uwu
GABAY SA PAG-AARAL SA ARALING PANLIPUNAN 10 IKAAPAT NA MARKAHAN
1. Ligal at Lumawak na Konsepto ng Pagkamamamayan
Ligal na Pananaw
Ang konsepto ng citizenship (pagkamamamayan) o ang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado ay maaaring iugat sa kasaysayan ng daigdig.
Tinatayang panahon ng kabihasnang Griyego nang umusbong ang konsepto ng citizen.
Ang kabihasnang Griyego ay binubuo ng mga lungsod-estado na tinatawag na polis.
Ito ay isang lipunan na binubuo ng mga taong may iisang pagkakakilanlan at iisang mithiin.
Ang polis ay binubuo ng mga citizen na limitado lamang sa kalalakihan.
Ang pagiging citizen ng Greece ay isang pribilehiyo kung saan may kalakip na mga karapatan at tungkulin.
Ayon kay Pericles, ang mga citizen ay inaasahan na makilahok sa mga gawain sa polis gaya ng paglahok sa mga pampublikong asembliya at paglilitis.
Ang isang citizen ay maaaring maging politiko, administrador, husgado, at sundalo.
Sa paglipas ng marami, maraming pagbabagong naganap ang concepto ng citizenship.
Ngayon, ang citizenship ay tinitingnan bilang isang ligal na kalagayan ng isang indibidwal sa isang nasyon-estado.
Ayon kay Murray Clark Havens (1981), ang citizenship ay ugnayan ng isang indibiduwal at ng estado.
Mga Karapatan at Tunguhin ng mga Mamamayan sa Pilipinas
Ayon sa Saligang-Batas ng Pilipinas, tinutukoy rito ang mga tungkulin at karapatan ng mga mamamayan.
Ito ang ikaapat na artikulo ng Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas tungkol sa pagkamamamayan:
ARTIKULO IV
SEKSYON 1
Ang sumusunod ay mamamayan ng Pilipinas:
Yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng saligang-batas na ito;
Yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas;
Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino at pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang;
Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
SEK. 2
Ang katutubong inianak na mamamayan ay yaong mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagsilang na hindi na kinakailangan pang kumuha ng anumang hakbang upang matamo ang kanilang pagkamamamayang Pilipino.
SEK. 3
Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo alinsunod sa itinatadhana ng batas.
SEK. 4
Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng mamamayan ng Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan, maliban kung sila ay ituturing, sa ilalim ng batas, na nagtakwil nito.
SEK. 5
Ang dalawahang katapatan ng mamamayan ay salungat sa kapakanang pambansa at dapat lapatan ng kaukulang batas.
2. Pagkalag ng Pagkamamamayan
Maaaring mawala ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal sa mga sumusunod na dahilan:
Kung siya ay sasailalim sa proseso ng naturalisasyon sa ibang bansa.
Ang panunumpa ng katapatan sa Saligang-Batas ng ibang bansa.
Tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag may digmaan.
Nawala na ang bisa ng naturalisasyon.
Lumawak na Pananaw ng Pagkamamamayan
Patuloy ang paglawak ng konsepto ng pagkamamamayan sa kasalukuyan.
Ngayon, ang pagkamamamayan ay tinitingnan hindi lamang bilang isang katayuan sa lipunan na isinasaysay ng estado, kundi bilang isang pagbubuklod ng mga tao para sa ikabubuti ng kanilang lipunan.
Ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal ay nakabatay sa pagtugon niya sa uusapan at paggamit ng kaniyang mga karapatan para sa kabutihang panlahat.
Ayon kay Yeban (2004), ang isang responsableng mamamayan ay inaasahang:
Makabayan, may pagmamahal sa kapuwa, may respeto sa karapatang pantao, may disiplina sa sarili, at may kritikal at malikhaing pag-iisip.
3. Ang Karapatang Pantao
Kahalagahan ng Karapatang Pantao
Ang karapatang pantao ay tumutukoy sa mga batayang nagbibigay sa isang tao ng proteksiyon laban sa pang-aabuso ng pamahalaan na labag sa itinakda ng Pandaigdigang Batas.
