PKLP - 11 - FIRST QUARTER
II. NATATANGING KABUHAYAN AT KULTURA SA ILAYA AT ILAWOD
A. ILAYA
1. IGOROT
SANAYSAY TUNGKOL SA MGA IGOROT
Ang mga Igorot ay isang pangkat etniko sa Pilipinas na kilala sa kanilang matatag na kultura, tradisyon, at
kaalaman sa agrikultura at pananim. Sila ay naninirahan sa mga kabundukan ng Cordillera sa hilagang Luzon at
binubuo ng iba’t ibang tribo tulad ng Bontoc, Ifugao, Kalinga, at iba pa. Kilala ang mga Igorot sa kanilang pagiging
masipag, matapat, at malakas na loob sa harap ng mga hamon ng buhay.
ANG KATANGIAN NG MGA IGOROT
• Ang mga Igorot ay pangunahing etnikong grupo sa Cordillera Region, hilagang Luzon.
• Kilala sila sa kanilang makulay na kultura, sinaunang tradisyon, at kaugalian.
• May malalim na ugnayan sa kalikasan; mahusay sa agrikultura, pangingisda, at pagsasaka.
• Eksperto sa pagtatanim ng gulay, prutas, at iba pang pananim bilang bahagi ng kanilang pamumuhay.
• May malakas na pananampalataya sa mga diyos, espiritu, at kalikasan—ipinapakita sa pamamagitan ng ritwal at
seremonya.
• Kilala sa pagiging masisipag, matiyaga, at matapat sa kanilang gawain.
• Sa kabila ng mga hamon sa kabundukan, patuloy silang nagtatagumpay at nagpupunyagi.
• Ipinapakita ng kanilang pamumuhay ang katatagan, pagmamahal sa kalikasan, at pagpapanatili ng kultura sa
makabagong panahon.
ANG PAMUMUHAY NG MGA IGOROT NOON AT SA KASALUKUYAN
• Noon, ang mga Igorot ay naninirahan sa kabundukan na may tradisyonal na pamumuhay na nakatuon sa
agrikultura, pangingisda, at pagsasaka.
• Nakatira sila sa mga baryo o nayon na may bahay-kubo at sistemang pamamahala batay sa kultura
• Namumuhay sila sa pamamagitan ng pagtatanim ng gulay, prutas, at pag-aalaga ng hayop.
• Masigla ang kanilang kultura sa ritwal, seremonya, at tradisyonal na gawain na nagpapakita ng katatagan at
pagmamahal sa kalikasan.
• Sa kasalukuyan, nagkaroon ng pagbabago sa pamumuhay ng mga Igorot dahil sa teknolohiya at modernisasyon.
• Marami ang lumipat sa bayan at lungsod, habang ang iba ay nanatili sa kabundukan.
• Gumagamit na sila ng makabagong kagamitan sa halip na tradisyonal, at may pagbabago rin sa mga gawi sa
agrikultura at pangingisda.
• Sa kabila ng pagbabago, patuloy nilang pinangangalagaan ang kanilang kultura, tradisyon, at pananampalataya.
• Aktibo pa rin sila sa mga ritwal at seremonya, at nananatiling maka-kalikasan at matatag bilang isang etnikong
grupo.
• Ipinapakita ng kanilang kasalukuyang pamumuhay ang pagkakaisa ng tradisyon at modernisasyon, na
nagpapayaman sa kanilang pagkakakilanlan sa lipunan.
ANG KULTURA AT WIKA NG MGA IGOROT
SA KULTURA:
• Kilala sila sa ritwal, seremonya, at kaugalian na nagpapakita ng paggalang sa kalikasan at sa mga ninuno.
• Ang kanilang sining, musika, at pananamit ay sumasalamin sa kanilang pagkakakilanlan at pang-araw-araw na
pamumuhay.
• Patuloy nilang pinangangalagaan ang mga tradisyon bilang simbolo ng kanilang katatagan at pagiging maka-
kalikasan.
