ARALING PANLIPUNAN
ARALING PANLIPUNAN
KABANATA 11: Ang Pilipino tungo sa Pag-unlad
Aralin 1: Konsepto ng Pambansang Kaunlaran
Kaunlaran- Ito ay tumutukoy sa proseso na lumilikha ng paglago at progreso, at nagdudulot ng positibong pagbabago sa ekonomiya at kalidad ng buhay ng mga mamamayan.
Pagsulong- Tumutukoy sa pisikal na pagbabago. Ito ay kinakikitaan ng kuwantitatibong pagbabago.
MGA BATAYAN NG PAGUNLAD NG EKONOMIYA
Pang-ekonomiyang Pagsulong
Pagtaas ng antas ng produksiyon o output batay sa GDP ng isang bansa
Binibigyang-pansin ang pagpapataas sa antas ng pagkonsumo, paggasta at pakikipagkalakalan
Nakatuon sa pagpapataas ng output ng ekonomiya
Panandaliang proseso
Pang-ekonomiyang Pag-unlad
Pagbabago sa kabuuan ng panlipunang sistema gaya ng sa kita, pagiimpok, at pamumuhunan kaalinsabay ng progresibong pagbabago sa sosyo- ekonomikong estruktura o kaayusan ng bansa
Binibigyang-pansin ang pagpapabuti sa kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan
Nakatuon sa pagbabago sa kaayusan ng ekonomiya
Pangmatgalan at nagpapatuloy (continuous) na proseso
Multidimensiyonal- Ito ay tumutukoy sa pagkakaroon ng iba’t ibang aspekto patungkol sa pagsusuri sa isang bagay.
Per Capita Income- Ang sukatan ng halaga ng kita ng bawat tai sa isang partikular na bansa o rehiyon.
TATLONG CORE VALUE NG PAG- UNLAD
Sustenance- Pagkakaroon ng kakayanan ng mga tao na matugunan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, tahanan, at maayos na kalusugan.
Self-esteem- Ito ay tumutukoy sa pagpapahalaga sa dignidad ng indibidwal.
Freedom from servitude- Tinutukoy nito ang pagpapalawak ng mga pagpipilian ng mga tao pagdating sa mga produkto at serbisyo na inihahain ng ekonomiya at ng lipunan para sa kanila.
SUSTAINABLE DEVELOPMENT GOALS
Walang Kahirapan- Ang bawat isa ay natutugunan ang kaniyang mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, inumin, tirahan, at iba pa.
Walang Nagugutom- Ang bawat isa ay hindi nag-aalala na walang kakainin sa araw-araw.
Mabuting Kalusugan at Maayos na Pamumuhay- Ang bawat isa ay may akses sa dekalidad na serbisyong pangkalusugan.
Dekalidad na Edukasyon- ang bawat isa ay nakapag-aral upang mahubog ang kaniyang mga kaalaman at kakayanan.
Pagkakapantay-pantay ng Kasarian- Ang bawat isa ay hindi nakararanas ng diskriminasyon dahil sa kasarian.
Malinis na Tubig at Sanitasyon- Ang bawat isa ay may akses sa malinis na inumin at palikuran.
Abot- kaya at Malinis na Enerhiya- Ang bawat isa ay nagkakaroon ng akses sa koryente o iba pang pinagkukunan ng enerhiya habang hindi naisasakripisyo ang hinaharap sa paggamit nito.
Disenteng Trabaho at Maunlad na Ekonomiya- Ang bawat isa ay may makabubuhay na suweldo o living wage na tutugon sa kaniyang pangangailangan sa pamamagitan ng pagkakaroon na matatatag na ekonomiya.
Industriya, Inobasyon, at Impraestruktura- Ang bawat usa at nakikinabang sa pag-unlad para maiangat ang buhay ng lahat at hindi ng iilan lamang o dahil lamang sa kita.
Bawasan ang Hindi Pagkakapantay-pantay- Ang bawat isa ay may pantay na oportunidad sa mga pinagkukunang yaman, trabaho, o pa,publikong serbisyo na hindi nakararanas ng diskriminasyon.
Tuloy-tuloy ang Pag-unlad sa mga Lungsod at Pamayanan- Ang bawat isa ay may ligtas na komunidad at ang mga mamamayan ay nagbibigay ng suporta sa isa’t isa.
