Untitled Flashcards Set

Renaissance - Nagmula sa salitang Italian na nangangahulugang "pagsilang muli". Panahon ng pagbabago sa sining at agham.

 

 

 

Humanismo - Kilusan na nagtuon sa klasikal na sibilisasyon ng Gresya at Roma bilang batayan ng moral at intelektwal na buhay.

 

 

 

Roger Bacon - Naniniwala na ang lahat ng kaalaman ay dapat suriin sa pamamagitan ng eksperimento at ebidensya.

 

 

 

Francisco Petrarch - "Ama ng Humanismo"; sumulat ng His Sonnets to Laura.

 

 

 

William Shakespeare - "Makata ng mga Makata"; may-akda ng Romeo at Juliet, Julius Caesar, Hamlet.

 

 

 

Nicollo Machiavelli - May-akda ng The Prince; "Ang layunin ay nagbibigay matuwid sa pamamaraan."

 

 

 

Michelangelo Bounarotti - Pinakasikat na manlililok ng Renaissance; gumawa ng estatwang David at La Pieta.

 

 

 

Leonardo da Vinci - Italyanong pintor at siyentista; lumikha ng Mona Lisa at Huling Hapunan.

 

 

 

Nicolaus Copernicus - Naglahad ng Teoryang Copernican na nagsasabing ang araw ang sentro ng sansinukob.

 

 

 

Galileo Galilei - Nakatuklas ng ebidensya para sa Teoryang Copernican gamit ang teleskopyo.

 

 

 

Sir Isaac Newton - Binuo ang Batas ng Universal Gravitation.

 

 

 

Repormasyon - Kilusang relihiyoso na pinamunuan ni Martin Luther laban sa maling gawi ng Simbahang Katoliko.

 

 

 

Kontra-Repormasyon - Kilusan ng Simbahang Katoliko bilang tugon sa Repormasyon.

 

 

 

Imperyalismo - Pagpapalawak ng kapangyarihan ng isang bansa sa ibang teritoryo.

 

 

 

Prinsipe Henry the navigator - siya ang nagpasimula ng pagunlad ng portugal sa Kanlurang aprika

 

 

 

Bartolomeu Dias - Natagpuan ang ruta pasilangan sa timog ng Aprika at tinawag itong “ Cabo das Tormentas”

 

 

 

Christopher Columbus – Unang paglalayag na sinuportahan ng mag asawang Haring Ferdinand II at Reyna Isabel I

 

 

 

Haring Ferdinand II at Reyna Isabel I - binatukan si Columbus

 

 

 

Treaty of Tordesillas - ginawa upang hindi magkaroon ng digmaan sa pagitan

 

ng Espanya at Portugal

 

 

 

Amerigo Vespucci – kinomisyong manlalakbay ng Espanya para patunayan na narrating ni Columbus ang Asya.

 

 

 

Mundus Novus - ang pinuntahan ni amerigo vespucci. Ibig sabihin nito ay “Bagong daigdig”

 

 

 

Ferdinand Magellan - isang portuges, na binatukan tas pumunta sa spain. Pinatunayan niya na bilog ang mundo at hindi flat dahil nagtapo ang mga Portuges at Espanyol sa Mollucas.

 

 

 

Fernao Magalhaes - isang pangalan ni Magellan

 

 

 

Kasunduang Zaragosa – upang hatiin ang Mollucas at ang mga hangganan nito sa pagitan ng Espanya at Portugal.

 

 

 

Holland - Napasailalim nila ang Portugal noong ika-17 siglo

 

 

 

Henry Hudson – kinomisyon ng Holland o Olanda na maglakbay gamit ang rutang pahilaga upang tuntunin ang Asya, ngunit ang narating nila ay ang dalampasigan na tinatawag nilang New Netherlands (bahagi ng New York, New Jersey, at iba pa sa silangang ng Estados Unidos.) Dyan ginawa ang dutch west india company

 

 

 

Reyna Elizabeth I – nagtatag ng East India Company. Matindi nilang kalaban sa kalakalan ang Portuges at Pranses sa India.

 

 

 

Giovanni da Verrazzano naghanap ng ruta mula Newfoundland patungo sa Hilagang-Kanlurang Amerika at patungong India.

