4TH-FIL-REV.docx

Aralin 1: Pamagat ng Bawat Kabanata

Kabanata 1: Suliranin at Salignan ng Pag-aaral

Kabanata 2: Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Kabanata 3: Pamamaraan

Kabanata 4: Paglalahad at Pagsusuri ng Datos

Kabanata 5: Paglalagom ng mga Natuklasan, Konklusyon, at Rekomendasyon

Aralin 2: Katangian ng Pananaliksik

  1. Obhetibo at Lohikal - pangangalap at paglalahad ng mga datos at impormasyon ay hindi nababahiran ng opinyon o kuro-kurong pinapanigan, ngunit nakabatay ito sa mga datos at impormasyong maingat na sinaliksik, kinalap, tinaya at sinuri.
  2. Sistematiko - sumusunod sa lohikal na mga hakbang o proseso tungo sa pagpapatunay ng isang kongklusyong obhetibo at lohikal na nabuo bunga ng masusing pag-aaral.
  3. Kontrolado - upang matiyak na ang proseso at resulta ay mananatiling wasto.
  4. Empirikal - pananaliksik ay batay sa mga naranasan at/o naobserbahan ng mananaliksik o/at ng mga sinaliksik kung kaya naman ang mga datos at impormasyong ginamit, maging ang kongkluson, ay batay rin sa mga ito.
  5. Analitikal - ang mga datos at impormasyong nakalap ay masusing sinuri at hinimay upang obhetibong maintindihan ang mga kahulugan
  6. Orihinal - wala o kaunti pa lang ang nasasaliksik tungkol sa isang paksa.
  7. Napapanahon o maiuugnay sa kasalukuyan - nakabatay sa kasalukuyang panahon, nakasasagot sa suliraning kaugnay ng kasalukuyan, at ang kalalabasan ay maaaring maging batayan sa desisyong pangkasalukuyan
  8. Dumaan sa mahigpit, masusi, at maingat na pagsusuri - ang paghanap sa katotohanan ang pangunahing layunin ng pananaliksik, ang masusi at mapanuring pag-iimbestiga ay mahalaga upang makatiyak na ang kongklusyong narating ay wasto o tumpak.
  9. Wasto at napatutunayan - inaasahang ang mga resulta at konklusyon ay wasto at mapatutunayan sapagkat ang pananaliksik ay dumaan sa tamang proseso.
  10. Masinop, Malinis, at Tumutugon sa Pamantayan - nararapat sumunod sa mga pamantayang inilahad at kakikitaan ng pagiging masinop at malinis sa kabuoan.
  11. Dokumentado - lahat ng mga ginamit na sanggunian, mga nalikim na mga impormasyon at datos ay maayos at organisadong naitala.
  12. Etikal - mahalagang katangian ng isang pananaliksik ang pagrespeto at karapatan ng tao, sa mga bagay na may buhay, at sa kapaligiran.

­­­­­

Aralin 3: Mga Katangian ng Isang Mananaliksik

  1. Matiyaga sa paghahanap ng mga datos mula sa ibang mapagkukunan ng sandigan.
  2. Mapamaraan sa pagkuha ng mga datos na mahirap kunin
  3. Maingat sa pagpili ng mga datos batay sa katotohanan at sa kredibilidad ng pinagkukunan; sa pagtitiyak sa lahat ng panig ng pagsisiyasat; at sa pagbibigay ng mga kongklusyon,interpretasyon, komento, at rekomendasyon.
  4. Analitikal sa mga datos at interpretasyon ng iba tungkol sa paksa at mga kaugnay nito.
  5. Kritikal sa pagbibigay ng interpretasyon, kongklusyon, at rekomendasyon sa paksa.
  6. Matapat sa pagsasabing may nagawa nang pag-aaral ukol sa paksang pinag-aralan; sa pagkuha ng mga datos nang walang itinatago, iniiwasan, ipinagkakaila, nang walang pagkilala at permiso kaninuman; at sa pagtanggap sa limitasyon ng pananaliksik.
  7. Responsable sa paggamit ng mga nakuhang datos, sa mga tao o institusyong pinagkunan ng mga ito at pagtiyak na maayos at mahusay ang mabubuong pananaliksik mula sa format hanggang sa nilalaman at sa prosesong pagdadaanan.

Aralin 4: Etikal ng Mananaliksik

Kategorya:

  1. Karapatan
  2. Hustisya
  3. Interes
  4. Pagkalinga
  5. Non-Maleficence - siguruhing maprotektahan ang mga kalahok mula sa anumang uri ng pisikal, mental, o sikolohikal na pinsala.