Responsableng Pagkonsumo at Produksiyon- Ang bawat isa ay kumokonsumo at gumagawa ng mga produkto at serbisyo na isinasaalang-alang ang maging epekto ng mga ito sa kapaligiran ay ekonomiya.
Aksiyong Pangkilma- Ang bawat isa ay may pakikiisa upang aksiyonan ang epekto ng pagbabago ng klima sa kaniyang pamayanan.
Pangangalaga sa Buhay at Yamang Dagat- Ang bawat isa ay may pananagutan sa pangangalaga sa mga buhay at yamang dagat na makikita sa paraan ng pagkonsumo o produksiyon.
Pangangalaga sa Buhay at Yamang Lupa- Ang bawat isa ay may pananagutan sa pangangalaga sa mga buhay at yamang lupa na makikita sa paraan ng pagkonsumo o produksiyon
Kapayapaan, Katarungan at Matatag na mga Institusyon- Ang bawat isa ay nabubughat sa pamayanang ligtas mila sa kaguluhan at sumusunod sa patas na batas.
Pagtutulungan para sa mga Adhikain- Ang bawat isa ay kinikilala ang kaniyang gampanin sa pagsasakatuparan ng mga adhikain ng kaniyang pamayanan tungo sa kaunlaran nito at pagkamit ng global goals.
PANUKAT SA KAUNLARAN
Dahil tinitingnan ang pagunlad bilang isang multidimensiyonal na proseso, ang pagsukat nito ay nangangahulugan din na kailangan ang pagtiyak sa iba’t ibang dimensiyon na nais nitong masukat.
Isa sa mga ginagamit bilang panukat sa kaunlaran ay ang Human Development Index o HDI.
Halim.:
Ginagamit naman ng PSA na batayan ng kaunlaran ng bansa bilang instrumento sa pagtukoy ng progreso sa ekonomiya at panlipunang pagbabago ang Statistical Indicators on Philippine Development (StatDev).
Ito ay ang nagsisilbing gabay ng pamahalaan upang masuri kung nakamit nito ang mga itinakdang panlipunan at pang-ekonomiyang layunin.
Halim.:
KAHALAGAHAN NG PAGSUKAT NG PAGUNLAD
Ang pagsukat sa kaunlaran ng isang bansa ay isang pamamaraan upang matukoy kung nagkakaroon nga ba ng pagbabago sa pamumuhay ng mga sa isang bansa.
Ibig sabihin, ang kanilang mga polisiya ay naaabot ng lahat. Lalo na ang pinakanangangailangan nito.
Makakatulong din ang pagsukat sa pag-unlad ng isang bansa upang magsilbing gabay at balangkas sa mga bubuuing proyekto nito sa himaharap at pagtutuunan ng pansin ang mga aspekto ng pamumuhay ng tao na dapat mas bigyan ng priyoridad.
Aralin 2: Gampanin ng Pilipino sa Pambansang Kaunlaran
Ang lahat ng mga bansa sa mundo ay nagsusumikap para umunlad at gumanda ang ang pamumuhay nga mga mamamayan nito.
Ayon kay Mario Marcel, Senior Director ng World Bank, may anim na dahilan kung bakit maituturing na susi ang partisipasyon ng mga mamamayan o civic engagement sa kaunlaran ng isang bansa.
ANIM NA DAHILAN SA KAUNLARAN NG ISANG BANSA
Ang mga mamamayan ang sentro ng pamamahala kaya’t dapat ay nakikita at nararamdaman ng mga mamamayan mismo na sila ang priyoridad ng pag-unlad.
Nagiging mas epektibo at matagumpay ang mga programamang binubuo ng pamahalaan kung nakikilahok ang mga mamamayab sa proseso ng pagbuo nito.
Ang pakikilahok ng mga mamamayan sa usapin ng pag-unlad ay hindi upang maging kakompetensiya ng pamahalaan, bangkus, ay upang maging katuwang nila.
Sa pakikilahok ng mga mamamayan sa pamahalaan, nakabubuo ng tiwala sa pagitan ng dalawa upang mas maging maayos at matagumpay ang implementasyon ng mga polisiya at programa ng pamahalaan.