 

 

 

Samuel de Champlain - siya ang unang nakapagtatag ng kolonya ng mga Pranses sa Hilagang Amerika noong 1608. Tinawag itong Bagong Pransiya (Quebec, Canada.) Sila ay nakipagtulungan sa mga katutubo upang mapigilan ang papalawak ng teritoryo ng Inglatera doon.

 

 

 

Rebolusyong SIyentipiko - Ito ay isang panahon ng mabilis na pag-unlad sa agham noong ika-16 hanggang ika-18 siglo. Dito nagsimula ang malalaking pagbabago sa mga teorya at pamamaraan sa agham, na pinalitan ang mga tradisyunal na paniniwala.

 

 

 

Nicolaus Copernicus - sang astronomo mula sa Poland na naglatag ng heliocentric theory (teoryang heliocentriko), na nagsasaad na ang araw, hindi ang mundo, ang nasa gitna ng uniberso. Ito ay isang malaking hamon sa geocentric model (teoryang geosentriko) ng sinaunang panahon na nagsasabing ang mundo ang sentro ng uniberso.

 

 

 

Johannes Kepler - sang Germanong astronomo at matematiko, siya ay nakatuklas ng mga batas ng paggalaw ng planeta, na nagsasabing ang mga planeta ay gumagalaw sa mga elliptical na orbit at hindi sa perpektong bilog. Ang mga ideya ni Kepler ay nagbigay ng mas matibay na suporta sa heliocentric model ni Copernicus.

 

 

 

Galileo Galilei - Isang Italianong siyentipiko, siya ay isa sa mga unang gumamit ng telescopio upang magmasid ng mga bagay sa kalangitan. Natuklasan niya ang mga buwan ng Jupiter at mga krater sa buwan, pati na rin ang mga galaw ng mga planeta na nagpapatibay sa teoryang heliocentriko. Siya rin ay nag-ambag sa mekanika, partikular sa batas ng paggalaw.

 

 

 

Isaac Newton - Siya ay isang Ingles na siyentipiko, ay naglatag ng batas ng gravitation at mga batas ng paggalaw na nagsasaad kung paano gumagalaw ang mga katawan sa ilalim ng puwersa ng gravity. Ang kanyang akdang "Principia Mathematica" ay isang pangunahing kontribusyon sa larangan ng pisika at matematika na nagbigay ng pag-unawa sa mga puwersa ng kalikasan.

 

 

 

Francis Bacon - Isang pilosopo at siyentipiko mula sa Inglatera, siya ay nagpasikat ng empirikal na pamamaraan ng siyentipikong pagsisiyasat, na nagmumungkahi na ang mga eksperimento at pagmamasid sa kalikasan ay ang pinaka-mahusay na paraan upang makakuha ng kaalaman. Ang kanyang mga ideya ay naging pundasyon ng modernong siyentipikong metodo.

 

 

 

Panahon ng Kaliwanagan - Ito ay isang intelektwal na kilusan noong ika-17 at ika-18 siglo na naglalayong palaganapin ang mga ideya ng rasyonalidad, agham, at kalayaan ng kaisipan.

 

 

 

René Descartes - Isang French na pilosopo at matematikal, siya ay tinutukoy bilang ama ng modernong pilosopiya. Kilala siya sa pahayag na "Cogito, ergo sum" ("Nag-iisip ako, kaya ako ay umiiral"). Itinuturing niya ang rasyonal na pag-iisip bilang pangunahing susi sa pag-unawa sa mundo

 

 

 

John Locke - Isang Ingles na pilosopo, siya ay nagtataguyod ng mga ideya ng natural na karapatan (karapatan sa buhay, kalayaan, at ari-arian) at ng social contract. Pinaniniwalaan niya na ang mga tao ay may karapatan sa sariling kalayaan at na ang gobyerno ay dapat maglingkod para sa kapakanan ng nakararami

 

 

 

Jean-Jacques Rousseau - Si Rousseau ay isang pilosopong Pranses na nagtaguyod ng mga ideya tungkol sa social contract at ang kalooban ng nakararami (general will). Para sa kanya, ang tunay na kalayaan ay nagmumula sa pagiging bahagi ng isang pamahalaan na may kalooban ng nakararami.

