PATAKARAN
Narito ang ilan sa mga programa at patakaran ni Pangulong Cory.
Ang Administrasyon ni Pangulong Corazon C. Aquino (1986- 1992)

Hindi naging madali ang mga unang taon ng panunungkulan niPangulong Cory sapagkat siya’y humarap sa matitinding suliranin sa pagbabago ng pamamahala mula sa diktadurya patungong demokrasya. Kabilang na sa mga problemang ito ay ang hindi matatag na ekonomiya ng bansa, pagdami ng mga rebelde, pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, at pagsasaayos ng sangay ng pamahalaan.
Ang pagbabalik ng demokrasya at libreng edukasyon sasekondarya ay ilan lamang sa mga mahalagang kontribusyon ng Pangulong Cory sa pagunlad ng ating bansa.

Ang Administrasyon ni Pangulong Fidel V. Ramos (1992-1998)
Si Pangulong Fidel V. Ramos ay isang heneral ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at isa sa mga nangunang magpatalsik sa rehimeng Marcos.
Nakatuon ang kanyang pamamahala sakonseptong pagkakaisa, katatagan, at pagtutulungan. Ninais ni Pangulong Ramos na makasabay ang Pilipinas sa mga karatig bansa nito kaya siya bumuo ng mga sumusunod na programa at patakaran.
Programa / Patakaran | Layunin |
Nanguna sa pagpatupad ng Build-Operate-Transfer (BOT) | Ito ay isang scheme na kung saan ang pribadong mamumuhunan ay aanyayahang gumawa ng mga imprastraktura (tollways, powerplants, railways at marami pa). Sila rin ang magpapatakbo at ililipat sa pamahalaan ang pagkontrol nito makalipas ang takdang panahon upang maakit ang mga pribadong mamumuhunan sa ating bansa. |
Philippines 2000 | Mga layunin ng programang ito ay ang matalakay ang mga suliranin ng bansa, maibigay ang pantay na pagkakataon sa lahat at maisakatuparan ang isang bagong uri ng moralidad upang malinis ang mga anomaliya sa pamahalaan. |
Sa loob ng kanyang panunungkulan ay naitala ang mga sumusunod:
1. Napataas ang GNP (Gross National Product) nang 1.5%.
2. Napalaki ang per capita income mula $840 noong 1992 sa $1,250 noong 1996.
3. Napababa ang inflation rate mula 18.7% noong 1992 hanggang 4.6% noong 1996.
4. Napataas ang halaga ng export products mula 4.3% noong 1991 sa23.9% noong 1996.
5. Maparami ang dayuhang mamumuhunan nang 20%.
6. Napataas ang bilang ng mga turista mula 2.7 milyon sa 10 milyon noong 1996.
Ang Administrasyon ni Joseph E. Estrada (1998 – 2001)
Bukambibig ni Pangulong Estrada ang “Masang Pilipino” sa kanyang panunungkulan. Ang kanyang programa ay nakatuon sapagtugon sa mga kapakanan ng mga mahihirap. Sinikap niya namaiaangat ang pamumuhay ng mga Pilipino upang mabawasan ang pasanin ng mamamayan lalo na ang mahihirap.

Programa / Patakaran | Layunin |
JEEP ni Erap | Programa sa telebisyon at radyo na kung saan may pagkakataon ang Pangulo na sagutin ang mga isyung nakaaapekto sa bansa. |
Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) | Tugunan ang lumalalang kriminalidad tulad ng kidnapping at bank robery sa bansa. |
Naging maikli ang panunungkulan ni Pangulong Estrada sapagkat siya ay nadawit sa jueteng scandal na humantong sa isang impeachment trial at pagpoprotesta ng mga tao na tinawag na EDSA II. Siya ay nahatulang nagkasala sa kasong pandarambong at nahatulan ng reclusion perpetua o habambuhay na pagkabilanggo ngunit pinatawad ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong 2007.
Narito ang ilan sa mga naging kontribusyon ni Pangulong Estrada sa ating bansa:
1. Pagtaguyod sa makabagong pamamaraan ng pagtuturo gamit ang instructional media
at educational technology.
2. Tumaas ang bilang ng mga computers sa mga pampublikong paaralan at tumaas ang
bilang ng mga gumagamit ng internet.
3. Napasigla ang mga institusyong bokasyonal at teknikal lalo na ang mga politeknikong
kolehiyo at unibersidad.

Ang Administrasyon ni Gloria M. Arroyo (2001- 2010)
Si Gloria M. Arroyo ang ika-labing-apat na pangulo ng bansa. Malakas ang kanyang panawagan na magkaisa ang mga Pilipino upang maitaguyod ang isang “Matatag na Republika”.
Naitala ang mga sumusunod:
1. Pumalo sa average na 4.5% ang paglago ng ekonomiya ng
bansa sa panahon ng kanyang panunungkulan na higit na mataas sa mga nagdaang pangulo.
2. Tumaas ang Gross Domestic Product (GDP) ng 7%.
Programa / Patakaran | Layunin |
Roll-on Roll-off System | Roll-on Roll-off System Mapababa ang gastusin ng pagbiyahe ng mga tao at kalakal sa iba’t-ibang pulo. |
Expanded -Value Added Tax (EVAT) | Expanded -Value Added Tax (EVAT) Upang madagdagan ang kita ng pamahalaan at mabawasan ang utang ng bansa. |
Pantawid Pamilyang Pilipino Program | Bigyan ng ayuda ang mahihirap na pamilya upang makapag-aral ang mga anak. |
Ang Administrasyon ni Benigno Simeon C. Aquino III (2010- 2016)