Ang pakikilahok ng mga mamamayan ay mahalaga sa pagsasalin ng mga priyoridad ng bansa sa kongkretong aksiyon at paghahatid nito sa mga tao. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang pagboto,bolunterismo o volunteerism sa mga gawain gaya ng clep up drive at pagtatanim ng puno, at marami pang iba.
Nagaganap sa iba’t ibang panig ng mundo ang pakikilahok ng mga mamamayan at ito ay mahalagang bahagi sa participatory policy making ng isang bansa tungo sa pagunlad nito.
Volunteerism- tumutukoy sa boluntaryong paggawa, partikular sa mga serbisyong pangkomunidad.
Inaasahan na gawain ng mga mamamayan tungo sa pagkamit ng kaunlaran
Magkakaroon ng kamalayan sa mga kaganapan sa lipunan. Ito ay makakatulong upang makita ng indibidwal ang mga sanhi at bunga ng nga kaganapan at magkaroon ng personal na pakikisangkot sa sitwasyon.
Makabuo ng kritikal ba pag-unawa sa responsibilidad tungo sa pag-unlad.
Maipalaganap ang kahalagahan ng pagkakaisa, pagkakapantay-pantay, at kooperasyon.
Maging aktibong bahagi sa pagbuo ng mga solusyob na tutugon sa suliranin ng kahirapan, kagutuman, at iba pang problema sa lipunan.
KABANATA 12: Iba’t Ibang Sektor ng Ekonomiya
Aralin 1: Sektor ng Agrikultura
Sektor ng Agrikultura
Ang salitang agrikultura ay mula sa salitang Latin na agricultura o “kultibasyon ng lupa”.
Ito ay isang gawain na nakaangkla sa pagpayaman sa gamit ng lupa
Ang agrikultura ay ang pangunahing pinagmumulan ng mga likas na yaman at pagkain para sa mga tao.
APAT NA SUBSEKTOR NG AGRIKULTURA
Pagsasaka- Tumutukoy ito sa gawain ng pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman na maaaring makain at pagmulan ng kabuhayan, tulad ng palay, kamote, mais, at iba pang mga prutas at gulay.
Paghahayupan at Pagmamanukan- Kabilang sa gawain na ito ang pag-aalaga at pagpaparami ng mga hayop gaya ng baboy, baka, manok, at iba pa. Ito ay pinagkukunan ng karne at mga produktong galing sa dairy.
Pangingisda- Ito ay maaaring mauri bilang pagingisdang komersiyal, pangingisdang munisipal, at aquaculture.
Pagingisdang Komersiyal
Tumutukoy sa pangingisda na ginagawa sa mga katubigan sa paligid ng Pilipinas o offshore waters at gumagamit ng mga sasakyang pang-mangingisda na mahigit sa tatlong tonelada.
Pagingisdang Munisipal
Isinasagawa sa mga katubigan sa paligid ng baybayin ng bansa o inland waters na gumagamit ng mga bangkang mas mababa sa tatlong tonelada.
Aquaculture
Ginagawa sa pamamagitan ng pagbuo ng mga fish pen, lawa o kulungan na naglalayong magparami ng mga isda tulad ng bangus o tilapia.
Paggubat- Kinabibilangan ito ng mga gawain na may kaugnayan sa pagkuha ng mahahalagang punongkahoy sa kagubatan gaya ng mahogany at akasya.
KAHALAGAHAN NG SEKTOR NG AGRIKULTURA
Tumutugon ito sa pangunahing pangangailangan ng bawat isa—ang pagkain.
Pinagmumulan ito ng mga hilaw na materyales na ginagamit bilang sangkap sa produksiyon para sa industriya kung kaya’t itinuturing ang sektor na ito bilang primaryang sektor ng ekonomiya.
Sa taong 2018, ang sektor ng agrikultura ay nakapag-ambag ng 8.1% sa GDP ng bansa.
Nakakaloob ito ng trabaho para sa mga Pilipino.
Pinagmumulan din ito ng kita ng bansa sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan. Ilan sa mga pangunahing produktong iniluluwas nito ay saging, coconut oil, at tuna na inaangkat ng mga bansang Tsina, Estados Unidos, at Hapon.
