ARALIN 1
Ang Kahalagahan ng Pagsusulat At ang Akademikong Pagsulat
Ang Filipino sa Piling Larangan (Akademik) ay inilimbag para sa pangangailangan ng mga mag-aaral tungo sa matagumpay na edukasyon.
Layunin nito na ihasa ang kakayahan ng kabataan sa akademikong pagsusulat.
Ang mga aralin, babasahin, at iba pang gawain ay iniangkop batay sa interes ng mga mag-aaral.
Ang pagsusulat ay naghandog ng makabuluhang pagkatuto at pagbuo ng analitikal, kritikal at mapanuring isipan.
Mga Uri ng Akademikong Sulatin
Magkakaroon ng kaalaman sa mga sumusunod na uri ng akademikong sulatin:
Abstrak
Posisyong Papel
Sintesis/Buod
Rekplektibong Sanaysay
Panukalang Proyekto
Pictorial Essay
Agenda
Talumpati
Katitikan ng Pulong
Mga Inaasahang Matutuhan
Kahulugan ng akademikong pagsusulat
Pagkilala sa iba’t ibang akademikong sulatin batay sa:
Layunin
Gamit
Katangian
Anyo
Panimulang pananaliksik ukol sa kahulugan at katangian ng pagsusulat.
Pahalagahan ng akademikong pagsusulat sa mga gawain.
Tuklasin: Mga Dahilan ng Pagsusulat
Ang pagsusulat ay maaaring aliw para sa ilang tao o obligasyon para sa mga estudyante upang matamo ang kasanayan.
Akademikong Pagsulat
Isang masinop at sistematikong pagsulat na may pormal, obhetibo, at malinaw na katangian.
Nagbibigay-diin sa pagsasagawa ng mga gawaing dokumentaryo ukol sa mahahalagang impormasyon at datos.
Layunin ng Pagsulat (Mabelin, 2012)
Personal na Pagsusulat: nakabatay sa karanasan at damdamin, nagdudulot ng iba't ibang emosyon sa mambabasa (hal: sanaysay, tula).
Panlipunan na Pagsusulat: naglalayong makipag-ugnayan sa lipunan (hal: liham, balita, tesis).
Kahulugan at Benepisyo ng Pagsusulat
Nagpapahusay ng kakayahang mag-organisa ng kaisipan.
Nakakatulong sa pagsusuri ng mga datos para sa pananaliksik.
Nagbibigay-daan sa mapanuring pagbasa, at pagpapahayag ng mga ideya.
Nakagaganyak at nakakapag-ambag ng bagong kaalaman.
Nagbibigay pagpapahalaga sa mga akda ng ibang tao.
Nakikita ang tamang paraan ng pagtuklas ng impormasyon.
Mga Gamit sa Pagsulat
Wika: Mahalaga ang wika bilang behikulo na nagdadala ng kaalaman, dapat ito ay malinaw at masining.
Paksa: Dapat may magandang tema na nakabatay sa sapat na kaalaman.
Layunin: Dapat maging gabay sa buong proseso ng pagsusulat.
Pamaraan ng Pagsulat
Impormatibo: Nagbibigay impormasyon.
Ekspresibo: Nagbabahagi ng opinyon at damdamin.
Naratibo: Magsalaysay ng mga pangyayari.
Deskriptibo: Maglarawan ng katangian o anyo ng mga bagay.
Argumentatibo: Manghikayat o mangumbinsi.
Kasanayan sa Pagsulat
Kakayahang mag-analisa upang masuri ang datos na isusulat.
Kaalaman sa wastong pagsusulat (baybay, gamit ng tamang anyo at estilo).
Kasanayan sa paghahabi ng buong sulatin mula simula hanggang wakas.
Mga Uri ng Pagsulat
Malikhaing Pagsulat: Makabuluhang aliw at kathang-isip (hal: nobela, dula).
Teknikal na Pagsulat: Layunin na pag-aralan ang mga proyekto (hal: feasibility studies).
Propesyonal na Pagsulat: Kaugnay sa partikular na larangan (hal: lesson plan ng guro).
Dyornalistik na Pagsulat: Mahalaga ang katotohanan; para sa mga balita at artikulo.
Reperensiyal na Pagsulat: Nagbibigay pagkilala sa mga pinagkunang impormasyon.
Akademikong Pagsulat: Nakatutulong sa pagpapataas ng kaalaman, may sinusunod na kumbensiyon.
Katangian ng Akademikong Pagsulat
Obhetibo: Tumutok sa katotohanan.
Pormal: Iwasan ang kolokyal na salita.
Malinaw at Organisado: Maayos na pagkakaayos ng mga ideya.
May Paninindigan: Mahalaga ang matibay na posisyon sa paksa.
May Pananagutan: Dapat kilalanin ang mga sangguniang ginamit.