QUARTER-4-ARALIN-3
Politikal at Pansibikong Pakikilahok
Aralin 3: Politics
Ano ang Politika?
Ang salitang "politika" ay nagmula sa Griyego na salitang "polis" na nangangahulugang gawain sa isang lungsod estado.
Ang pakikilahok ay mula sa Latin "participatio" na tumutukoy sa paglahok o pakibahagi.
Politikal na Pakikilahok: mga gawain ng mga tao na nauukol sa pamamahala ng mga lungsod estado at kasalukuyang pakikibahagi sa pamamalakad ng bansa.
Mga Paraan ng Pakikilahok
Bilang mga Mamamayan ng Bansa, Narito ang mga Gawain na Maaaring Pakilahuan:
Malayang Pamamahagi at Mapayapang Pagtitipon
Pagsali at Pagsuporta sa mga Organisasyong Pampolitika
Paglahok sa Civil Society
Malayang Pamamahagi at Mapayapang Pagtitipon
Ang karapatan sa pamamahayag ay nasasaad sa Saligang Batas ng 1987 sa Artikulo III ng Katipunan ng mga Karapatan.
Tinatamasa ng lahat ng mamamayan ang karapatan na ipahayag ang saloobin at damdamin nang walang panghihimasok.
Tunguhin ng Media sa Pampublikong Pamamahala
Magpaalam: Tunguhin ng media na ipahayag ang nararamdaman at nakikita ng mga tao.
Impluwensiya: Nagbibigay ng sapat na impormasyon upang makabuo ng sariling opinyon ang mga mamamayan.
Pagboto
Bilang mga mamamayan, tungkulin na makibahagi sa pamamahala sa pamamagitan ng pagboto.
Ang karapatan sa pagboto ay nakasaad sa Saligang Batas ng 1987 at nangangahulugang pakikilahok sa pamamalakad ng bansa.
Mga Uri ng Pagboto
Eleksyon: Pormal na proseso ng pagpili ng mga opisyal.
Plebesito: Pagboto ng mamamayan sa pagtutol o pagsuporta sa isang panukala.
Recall: Pag-aalis sa nanalong kandidato bago matapos ang termino.
Initiative: Proseso ng mungkahi ng batas mula sa mamamayan.
Referendum: Pagboto laban o pabor sa isang panlipunang isyu.
Sino-sino ang Maaaring Bumoto?
Batay sa Artikulo V ng Saligang Batas:
Mamamayan ng Pilipinas.
May edad na labing-walong taong gulang sa araw ng eleksyon.
Residente ng Pilipinas sa loob ng isang taon.
Residente sa lugar ng pinili niyang bumoto sa loob ng anim na buwan.
Sino-sino Naman ang Hindi Maaaring Bumoto?
Mga taong may pinal na sentensiya na may kaakibat na pagkakakulong ng hindi bababa sa isang taon.
Napatawan ng pinal na kaparusahan sa mga krimeng may kaugnayan sa pamahalaan.
Mga taong napatunayan na wala sa katinuan ng pag-iisip.
Pagsali at Pagsuporta sa mga Organisasyong Pampolitika
Partido Politikal: Samahang pampolitika na nagnanais na mapanatili ang kapangyarihan sa pamahalaan.
Layunin ng mga partido na pagsamahin ang mga tao para makamit ang kapangyarihan.
Kailangan irehistro sa Commission on Election (COMELEC).
Katangian ng Partido Politikal
Kontrolin ang kapangyarihan sa pamahalaan.
Magkakatulad ang ideolohiya ng mga kasapi.
May pormal na estruktura.
Dumarami ang kasamahan tuwing halalaan.
Mga Dahilan Kung Bakit Naitatag ang mga Partido Politikal
Pagsasama ng mga tao sa magkakatulad na pananaw.
Pagsimplify sa pagpili ng mga lider sa pamamagitan ng impormasyon.