PROGRAMA NG PAMAHALAAN PARA SA SEKTOR NG AGRIKULTURA
Kinakailangan Ipagpatuloy ang Modernisasyon- Nilalayon nitong gumagit ng makabagong teknolohiya sa pagsasaka, lalong-lalo na sa mga produktong iniluluwas sa ibang bansa gaya ng kape, kakaw, kamoteng-kahoy, at iba pa. Isang paraan din ang agripreneurship tungo sa modernisasyon ng agrikultura.
Industriyalisasyon ng Agrikultura- Ang digitization ng agrikultura sa pamamagitan ng paglalaan ng pautang na abot-kaya at madaling makukuha ay makakatulong sa industriyalisasyon ng sektor.
Promosyon ng mga Pang-eksport na Produkto- Sa kasalukuyan, ang saging at niyog (sa anyo ng coconut oil) ay kumikita ng halos 1 bilyong piso kada taon mula sa pagluluwas ng mga ito. Nilalayon nito na dagdagan pa ang mga produktong pang-eksport upang maitaas ang kalidad ng iba pang produktong agrikultutal.
Konsolidasyon ng Small-and-medium-sized na Pagsasaka- Sa pamamagitan nito ay mas magiging episyente ang pagsasaka na kinapapalooban ng block farming, trust farming, at corporate farming upang mabawasan ang halaga ng produksiyon at maitaas ang produktibidad ng sakahan.
Pagpapaunlad ng mga Impraestruktura- Ang pagbuo ng mga impraestruktura na mag-uugnay sa mga pamilihan sa pook urban, rural, at pamilihang pang-eksport ay dapat bigyang-pansin din sa sektor ng agrikultura, gayundin ang pagpapabuti sa sistema ng irigasyon.
Pagpapataas ng Badyet at Pamumuhunan- Ang pagdadagdag sa badyet at pamumuhunan sa agrikultura ay makatutulong upang mapataas ang kantidad ng produksiyon ng sektor at mapalakas pa ang potensiyal nito.
Suporta sa Agrikultura- Kinakailangan ang pagbuo ng mga batas na makatutulong sa sektor ng agrikultura upang magkaroon ng reporma dito.
Pagpapaunlad ng Roadmap- Makatutulong ang pagbuo ng roadmap na kinapapalooban ng pagtutulungan ng pribado at pampublikong mga ahensiya upang maisulong ang ingklusibong pag-unlad ng sektor ng agrikultura.
Aralin 2: Sektor ng Industriya
Ano ang Industriya?
Ang industriya ay ang produksiyon ng isang kalakal na pangkabuhayan o paglilingkod na nasa loob ng isang ekonomiya. Maraming mga uri ng iba't ibang mga industriya, katulad ng pagmimina, pagsasaka, at pagtotroso.
Sektor ng Industriya
Itunuturing bilang isang mahalagang sektor ng ekonomiya sa bansa, dahil sa kabuhayang naibibigay nito sa mga Pilipino at sa pagproseso ng mga hilaw na materyales mula sa sektor ng agrikultura upang mas higit pa itong pakinabangan.
Ilan sa mga maaring dahilan ng mabagal na pagusad ay ang kakulangan sa pondo para sa pagpapaunlad ng industriya at ang deindustriyalisasyon.
Deindustriyalisasyon
Ang pagbabawas o pagkasira ng kapasidad ng industriya ng isang bansa o rehiyon.
APAT NA SUBSEKTOR NG INDUSTRIYA
Pagmamanupaktura- Proseso o transpormasyon ng mga hilaw na materyales upang lumikha ng panibagong kagamitan. Kabilang dito ang paggawa ng mga produktong petrolyo, elektronikong kasangkapan at gadyet, papel, tela, pagkain, inumin at marami pang iba.
Pagmimina- Proseso ng pagkuha o extraction ng mga metal at di-metal na bagay sa ilalim ng kalupaan o katubigan ng isang bansa. Pilipinas ang isa sa mga bansa sa buong mundo na may pinakamaraming deposito ng ginto at tingga.
Konstruksiyon- Kinapapalooban ng lahat ng gawaing may kinalaman sa pagtatayo ng iba’t ibang mga gusali, bahay, kalsada, daungan, waterways, lagusan, riles ng tren, at marami pang iba.
Mga Utilidad- Kabilang sa subsektor na ito ang pagbibigay ng serbisyo sa koryente, tubig, gas, singaw (steam), at air conditioning. Bahagi ng subsektor na ito ang distribusyon ng mga nasabing utilidad sa mga konsyumer sa pambubliko o pampribadong sektor man.
