AP2
KABANATA 7-Aralin 2: Ang Pamahalaan at ang Pamilihan
Artikulo II Seksyon 4 ng 1987 Philippine Constitution
Pangunahing tungkulin ng pamahalaan: paglingkuran at pangalagaan ang sambayanan.
Principle 7 ni Nicholas Gregory Mankiw (Principles of Economics)
"Government can sometimes improve market outcomes."
Pamilihan
Ang pamilihan ay isang lugar ng interaksiyon sa pagitan ng konsyumer at prodyuser.
Mahalaga ang gampanin ng pamahalaan para sa magandang daloy ng palitan ng produkto o serbisyo.
Ang pamilihan ay maaaring:
Pisikal na estruktura (tindahan, palengke, groseri)
Virtual market (palitan sa pamamagitan ng internet).
Iba't Ibang Estruktura ng Pamilihan
Ang pamilihan ay may kompetisyon sa gitna ng mga bumibili at nagbebenta, nakatutulong ito sa mga presyo at kalidad ng produkto at serbisyo.
Ang pagkakaroon ng kompetisyon ay nag-uudyok sa inobasyon at higit pang pagpipilian para sa mga konsyumer.
Mga Uri ng Estruktura ng Pamilihan
Perpektong Kompetisyon
Monopolistikong Kompetisyon
Monopolyo
Oligopolyo
Perpektong Kompetisyon
Katangian:
Malaking bilang ng mga bumibili at nagbebenta; walang kontrol sa presyo.
Magkakaparehong produkto; walang nakalalamang sa kalidad.
Malayang pagpapasiya ng bumibili at nagbebenta; epekto sa presyo.
Sapat na impormasyon tungkol sa produkto at presyo.
Malayang pagpasok at pag-alis sa pamilihan.
Monopolistikong Kompetisyon
Katulad ng perpektong kompetisyon pero may "product differentiation."
Halimbawa: mga restoran na may pagkakaiba-iba sa pagkain at serbisyo.
Monopolyo
Isang nagbebenta na walang eksaktong kahalili; kontrol sa presyo.
May sinasabing barriers to entry sa mga bagong nagbebenta.
Oligopolyo
Ilang kompanya ang kumokontrol sa pamilihan; maaaring may kolaborasyon o kompetisyon sa pagitan ng mga ito.
Karaniwang industriya: midya, telekomunikasyon, transportasyon.
Interbensiyon ng Pamahalaan sa Pamilihan
Ang pamahalaan ay may mahalagang papel sa ekonomiya, nagtatakda ng mga batas at patakaran para sa kaginhawahan ng mga mamamayan.
Ang pamahalaan ay dapat masiguro ang maayos na daloy ng kalakalan at protektahan interes ng konsyumer at prodyuser.
Pagkontrol sa Presyo
Price Ceiling: Pinakamataas na presyo, ipinapatupad upang maiwasan ang labis na pagtaas ng presyo.
Price Floor: Pinakamababang presyo, layunin ay protektahan ang mga prodyuser at tiyakin na may sapat na kita.
Market Failure
Ang market failure ay isang sitwasyon na may di-episyenteng alokasyon ng mga pinagkukunang yaman.
Halimbawa: epekto ng pandemya ng COVID-19 sa ekonomiya.