SA WIKA:
• May kani-kaniyang wika o diyalekto ang bawat tribo tulad ng Ifugao, Kalinga, Limos, Kankanaey, at iba pa.
• Ang wika ay nagsisilbing daluyan ng kasaysayan, kultura, at karanasan ng kanilang grupo.
• Sa pamamagitan nito, naipapasa nila ang kaalaman at kwento mula henerasyon sa henerasyon.
Ang kultura at wika ng mga Igorot ay patunay ng kanilang kayamanan bilang etnikong grupo, at ambag sa makulay
na lipunang Pilipino.
ANG PANINIWALA, TRADISYON, RITWAL, AT SEREMONYA NG MGA IGOROT
Ang mga Igorot ay may malalim na paniniwala, tradisyon, ritwal, at seremonya na nagpapakita ng kanilang
mayamang kultura at pagkakakilanlan.
PANINIWALA:
• Naniniwala sila sa mga diyos at espiritu na may kaugnayan sa kalikasan at kabundukan.
• May paggalang sa mga ninuno at paniniwalang dapat ay may harmonya sa kalikasan.
• Ipinapakita ang kanilang maka-kalikasan at espiritwal na debosyon.
TRADISYON:
• Kasama ang mga tradisyunal na gawi sa pagsasaka, pangingisda, at pangangaso.
• May makulay na pananamit, musika, at sining na nagpapahayag ng kanilang kasaysayan at kultura.
RITWAL AT SEREMONYA:
• Isinasagawa para sa pagtatanim, pag-aani, kasal, at pag-aanak.
• Ipinapakita ang pagpapahalaga sa mga yugto ng buhay at pasasalamat sa biyaya ng kalikasan.
ANG KAHULUGAN NG KASUOTAN NG MGA IGOROT
Ang kasuotan ng mga Igorot ay higit pa sa simpleng pananamit—ito ay simbolo ng kanilang kultura, tradisyon,
at pagkakakilanlan.
PRAKTIKAL AT MAKA-KALIKASAN:
• Gawa sa mga lokal at likas na materyales tulad ng abaka, bulaklak ng pinya, at iba pa.
• Ang disenyo ay akma sa klima at kapaligiran ng kabundukan.
PAGPAPAHAYAG NG KULTURA AT PANINIWALA:
• Ang disenyo, kulay, at aksesorya ng kasuotan ay nagpapakita ng paniniwala, tradisyon, at karanasan ng kanilang
pamayanan.
• Nakapaloob dito ang katayuang panlipunan, pinagmulan, at kaugnayan sa ritwal.
• Bagama’t maraming Igorot ang nagsusuot ng modernong damit, patuloy pa rin ang pagpapahalaga sa tradisyunal
na pananamit.Isa itong ugnay sa kanilang kasaysayan at katutubong pagkatao.
• Ang kasuotan ng mga Igorot ay buhay na simbolo ng kanilang yaman bilang etnikong grupo, na patuloy na
pinagyayaman sa gitna ng modernong lipunan.
• MGA GAMIT AT KASANGKAPAN NG MGA IGOROT SA ARAW-ARAW NA BUHAY
Ang mga Igorot ay may mga gamit at kasangkapan na bahagi ng kanilang pang-araw-araw na pamumuhay sa
Cordillera Region.
SA AGRIKULTURA:
• Gumagamit sila ng araro, kutsilyo, at kahoy na batya sa pagtatanim at pagsasaka.
• Ipinapakita nito ang kanilang kasipagan at kasanayan sa agrikultura, na pangunahing kabuhayan ng komunidad.
SA PANGANGASO AT PANGINGISDA:
• Ginagamit ang pana, sibat, at iba pang tradisyonal na kagamitan upang kumuha ng pagkain mula sa kalikasan.
• Sumasalamin ito sa kanilang kaugalian at respeto sa likas na yaman.