KAHALAGAHAN NG SEKTOR NG INDUSTRIYA
Tagaproseso ng mga hilaw na materyales mula sa sektor ng agrikultura.
Pagpapalawak ng teknolohiya at inobasyon.
Pagtaas ng antas ng pamumuhay
Pagiging potensiyal na pamimilihan ng sektor para sa pamumunuhunan dahil sa pagtaas ng bahagi na ginagampanan nito sa GDP.
Pagdami ng trabaho na nakaugnay sa sektor ng industriya.
SULIRANING KINAKAHARAP NG SEKTOR NG INDUSTRIYA
Pagkakaroon ng mahabang proseso sa pagbubukas ng negosyo.
Kompetisyon sa mga dayuhang negosyante.
Kamahalan ng presyo ng elektrisidad.
Pagkakaroon ng deindustriyalisasyon.
Mababang pondo para sa pananaliksik at pagpapaunlad.
MGA PROGRAMA NG PAMAHALAAN NG SEKTOR NG INDUSTRIYA
Philippine Inclusive Innovation Industrial Strategy o i³S- Isang programang binubuo ng DTI upang mapaunlad ang ugnayan ng sektor ng industriya, agrikultura at serbisyo sa pamamagitan ng mga inobasyon sa larangan ng automation, robotics, artificial intelligence, at iba pang makabagong teknolohiya upang mapatatag ang pakikipagkompetensiya ng bansa sa panloob at panlabas na kalakalan.
Manufacturing Resurgence Program o MRP- Paunlarin ang pagiging kompetibo ng industriya ng pagmamanupaktura sa bansa upang maiangat ang halaga ng mga produkto nito sa pakikipagkompetensiya sa pamilihan sa ASEAN at iba pang mga bansa sa daigdig. Pagresolba sa mga isyu ng smuggling st mga puwang daloy ng palitan ng kalakal (supply chain) sa bansa. Sa pamamagitan ng programang ito, maitataguyod at maipapalakas nito ang mga lokal na industriya at yaong mga papausbong pa lamang.
Pagtatayo ng Regional Inclusive Innovation Centers o RIIC- Mapapabuti ang daloy ng palitan ng kalakal, agro-processing, pananaliksik sa agrikultura, akses sa teknolohiya, at ang pagpinansiya sa mga nasabing gawain sa bawat rehiyon. Sa pamamagitan nito, mahihikayat ang MSMEs na mapayabong pa ang kanilang negosyo at masuportahan ang pananaliksik at pagpapaunlad nito.
Go Lokal!- Programa ng DTI para sa mga MSMEs na magkaroon ng akses sa mas malalaking establisimyento gaya ng mga mall at iba pang bilihano tindahan upang maipakilala ang kanilang negosyo. Bukas ito sa mga entreprenyur na ang pokus ay ang sosyal na aspekto ng pagbebenta, mga nagbebenta online, kooperatiba, at kahit mga papausbong pa lamang na negosyo.
Kapatid Mentor Me Project- Katuwang ang Philippine Center for Entrepreneurship (PCE), nilalayon ng programa na ito ng DTI na magkaroon ng coaching at mentoring ang mga MSME mula sa mga malalaking korporasyon hinggil sa aspekto ng operasyon ng negosyo. Sa pamamagitan nito ay makabubuo ang koneksiyon o ugnayan ang maliliit at malalaking kompanya upang magkaroon ng akses ang bawat isa sa kanilang kaalaman sa industriya.
RA No. 11032 o Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018- Layunin ng batas na ito na mapasimple ang proseso sa mga ahensiya ng pamahalaan at iba pang mga local government unit (LGU) upang mabawasan ang mga isyu ng panunuhol, red tape, at mapadali ang mga transaksiyan sa pamahalaan. Makatutulong upang mas mahikayat ang mga negosyo na papausbong pa lamang sa pag-aasikaso ng kanilang mga papeles gaya ng pagkuha ng mga permit o pahintulot upang makapagnegosyo at magbayad ng buwis.