Hikayatin ang mga mamamayan na lumahok sa halalan.
Sanayin ang mga bagong lider sa politika.
Ilan sa mga Partido Politikal
Nacionalista Party (NP)
Partido Liberal (LP)
National Unity Party
United National Alliance (UNA)
Lakas-Christian Muslim Democrats
Puwersa ng Masang Pilipino
Nationalist People's Coalition
Laban ng Demokratikong Pilipino
Pansektor na mga Kinatawan o Party List
Ang mga partylist ay kinabibilangan ng mga sektor tulad ng manggagawa, magsasaka, kababaihan, kabataan, at iba pa.
Layunin ng mga party list na makagawa ng mga batas para sa kanilang kabutihan.
Paano Magkakaroon ng Puwesto ang mga Party List sa Kongreso?
RA 7941 o ang Party List System naipasa noong 1995 para payagan ang mga organisadong grupo na makilahok sa politika.
Kinakailangan na makamit ang kinakailangang porsyento ng boto upang magkaroon ng puwesto. 20% ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ay nakalaan para sa party list.
Ilan sa mga Party List
Bayan Muna
Citizens' Battle Against Corruption
Ako Bicol
Ang Probinsyano
Akbayan
Gabriela
ACT Teachers
Kabataan
1PACMAN
ACT-CIS
Paglahok sa Civil Society
Ang civil society groups ay mga samahan na kaya ipahayag ang mga pangangailangan sa pamahalaan.
Khit itinuturing na "ikatlong sektor" ito ay hiwalay sa pamahalaan at negosyo.
Mga Civil Society Groups
Non-governmental organizations (NGOs): Nagbibigay ng libreng serbisyo at tulong sa mga tao.
People's Organizations (POs): Organisasyon ng mga mamamayang direktang naapektuhan ng mga problema o krisis.
Katangian ng People's Organizations at Kanilang Tungkulin
Traditional Organizations (TANGOs): Tumutulong sa mahihirap.
Funding Agency NGOs (FUDANGOs): Nagbibigay ng tulong pinansiyal.
Development, Justice, and Advocacy NGOs (DJANGOs): Nagbibigay ng serbisyong legal at medikal.
Professional, Academic, and Civic Organizations (PACOs): Nagsasama ng mga propesyonal at mga nakatuon sa edukasyon.
Government-run and Initiated Peoples' Organization (GRIPO): Nabuo sa pamamagitan ng pamahalaan.
Genuine, Autonomous POS (GAPO): Itinatag mula sa inisyatibo ng mamamayan.
Gawaing Pansibiko
Ang mga gawaing pansibiko ay may kinalaman sa kalikasan, kalusugan, at pampublikong serbisyo.
Sa pamamagitan ng mga gawain, naipapakita ang pagmamalasakit sa kapwa.
Mga Halimbawa ng Gawaing Pansibiko
Pagsali sa mga organisasyong pansibiko.
Pagpaparating sa mga awtoridad ng kinakailangang gawin.
Pagtulong sa kapwa Pilipino.
Pangangalaga sa mga likas na yaman.
Pagtangkilik sa mga produktong Pilipino.
Mga Pribadong Samahan na Tumutulong sa mga Mamamayan
Gawad Kalinga (GK): Naglalayong mabawasan ang kahirapan sa pamamagitan ng pagbuo ng disenteng tahanan.
Philippine Red Cross: Namamahagi ng dugo at tumutulong sa mga sakuna.
Philippine Animal Welfare Society (PAWS): Nagbibigay proteksyon sa mga hayop.
Bantay Bata: Tumutulong sa mga batang nakararanas ng pang-aabuso.
Mga Epekto ng Pakikilahok ng Mamamayan sa mga Gawaing Pansibiko
Nabibigyan ng solusyon ang mga suliranin sa lipunan.
Nagdudulot ng maayos na pamayanan at bansa.
Napapaunlad ang bansa.