ARLALIN 3
I. KALINANGANG PILIPINO
Tumutukoy sa kabuuan ng kultura, tradisyon, sining, paniniwala, kaugalian, at paraan ng pamumuhay ng mga Pilipino.
Ang kalinangan ay nangangahulugang kultura, kabihasnan, o civilization; ang lahat ng aspeto ng buhay na nagpapakilala at bumubuo sa lipunan o bayan.
Mga Aspeto ng Kalinangang Pilipino:
Materyal na Aspeto: mga bagay na nahahawakan o nakikita na bahagi ng kultura.
Di-Materyal na Aspeto: mga hindi nahahawakan ngunit mahalagang bahagi ng pagkakakilanlan ng kultura.
A. PUNDAMENTAL NA ASPETO NG KALINANGANG PILIPINO: Tatlong Elemento
Human Body (Katawan)
Physical Environment (Pisikal na Daigdig/Kapaligiran)
Indigenous Worldview (Katutubong Pananaw)
Sa paniniwalang ito, ang mabuting kalagayan ng tao ay nakasalalay sa maayos na relasyon at balanse ng kanyang katawan, kaluluwa, at ugnayan sa kalikasan at kapwa.
DALUMAT NG PAGKATAO
Ang tao ay binubuo ng dalawang mahahalagang bahagi:
Katawan – nauugnay sa pisikal na daigdig.
Kaluluwa – nauugnay sa ispiritwal na daigdig (langit, ilalim ng lupa, kabilang buhay).
Ang pagkatao sa kalinangang Pilipino ay itinatampok ang kabuuan ng tao, hindi lang bilang pisikal na nilalang kundi bilang may koneksyon sa ispiritwal na mundo at kapaligiran.
Ang balanse ng mga ito ay mahalaga upang makamtan ang kabuuang kalusugan at kaayusan ayon sa pananaw ng ating mga ninuno.
DIMENSIYON NG BUHAY
Ang Dimensiyon ng Buhay ay tumutukoy sa mga paniniwala tungkol sa hiyas, anting-anting, at ginhawa (life force) na mahalaga sa kanilang kalinangang espiritwal at pang-araw-araw na buhay.
A. PANINIWALA SA HIYAS
Hiyas ay simbolo ng yaman, proteksyon, at kapangyarihang espiritwal.
Ginagamit sa kasal, digmaan, at ritwal ng pagpapagaling.
B. ANTING-ANTING
Amulet na pinaniniwalaang may kapangyarihan; proteksyon laban sa masamang espiritu.
Ginagamit ng mandirigma at manggagamot; naniniwala na may kapangyarihang pananggalang at nagbibigay ng lakas o ginhawa.
C. GINHAWA (LIFE FORCE)
Enerhiya o lakas na nagpapatakbo sa katawan at espiritu.
Kapag nawala ang ito, nagkakasakit; maibabalik sa pamamagitan ng ritwal.
Holistikong konsepto: kabuuang kasaganahan, kalusugan, kapayapaan ng kalooban.
Ang ginhawa ay sumasaklaw sa pisikal, emosyonal/mental, espiritwal, at panlipunan/pangkabuhayan na ginhawa.
UGNAYAN NG TATLONG DIMENSIYON
Ang paniniwala sa hiyas, anting-anting, at ginhawa ay magkakaugnay; nagbibigay saysay, proteksyon, at lakas sa pagkatao at pakikibaka sa araw-araw.
II. DIMENSIYON NG KABILÁNG-BUHAY
BANGKANG KABAONG
Ang bangka ay simbolo ng paglalakbay ng kaluluwa ng yumao patungo sa kabilang-buhay; itinuturing na tangka ng paglalakbay ng kaluluwa.
Ang namatay ay inililibing sa bangka, maaaring sa tabi ng kanyang bahay o sa silong nito.
Ang kabaong ay inihahalintulad sa bangka; sumasagisag sa paglalakbay patungo sa kabilang buhay, lalo na kung ang namatay ay mandirigmang namatay sa pangangayaw.
Paglalakbay ng Kaluluwa: ang paglilibing sa bangka ay nagpapakita ng paniniwala na ang kaluluwa ng yumao ay maglalakbay patungo sa kabilang buhay.