Aralin 3: Sektor ng Paglilingkod
Ang sektor ng paglilingkod o serbisyo ang isa sa uri sa 3 industriya. Ito ang gumagabay sa buong yugto ng produksiyon, distribusyon.Ang paglilingkod ay ang pag bibigay serbisyo sa halip na bumuo ng produkto. Ang sektor ng pag lilingkod ay tinururing bilang tersiyaryong sektor dahil imbes na mga produktong nahahawakan tangible goods na mula sa sektor ng agrikultura at industrya.
Global Value Chain
Ang sektor ng pag lilingkod ay tinururing bilang tersiyaryong sektor dahil imbes na mga produktong nahahawakan tangible goods na mula sa sektor ng agrikultura at industriya
MGA SULIRANIN SA SEKTOR NG PAGLILINGKOD
Kontraktwalisasyon- Ito ay isang sitwasyon kung saan ang manggagawa ay pipirma sa isang kontrata na nagsasaad na hanggang lima o anim na buwan lamang ang kaniyang trabaho kapag siya ay na-”endo” o end of contract, kinakailangan niya umalis sa kaniyang pinagtatrabahuhan.
Mababang pasuweldo- Mabagal ang paglago ng real average wage o halaga ng kita ng isang manggagawa batay sa kakayanan niyang makabili.
Hindi ligtas na kondisyon ng paggawa (poor working conditions)- Mahalaga para sa isang manggagawa ang pagkakaroon ng maayos na kapaligiran sa kaniyang pinagtatrabahuhan upang masiguro ang kaniyang kaligtasan.
Paglabag sa karapatan ng mga manggagawa- Batay sa inilathalang ulat ng international Trade Confederation o IUTC noong 2018 patungkol sa global rights index, ang Pilipinas ay isa sa mga bansa na nakapagtala ng grado na 5 na nangangaluhugan na walang grantiya ang karapatan ng mga manggagawa sa bansa.
Karapatan ng Manggagawa
Pagkakaroon ng pantay na oportunidad para sa lahat
Security of tenure
Tamang oras ng paggawa o working hours
Tamang pasuweldo at benepisyo
Pagbuo ng organisasyon at collective bargaining
Karapatan ng kababaihan sa trabaho
Brain Drain at Brawn Drain- Tumutukoy ito sa patuloy na migrasyon na mga manggagawang pilipino, propesyonal (brain drain) man o skilled worker (brawn drain), na nagreresulta sa kakulangan o kaya’y pagkaubos ng lakas-paggawa sa bansa.
MGA AHENSIYA NG PAMAHALAAN NA ITINATAG
DOLE
Layunin nitong matulungan ang mga manggagawa na makahanap ng oportunidad sa magandang trabaho, mapaunlad ang kapasidad at kakayahan ng mga manggagawa, at ma protektahan at maitaguyod ang karapatan nila.
Pangasiwaan sa Kagalingan na manggagawa sa ibayong-dagat (Overseas Workers Welfare Administration o OWWA)
Ito ay isang ahensiya sa pamahalaan na katuwang ng DOLE sa pagsisiguro sa karapatan at kapakanan ng mga manggagawang pilipino na nagtatrabaho sa ibang bansa at kanilang mg pamilya.
Pangasiwaan ng pilipinas sa Empleo sa ibayong-dagat (Philippine Overseas Employment Agency o POEA)- Ito ang ahensiyang nangangasiwa sa employment at deployment ng mga OFW. Gayundin, ito ay nagbibigay suporta sa mga OFW sa pamamagitan ng legal na tulong repatriation.
Pambansang komisyon ng ugnayan sa paggawa (National Labor Relations commission o NLRC)- Ito ay nagsisilbi bilang quasi-judicial body na siyang tumatayong tagampamagitam at nagreresolba sa hidwaan sa pagitan ng maypagawa at manggagawa upang mapanatili ang kapayapaan sa kompanya.
BWC- Ito ay isang sanagay ng DOLE na siyang nagtitiyak at bumabalangkas ng mga polisiya hinggil sa batayan ng paggawa o labor standards.
Komisyon sa Regulasyong pampropesyonal (Professional Regulation Comission o PRC)- Gampanin nitong bumuo ng mga regulasyon at pangasiwaan ang pagsasanay ng iba’t ibang propesyonal sa larangan ng kalusugan, edukasyon, negosyo, agaham panlipunan at iba pa.
