BaSu 3rd Q (Mock test for eli)

Lesson 1: Tekstong Impormatibo

Ang Tekstong Impormatibo

  • Isang uri ng babasahing di piksiyon.

  • Ang mga impormasyon ay hindi nakabase sa kanyang sariling opinyon kundi sa katotohanan at mga datos.

  • PAGBASA

    • scanning and skimming

Anderson et.al

  • Ang pagbabasa ay isang proseso ng pagbuo ng isang kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto.

Wixson et. al (1987)

  • New Directions in Statewide Reading Assessment.

  • The Reading Teacher

Duke 2000

  • Ang dahilan kung bakit hindi gaanong nakapagbabasa ng tekstong impormatibo ang mga mag-aaral ay dahil limitado ang kanilang uri ng mga babasahin sa kanilang kapaligiran.

Mohr 2006

  • Kung mabibigyan ng pagkakataong makapamili ng aklat ang mga mag-aaral sa unang baitang, mas pipiliin nila ang aklat na di piksyon kaysa piksyon.

Intensibo

  • Masinsin at malalim na pagbasa ng isang tiyak na teksto.

  • Pagsusuri sa kaanyuang gramatikal, panandang diskurso at iba pang detalyeng estruktura upang maunawaan ang literal na kahulugan, implikasyon at retorikal na ugnayan ng isang akda.

Ekstensibo

  • Ito ay may kinalaman sa masaklaw at maramihang materyales.

  • Ito ay isinagawa upang makakuha ng pangkalahatang pang-unawa sa maramihang bilang ng teksto.

Douglas Brown (intensibo at ekstensibo)

  • Teaching Principle: An Interactive Approach to Language Pedagogy.

Elemento ng Tekstong Impormatibo

Layunin ng may akda

  • Mapalawak pa ang kaalaman ukol sa isang paksa.

  • Maunawaan ang mga pangyayaring mahirap ipaliwanag.

Pangunahing Ideya

  • Dagliang inilalahad ang mga pangunahing ideya sa mambabasa.

  • Naglalagay ng pamagat sa bawat bahagi

    • Organizational Markers

Pantulong na Kaisipan

  • Makakatulong sa pagbuo ng isipan ng mambabasa ang pangunahing ideyang nais niyang matanim o maiwan sa kanila.

Mga Estilo Sa Pagsulat, Kagamitan/Sangguniang Magtatampok Sa Mga Bagay Na Binibigyan-diin

  • Magkakaroon ng mas malawak na pag-unawa sa binabasang tekstong impormatibo ang paggamit ng mga estilo o kagamitan/sangguniang.

  • Paggamit ng mga nakalarawang representasyon

    • Larawan, guhit, dayagram, tsart, talahanayan, time line, at iba pa.

    • Upang higit na mapalalim ang pag-unawa ng mga mambabasa sa mga tekstong impormatibo.

  • Pagbibigay-diin sa mahahalagang salita sa teksto

    • Nakadiin, nakahilis, nakasalungguhit, o nalagyan ng pinipi.

  • Pagsulat ng mga talasanggunian

  • Upang higit na mabigyang-diin ang katotohanang naging basehan sa mga impormasyong taglay nito.

Mga Uri ng Tekstong Impormatibo

Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Kasaysayan

  • Inilalahad ang mga totoong pangyayaring naganap sa isang panahon o pagkakataon.

  • Ang mga pangyayaring isasalaysay ay maaaring personal na nasaksihan.

Pag-uulat Pang-impormasyon

  • Nakalahad ang mahahalagang kaalaman o impormasyon.

Pagpapaliwanag

  • Nagbibigay paliwanag kung paano o bakit naganap ang isang bagay o pangyayari.

  • Nagsasaad kung paano humantong ang paksa sa ganitong kalagayan.

  • Ginagamitan ng mga larawan, flowchart na may kasamang paliwanag.

Iba’t ibang uri ng tekstong impormatibo ayon sa estruktura ng paglalahad nito

Sanhi at Bunga

  • Pagkaubos ng Yamang-dagat sa Asya.

Paghahambing

  • Sistemang Politikal ng Sinaunang Asya; Tsina Bilang Gitnang Kaharian at ang Banal na Pamamahala ng mga Emperador sa Japan.