Anak ng dating Pangulong Cory at nahalal bilang ika-labinlimang pangulo ng Republika ng Pilipinas. Nanumpa ang Pangulong Noynoy kay Conchita Carpio Morales, isang Associate Justice, dahil itinuring niyang midnight appointment ang pagkaluklok kay Chief Justice Renato Corona na kalauna’y napatalsik sa pwesto.
Maraming suliranin ang administrasyong Noynoy tulad ng Manila Hostage Crisis noong Agosto 2010 kung saan walong Hong Kong nationals ang namatay at humantong din sa pagkakapatay sa nag-hostage na si Rolando Mendoza. Ang pag-iwan ng malaking pinsala ng bagyong Yolanda na pinuna dahil sa mabagal na pagdating ng mga tulong sa mga biktima nito.
Ngunit sa kabilang banda marami ring naitalang magandang kontribusyon ang Pangulong Noynoy. Kabilang sa mga ito ang sumusunod:
1. Ang AFP Modernization Program na ang layunin ay mapabilis ang pagtugon ng
Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa mga suliranin gaya ng rebelyon, bagyo, at kalamidad at iba pa;
2. Pagtaas ng bilang ng mga may trabaho mula 92.7% noong 2010 sa94.2% noong 2016.
Programa / Patakaran | Layunin |
No “wang-wang” policy | No “wang-wang” policy Upang maiwasan ang iligal na paggamit ng “wang-wang” ng ilang pribadong mamamayan. |
Enhanced Basic Education Act of 2013 (RA 10533) o ang K-to-12 Curriculum ng Pilipinas taon pa rin ang basic education. | Enhanced Basic Education Act of 2013 (RA 10533) o ang K-to-12 Curriculum ng Pilipinas Upang mabago ang sistema ng edukasyon sa bansa dahil ang Pilipinas ay kabilang sa iilang bansa na sampung taon pa rin ang basic education. |
Ang Administrasyon ni Rodrigo R. Duterte (2016-2022)

Noong Halalan 2016, nagwagi si Rodrigo Duterte bilang ikalabing-anim na pangulo ng Pilipinas. Bago pa man siya mahalal na pangulo, siya ay mayor ng Davao City sa Mindanao.
Nakilala si Pangulong Rodrigo Duterte na matapang at may paninindigan. Isinusulong niya ang laban kontra sadroga. Sa kaniyang pangangampanya, ipinangako niya na sa loob ng 6 na buwan ay susugpuin niya ang droga sa bansa at magkakaroon ng kaayusan at katiwasayan. Nakuha niya ang simpatiya ng maraming Pilipinas na naghahangad ng pagbabago mula sa mga pangako ng mga nakaraang administrasyon.
Mga Suliraning Kinaharap sa Panunungkulan
1. Krisis sa Marawi
2. COVID 19- Pandemic
Mga Programa at Patakaran ng Pamahalaan
• Laban Kontra Droga
• 10-Point Socio Economic Agenda
✓ Magkaroon ng progresibong reporma at mas epektibong koleksiyon ng buwis.
✓ Pagpapataas ng GDP sa tulong ng Public-Private Partnership
✓ Tiyakin ang seguridad sa paggamit ng mga lupain upang mahikayat ang pamumuhunan sa bansa.
✓ Pagpapaunlad sa human capital kasama na rin ang kalusugan at sistemang edukasyon upang matugunan ang kinakailangang kakayahan sa iba’t ibang mga negosyo at pribadong sektor.
✓ Palakasin ang implementasyon ng Responsible Parenthood at Reproductive Health Law upang mas maplano ng mabuti ang pagpapamilya.
• Bilang tulong naman sa mga naapektuhan ang kabuhayan ng pandemya, sinabi ng pangulo na ipinasa ang Bayanihan One at Bayanihan Two.
• Iniulat ng Pangulo na nasa 30 milyong doses ng bakuna laban sa covid ang natanggap na ng Pilipinas.
• pampublikong transportasyon gaya ng MRT 3, LRT-2 East Extension Project at ang bagong passenger terminal sa Clark International Airport.
• Mas mabilis na rin umano ang mga transaksyon sa gobyerno sa tulong ng ipinasang "Ease of Doing Business Act"
• Napapabilis ang mga transaksyon ng publiko sa gobyerno sa pamamagitan ng Philippine identification system.
• Iginiit din umano ng Pilipinas ang panalo nito sa Arbitral Tribunal laban sa China hinggil sa West Philippine Sea.
• Ang paglikha ng departamento para sa mga OFW, gayundin ang paglikha ng Center for Disease Prevention and Control, at ng Virology and Vaccine Institute of the Philippines.
• Isinulong din ng Pangulo ang paglikha ng Department of Disaster Resilience.