Pangasiwaan sa Edukasyong Teknikal at pagpapaunlad ng kasanayan (Technical Education and Skills Development Authority o TESDA)- Ito ay nagbibigay bumubuo ng mga programang may kaugnayan sa pagsasanay at pagpapaunlad ng edukasyong teknikal at pagpapaunlad ng kakayanan ng mga manggagawa.
Sentri para sa kaligtasan pangkabuhayan at kalusugan (Occupational Safety and Health Center o OSHC)- Responsibilidad ng ahensiyang ito na bumuo at magpalaganap ng impormasyon upang magkaroon ng mas ligtas at malusog na kondisyon sa pagtatrabaho.
KABANATA 13: Impormal na Sektor
Aralin 1: Anyo ng Impormal na Sektor
Impormal na Sektor
Isang gawain na wala sa pangangasiwa ng pamahalaan dahil sa hindi nito pagiging rehistrado at hindi nito pagbabayad ng buwis.
Halimbawa na lamang nito ang mga takatak boys, kasambahay, at mga streetfood vendor.
Batay sa RA No. 8425 o ang Social Reform and Poverty Alleviation Act, ang impormal na sektor ay binubuo ng mga indibidwal na nagtatrabaho sa maliit na negosyo na hindi rehistrado sa gobyerno.
KATANGIAN NG IMPORMAL NA SEKTOR SA PILIPINAS
Ang may-ari ng negosyo ay ang mismo ring nangangasiwa sa kaniyang negosyo kaya’t masasabi na walang disbisyon sa paggawa.
Ang nasabing negosyo ay kumukuha ng mga miyembro ng kanilang pamilya na maaaring makatulong sa kanila ng walang bayad o sahod.
Ang ugnayan ng maypagawa at manggagawa ay batay sa kinship o angkan.
Hindi hihigit sa sampu ang mga bumubuo sa nasabing gawain o negosyo.
Walang regular na oras ng trabaho.
PAGKAKAIBA NG PORMAL AT IMPORMAL NA SEKTOR NG EKONOMIYA
Pormal na Sektor ng Ekonomiya
Organisado ang sistema ng empleo na may malinaw na kasunduan at patakaran sa pagitan ng manggagawa at kompanya.
Pormal ang ugnayan ng manggagawa at maypagawa o kompanya sa ilalim ng isang kontrata.
Inaasahan ng manggagawa ang tamang oras ng paggawa, mga benepisyo, tiyak na suweldo, at iba pang insentibo bilang bahagi ng kompanya.
Pinapayagan ang pagbuo ng mga unyon o samahan kung saan maaaring maidulog ng manggagawa ang kaniyang mga hinaing.
Maayos ang kapaligiran kung saan nagtatrabaho ang mga manggagawa.
Impormal na Sektor ng Ekonomiya
Walang anumang kasunduan o kasulatan sa pagitan ng manggagawa at maypagawa.
Nakabatay lamang sa napagusapan ang trabaho at walang anumang konratang lalagdaan.
Walang tiyak na suweldo o tiyak na oras ng paggawa at kadalasan ay arawan ang kita.
Hindi malay sa kanilang mga karapatan ang mga manggagawa dahil hindi sila nakapag-oorganisa dulot ng estruktura ng kanilang trabaho.
Hindi tiyak na ligtas o malinis ang lugar kung saan nagtatrabaho ang mga manggagawa.
MAARING MAGBAKAS ANG PAGTAAS NG IMPORMAL NA SEKTOR SA MGA SUMUSUNOD NA DAHILAN
Mabagal ang paglago ng ekonomiya
Migrasyon sa lungsod
Mahigpit at mahirap na regulasyon sa pagbuo ng negosyo kung kaya’t mas pinili ng iba na manatili sa impormal na sektor
Kahirapan
Mababang pinag-aralan
Aralin 2: Patakarang Pang-ekonomiya Kaugnay ng Impormal na Sektor
Poverty Incidence
Tumutukoy sa proporsiyon ng mga Pilipino na ang per capita income ay hindi nakatutugob sa pangangailangan para sa pagkain at iba pang gastusin.
