knowt logo

p4

ang Unang Wika o mas kilala sa tawag na katutubong wika, inang wika, arteryal na wika, mother tongue, at kinakatawan din ng L1

Ang unang wika ay ang wika na natutunan natin mula ng tayo ay ipinanganak. Batayan para sa pagkakakilanlang sosyolingguwista ang unang wika ng isang tao.

Bukod dito, ang unang wikang madalas nating ginagamit sa pakikipagtalastasan sa loob ng bahay.

Ikawalang wika

Ayon sa dalubwika, ang ikalawang wika ay tumutukoy sa alinmang wikang natutunan ng isang tao matapos niyang maunawaan ng lubos at magamitang kaniyang sariling wika o kaniyang unang wika.

IKATLONG WIKA

Ikatlong wika ay nagagamit niya ang wikang ito sa pakikiangkop niya sa lumalawak na mundong kanyang ginagalawan.

MONOLINGGUWALISMO

Ito ang tawag sa pagpapatupad ng isang wika sa isang bansa tulad ng isinasagawa sa mga bansang England, Paransya, South Korea, Hapon at iba pakung saan iisang wika ang ginagamit na wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura.

Ayon kay Richards at Schmidt (2002), ang monolingguwal ay isang indibiduwal na may iisang wika lamang ang nagagamit.

BILINGGUWALISMO

LEONARD BLOOMFIELD (1935) AMERIKANONG LINGGUWISTA

Ang bilingguwalismo bilang paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba ang dalawang ito ay kanyang katutubong wika.

Ang pagpapakahulugang ito ni Bloomfield maikategorya na maaaring sa tawag na "Perpektong bilingguwal" ay kinontra ng pagpapakahulugan ni

Robert S. Macnamar (1967).

JOHN MACNAMARA (1967)

Ang bilingguwal ay isang taong may sapat na kakayahan isa sa apat na makrong kasanayang pangwikang kinabibilangan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat sa isa pang wika maliban sa kanyang unang wika.

URIEL WEINREICH (1953) LINGGUWISTANG POLISH AMERICAN

Ang paggamit ng dalawang wika nang magkasalitan ay tinatawag na bilingguwalismo at ang taong gumagamit nito ay bilingguwal.

BALANCED BILINGUAL

ang tawag sa mga taong nakagagawa nang ganito at sila'y mahirap mahanap dahil karaniwang nagagamit ng mga bilingguwal ang wikang mas naangkop sa sitwasyon at sa taong kausap. (Cook at Singleton 2014)

IBA PANG PAGPAPAKAHULUGAN SA BILINGGUWALISMO

Ito ay nangangahulugang malayang paggamit ng dalawang wika sa pagtuturo at pakikipagtalastasan sa paraang ang hiram na wika ay nagiging sarili niyang wika sa pagdaan ng panahon.

BILINGGUWALISMO SA WIKANG PANTURO

Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3 ng Saligang Batas ng 1973

"Ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang wikang Filipino. Hangga't hindi binabago ang batas, ang Ingles at Filipino ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas"

Ayon kay Ponciano B. P Pineda (2004:159)

ang probisyong ito sa Saligang Batas ang naging basehan ng Surian ng Wikang Pambansa sa pagharap sa Kalihim ng Edukayon at Kultural na kahilingang ipatupad ang patakarang Bilingual Instruction.

BILINGGUAL EDUCATION

• Ginamit na basehan ng wikang pambansa ang Artikulo 15 Seksyon 2 at 3 ng Saligang Batas 1973 para ipatupad ang patakarang bilinggual instruction.

• Pinagtibay naman ito ng Board of National Education (BNE)

Ang patakarang bilinggual instruction ay alinsunod sa Executive Order No. 202 na bubuo ng Presidential Commission to Survey Philippine Education.

Nilagdaan ng Surian ng Wikang Pambansa ang isang makasaysayang patakaran tungkol sa bilingual education sa bisa ng resolusyon bilang 73-7 na nagsasaad na:

"Ang Ingles at Filipino ay magiging midyum ng pagtuturo at ituturo bilang asignatura sa kurikulum mula Grade 1 hanggang antas unibersidad sa lahat ng paaralan, publiko o pribado man"

Hunyo 19, 1974

Department of Education ay nagpalabas ng guidelines o mga panuntunan sa

pagpapatupad ng edukasyong bilingguwal sa bansa sa bisa ng Department Order No. 25, s. 1974.

Makalinang ng mga mamayang Pilipinong matatas sa pagpapahaayg sa wikang Filipino at Ingles.

Ang pariralang bilingual education ay binigyang-katuturan sa magkahiwalay sa paggamit ng Filipino at Ingles bilang wikang panturo mula Grade 1 pataas sa mga tiyak na asignatura.

-Ang mga asignatura o araling dapat ituro sa FILIPINO ay Social Studies/Social Science, Work Education, Character Education, Health Education, at Physical Education.

-Sa INGLES naman ang magiging wikang panturo ay Science at Mathematics.

MULTILINGGUWALISMO

LEMAN(2014)

Ang mga tao ay maaaring matawag na multilingguwal kung maalam sila sa pagsasalita ng dalawa o higit pang wika, anuman ang antas ng kakayahan.

Ang Multilingguwalismo ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao o indibidwal na makaunawa at makapagsalita ng ng iba't-ibang wika.

Alam nyo ba na ayon kay Stavenhagen ay iilan lamang daw sa buong mundo ang monolinggwal, Ibig Sabihin lamang nito na mas laganap ang mga lipunan na multilinggwal at kung hindi man ay bilinggwal.

PARA SA KARAGDAGANG KAALAMAN MAY MGA BANSA NA MULTILINGGWAL AY ANG

MGA SUMUSUNOD:

Bolivia- ayon sa pag aaral ito ay mayroong 36 na minoridad na wika.

India- ayon naman sa pag aaral ito ay mayroong 23 na opisyal na wika na pangunahin ang Hindi, na tinatayang apat na pung porsyento ang Malayan, Tamil, Kannada At ang Telugu.

Belgium- ayon sa pag aaral ito ay mayroong tatlong opisyal na wika ang Dutch French at German

Switzerland- ayon sa pag aaral ito ay mayroong apat na pangunahing pambansang wika ito ay ang German, French, Italian at Romansh.

Luxembourgh - ayon ayon naman sa pag aaral ito ay may tatlong opisyal na wika ito ay ang mga Luxembourgish, French, at German.

Nananatiling laganap sa nakararaming batang Pilipino ang paggamit ng unang wika sa halip na Filipino at Ingles. Sa pagpapatupad ng DepEd ng K to 12 Curriculum, kasabay na ipinatupad ang probisyon ng para sa magiging wikang panturo partikular sa kindergarten at at sa Grades 1, 2, at 3. Tinawag itong MTB-MLE o Mother tongue.

Based-Multilingual Education. Ang pamantayan sa pagpapatupad nito ay nakasaad sa DO 16, s. 2012 na kilala rin bilang Guidelines on the Implementation of the Mother Tongue-Based-Multilingual Education (MTB_MLE).

Ang pagiging multilingguwalismo ay nakakamit natin sa ibat-ibang paraan maaring ito ay matutunan natin sa pormal na pag aaral ng iba't ibang wika,o maaari namang matuto tayo ng ibat-ibang wika dahil sa mga lugar na ating pinupuntahan, maari rin namang turo lang ng ating mga kaibigan na marunong mag salita ng ibat-ibang wika. Marami man tayong alam na wika na kayang salitain o isulat ang mahalaga ay mahalin parin natin ang ating sariling wika.

F

robot