Tekstong Impormatibo at Naratibo
Tekstong Impormatibo
Babasahing 'di piksyon
Nakabase sa makatotohanang impormasyon o datos
Naglalayong nag bigay impormasyon o magpaliwanag tungkol sa paksa
Nagsasagawa ng malawak na pagsasaliksik ang manunulat nito
Madalas makita sa balita, encyclopedia, mga website at iba
Sinasagot ang tanong na Ano, Kailan, Saan, Bakit at Paano.
Paglalahad ng kasaysayan - paglalahad ng totoong pangyayari na maaaring nasaksihan ng manunulat o kaya'y nakasulat sa isang historical account
Paglalahad ng sanhi at bunga - Ipinapaliwanag ang relasyon ng dalawang bagay at kung ano ang sanhi at ang bunga sa isang pangyayari
Paghahambing at pagkokontrast - Nagpapakita ng pagkakaparehas at pagkakaiba ng konsepto, pangyayari at iba pang bagay
Tekstong Naratibo
Pagsasalaysay ng mga pangyayari sa tauhan ng isang kwento
Iba’t ibang pananaw (punto de vista o point of view)
Unang panauhan - pagsasalaysay ng tao ng kanyang sariling karanasan sa paggamit ng pang halip na “ako"
Pangalawang panauhan - mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhan nya sa kwento kaya't gumagamit ng panghalip na “ka at ikaw”
Pangatlong panauhan - isinasalaysay ng isang taong walang relasyon sa tauhan kaya't gumagamit ng pang halip na “siya”.
Kombinasyong pananaw - marami ang tauhan at mahaba ang panahon kaya't hindi lang isa ang tagapagsalaysay sa kwento
Pangatlong panauhan:
Maladiyos na panauhan - nailalahad ang isip at damdamin ng bawat tauhan sa kwento
Limitadong panauhan - nababatid ang isip at kilos ng isang tauhan lamang sa kwento
Tagapag obserbang panauhan - inilalahad lamang ang mga kilos at sinasabi ng tauhan sapagkat hindi nito napapasok ang isip nito
Paraan ng pagpapahayag dayalogo, saloobin at damdamin
Tuwirang pagpapahayag - tuwirang pagpapahayag ng dayalogo, saloobin at damdamin sa pag gamit ng panipi
Di-tuwirang pagpapahayag - ang tagapagsalaysay ang naghahayag ng dayalog, saloobin at damdamin ng tauhan
Mga elemento o bahagi ng teksto
Tauhan - gumaganap at nakikilala sa kwento.
Protagonista o pangunahing tauhan - bida at ang pinakamahalagang tauhan sa kwento. Sakanya umiikot ito.
Antagonista o katunggaling tauhan - kontrabida at kaaway sa kwento
Kasamang tauhan - kasangga ng bida
Tauhang bilog (round charactwr) - nagbabago ang kaniyang personalidad sa takbo ng kwento
Tauhan lapad (flat character) - iisang personalidad lamang sa buong kwento
Tagpuan at panahon
Tagpuan kung saan nangyari ang kwento at kung anong damdamin ang umiral sa kapaligiran.
Tunggalian o conflict
Tao laban sa tao
Tao laban sa sarili
Tao laban sa kalikasan
Tao laban sa hayop
Tao laban sa lipunan
Tao laban sa may-likha
Banghay
Daloy at pagkakasunod-sunod ng pangyayari
Panimula - simula, pagpapakilala sa tauhan
Suliranin - pagpapakilala ng suliranin
Saglit ng pasiglahan (rising action) - pagpapakita ng aksyon tungo sa paglutas ng problema
Kasukdulan (climax) - pinakamataas na parte ng kwento, pag harap ng bida at kontrabida
Kakalasan (falling action) - nabigyang solusyon ang problema
Wakas - kinahinatnan ng mga tauhan
Anachrony na banghay
Pagsasalaysay ng kwento na hindi nakaayos sa tamang pangayayari sa kwento
Analepsis (flashback) - pinapasok ang mga nakalipas na pangyayari
Prolepsis (flash-forward) - pinapasok ang mga pangyayaring magaganap palang sa kasalukuyan
Ellipse - may puwang o may inalis na parte sa kwento
Linyar - pagsasalaysay ng kwento sa tamang ayos ng pangyayari. Tinatawag ding kronolohika na ayos
Pagbabalik-tanaw - inaalala ng punto de bista ang mga naganap sa tauhan sa lugar. Tinatawag ding itong in-medias res
Sorpresa - kagulat gulat na wakas
Dues ex- machine - foreshadowing at twist
Tema o paksa
Sentral na ideya kung saan umiikot ang kwento
Kailangang may malinanag ng may akda upang malinaw na maparating ang mensahe ng kwento