Paglalagay ng Alipin sa Libing (laraw)
Karaniwang isinasama, o pinapatay kasama ng datu, ang mga tapat na alipin upang magsilbing tagapaglingkod ng datu sa kabilang buhay.
Konsepto ng Abay
Ang salitang abay ay tumutukoy sa mga kasamang inilibing na nanatili sa piling ng yumao hanggang kabilang buhay, tulad ng mga patron o gabay sa kaluluwa matapos dumating ang Kristiyanismo.
Pagkakatulad ng Bangka at Kabaong
May pagkakatulad ang materyales at paraan ng paggawa sa kabaong at bangka, na parehong may layuning magsilbing sasakyan ng yumao sa kanyang susunod na paglalakbay.
III. KATUTUBO AT TRADISYONAL NA PAMAMARAAN NG PAGPAPAPAGALING AT KAGALINGAN
MGA KATUTUBONG HALAMANG-GAMOT AT PAMAMARAAN
BAYLAN
Isang espiritwal na lider at manggagamot na tagapamagitan sa mga tao at mga diwata o espiritu.
Gumagawa ng mga ritwal para sa panggagamot, pagpapaalis ng masamang espiritu, at pagbibigay ng proteksyon gamit ang mga dasal, agimat, at anting-anting.
Kadalasang babae o mga malalamyang lalaki ang mga baylan.
Halimbawa ng kanilang gawain: paggamit ng mga orasyon o dasal, paghilot, pagtatawas, at ritwal ng pagsantigwar na gumagamit ng kandila, plato, at langis upang malaman at maalis ang mga dahilan ng karamdaman.
TUTHO
Ang salitang "tutho" ay mula sa wikang Cebuano at nangangahulugang "laway" o "buntot ng laway" (spit o saliva).
Sa kulturang Cebuano, may espesyal na kahulugan ito bilang isang tradisyonal na pamamaraan ng pagpapagaling kung saan inuubo o binubulong ang laway sa may sakit, kalakip ang mga panalangin o orasyon.
Bahagi ng indigenous na medisina ng mga mananambal sa Cebu para gamutin ang mga sakit tulad ng mga seizure, "nuka-nuka," at mga hire o sumpa ("buyag").
HILOT
Isang tradisyunal na masahe na ginagamit upang maibsan ang pananakit ng katawan, lalo na sa mga bali o pilay.
Isang pisikal na pamamaraan ng pagpapagaling na malawakang ginagamit sa Pilipinas.
Ang proseso ng Hilot ay kinabibilangan ng paghahalughog o paghilot ng manggagamot sa mga bahagi ng katawan na may problema upang matunton ang sanhi at maibalik ang balanse.
Halimbawa, ginagamit ito kasama ng bentosa, kung saan naglalagay ng baso na nilagyan ng apoy sa balat upang mabunutan ang mga dumi o masamang enerhiya mula sa katawan.
TAWAS
Isang pamamaraan na ginagamit upang tuklasin ang sanhi ng sakit sa pamamagitan ng paglalagay ng tawas (alum) sa katawan at pagmamasid sa mga pagbabago dito.
Ginagamit ito bilang diagnostic tool sa tradisyunal na medisina.
Ang Tawas ay bahagi ng panggagamot na may ritwal na pagtatawas para malaman ang sanhi ng karamdaman, pisikal, emosyonal, o mental.
PAUSOK
Ritwal kung saan pinapapasok ang usok ng mga halamang gamot sa paligid o sa katawan upang alisin ang masamang espiritu o sakit.
Ginagamit bilang panlinis at pampalakas ng espiritwal na kalusugan.
Usok mula sa halamang gamot o ibang sangkap na sinusunog ay bahagi ng ritwal o paggamot.
KAMANGYAN
Insenso na ginagamit sa ritwal o pagdarasal.
May mabangong usok na pinaniniwalaang nakalilinis ng enerhiya.
Sangkap o bahagi ng ritwal sa katutubong panggagamot na ginagamit upang magdulot ng kagalingan sa pamamagitan ng paglilinis ng masamang espiritu o enerhiya.
HALAMANG GAMOT
Mga katutubong halaman na ginagamit bilang gamot sa tradisyunal na pamamaraan ng pagpapagaling.
HALIMBAWA:
Sambong — gamot sa bato sa kidney
Ampalaya — ginagamit upang pababain ang blood sugar ng mga taong may diabetes
BawangPaniniwala at Pananampalataya