Sa pang-araw-araw na gawain:
• May mga gamit tulad ng sisidlan, kaldero, at iba pang kasangkapan sa pagluluto at paghahanda ng pagkain.
• Ipinapakita ang pagiging praktikal at maingat sa pamumuhay.
2. BINUKOT
➢ INTRODUKSYON
Ang binukot ay isang kultural na kasanayan partikular sa mga kababaihan ng Panay, Bukidnon.Sila ay hindi
pinapayagang makita ng tao bukod sa kanilang pamilya. Hindi rin sila pinapayagang umapak sa lupa,kaya naman
sinasabing ang mga ito ay mahihina sa paglalakad.Sila ay tinatratong prinsesa sa kanilang komunidad.Kaya naman
ang mga BINUKOT ay sinasabing "ANG MGA HULING PRINSESA NG PILIPINAS".
IMAHE NG BINUKOT
Ang nasa larawan ay isang halimbawa ng isang BINUKOT sa Panay,Bukidnon.Makikita sa larawan ang kanyang
suot na damit na tanging BINUKOT lamang ang nakakapagsusuot. Ang isang Binukot ay sinasabing
pinakamagandang dalaga sa isang komunidad.Ito ay kayumanggi at nakasuot ng panubok at maaari rin silang
magsuot ng alahas tulad ng "biningkit",ito ay ang mga "Spanish Coins" na pinagsama-sama.Ang ilan pang
halimbawa ay ang "wakus" at "pundong".
Ang isang BINUKOT ay hindi maaaring makita ng isang lalaki mula pagkabata hanggang sa ito ay magdalaga.Ang
mga ito ay hindi pinapayagang gumawa ng mabibigat na trabaho kundi paghahabi lamang sa kanyang silid.Kapag
ang mga binukot ay handa na sa pag-aasawa(13-14 taon) ang kanyang mga magulang ay humihingi ng mataas na
pangayu(Dowry) sa pamilya ng manliligaw.Kapag sila ay may manliligaw,sila ay nanatili lamang sa isang kwarto na
may maliit na butas,upang doon nila masilayan ang mga lalaking umaakayat ng ligaw.
Tanging binukot lamang ang nag-aaral ng epiko ng kanilang komunidad sa pamamagitan lamang ng saling-dila.
Ang mga binukot lamang ang may kakayahang magpasa ng mga mahahabang kwento ng kanilang mga ninuno sa
mga sumusunod na henerasyon.
Ipapasa nila ang kanilang mga kultura sa mga batang babae na gusto rin maging isang binukot.Sa paglipas ng
panahon lumiliit na ang bilang ng mga batang babae na gusto maging binukot,kaya naman nangangamba ang mga
kasalukuyang BINUKOT na wala ng magmamana ng kanilang tradisyon sa mga susunod na panahon.
B. ILAWOD
1. MORO: Guerras Piráticas / The Sulu Zone
Ang "Moro" ay kolektibong katawagan sa mga Muslim na naninirahan sa Mindanao, Sulu, at Palawan.
Mayaman sa kultura, tradisyon, at kasaysayan ng pakikibaka laban sa kolonyalismo (Espanyol, Amerikano, at maging
sa gobyernong sentral).
Mahalaga sa kasaysayan ng Pilipinas dahil sa kanilang:
• Pagpapanatili ng kanilang relihiyon at kultura
• Pagtatanggol sa kanilang lupaing ninuno
• Mga kilusang katulad ng Bangsamoro struggle
Bangsamoro struggle-mahabang pakikibaka ng mga Moro (Muslim sa Mindanao, Sulu, at Palawan) para sa sariling
pagpapasya, kalayaan, at karapatang pampulitika sa harap ng kolonyalismo at kontrol ng pamahalaang sentral ng
Pilipinas.
a. Guerras Piráticas (Moro Wars)
Ang Guerras Piráticas ay tumutukoy sa serye ng armadong tunggalian sa pagitan ng mga Moro at mga Espanyol
mula ika-16 hanggang ika-19 na siglo. Tinawag ito ng mga Espanyol na piratic wars o "digmaang pandarambong," dahil
itinuring nila ang mga Moro bilang mga pirata na sumalakay sa mga pamayanang Kristiyano sa Visayas at Luzon.