  1. Beneficence - pagkilos alang-alang sa kapakanan ng iba.
  2. Autonomy o self-determination - pagrespeto sa mga pagpapahalaga at desisyon ng mga nakikibahagi sa pananaliksik.
  3. Hustisya - marapat na lahat ng tao ay tratuhin nang pantay-pantay.

Aralin 5: Research Aims/Hangarin o Pakay

Research Aim - malawak na pahayag ng intensyon at aspirasyon; pangkalahatang tunguhin o overall goal na nais mong makamit.

Aralin 6: Layunin ng Pananaliksik

Tungkol sa research aim - kailangang ang mga layunin ay may kinalaman sa research aim.

Abot-kamay - ang layunin ay dapat na makatotohanan at kaya mong magawa nang mag-isa o sa tulong ng iyong mga kagrupo at/o ng mas nakatatanda at/o ng propesyunal.

Lohikal - ang pagkakasunod-sunod ng mga layuning nakasulat sa papel ng pananaliksik ay ayon sa una hanggang sa huling kailangang makamit tungo sa pagsasakatuparan ng research aim.

Espesipiko - ang mga layunin ay kailangang tiyak at malinaw ang isinsaad na hakbang na kailanhang magawa ng mananaliksik. Isulat nang direkta sa punto at hindi paligoy-ligoy.

Nasusukat - mahalagang matukoy kung paano malalaman na nakamit ang iyong layunin.

Oras - kailangan ang lahat ng mga layunin na isinulat ay nakasanayan na gawin at tapusin sa loob ng itinakdang oras.

Others:

Research topic o paksa ng pananaliksik - itto ang paksa ng pag-aaral ng ipinapanukalang pananaliksik at nagsisilbing sentral na ideya na nais matutuhan o magalugad (creswell, 2009) Constructs - ito ay malalawak na konsepto o paksa ng pag-aaral na maaring abstrak, hindi direktang naoobserbahan o komplikado.(Legett, 2011)

Variable - katangian, kondisyon, kaganapan, o gawi na maaaring takdaan ng iba’t ibang halaga na di bababa sa dalawa (Jackson, 2009 at Johnson at Christensen, 2014)

Constant - halaga or kategorya na maaaring itakda sa isang variable Hypothesis - isang prediksyon hinggil sa maaaring kalabasan ng isang pag-aaral kabilang na ang mga potensiyal na ugnayan sa pagitan ng dalawang variables o higit pa Teorya - isang organisadong sistema ng mga inaasahan at mga prinsipyo na nagsisikap na ipaliwanag ang mga tiyak na penomeno at kung paanong magkakaugnay ang mga ito

Populasyon - pangkat ng mga indibidwal o ng mga paksa ng pag-aaral na nagtataglay ng pare-parehong katangian.

Sample - ang bahagi ng populasyon na nais pag-aralan ng mananaliksik. Sampling - proseso ng pagkuha ng sample mula sa populasyon

Sampling frame - listahan ng lahat ng mga sampling unit mula sa populasyon.

Layunin sa Pagsasaliksik

  1. Maggalugad - pagnanais na makapulot ng kaalaman o matuto mula sa isang penomeno o pangyayari.
  2. Maglarawan - pagnanais na sistematiko at obhetibong mailarawan ang isang pangyayari o penomeno o mga katangian ng isang pangyayari.
  3. Magpaliwanag - pagnanais na magpakita ng mga dahilan kung paano at bakit nagaganap ang isang pangyayari o penomeno.
  4. Gumawa ng Ebalwasyon - pagnanais malaman ang pagiging epektibo ng isang produkto, programa, proseso, o polisiyang kasalukuyang umiiral.
  5. Sumubok ng Hypothesis (Hypothesis-Testing) - pagnanais na malaman ang relasyon ng mga pinag-aaralang variable sa isa’t isa sa pamamagitan ng makaagham na proseso at paggamit ng estadistika.
  6. Gumawa ng Prediction - pagnanais na malaman kung ano ang maaaring sumunod sa maganap sa isang pangyayari o penomeno sa isang maka-agham na paraan at gamit ang estadistika batay sa mga nakalap na datos.
  7. Makaimpluwensiya - pagnanais na gamitin ang isinasagawang pananaliksik upang makamit o maganap ang isang ninanasang pangyayari

Mga Uri ng Tekstong Impormatibo

  1. Paglalahad ng totoong pangyayari/kasaysayan - inilalahad ang mga totoong pangyayaring naganao sa isang panahon o pagkakataon.
  2. Pag-uulat pang-impormasyon - nakalahad ang mahahalagang kaalaman o impormasyon patungkol sa tao, hayop, iba pang bagay na nabubuhay at di nabubuhay, gayundin sa mga pangyayari sa paligid.
  3. Pagpapaliwanag - urii ng tekstong impormatibong nagbibigay-paliwanag kung paano o bakit naganap ang isang bagay o pangyayari..