ESP

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9 (1st Quarter)

Modyul 2: Lipunang Pampolitika, Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa ( Solidarity )

PAMAYANAN – ito ay hawig sa isang barkadahan. Pinagsasama – sama sila, una na, ng kanilang kinatatayuang lugar.

Ang kuwentong nilikha nila at ang mga pagkilos upang ingatan at paunlarin ang kanilang pamayanan ay kilos ng pagbuo ng kultura.

KULTURA ang tawag sa mga nabuong gawi ng pamayanan. Ito ang mga tradisyon, nakasanayan, mga pamamaraan ng pagpapasya, at mga hangarin na kanilang pinagbabahaginan sa paglipas ng panahon. Iniukit ito sa mga AWIT, SINING, at RITWAL upang hindi ito makalimutan. Gabay ang mga tradisyong ito sa mga hamon sa kinabukasan.

LIPUNANG PAMPOLITIKA

Sa isang lipunan, nangangailangan na ng isang mas malinaw na sistema ng pagpapasya at pagpapatakbo.

PAMPOLITIKA – ang tawag sa paraan ng pagsasaayos ng lipunan upang masiguro na ang bawat isa ay malayang magkaroon ng maayos na pamumuhay, makamit ang pansariling mithiin sabay ang kabutihang panlahat.

PAMAHALAAN - ang nangunguna sa gawaing ito sa lipunan.

Ang PAMAMAHALA ay usapin ng pagkakaloob ng TIWALA.

-Sa laki ng tungkulin at kapangyarihan ng pamahalaan, may tukso na tingnan ang pamahalaan bilang nasa itaas ng mga tao; idiin at ulit – ulitin na ang pamamahala ay kaloob ng mga tao sa kapuwa nila tao dahil sa nakikita nila ang husay at galling ng mga ito sa pamumuno at pangangasiwa.

Walang isinilang na perpekto. Dahil dito, napakahalagang magtulungan ang bawat isa tungo sa pagkakamit ng ating kaganapan bilang tao. Dito papasok ang prinsipyo ng solidarity at subsidiarity.

Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Solidarity ( Pagkakaisa ) – mga pangunahing kondisyon upang maging maayos ang lipunan.

Prinsipyo ng Subsidiarity – tutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan na magawa nila ng ang makapagpapaunlad sa kanila.

Prinsipyo ng Solidarity ( Pagkakaisa ) – tungkulin ng mga mamamayan ang magtulungan at ng pamahalaan ang magtayo ng mga akmang estruktura upang makapagtulungan ang mga mamamayan.

“May kailangan kang gawing hindi mo kayang mag – isa, tungkulin ko ngayong tulungan ka sa abot ng makakaya ko. Ako naman ay may kailangang gawin nang mag – isa, tungkulin mo ngayon na tulungan ako sa abot ng makakaya mo.” Tungkulin nating magtulungan tungo sa pag – unlad ng ating lipunan.

Pananagutan ng Pinuno at Mamamayan

Iginagawad sa kanila ng buong pamayanan ang tiwala na pananagutan ang grupo. Kasama nito ang pananagutan ng mga kasapi sa lipunan na maging mabuting kasapi ng lipunan. Kung hindi tutuparin ang kanilang papel, hindi rin tatakbo at uunlad ang pamahalaan at lipunan.

  • Ang Pag – unlad ng isang lipunan ay hindi gawa ng pinuno. Gawa ito ng pag – aambag ng talino at lakas ng mga kasapi sa kabuuang pagsisikap ng lipunan.

Ilang mga tao na nanindigan para sa kapakanan ng lahat:

Ninoy Aquino – isang tinig lamang na nagpasimula ng pagsasalita ng marami pang ibang sinisikil ng diktadurang Marcos

Martin Luther King – isang tinig lamang ng mga African – American na sumigaw ng pagkilala sa tao lagpas sa kulay ng balat.

Malala Yousafzai – isang tinig ng mga musmos na naninindigan para sa karapatan ng mga kababaihan na makapag – aral sa Pakistan sa kabila ng pagtatangka sa kaniyang buhay.

Hindi mabubuo ang walis tingting kung wala ang isang tangkay

Kapwa “boss” ang pangulo at mamamayan

“Boss” ng bayan ang pinuno – magtitiwala ang bayan sa pinuno dahil may nakikitang opinion para sa kasaysayan at kabutihang panlahat.

“Boss “ naman ng pinuno ang taumbayan – walang gagawin ang pinuno kundi ingatan ang mga karapatan ng mga tao sa bayan; natutupad sa kanilang pag – uusap at pagtutulungan.

Ang lipunang pampolitika ay ang proseso ng paghahanap sa kabutihang panlahat at pagsasaayos ng sarili at ng pamayanan upang higit na matupad ang layuning ito.

Ang tunay na “Boss“ ay ang kabutihang panlahat – ang pag – iingat sa ugnayang pamayanan at ang pagpapalawig ng mga tagumpay ng lipunan.