Ang kahirapan ay itinuturing bilang isa sa mga salik kung bakit ang iba ay umaasa sa mga gawain sa impormal na sektor ng ekonomiya upang may maipantawid sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
BENTAHE AT DESBENTAHE NG IMPORMAL NA SEKTOR
Ang mga epekto ng impormal na sektor sa ekonomiya ng isang bansa ay maaaring maihanay bilang positibo o negatibo. Ito ay dahil sa may mga legal at ilegal na gawaing nakapaloob sa sektor na ito kung kaya’t ito ay naghahain ng bentaha at desbentaha para sa ekonomiya
Bentaha ng Impormal na Sektor sa Ekonomiya
Nagkakaloob ito ng trabaho at kabuhayan para sa mga mamamayan.
Ito ay nagsisilbing buffer sa panahon ng resesyon sa ekonomiya.
Maaari nitong mapabuti ang distribusyon ng kita lalo na para sa mga papaunlad na bansa sapagkat mababawasan nito ang bilang ng mga walang pinagkukunan ng kita.
Desbentaha ng Impormal na Sektor sa Ekonomiya
Hindi saklaw ng mga batas at regulasyon ng pamahalaan ang mga manggagawa.
Nagkakaroon ng hindi patas na kompetisyon sa pagitan ng pormal at impormal na sektor sa ekonomiya.
Dahil hindi rehistrado ang mga gawain ng nasa impormal na sektor, hindi nakakukuha ng tamang datos ang pamahalaan pagdating sa kabuuang kita nito.
Hindi nakasisiguro sa kalidad ng produkto o serbisyo na nalilikha sa sektor na ito dahil hindi sila dumadaan sa quantity control ng mga lehitimong ahensiya ng pamahalaan.
Ito ay maaaring magpalaganap ng mga ilegal na gawain na maaaring humantong sa mga krimen sa bansa.
PORMALISASYON NG IMPORMAL NA SEKTOR
Tatlong mahalagang layunin
Pangangasiwa ng estado ng transisyon ng impormal na sektor sa pormal na sektor sa pamamagitan ng paggalang sa karapatan ng mga manggagawa at pasiguro sa kanilang kita, kabuhayan, at negosyo.
Pagpapalaganap sa pagbuo, pagpapanatili, at pagpapatatag sa mga negosyo at trabaho sa pormal na sektor kaugnay ng makroekonomiks, empleo, proteksiyon at patakarang panlipunan.
Pag-iwas sa impormalisasyon ng mga trabaho sa pormal na ekonomiya.
MGA PATAKARANG PANG-EKONOMIYA KAUGNAY NG IMPORMAL NA SEKTOR
Trabaho, Negosyo, Kabuhayan o TNK- Isang inisyatibo ng DOLE na naglalayong mahikayat ang paglago at pormalisasyon ng mga MSME.
AlkanSSSya Program- Programa ng SSS upang matulungan ang mga indibidwal na maliit ang kita na makapaghulog ng kontribusyon na halagang ₱300.00 kada buwan o ₱11.00 kada araw.
RA No. 10361 o ang Kasambahay Act- Batas na nagtatakda na ang mga employer ay kinakailangang magbigay ng benepisyo sa kanilang kasambahay.
DOLE Intergrated Livelihood and Emergency Employment Program o DILEEP- Programa ng BWSC na umaagapay sa mahihirap, bulnerable, at naisasantabi na mga manggagawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pang-kapitak at mga kagamitang pangkalusugan at kalinisan para sa mga proyektong pangkabuhayan at ng probisyon ng micro insurance sa benepisyado ng mga manggagawa.
RA No. 8425 o ang Social Reform and Poverty Alleviation Act- Batas na kinikilala bilang bahagi ng impormal na sektor bilang bahagi ng pagpaplano, pagbuo ng desisyon, implementasyon, at pagtataya ng social reform agenda sa iba’t ibang antas ng pamahalaan.
RA No. 9710 o ang Magna Carta for Women- Batas na kumikilala sa kababaihan bilang bahagi ng impormal na sektor upang maitaguyod ang kanilang mga karapatan, kapakanan, seguridad at dignidad bilang manggagawa.
RA No. 9178 o ang Barangay Microbusiness Enterprises (BMBEs)- Batas na naghihilayat sa pormasyon at paglaro ng mga BMBE at intergrasyon ng impormal na sektor sa mainstream na ekonomiya.
RA No. 10644 o Go Negosyo Act- Batas na nagbibigay ng tulong sa mga papausbong na negosyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon, pagsasanay, at pagpapautang sa kababaihang entreprenyur.