Pagbibigay-depinisyon

  • Imperyalismo.

Paglilista ng Klasipikasyon

  • Imperyalismo sa Iba’t ibang Teritoryo

Lesson 2: Tekstong Deskriptibo

Tekstong Deskriptibo

  • Maihahalintulad sa isang larawang ipininta o iginuhit kung saan kapag nakita ito ng iba ay parang nakita na rin nila ang orihinal na pinagmulan ng larawan.

  • Gumagamit din ng mga tayutay.

    • pagtutulad

    • pagwawangis

    • pagsasatao

Karaniwang Bahagi lang ng Ibang Teksto ang Tekstong Deskriptibo

  • Isang bagay na dapat tandaan sa pagbuo ng tekstong deskriptibo ay ang relasyon nito sa iba pang uri ng teksto.

Gamit ng Cohesive Devices o Kohesyong Gramatikal sa Pagsulat ng Tekstong Deskriptibo

  • Upang maging mas mahusay ang pagkakahabi ng tekstong deskriptibo bilang bahagi ng iba pang uri ng teksto.

Reperensiya (Reference)

  • ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o maging reperensiya ng paksang pinag-uusapan sa mga pangungusap

  • maaari itong maging anapora (kung kailangang bumalik sa teksto upang malaman kung ano o sino ang tinutukoy) o kaya’y katapora (kung nauna ang panghalip at malalaman lang kung sino o ano ang tinutukoy kapag ipinagpatuloy ang pagbabasa sa teksto)

  • Anapora

    • Pangngalan - Panghalip

  • Katapora

    • Panghalip - Pangngalan

Substitusyon

  • Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita.

Ellipsis

  • May binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang naunang pahayag para matukoy ang nais na ipahiwatig ng nawalang salita.

Pang-ugnay

  • Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng at sa pag-uugnay ng sugnay, parirala sa parirala, at pangungusap sa pangungusap.

Kohesyong Leksikal

  • Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng kohesyon.

  • Reiterasyon

    • Kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit nang ilang beses.

    • Pag-uulit o repetisyon

      • Maraming bata ang hindi nakapapasok sa paaralan. Ang mga batang ito ay nagtatrabaho na sa murang gulang pa ang.

    • Pag-iisa-isa

      • Nagtatanim sila ng mga gulay sa bakuran. Ang mga gulay na ito ay talong, sitaw, kalabasa, at ampalaya.

    • Pagbibigay-kahulugan

      • Marami sa mga batang manggagawa ay nagmula sa mga pamilyang dukha. Mahirap sila kaya ang pag-aaral ay naiisantabi kapalit ng ilang baryang naiaakyat nila para sa hapag-kainan.

  • Kolokasyon

    • Mga salitang karaniwang nagagamit nang magkapareha o may kaugnayan sa isa’t isa kaya’t kapag nabanggit ang isa ay naiisip din ang isa.

Uri ng Paglalarawan

Karaniwang Paglalarawan

  • Gumagamit ng payak o simpleng salita.

Teknikal na Paglalarawan

  • Gumagamit ng mga larawan.

  • Karaniwang ginagamit ito sa siyensya.

Masining na Paglalarawan

  • Gumagamit ng mga malalalim na salita.

Tekstong Naglalarawan

Paglalarawan sa Tauhan

  • Hindi lang sapat na mailarawan ang itsura at mga detalye patungkol sa tauhan.

  • Kailangang maging makatotohanan din ang pagkakalarawan dito.

Paglalarawan sa Damdamin o Emosyon

  • binibigyang-diin dito’y ang kanyang damdamin o emosyong taglay

  • Pagsasaad sa aktuwal na nararanasan ng tauhan

    • Maaaninag ng mambabasa mula sa aktuwal na nararanasan ng tauhan ang damdamin o emosyong taglay nito.

  • Paggamit ng diyalogo o iniisip

    • Maipapakita sa sinasabi o iniisip ng tauhan ang emosyon o damdaming taglay niya.

  • Pagsasaad sa ginawa ng tauhan

    • Sa pamamagitan ng pagsasaad sa ginawa ng tauhan, minsa’y higit pang nauunawaan ng mambabasa ang damdamin o emosyong naghahari sa kanyang puso at isipan.