Ang terminong karapatang pantao ay nagpapahayag na hindi maaaring ihiwalay sa tao ang kanyang mga karapatan.
Saklaw nito ang mga karapatang sibil, politikal, ekonomikal, sosyal, at kultural.
Mga Uri ng Karapatang Pantao
Natural Rights:
Likas sa tao ang karapatang matamo ang kasiyahan sa buhay.
Ito ay dapat pangalagaan ng batas.
Constitutional/Legal Rights:
Nakapaloob sa Saligang Batas, hindi maaaring baguhin ng Kongreso.
Statutory Rights:
Itinatakda ng batas at kinikilala bilang mga karapatang sibil.
4. Universal Declaration of Human Rights (UDHR) at Bill of Rights
Universal Declaration of Human Rights (UDHR)
Mahalaga itong dokumento na naglalahad ng mga karapatang pantao.
Itinatag ang UN noong Oktubre 24, 1945 at nagkaroon ng adyenda na matiyak ang kaalaman at ipatupad ang mga karapatang pantao.
Ang UDHR ay tinanggap ng UN General Assembly noong Disyembre 10, 1948.
Naglalaman ito ng:
Preamble at Artikulo 1: Likas na karapatan ng lahat ng tao.
Mula Artikulo 3 hanggang 21: Karapatang sibil at politikal.
Artikulo 22 hanggang 27: Karapatang ekonomiko, sosyal, at kultural.
Artikulo 28 hanggang 30: Tungkulin ng tao na itaguyod ang mga karapatan ng ibang tao.
Bill of Rights ng Saligang Batas ng Pilipinas
Nakapaloob ito sa Artikulo III ng Saligang Batas.
Nagpapahayag ng mga karapatan ng bawat tao.
5. Mga Organisasyong Nagtataguyod sa Karapatang Pantao
Mahalaga ang papel ng mga organisasyong ito, kadalasang nagmula sa mga NGO.
Sila ay nagbibigay proteksiyon at tumutulong sa mga mamamayan upang itaguyod ang mga karapatang pantao.
6. Politikal na Pakikilahok
Ang kapangyarihan ng Estado ay nagmumula sa mga mamamayan.
Ang artikulo II, Seksyon 1 ng Saligang-Batas ng 1987 ang nagsasaad na:
"Ang Pilipinas ay isang Estadong republikano at demokratiko. . . "
Pagboto ang pangunahing karapatang politikal.
Kahalagahan ng pagboto:
Dito tayo nakakapili ng mga opisyales at may kapangyarihang magtakda ng kinabukasan ng bayan.
Ang paghahanap ng magandang opisyales at pagtiyak na tama ang mga itinaguyod na proyekto.
Mga Diskwalipikadong Bumoto:
Mga nasentensiyahan na makulong ng hindi bababa sa isang taon.
Mga nasentisyahan ng hukuman sa mga kasong rebelyon, sedisyon, etc.
Mga idineklarang baliw.
7. Paglahok sa Civil Society
Ang civil society ay binubuo ng mga mamamayan na nakikipag-ugnayan sa pamahalaan upang iparating ang pangangailangan ng sambayanan.
Makikita sa civil society ang mga NGO at People's Organizations (POs).
Ang pagkakaroon ng participatory governance ay isang mahalagang paraan upang makilahok ang mga mamamayan sa mga usaping politikal.
Mga Tunguhin ng NGO at PO:
Paglulunsad ng mga proyekto at pagsasanay.
Pakikipag-ugnayan sa pamahalaan para sa mga hinaing.
8. Participatory Governance
Ang participatory governance ay naglalayong maisama ang mga mamamayan sa pagbalangkas at pagpapatupad ng mga solusyon sa suliranin ng bayan.
Ipinapakita nito ang pagkilala sa mga tagumpay ng mga lokal na gobyerno sa tulong ng mga mamamayan, katulad ng sa
Porto Alegre, Brazil at Naga City, sa Pilipinas.