Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Mga Layunin
Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika:
Nagagamit ang kaaalaman sa modernong teknolohiya sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika.
Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan
Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari/ kaganapan tungo sa pagkabuo at pag-unlad ng Wikang Pambansa.
Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari/ kaganapan tungo sa pagkabuo at pag-unlad ng Wikang Pambansa
KONSEPTONG PANG WIKA (homogenous at heterogenous)
(Homogenous at Heterogenous na Wika)
Ang salitang homogenous ay nanggaling sa salitang Griyego na “homo” na ang ibig sabihin ay uri o yari. Ang homogenous na wika ay ay ang pagkakatulad ng mga salita. Bagaman magkakatulad, nag-iiba ang kahulugan dahil sa pagbigkas at intonasyon.
Ang wika ay midyum ng pakikipagtalastasan. Ginagamit ito upang epektibong makapagpahayag ng damdamin at kaisipan. Kakambal ng wika ang kulturang makapagpahayag ng damdamin at kaisipan. Kakambal ng wika ang kulturang pinagmulan nito, kung kaya mahalaga ang papel na ginagampanan ng wika sa pagpapalaganap at pagpapayabong ng kulturang pinanggalingan nito. Ang wika ay nahahati sadalawa ang homogeneous na kalikasan nito at ang heterogeneous na kalikasan nito.
HETEROGENOUS NA KATANGIAN NG WIKA
Ang heterogeneous na kalikasan ng wika ay tumutukoy sa pagkakaiba-iba ng wikang ginagamit ng mga pangkat ng tao dahil sa pagkakaiba nila ng edad kasarian, tirahan, gawain, at iba pang mga salik.
Ito ay ang kalikasan ng wika. Ang pagkakaiba-iba ng wikang ginagamit ng iba’t ibang indibidwal at pangkat na may magkakaibang uring pinagmulan, gawain tirahan
Ayun sa mga dalubhasa, ang wika ay binubuo ng isang pangkat ng tao upang magamit at tumugon sa kanilang partikular na pangangalangan. Dahil magkakaiba ang mga tao at ang kinabibilangan ng bawat isa, iba’t ibang anyo rin ng wika ang umusbong.
Sa heterogeneous na katangian ng wika ay may dalawang uri o barayti: Ito ay ang permanente at pansamantala.
2 DALAWANG BARAYTING PERMANENTE
Dayalekto - Ito ang bayarting batay sa pinanggalingang lugar, panahon, at katayuan sa buhay ng isang tao.
Idyolek - Ito ang barayting kaugnay ng personalna kakanyahan ng bawat indibidwal na gumagamit ng wika.
3 URI BARAYTING PANSAMANTALA
Register - Ito ang barayting bunga ng sitwasyon at disiplina o larangang pinaggagamitan ng wika.
Isilo - Ito ang barayting batay sa bilang at katangian ng kinakausap, at relasyon ng nagsasalita sa kinakausap
Midyum Ito ang barayting batay sa pamamaraang gamit sa komunikasyon, maaaring pasalita o pasulat.
Mga Halimbawa ng Heterogeneous na Katangian ng Wika
● Dayalektong Heograpikal
● Dayaletong Temporal
● Dayalektong Sosyal
Dayalekto Heograpikal - ay may iba’t ibang katangian ng wika mayroong Tagalog Batangas, Tagalog Laguna, Tagalog Quezon.
Dayalektong Temporal Halimbawa: Ang probinsyano na pelikula mayroon na noon ngunit may bagong pelikulang sumisikat ngayon ay ang mga manunulat na magkaiba at ang barayti ng wika nito ay magkaiba sapagkat ito ay isinulat sa magkaibang panahon.
Dayalektong Sosyal Halimbawa: Uri: Karaniwang naiuugnay sa masa ang mga salitang balbal gaya ng utol, ermats, dedma, epal.
Dayalektong Sosyal Edad: Ang tawag ng matatanda sa salamin sa mata ay antipara samantalang ang tawag naman sa mga kabataan ngayon shades. Edad: Ang tawag ng matatanda sa salamin sa mata ay antipara samantalang ang tawag naman sa mga kabataan ngayon shades. Kasarian: Hanggang ngayong patuloy pa rin ang paggamit ng salitang jowa (karelasyon) jubis (Mataba), gander (maganda),at iba pang mga salita sa Gayspeak.
“Idyolek” Ito ang barayting kaugnay ng personal na kakanyahan ng bawat indibidwal na gumagamit ng wika
“Register” Ang register sa kalusugan ay iba sa palakasan.
“Istilo” Kapag iyong nakasalubong ang isang kaibigan ay maaari mong batiin sa pahayag na “hoy” kamusta ka na? Kapag bumisita ka sa iyong lolo at lola ay binabati natin sila ng kumusta po kayo?
“Midyum” Ang mga terminong gaya ng dalumat, dalisay at kabatiran ay mababasa sa mga disertasyon at iba’t ibang akademikong materyal na nakasulat, ngunit bihirang ginagamit ang mga ito sa pang-araw-araw na pasalitang pakikipag-usap.