Ngunit hindi ito simpleng pandarambong. Mula sa perspektibo ng mga Moro, ito ay makasaysayang pagtutol
laban sa kolonyalismo, pananakop, at sapilitang Kristiyanisasyon.
Mga Layunin ng mga Moro:
• Pagtatanggol ng kanilang lupang ninuno at pananampalatayang Islam
• Pagpapalawak ng kapangyarihan sa dagat gamit ang mga mabilisang bangka (lanong, karakoa)
• Pag-angkin ng likas-yaman at alipin sa pamamagitan ng paglusob sa mga lugar sa ilalim ng Espanyol
b. The Sulu Zone (James Warren)
Ang The Sulu Zone ay isang konsepto mula sa aklat ni James Francis Warren. Ipinapakita nito ang Sultanato ng
Sulu bilang isang lehitimong maritimong estado na may malawak na kalakalan, alipin, at pampulitikang impluwensiya sa
Southeast Asia mula 1768–1898.
Pangunahing Katangian:
• Sultanato ng Sulu bilang sentro ng kalakalan (China, British, Dutch, etc.)
• Paggamit ng alipin bilang bahagi ng ekonomiya (karamihan ay mga nabihag mula sa Moro raids)
• Malawak na impluwensya sa dagat (Moro Gulf, Celebes Sea, Sulu Sea)
• Resistensya laban sa pananakop ng Espanya at Amerika
2. BADJAO
• Ang "Badjao" ay isang katutubong pangkat-etniko na kilala bilang "Sea Gypsies" o "Sama Dilaut".
• Sila ay mga mangingisda at manlalayag, tradisyunal na naninirahan sa mga bangkang bahay sa dagat ng Sulu at
Celebes Sea.
• Nahaharap sa mga hamon tulad ng: Diskriminasyon, Kawalan ng tahanan (naging "mga palaboy" sa ilang
lungsod) at Pagkawala ng tradisyon dahil sa modernisasyon
III. KALINANGANG PILIPINO: Paniniwala at Pananampalataya
Ano ang Kalinangan?
• Ang kalinangan ay tumutukoy sa kabuuan ng paniniwala, kaugalian, sining, wika, at mga gawi ng isang lipunan.
• Katumbas ito ng salitang “kultura” sa Ingles.
Katangian ng Kalinangang Pilipino
• May malalim na pagpapahalaga sa pamilya
• Makadiyos at relihiyoso
• Mapagpatuloy at magalang
• Masayahin at resilient
• Bayanihan at pakikipagkapwa-tao
Mga Bahagi ng Kalinangang Pilipino
1. Wika
2. Panitikan
3. Sining at Musika
4. Pagkain
5. Paniniwala at Tradisyon
6. Kasaysayan
Wika
• Mahigit 180 wika at diyalekto sa Pilipinas
• Filipino at Ingles bilang opisyal na wika
Halimbawa: Tagalog, Cebuano, Ilocano, Hiligaynon
Panitikan
• Alamat, epiko, kwentong bayan
• Tanyag na mga akda: Florante at Laura, Ibong Adarna
• Mga manunulat: Jose Rizal, Francisco Balagtas, Lualhati Bautista
Sining at Musika
• Sayaw: Tinikling, Singkil, Pandanggo sa Ilaw
• Musika: Kundiman, harana
• Sining biswal: Pintura, eskultura, habi
Halimbawa: Jeepney art, Pahiyas Festival
Pagkain
• Adobo, Sinigang, Lechon, Kare-Kare
• Street food: Isaw, Kwek-Kwek, Taho
Malalim na kaugnayan ng pagkain sa mga okasyon
Paniniwala at Tradisyon
• Pista (fiesta), kasalan, binyag, pamahiin
• Mga okasyong panrelihiyon: Simbang Gabi, Pabasa, Mahal na Araw
Pagpapanatili ng Kalinangang Pilipino
• Pagtangkilik sa sariling wika at produkto
• Pagpasa ng tradisyon sa mga kabataan
• Pagsuporta sa lokal na sining at panitikan
Konklusyon
• Ang kalinangang Pilipino ay buhay na yaman ng bayan.