 

 

 

Rebolusyong Industriyal - Ito ay isang makasaysayang panahon na nagsimula noong huling bahagi ng ika-18 siglo at nagpatuloy sa ika-19 siglo. Ito ay isang pagbabago sa paraan ng paggawa, mula sa manu- manong paggawa patungo sa paggamit ng makinarya, na nagdulot ng malawakang pagbabago sa industriya, teknolohiya, at lipunan

 

 

 

James Watt - siya ang gumawa ng steam engine (Makina ng Singaw) noong 1776 ay isa sa mga pinaka-makabago at pinakamahalagang imbensyon sa Rebolusyong Industriyal. Pinagana nito ang mga pabrika, tren, at mga barko, na nagpasimula ng malawakang industriyalisasyon at transportasyon. Pinadali ng steam engine ang proseso ng paggawa at pagpapagalaw ng mga produkto.

 

 

 

James Hargreaves - siya ay ang gumawa ng Spinning Jenny (Makinang Pagtatahi) noong 1764 ay isang makina na nakatulong sa mas mabilis at mas efektibong paggawa ng mga sinulid. Ito ay nagbigay ng malaking tulong sa industriya ng tela atnagpasigla ng produksiyon ng mga damit

 

 

 

Edmund Cartwright - noong 1785 ginawa niya ang power loom (Makina ng Pag-uugma), isang makina na ginagamit upang mabilis na magtahi ng tela. Ito ay nagpatuloy ng mas mabilis at mas mura na produksyon ng tela, isang pangunahing produkto noong panahon na iyon

 

 

 

Eli Whitney - noong 1793 ginawa niya ang cotton gin (Makina sa Pagkuha ng Bulak), isang makina na nakatulong sa mas mabilis na proseso ng paglilinis ng mga buto mula sa bulak. Ang imbensyong ito ay nagpadali ng produksyon ng bulak at nakatulong sa paglago ng industriya ng tela

 

 

 

George Stephenson - ay isang Ingles na inhinyero na nagdisenyo ng unang matagumpay na steam locomotive na tinawag na "The Rocket" noong 1829. Ang mga riles at steam locomotive ay nagbukas ng mabilis na sistema ng transportasyon, na nagpapabilis ng galaw ng mga kalakal at tao

 

 

 

Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo - isang panahon ng malawakang pagpapalawak ng mga imperyo,partikular sa mga bansang Europeo, mula sa huling bahagi ngika-19 siglo hanggang sa unang bahagi ng ika-20 siglo. Sayugtong ito, mas naging sistematiko at agresibo ang mga bansasa pagkuha ng mga kolonya, hindi lamang sa Asya at Africa,kundi pati na rin sa iba pang mga bahagi ng mundo. AngIkalawang Yugto ng Imperyalismo ay mas nakatuon sa mgakomersyal at pang-ekonomiyang layunin, pati na rin sa mgainteres ng mga makabagong teknolohiya at militar

 

 

 

Unang Yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo - tumutukoy sa mga kaganapan mula sa ika-15 hanggang ika-18siglo, kung saan ang mga makapangyarihang bansa sa Europaay nagsimulang magpalawak ng kanilang teritoryo atimpluwensya sa pamamagitan ng kolonisasyon atimperyalismo. Ito ang panahon kung saan ang mga bansangEuropeo ay naghanap ng bagong kalakalan, yaman, at mgalupaing maaari nilang sakupin. Mayroong ilang mgamahalagang dahilan at pangyayari na nagbigay-daan sa pag-usbong ng imperyalismo at kolonyalismo sa panahong ito

 

 

 

Kolonya - Direktang kontrol ng isang banyagang bansa sa isang teritoryo. Walang awtonomiya ang lokal na pamahalaan

 

 

 

Protektorado - Ang lokal na pamahalaan ay may limitadong kontrol, ngunit ang banyaga ay may kontrol sa mga panlabas na isyu at depensa. Example: Egipto sa ilalim ng Britanya.

 

 

 

Konsesyon - Binibigyan ng banyaga ng karapatan na magnegosyo o magmina sa isang bansa, habang ang lokal na pamahalaan ay may limitadong kontrol. Halimbawa: China

 

 

 

Sphere of Influence - Isang bansa ang may malakas na kontrol sa ekonomiya at politika ng isang rehiyon, nang hindi direktang pinamamahalaan. Halimbawa: Mga bansang Europeo sa China.