HOMOGENOUS NA KATANGIAN NG WIKA
Ang homogeneous na katangian ng wika ay:
- Ang wika ay nagtataglay ng mga pagkakatulad
- Ang wika ay may mga homogeneous na kalikasan
Arbitraryo - Ang wika ay pinagkakasunduan. Nagkakaunawaan sa kahulugan ng mga salita ang mga gumagamit nito. Hindi dinidikta ng mismong itsura at tunog ng salita ang kahulugan, kung kaya masasabing arbitraryo ang wika. Halimbawa nito kung paano ang salitang Tagalog na “kamay” ay “ima” sa wikang Ilokano, “kamot” naman sa Bikolano, at “gamat” naman sa Kapampangan.
Dinamiko - Nanghihiram din tayo ng mga salitang dayuhan at nagbibigay ng sariling kahulugan dito. Halimbawa nito kung paanong ang salitang “gimmick” na nasa wikang Ingles ay may mga kahulugang “pakulo o paraan ng pagpukaw ng atensiyon.” Habang ngayon naglkaroon ito ng kahulugan ng pamamasyal kasama ng mga kaibigan.
Bahagi ng kultura Halimbawa:
Sa wikang Arabe ay mayroong iba’t ibang katawagan para sa mga uri ng kamelyo. Ang mga salitang ito ay wala sa ating wika dahil bahagi ng kulturang Pilipino ang paggamit ng mga kamelyo. Kung gayon, hindi maisasalin sa Filipino ang mga salitang Arabe para sa salitang kamelyo dahil walang katumbas ang mga salitang ito sa ating wika.
Halimbawa: Ang wikang Nihonggo ay sumusunod sa estrukturang “paksa-layon ng pandiwapandiwa” samantalang ang Ingles ay “paksapandiwa-layon ng pandiwa”
KOMUNIKASYON
Ang komunikasyon ay nagaganap sa pang-araw-araw na buhay ng isang tao. Ang komunikasyon ay pagpapahayag, paghahatid, o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan. Isa itong pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagayan, o pakikipag-unawaan.
Ang komunikasyon ay proseso ng pagbibigay at pagtanggap, nagpapalipat-lipat sa mga indibidwal ang mga impormasyon, kaalaman, kaisipan, impresyon, at damdamin gamit ang mga makrong kasanayan – pakikinig, pagbasa, pagsasalita, pagsulat, at panonood.
Komunikasyon o pakikipagtalastasan ang pundasyon ng personal na relasyon ng isang tao sa kanyang kapwa (E.L Peña, et al. at sa kanilang aklat na Kanlungan). Isang proseso ito ng paglikha at pagbabahagi ng impormasyon at kaalaman ng isang tao sa pormal o impormal na paraan.
Ang komunikasyon ay proseso ng pagbibigay at pagtanggap, nagpapalipatlipat sa mga indibidwal ang mga impormasyon, kaalaman, kaisipan, impresyon, at damdamin gamit ang mga makrong kasanayan – pakikinig, pagbasa, pagsasalita, pagsulat, at panonood. (Ayon kay Sikhay, et al. sa kanilang aklat noong 2003)
Mga Simulain ng Komunikasyon
o Ang komunikasyon ay nagsisimula sa sarili
o Ang komunikasyon ay nangangailangan ng ibang tao
o Ang komunikasyon ay binubuo ng simensyong pangnilalaman at relasyonal
o Ang komunikasyon ay komplikado
o Ang komunikasyon ay gumagamit ng simbolo
o Ang komunikasyon ay nangangailangan ng kahulugan
o Ang kumunikasyon ay isang proseso
Mga Modelo ng Komunikasyon
1. Komunikasyon bilang aksyon – ang pinagmulan ng mensahe (senderr) ay naghahatod ng mensahe tungo sas tagatanggap (receiver)
2. Komunikasyon bilang interaksyon – nagkakaroon ng pagpapalitan ng impormasyon sa dalawang tao
3. Komunikasyon bilang transaksyon – pagbabahaginan ng kahulugan at unawaan sa pagitan ng isa o higit pang tao.
Antas ng Pormalidad sa Komunikasyon
1. Oratorical o frozen style – ginagamit sa pagsasalita sa harap ng publiko na may malaking bilang ng manonood.
2. Deliberative Style – ang estilong ginagamit sa tiyak na klasrum o mga forum.
3. Consultative Style – tipikal na pakikipagtalastasan na nangangailangan ng pormal na pananalita sa pamamagitan ng pagpili ng mga salitang gagamitin. Kadalasang makikita sa opisina at mga pulong.
4. Casual Style – karaniwang makikita sa usapan ng magkapamilya o magkaibigan.
5. Intimate Style – nagaganap sa pagitan ng malalapit na kaibigan, kapamilya o karelasyon.
Uri ng Komunikasyon Ayon sa Teksto
1. Komunikasyong Intrapersonal
2. Komunikasyon interpersonal
3. Komunikasyong Pampubliko
4. Komunikasyong Pangmasa
5. Komunikasyong Computer Mediated