Akademikong-Pagsulat-Grade-12
Akademikong Pagsulat
Ang akademikong pagsulat ay isang paraan ng pormal na pagsusulat na ginagamit sa paaralan. Layunin nito ang magpaliwanag ng ideya, magbahagi ng kaalaman, o manghikayat gamit ang malinaw, maayos, at makatotohanang impormasyon
Mabelin (2012), ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi maglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring pasalin- salin sa bawat panahon
Layunin ng Pagsulat Ayon kay Mabelin (2012).
Una, ito ay maaaring personal o ekspresibo kung saan ang layunin ng pagsulat ay nakabatay sa pansariling pananaw, karanasan, naiisip, o nadarama ng manunulat.(Halimbawa sanaysay, maikling kuwento, tula, dula, awit, at iba pang akdang pampanitikan.
Pangalawa, ito naman ay panlipunan o pansosyal kung saan ang layunin ng pagsulat ay ang makipag-ugnayan sa ibang tao o sa lipunan na ginagalawan. (Halimbawa: pagsulat ng liham, balita, korespondensiya, pananaliksik, sulating panteknikal, tesis, disertasyon, at iba pa)
Mga benepisyo sa Pagsusulat
1. Mahahasa ang kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan at maisulat ito sa pamamagitan ng obhektibong paraan.
2. Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na kakailanganin sa isinisagawang imbestigasyon o pananaliksik.
3. Mahuhubog ang kaisipan sa pamamagitan ng mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng pagiging obhektibo sa paglatag ng mga kaisipang isusulat batay sa mga nakalap na impormasyon.
4. Mahihikayat at mapauunlad ang kakayahan ng mag- aaral at makikilatis ang mahahalagang datos na kakailanganin sa pagsulat.
5. Maaaliw sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng pagkakataong makapag-ambag ng kaalaman sa lipunan.
6. Mahuhubog ang pagbibigay pagpapahalaga nang paggalang at pagkilala sa mga gawa at akda.
7. Malilinang ang kasanayan sa pagkalap ng mga impormasyon mula sa iba’t ibang batis ng kaalaman para sa akademikong pagsusulat.
Mga Gamit o Pangangailagan sa Pagsusulat
Wika- Nagsisilbing behikulo para maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ipabatid ng taong nais sumulat.
Paksa- Ang pagkakaroon ng isang tiyak at maganda na tema ng isusulat ay isang magandang simula dahil dito iikot ang buong sulatin.
Layunin- Ang layunin ang magsisilbing gabay sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng isusulat.
Pamaraan ng Pagsulat- May limang paraan ng pagsulat upang mailahad ang kaalaman at kaisipan ng manunulat batay na rin sa layunin o pakay sa pagsusulat.
Pamaraan ng pagsulat
Paraang Impormatibo- Ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng bagong impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa.
Paraang Ekspresibo- Ang manunulat ay naglalayong magbahagi ng sariling opinyon, paniniwala, ideya, obserbasyon, at kaalaman hingil sa isang tiyak na paksa batay sa kanyang sariling karanasan o pag- aaral.
Pamaraang Naratibo- Ang pangunahing layunin nito ay magkuwento o magsalaysay ng mga pangyayari batay sa magkakaugnay at tiyak na pagkakasunod-sunod.
Pamaraang Deskriptibo- Ang pangunahing pakay ng pagsulat ay maglarawan ng katangian, anyo, hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa mga nakikita, naririnig, natunghayan, naranasan at nasaksihan.
Pamaraang Argumentatibo- Naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa. Madalas ito ay naglalahad ng mga isyu ng argumentong dapat pagtalunan o pag-usapan.
Mga gamit o pangangailangan sa pagsulat
Kasanayang Pampag-iisip- Taglay ng manunulat ang
kakayahang maganalisa upang masuri ang mga datos na
mahalaga o hindi na impormasyon na ilalapat sa
pagsulat.