4th Quarter AP

4TH QUARTER

Unang Digmaang Pandaigdig

-ito ay tinatawag ding the great war

Mga pinakamahalagang puwersang nag tulak dito:

  1. NASYONALISMO

  2. KOMPETISYON SA EKONOMIYA

  3. SISTEMA NG ALYANSA

  4. PAG- UUNAHAN SA PAG GAWA NG MGA ARMAS


  • Nasyonalismo

    1. ang pagkakaisa ng Germany

    ang germany ay isa lamang geographic expression noong 19 century.

    sa pagkatalo ng austria kay napoleon bonaparte ang nagwakas sa holy roman empire.

MGA TAON:

noong 1816 itinatag ang confideration of the rhine, dito inorganisa ang mga german states.

noong 1815 naman, pinalitan ng german confideration ang confideration of the rhine, ang german confederation ay nilkha ng kongreso ng vienna.

ang german confederation ay binubuo ng 39 german states, ang pinakamalakas dito ay ang prussia at austria.

noong 1867 itinatag ang north german confederation kung saan hindi na kasama ang austria, namuno dito ang prussia.

nagsimula ang franco-prussian war noong 1870, ito ay para humikayat ang lahat ng german states na supportahan ang ipinaglalaban ng prussia. Ito ay nangyari dahil sa pangingialam ni bismarck sa telegram na tinatawag na EMS DISPATCH. fakenews spreader pala toh ee

natalo ang france at napilitang isuko ang Alsace-Lorraine sa prussia at pinagbaya din sila ng 5 bilyon francs as war indemnity.

naging kaiser o emperador si wilhelm the first noong 1871

ang Zollverein ay ang economic union ng lahat ng german states, parehas sila ng pera at mas napadali nito ang kalakalan ng mga states.

ang Baden, Württemberg, Hesse, Bavaria ay ang apat na german states na hindi naging kasapi ng german confederation. ayaw nila kase why not diba.

seven weeks war/ Austro-prussian war ang tawag sa labanan na nangyari sa pagitan ng austria at prussia noong 1866, nag laban sila dahil hindi nila alam kung sino ang mamumuno sa holstein at scheleswig.

Ito ay napalanunan ng prussia at nasakop nito ang dalawang german states sa hilaga, napilitang ibigay ng austria ang venice sa italy at ito ay hindi na maisasama mula sa german confederation.

mga tauhan:

Otto Von Bismarck: punong ministro ni Wilhelm I,siya ay isang strategist at statesman, siya rin ang nag bigay linaw sa pangitain at direksyon ng tadhana ng prussia. kumbaga, siya yung masasabi nating utak ng prussia.

nakumbinsi niya ang austria na sumali sa digmaan laban sa denmark para mapalaya ang dalawang german states sa hilaga, ito ang schleswig at holstein.

Wilhelm I: ang kauna-unahang emperador o kaiser ng imperyong germany

Isabella II: napatalsik sa trono noong spanish revolution. grabe, she gone in a blink of an eye

leopold of hohenzollern: pumalit kay isabella II sa trono.


  1. Pagkakaisa ng itlay yey

    katulad ng germany, ang italy ay watak watak din bago ang 1900’s

    ang italy ay nasa ilalim ng kontrol ng imperyong habsburg

    ang italian nationalism ay nasimulang mabuhay sa panahon ni napoleon

mga TAON:

noong 1815 ay muling napaghiwa-hiwalay ang italy sa maliliit na estado at nalagay sa kontrol ng austria maliban sa sardinia ng kongreso ng vienna.

noong 1820-1848 naman nangyari ang series ng pag aalsa ng italy laban sa austria dahil gusto na nilang kumawala dito, but sadly their power wasn’t enough to bring austria down. sad

Giuseppe Mazzini: “soul of italian unification” pinuno ng RISORGIMENTO/ RESURRECTION. Isa sa mga nagtatag ng young italy: isang organisasyong masigasig na nagsikap para sa liberasyon in italy.

Count Camillo Cavour: “brain of italian unification” ang punong minsitro ng sardinia under ni Victor Emmanuel II. isinali nya ang sardinia sa crimean war ng 1854 bilang kakampi ni great britain at ng france laban sa russia, and noong 1859 nakuha ng sardinia ang tulong ng france sa laban nito sa austria at natalo nila ito, nakuha ng sardinia ang lombardy.

dahil sa mga ginawa nina cavour at mazzini ay lumakas pa lalo ang italian unification, napabagsak ng mga tao sa modena, parma, at tuscany ang kanilang mga austrian rulers

ang Savoy at Nice ay ibinigay kay napoleon III para maiwasan itong mangialam sa italy.