 

 

 

1775-1783 - Rebolusyong Amerikano

 

 

 

Hulyo 4, 1776 - Deklarasyon ng Kalayaan

 

 

 

Deklarasyon ng Kalayaan - Ipinahayag ng mga kolonya ng Britanya sa Amerika ang kanilang kalayaan mula sa Britanya, na nagtatakda ng mga prinsipyo ng kalayaan, pagkakapantay-pantay, at karapatan ng mga tao.

 

 

 

Labanan sa Lexington at Concord - nayare to nung abril 1775. Ipinahayag ng mga kolonya ng Britanya sa Amerika ang kanilang kalayaan mula sa Britanya, na nagtaItoang mga unang labanan sa pagitan ng mga kolonya atng Britanya, na nagpasimula sa RebolusyongAmerikanotakda ng mga prinsipyo ng kalayaan, pagkakapantay-pantay, at karapatan ng mga tao.

 

 

 

Pagpupulong ng Unang Kongresong Kontinental at Ikalawang Kongresong Kontinental - Ang mga kongresong ito ang nagsilbing pamahalaan ng mga kolonya sa panahon ng rebolusyon at nag-organisa ng hukbong Amerikano

 

 

 

Kasunduan sa Paris - (1783) Pormal na kinilala ng Britanya ang kalayaan ng Estados Unidos, na nagtatapos sa Rebolusyong Amerikano.

 

 

 

1789-1799 - Rebolusyong Pranses

 

 

 

Pagbagsak ng Bastille - (Hulyo 14, 1789) - ito ay isang simbolo ng monarkiya at

 

absolutismo, ay naging tanda ng pagsisimula ng Rebolusyong Pranses

 

 

 

Deklarasyon ng mga Karapatan ng Tao at ng Mamamayan - pinahayag nito ang

 

mga karapatan ng tao sa kalayaan, pagkakapantay-pantay, at kapatiran.

 

 

 

Pagbitay kay Haring Louis XVI - Ang pagbitay sa hari ay nagpahiwatig ng pagtatapos ng monarkiya at ang pagtatatag ng isang republika.

 

 

 

Panahon ng Terror (1793-1794) - Sa ilalim ng pamumuno ni Maximilien Robespierre, libo-libong tao ang pinatay dahil sa pinaghihinalaang pagkontra sa rebolusyon.

 

 

 

Napoleon Bonaparte- Nagwakas ang Rebolusyong Pranses sa pag-akyat ni Napoleon, na nagtatag ng isang bagong pamahalaan.

 

 

 

nasyonalismo - ay isang kilusan na naglalayong itaguyod ang kalayaan, pagkakakilanlan, at karapatan ng isang bansa o lahi. Sa iba't ibang bahagi ng mundo, ang nasyonalismo ay naging kasangkapan sa mga kilusang pampulitika laban sa kolonyalismo at imperyalismo.

 

 

 

Europe - nasyonalismo ay isang kilusan na naglalayong itaguyod ang kalayaan, pagkakakilanlan, at karapatang nasyonalismo ay nagbigaydaan sa mga rebolusyon, tulad ng Rebolusyong Pranses (1789), nanagpalaganap ng mga ideya ng kalayaan,pagkakapantay-pantay, at kapatiran. Sa mgabansang tulad ng Italy at Germany, angnasyonalismo ay nagbigay inspirasyon sakanilang pagsasama-sama bilang isangbansan ng isang bansa o lahi. Sa iba't ibang bahagi ng mundo, ang nasyonalismo ay naging kasangkapan sa mga kilusang pampulitika laban sa kolonyalismo at imperyalismo.

 

 

 

Latin America - ng mga kolonya ng Espanya ay naghimagsik laban sa kolonyalismo sa pamamagitan ng mga lidertulad nina Simón Bolívar at José de SanMartín, na naglayong magtatag ng mgamalalayang bansa

 

 

 

Africa at Asia - ng mga kolonya ay nagsimula ring mag-alsa laban sa mga kolonisador. Ang mga kilusang nasyonalista sa mga bansang gaya ng India (sa ilalim ni Mahatma Gandhi) at Egypt ay nagbigay inspirasyon sa mga bansa upang itaguyod ang kanilang kalayaan

 

 

 

Pilipinas - ay nagsimula noong panahon ng mga Kastila, nang magsimula sila na magtanong tungkol sa kanilang kalayaan at karapatan. Kasama ng mga ideya ng Repormasyon at Enlightenment

robot