  • Paggamit ng tayutay o matatalinghangang pananalita

    • Ang mga tayutay at matatalinghagang pananalita ay hindi lang nagagamit sa pagbibigay ng rikit at indayog sa tula kundi gayundin sa prosa.

Paglalarawan sa Tagpuan

  • Mahalagang mailarawan nang tama ang lugar o panahon kung kailan at saan naganap ang akda.

Paglalarawan sa Isang Mahalagang Bagay

  • Sa isang mahalagang bagay umiikot ang mga pangyayari sa akda at ito rin ang nagbibigay nang mas malalim na kahulugan dito.

Lesson 3: Tekstong Naratibo

Tekstong Naratibo

  • ito ay ang pagsasalaysay o pagkukuwento sa isang tao o tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan nang may maayos na pagkakasunod-sunod

Katangian ng Tekstong Naratibo

May iba’t ibang pananaw o punto de vista sa tekstong naratibo

Unang Panauhan

  • Isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na kanyang nararanasan.

Ikalawang Panauhan

  • Kinakausap ng manunulat ang tauhang pinapagalaw niya.

Ikatlong Panauhan

  • Maladiyos Na Panauhan

    • Nababatid niya ang galaw at iniisip ng lahat ng mga tauhan.

  • Limitadong Panauhan

    • Nababatid niya ang iniisip at ikinikios ng isa sa mga tauhan subalit hindi ang sa iba pang tauhan.

  • Taga-Obserbang Panauhan

    • Hindi niya napapasok o nababatid ang nilalaman ng isip at damdamin ng mga tauhan.

Kombinasyong Pananaw o Paningin

  • Hindi lang iisa ang tagapagsalaysay kaya’t iba’t ibang pananaw o paningin ang nagagamit sa pagsasalaysay.

May Paraan ng Pagpapahayag ng Diyalogo, Saloobin, o Damdamin sa Tekstong Naratibo

Direkta o Tuwirang Pagpapahayag

  • Ang tauhan ay direktang sinasabi ang kanyang diyalogo, saloobin o damdamin.

  • Ito ay ginagamitan ng panipi.

Di direkta o Di tuwirang Pagpapahayag

  • Ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi, iniisip, at nararamdaman ng tauhan.

May mga Elemento ang mga Tekstong Naratibo

Tauhan

  • Ang dami o bilang ng tauhan ay dapat umayon sa pangangailangan.

  • Expository

    • Kung ang tagapagsalaysay ang magpapakilala o maglalarawan sa pagkatao ng tauhan.

  • Dramatiko

    • Kung kusang mabubunyag ang karakter dahil sa kanyang pagkilos o pagpapahayag.

  • Karaniwang Tauhan

    • Pangunahing Tauhan

      • Sa pangunahing tauhan o bida umiikot ang mga pangyayari sa kuwento mula simula hanggang sa katapusan.

    • Katunggaling Tauhan

      • Ang katunggaling tauhan o kontrabida ay siyang sumasalungat o kalaban ng pangunahing tauhan.

    • kasamang Tauhan

      • Ang kasamang tauhan ay karaniwang kasama o kasangga ng pangunahing tauhan.

    • Ang May-Akda

      • Sinasabing ang pangunahing tauhan at ang may-akda ay lagi nang magkasama sa kabuoan ng akda; sa likod ay laging nakasubaybay ang kamalayan ng makapangyarihang awtor.

  • E.M. Forster, isang Ingles na manunulat

    • Tauhang Bilog

      • Isang tauhang may multidimensiyonal o maraming saklaw ang personalidad.

    • Tauhang Lapad

      • Ito ang tauhang nagtataglay ng iisa o dadalawang katangiang madaling matukoy o predictable; karaniwang hindi nagbabago o nag-iiba ang katangian ng tauhang lapad sa kabuoan ng kuwento.

Tagpuan at Panahon

  • Ang tagpuan at tumutukoy hindi lang sa lugar kung saan naganap ang mga pangyayari sa akda kundi gayundin sa panahon (oras, petsa, taon) at maging sa damdaming umiiral sa kapaligiran nang maganap ang mga pangyayari.

Banghay

  • Ito ang tawag sa maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

  • karaniwang banghay

    • Orientation or Introduction

      • Pagkakaroon ng isang epektibong simula kung saan maipakikilala ang mga tauhan, tagpuan, at tema.