• Dapat itong ipagmalaki, alagaan, at panatilihin.
A. PANINIWALA AT PANANAMPALATAYA
1. Dimensiyon ng Buhay (Paniniwala sa Hiyas, Anting-anting, at Ginhawa / Life Force)
Ito ay tumutukoy sa paniniwala ng mga Pilipino na ang buhay ay may mga enerhiya o puwersang espiritwal na
nakaaapekto sa kanilang kalusugan, tagumpay, at kapalaran.
• Hiyas at Anting-anting – mga bagay na sinasabing may taglay na kapangyarihan upang magbigay-proteksyon,
suwerte, o lakas sa may taglay nito.
• Ginhawa – isang konsepto ng kabuuang kaginhawahan sa katawan, damdamin, at espiritu. Ang pagkakaroon ng
"ginhawa" ay tanda ng balanse at kaayusan sa buhay.
2. Dimensiyon ng Kabiláng-Buhay (Paniniwala sa Kamatayan at Kabiláng-Buhay)
Maraming Pilipino ang naniniwala na ang kamatayan ay hindi katapusan kundi isang paglipat sa ibang dimensiyon ng
buhay.
• May paniniwala sa kaluluwa na patuloy na umiiral pagkatapos ng kamatayan.
• Naniniwala sa mga espiritu ng mga ninuno na maaaring tumulong o magbigay-babala sa mga buhay.
• May mga ritwal at paggalang sa mga patay, gaya ng Undas, upang bigyang-parangal ang kanilang espiritu.
3. Katutubo at Tradisyonal na Pamamaraan ng Pagpapagaling at Kagalingan (Mga Katutubong Halamang-Gamot at
Pamamaraan: Baylan, Tutho, Hilot, Tawas, Pausok, Kamangyan, atbp.)
Bago dumating ang modernong medisina, may mayamang tradisyon na ng pagpapagaling sa Pilipinas:
• Baylan – espiritwal na lider o manggagamot na may koneksyon sa mga espiritu at kalikasan.
• Hilot – tradisyunal na paraan ng masahe para sa pag-aayos ng balanse sa katawan.
• Tawas – ritwal na ginagamit upang tukuyin ang sanhi ng karamdaman, madalas na may kinalaman sa espiritwal o
masamang espiritu.
• Pausok / Kamangyan – ginagamit upang linisin ang paligid mula sa masamang espiritu o enerhiya.
• Halamang-gamot – mga halamang ginagamit para sa natural na lunas, gaya ng bayabas, lagundi, sambong, atbp.
4. Pagtatagpo ng Personal at Panlipunang Paniniwala at Pananampalataya (Interseksiyon ng Pananampalataya at
Paniniwalang Panlipunan at Pansarili)
Ito ay ang ugnayan at pagsasanib ng personal na paniniwala (hal. debosyon sa isang santo, panata, o anting-anting) at ng
panlipunang pananampalataya (hal. relihiyon, kultura, pamayanan).
• Halimbawa, ang isang tao ay maaaring deboto ng Nazareno (Katolikong paniniwala) ngunit gumagamit din ng
anting-anting (katutubong paniniwala).
• Isa itong patunay ng sikolohiyang Pilipino na kayang pagsamahin ang iba't ibang paniniwala sa isang buhay na
pananampalataya.