at nakakaranas ng personal na paglago.
Dalawang Sangay ng Ekonomiks
Maykroekonomiks: Nag-aaral sa maliliit na yunit ng ekonomiya gaya ng kilos at desisyon ng mga indibidwal na mamimili at mga negosyo, at kung paano naaapektuhan ng demand at supply ang presyo.
Makroekonomiks: Nakatuon sa kabuuang daloy ng ekonomiya ng isang buong bansa. Tinatalakay nito ang mga aspeto gaya ng kabuuang produksiyon, pambansang kita, antas ng trabaho (employment), implasyon, at mga patakaran ng pamahalaan.
Ang Pangunahing Proseso ng Ekonomiks
Produksiyon: Ang proseso ng pagbuo ng mga produkto o serbisyo mula sa mga hilaw na materyales. Ang mga gamit sa pagbuo nito ay tinatawag na "input" ng produksiyon.
Pamamahagi (Distribution): Ang mekanismo ng pagbabahagi ng limitadong yaman, produkto, o serbisyo sa mga tao o lugar na higit na nangangailangan at makikinabang dito.
Pagkonsumo: Ang aktwal na paggamit ng mga mamamayan sa mga produkto o serbisyo upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan.
Palitan (Exchange): Ang boluntaryong paglilipat ng mga produkto o serbisyo kapalit ng salapi. Ito ay may tatlong anyo:
Sistemang Barter: Pagpapalitan ng produkto sa kapwa produkto.
Sistemang Salapi: Paggamit ng pera o salapi bilang pambayad sa produkto o serbisyo.
Sistemang Kredito: Pagpapalitan na may kasunduang babayaran ang kinuha sa hinaharap o sa takdang panahon.
Kahalagahan ng Pag-aaral ng Ekonomiks
Wastong Pagdedesisyon: Nagbibigay ng gabay sa tamang paggamit ng oras, salapi, at yaman upang matugunan ang mga pangangailangan.
Gabay sa Pamahalaan: Mahalaga sa pagbuo ng mga programang pang-ekonomiya tulad ng paglikha ng trabaho, pagkontrol sa inflation, at pagpapaunlad ng industriya.
Kaalaman sa Lipunan: Tumutulong upang maunawaan kung paano umiikot ang ekonomiya at paano ito nakaaapekto sa takbo ng lipunan.
Responsableng Mamamayan: Humuhubog sa tao upang maging matalino sa paggastos, pag-iimpok, at paggamit ng mga likas na yaman.
Pag-unlad ng Bansa: Ang maayos na pamamahala ng ekonomiya ay susi sa pagkakaroon ng mas maraming oportunidad at matatag na kabuhayan para sa lahat.
Mga Gawain
Book Work: Sagutan ang pagsasanay sa aklat na matatagpuan sa Hamon Kaalaman 1.1, pahina 5. Siguraduhing malinaw at maayos ang pagkakasulat ng mga sagot.
Mga Gawain
Book Work: Sagutan ang pagsasanay sa aklat na matatagpuan sa Hamon Kaalaman 1.1, pahina 5. Siguraduhing malinaw at maayos ang pagkakasulat ng mga sagot.