Giuseppe Garibaldi: “sword of italian unification” binuo ang red shirts, isang hukbo na ginawa ni garibaldi at sinakop nila ang kaharian ng dalawang sicily. isinuko niya nag naples and sicily kay victor emmanuel II


1866: sumali ang italy sa prussia laban sa austria sa seven weeks war (austro-prussian war), at bilang gantimpala ay nakuha ni italy ang venice

1870: sinakop ng italy ang rome at ang iba pang papal states


  1. Imperyong habsburg

noong ika-18 dantaon, kontrolado ng imperyong habsburg ang malawak na teritoryo na kinabibilangan ng austria, hungary, bohemia, hilagang italy, spain, at karamihan ng german states.

ang imepryong ito ay pinamamahalaanan ang isang multiethnic population

multiethnic population: isang population na may iba’t ibang lahi.

ang mga Magyar ang pinakamalakas dito, sinundan ng mga italian at panghuli ang mga slav.

nasa kamay ng mga german-speaker na minoridad ang political power dahil ito ay kumakatawan sa 1/6 ng populasyon.

1867 : pumayag ang imperyong habsburg na itatag ang dual monarchy austria-hungary para mapatahimik ang mga magyar

ang ibig sabihin ng dual monarchy ay may dalawang magkahiwalay na kaharian under the same monarch

dahil dito, nanahimik ang mga magyar pero nagalit naman ang mga slav at dahil dyan nabuo ang tinatawag nating panslavism: ang pagkakaisa ng mga slav people.

russia: “BIG SLAV BROTHER” dahil sa pagsisikap nilang ipagtanggol ang mga karapatan at interest ng mga slav sa buong europe.


  1. imperyong ottoman

    noong ika-13 hanggang ika- 14 dantaon naitatag ang imperyong ottoman turks sa anatolia.


    1453: nasakop ang constantinople at ginawa nila itong capital ng imperyo, after that nagpatuloy silang sakupin ang byzantine empire.

    pinalitan ng istanbul ang pangalan ng constantinople.


    umabot ang kapangyarihan ng imperyong ottoman hanggang sa balkan peninsula at sa fertile crescent.

    ika-19 dantaon: nagsimulang humina ang imperyong ottoman at tinagurian itong “the sick man of europe.”

1821-1829: nakipaglaban ang greece para makamtan ang kasarinlan nito mula sa ottoman empire.

1815: nabigyan ng awtonimiya ang serbia

1878: naging malaya si serbia mula sa ottoman empire, sa taong ding ito naging malaya si romania, at naging autonomous si bulgaria sa taong ito.

1859: naging autonomous ang romania

1908: naging malaya si bulgaria

1912: napaalis ang mga turks sa balkan peninsula liban sa istanbul, sa taong ring ito ay naging malaya ang albania.


  1. imperyong russia

noong ika-17 dantaon, ang russia ay pinamumunuan ng dinastiyang romanov na nagtatag ng absolute empire.

Peter the great: naglatag ng pundasyon ng westernization ng russia. pinalakas niya ang ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagpapagawa ng mga kalsada at kanal at pinalawak ang teritoryo nito. nakipaglaban din ito sa sweden para magkaroon ito ng daan patungong dagat, at nakuha niya ang teritoryo sa baltic. ginawa niya ang kaniyang sarili bilang pinuno ng russian orthodox chruch.

Catherine the great: napalaki niya pa lalo ang teritory ng russia sa pamamagitan ng pakikibahagi sa pagkahati-hati ng poland noong 1772, 1793, at 1793. tinalo niya rin ang mga turk at nakuha ang teritoryo sa black sea. ang pag kontrol sa kipot ng dardanelles at bosporus ang naging prayoridad ng russia dahil ito ay nagbigay sa kanila ng daan papunta sa mediterranean sea.

ang balkan peninsula ang lower part ng europe

1854-1856: crimean war, nag simula ang war na ito noong nakapasok na sa balkan peninsula ang russia at nag tapos ito dahil sa peace of paris, ayon dito hindi pinahihintulutan ang russia na magtatag ng protectorate na imperyo ng ottoman.

1877: russo-turkish war, dahilan: pansalvism, ang nagtapos: tatrado ng san stefano (1878) ayon dito binigyan ng karapataan ang russia na sakupin ang bulgaria sa loob ng 2 taon.

1878: isinailalim ang russia sa isang internation congress, ang kongreso ng berlin na pinamunuan ni bismarck ay dinaluhan ni turkey, austria-hungary, great britain, france, italy, at germany. gumawa sila ng bagong tatrado na apalit sa tatrado ng san stefano at walang nakuha ritoang russia.

nakuha ng greece ang thessaly

nakuha ng great britain ang cyprus

nakuha ng austria ang herzegovina at bosnia

ang bulgaria ay naging autonomous

1879: binuo ng germay at austria-hungary ang dual alliance.


warm water port: isang mahalagang impormasyon na dapat tandaan.