    • Problem

      • Pagpapakilala sa suliraning ihahanap ng kalutasan ng mga tauhan partikular ang pangunahing tauhan.

    • Rising Action

      • Pagkakaroon ng saglit na kasiglahang hahantong sa pagpapakita ng aksiyong gagawin ng tauhan tungo sa paglutas sa suliranins.

    • Climax

      • Patuloy sa pagtaas ang pangyayaring humahantong sa isang kasukdulan.

    • Falling Action

      • Pababang pangyayaring humahantong sa isang resolusyon o kakalasan.

    • Ending

      • Pagkakaroon ng isang makabuluhang wakas.

  • Anachrony

    • Ng mga pagsasalaysay na hindi nakaayos sa tamang pagkakasunod-sunod.

    • Analepsis (flashback)

      • Dito ipinapasok ang mga pangyayaring naganap sa nakalipas.

    • Prolepsis (flash-forward)

      • Dito nama’y ipinapasok ang mga pangyayaring magaganap pa lang sa hinaharap.

    • Ellipsis

      • May mga puwang o patlang sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na nagpapakitang may bahagi sa pagsasalaysay na tinanggal o hindi isinama.

Paksa o Tema

  • ito ang sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari sa tekstong naratibo

  • dito mahuhugot ang mga pagpapahalaga, mahahalagang aral, at iba pang pagpapahalagang pangkatauhan

Lesson 4: Tekstong Prosidyural

Ang Tekstong Prosidyural

  • Ito ay isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng instruksyon.

  • Layunin na makapagbigay ng sunod-sunod na direksyon.

Pagsulat ng Tekstong Prosidyural

  • Malawak na kaalaman.

  • Malinaw at tamang pagkasunod-sunod.

Layunin o Target na Awtput

  • Kalalabasan ng proyekto.

Metodo

  • Serye o hakbang na isasagawa upang mabuo ang proyekto.

Mga Kagamitan

  • Nakapaloob dito ang mga kagamitan o kasangkapang gagamitin sa pagbuo ng proyekto.

Ebalwasyon

  • Paraan kung paano masusukat ang tagumpay ng prosidyur na isasagawa.

Tiyak na katangian ng wikang madalas gamitin sa Tekstong Prosidyural

  • Nakasulat sa kasalukuyang panahunan.

  • Nakapokus sa pangkalahatang mambabasa at hindi sa iisang tao lamang.

Lesson 5: Tekstong Persuweysib

Ang Tekstong Persuweysib

  • Layunin nito ang manghikayat o mangumbinsi sa babasa ng teksto.

  • Isinusulat ito upang magbago ang takbo ng isip ng mambabasa at makumbinsi na ang punto ng manunulat.

Tatlong paraan ng panghihikayat o pangungumbinsi ng Griyegong pilosopo na si Aristotle

Ethos

  • Tumutukoy sa kredibilidad ng isang manunulat.

Pathos

  • Tumutukoy ito sa gamit ng emosyon o damdamin upang mahikayat ang mambabasa.

Logos

  • Tumutukoy sa gamit ng lohika upang makumbinsi ang mambabasa.

Propaganda Devices

Name-calling

  • Ito ay ang pagbibigay ng hindi magandang taguri sa isang produkto o katunggaling politiko upang hindi tangkilikin.

Glittering Generalities

  • Ito ay ang magaganda at nakasisilaw na pahayag ukol sa isang produkto tumutugon sa mga paniniwala at pagpapahalaga ng mambabasa.

Transfer

  • Ang paggamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat sa isang produkto o tao ang kasikatan.

Testimonial

  • Kapag ang isang sikat na personalidad ay tuwirang nag-endorso ng isang tao o produkto.

Plain Folks

  • Karaniwan itong ginagamit sa kampanya o komersiyal kung saan ang mga kilala o tanyag na tao ay pinalalabas na ordinaryong taong nanghihikayat sa boto, produkto, o serbisyo.

Card Stacking

  • Ipinipakita nito ang lahat ng magagandang katangian ng produkto ngunit hindi binabanggit ang hindi magandang katangian.

Bandwagon

  • Panghihikayat kung saan hinihimok ang lahat na gamitin ang isang produkto o sumali sa isang pangkat dahil ang lahat ay sumali na.

robot